"SI ADEE NAKITA NYO? HINDI BA SIYA PUMASOK NGAYONG ARAW?" Tanong ni JV sa mga katrabaho ng bumalik ito sa department nila.
Si Joyce ang sumagot sa kanya. "Nandito siya kanina JV, pinatawag siya ni Manager Sevilla kanina. Ang tagal nga niya bumalik eh..."
"Bakit daw?"
"Ang narinig kong sabi ni Manager, may gustong kumausap sa kanya." Pacute pang ngumiti ito kay JV.
"Sino kaya iyon?" Tanong ni JV sa sarili. Pero sinagot pa rin siya ni Joyce.
"Baka pinapa forced resign na siya."
Tinignan ni JV ito ng masama.
Napangiwi si Joyce. "Nako, wag naman sana mangyari ‘yon! Ang sipag sipag ni Adee..."
Nilapitan ni Joyce si JV.
"Uhm JV, may lakad ka ba mamaya after work? Parang may maganda kasing movie na showing ngayon. Gusto ko sana manood kaso wala akong kasama."
Todo ang pagpapacute nito kay JV.
"Sorry Joyce, may kailangan akong asikasuhin mamaya. Iba na lang ang yayain mo"
Sabay alis ni JV. Umupo na ito sa table niya at nag umpisa na magtrabaho.
Asar na nakatingin si Joyce dito. "Nakakainis naman..."***
'SIYA NA BA ANG REYNA?'
"Kamahalan, nandito na po kami." Bati ni Vladimir sa matandang babaeng nakatayo sa bandang dulo ng kwarto.
Dahan dahan itong humarap sa kanila.
Nagbigay pugay si Vladimir dito sa pamamagitan ng pagyuko.
Hindi alam ni Adee kung anong dapat niyang gawin, kung magbibigay pugay din ba siya gaya ng ginawa ni Vladimir o mananatiling nakatayo at matigilan na parang estatwa.
Naglakad palapit sa kanila ang Reyna.
"Kamahalan. Kasama ko po si Princess Adee Sebastian." Pakilala ni Vladimir kay Adee sa Mahal na Reyna.
"Maari mo na kaming iwan Sir Vladimir." Sabi ng reyna sa mahinahong boses.
Yun lang at umalis na si Vladimir. Naiwan na lang si Adee at ang Reyna sa loob ng kwarto.
Kahit na ang laki laki ng kwartong iyon, parang pakiramdam ni Adee ay masikip ito para sa kanilang dalawa ng Reyna.
Umurong yata ang dila niya dahil hindi siya makapagsalita. Hindi niya alam kung paano niya babatiin ang Reyna, hindi niya alam kung anong mga salita ang pwede at hindi pwede niyang sabihin sa harap nito.
"M-Ma..." Walang nalabas na salita mula sa lalamunan ni Adee.
'Magandang umaga mahal na Reyna, bakit di ko masabi?! Baka mabastusan siya sa akin kapag hindi ko siya binati at baka papugutan niya ako ng ulo?'
"I'm happy to see you, Adee." matamis na ngiti ang ibinati sa kanya ng Reyna.
Kahit na may edad na ang Reyna, maganda pa rin ang kutis nito. Maayos pa rin ang tayo at ang paglakad niya. Ang ngiti niya parang pangteen-ager pa rin kaht na may bakas ng linya sa paligid ng kanyang mga labi, at ang pagsasalita niya at tono ng boses ay talagang kagalang galang.
"A-Ako rin po Kamahalan..."
"Halika Adee, maupo tayo."
Niyaya siya nito na umupo sa mahabang couch na nasa loob ng kwarto.
"Kamusta ka naman?" Ngumiti ulit sa kanya ang Reyna."Honestly, I don't know what to say... 20 years kang nawala... 20 years ka namin hinanap."
"Pero Kamahalan, hindi pa naman po tayo sigurado kung ako nga po yung Prinsesang hinahanap nyo... Sorry po ha? Pero sa tingin ko, maling tao po ang nakita ninyo. Imposibleng ako po iyon... Simpleng babae lang po ako. Wala po ako kahit isang katangian ng isang Prinsesa."
Kailangang maging straight to the point si Adee para mabilis ng matapos ang kaguluhang ito.
Bumuntong hininga ang Reyna. "Nasa iyo ba ngayon ang singsing, hija?"
"Ha? Opo." Hinanap ni Adee ang box ng singsing sa bag niya. At ng makita ay iniabot ito sa Reyna. "Ito po..."
Binuksan ng Reyna ang kahon at kinuha ang lumang singsing.
"Ang tagal kong hindi nakita ang singsing na ito, simula ng ibigay ito ng dating Hari sa iyong ama..."
Nagulat si Adee. "Kilala niyo ang tatay ko?..."
"Syempre naman. At kamukhang kamukha mo siya, Adee. Sandali lang ha, may ipapakita ako sayo..."
Tumayo ang Reyna at may kinuha sa bookshelf. Tsaka siya bumalik sa dating inuupuan.
"Tignan mo ito." Inabot niya ang isang photo album kay Adee.
Binuksan niya ang photo album at nagulat siya sa unang larawang nakita.
Nagtataka niyang tinignan ang Reyna.
"Si papa ang nasa picture na ‘to...""Ang nasa larawan na yan ay ang dating Hari ng bansa at ang iyong ama." Tinignan din ng Reyna ang picture. "Nagtrabaho ang father mo dati dito sa palasyo bilang Head of the Royal Guard ng Hari. Pero matalik na magkaibigan ang Mahal na Hari at ang father mo. Parang tunay na magkapatid ang turingan nila sa isa't isa."
"Ang Hari po bang ito ay ang ama ng Prinsipe ngayon? Pero nasaan na po siya?""Matagal na siyang pumanaw..." Seryosong sagot ni Reyna Helia.
"S-Sorry po..." tinignan ulit ni Adee yung mga picture sa photo album.
Puro iyon picture ng Royal family. Si Queen Helia, ang Hari, ang Reyna na asawa ng Hari at ang batang Prinsipe.
May ilang larawan na kasama ang tatay niya.
Sa mga larawan pa lang kita na malapit sa isa't isa ang Hari at ang kanyang ama.
Sa dulong pahina ng photo album, isang black and white na larawan lang ang nandoon. At nagulat muli si Adee sa nakita. Isang pamilyar na mukha ng matandang lalaki.
"S-Sino po siya? B-Bakit may larawan siya dito?..."
Nagtaka ang Reyna sa reaksyon ni Adee kaya tinignan din niya ang larawang tinitignan ni Adee."Siya ang unang hari ng bansa... Bakit? May problema ba?"
"Nakita ko na po siya sa panaginip ko, pero ang totoo hindi ko alam kung panaginip nga lang ba ‘yon. Siya ang nagbigay ng singsing na ito sa akin." Tinitigan ulit ni Adee ang larawan ng matanda."Opo, siya nga ito. Hindi ako pwedeng magkamali. Binigay niya po sa akin ang singsing at sinabi niya na babaguhin nito ang buhay ko."
Ngumiti si Queen Helia. "Nagpakita rin siya sa akin sa panaginip ko noon… At iyon din ang sinabi niya"
"Ano po?""Bago ako maging 'Crowned Princess', binigay niya rin sa akin ang basbas niya... Sa pamamagitan ng panaginip." Inabot niya ang kamay ni Adee. "Kaya walang duda, Adee... Ikaw ang matagal na naming hinahanap na 'Crowned Princess'"
Hindi alam ni Adee kung anong sasabihin niya. Hindi pa rin siya makapaniwala sa lahat ng nangyayari, totoo ngang babaguhin ng singsing na iyon ang takbo ng buhay niya."Pwede ba kitang mayakap...Princess Adee?"
Isang simpleng tango ang itinugon ni Adee sa Reyna. Dahil hanggang sa mga sandaling iyon hindi pa rin makumbinsi ni Adee ang sarili niya na hindi nga panaginip ang lahat ng nangyayari. Gusto niya kurutin ang sarili niya pero hindi niya magawa iyon sa harap ng reyna.Nginitian siya ng Reyna at tsaka siya nito niyakap ng mahigpit.Ramdam ni Adee sa mga yakap ni Queen Helia ang kasabikan sa kanya. Matagal siya nitong hindi nakita at nakasama. Labis labis marahil ang pagaalala nito para sa kanya.
Naluha si Adee sa pagkakayakap ng Reyna sa kanya. Naalala niya ang nanay niya na nasa probinsya at ang ama niyang matagal ng wala.
Nangulila siya sa pakiramdam ng may pamilya. Yung may tunay na kakampi.
Pinakawalan na siya ng Reyna.
"Di magtatagal magkikita na rin kayo ng Crowned Prince."
"Pwede ko po bang malaman ang pangalan ng Mahal na Prinsipe?..."
"Ang pangalan ng Prinsipeng mapapangasawa mo Adee ay Robin. Robin Ongpauco." Masayang sagot ng Reyna.
"Ano pong itsura niya? Uhm, M-Mabait po ba siya?..." Tanong muli ni Adee sa Reyna.
Pilit na ngiti ang isinagot nito sa kanya. "Gusto mo na ba siyang makita Adee?.."
"Sa totoo lang po, parang ayaw ko siya makilala... Baka kasi hindi niya gusto ang makasal sa akin."
"Hindi lang siya ang may karapatan magdesisyon sa bagay na ‘to...Maaaring di mo rin siya magustuhan. Pero ito ang nakatadhana, Adee. Kayo ang itinadhana..."
***
"ADEE! SAAN KA NANGGALING?! Ilang oras ka rin nawala?" Bati ni JV kay Adee ng makita niya itong umupo sa lamesa nito.
Nakabalik na si Adee sa opisina, hinatid siya ulit ni Sir Vladimir. Walang pwedeng makaalam ng mga bagay tungkol sa kanya. Kaya kahit kay JV na matalik niyang kaibigan ay di niya maaaring pagsabihan. Sa tamang panahon siguro.
"Uhm... May inutos lang sa akin si Manager Sevilla, may pinapuntahan siya sakin eh. Pasensiya na medyo natagalan." Nginitian ni Adee si JV para hindi mahalata nito ang malalim niyang iniisip.
Nilapitan ni Adee si Joyce. "Uhm, Joyce, pasensya na di ko nagawa yung inutos mo sa akin kanina..."Inirapan lang siya ni Joyce tsaka ito bumalik sa ginagawa.
Bumalik na rin siya sa table niya para umpisahan na ulit ang naiwang mga trabaho. Pero hindi pa rin mawala sa isip niya ang mga usapan nila ng Reyna.
---
“Kung gusto mo hija, dito ka na sa palasyo tumira? Para lagi na tayong magkasama at para na rin maproteksyonan ka. Maghahire ako ng karagdagang mga bodyguard, pati na rin personal assistants mo at driver. Gusto kong bumawi sayo Adee.”
Nakain ng tanghalian sila Adee at si Reyna Helia. Mahaba ang dining table ng palasyo tulad na lang sa mga dining table ng mayayaman na nakikita at napanuod ni Adee sa tv at magazine.
Halos mabilaukan si Adee sa sinabi ng Reyna.
“Ah, Kamahalan... hindi niyo na po kailangang gawin ‘yon. Ayos lang po ako sa pamumuhay ko. Hangga't wala pong nakakalam ng tungkol dito, sa tingin ko naman po walang magiging problema.”“Pero Adee... Ikaw ang mapapangasawa ng Prinsipe kailangan na matiyak ko ang kaligatasan mo.”Tahimik lang si Adee. Ayaw niyang mangatwiran sa Reyna. Pero sa totoo, ang gusto niya ay mamuhay lang ng simple. Kasama ang mga kaibigan niya na lagi niyang kakampi.
Bumuntong hininga si Queen Helia. “Ok Adee, For a while, hahayaan kita sa gusto mo. Pero kapag dumating ang oras na kailangan mo na gawin ang responsibilidad mo bilang 'Crowned Princess' hindi ka na maaring tumanggi.”
“Opo”
---
'Alam kong hindi madali ang responsibilidad ng isang Reyna. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba iyon. Baka mapahiya lang sa akin si Queen Helia at ang Prinsipe. Paano ba ako napunta sa ganitong sitwasyon? At ang Prinsipe... Ano kayang magiging reaksyon niya kapag nakita niya ako? Tanggap na kaya niya na ikakasal siya sa taong hindi niya pa nakilala? Ano bang gagawin ko?'
"Adee, ayos ka lang ba?"
Napatingin si Adee sa nagsalita, si JV iyon.
"H-Ha?!"
"Sabi ko kung ayos ka lang ba? Parang ang lalim niyang iniisip mo? Ito oh, inumin mo muna ‘to." Inabot ni JV kay Adee ang isang bote ng mineral water.
"Salamat JV."
Ininom naman ni Adee ang tubig na binigay sa kanya ni JV.
"Saan ka pinapunta ni Manager?" Tanong ni JV.
"Ha? Sa... Pinapunta niya ako sa isang kliyente, may pinabigay lang..." palusot ni Adee. Pinagpawisan siya. Hindi niya alam kung lulusot yung sinabi niyang dahilan.
"Bakit sayo inutos? May messenger naman ah?" Usisa pa ni JV.
"G-Gusto kasi ni Manager, ako yung magpaliwanag sa kliyente nung mga maliliit na detalye. Sandali lang JV ha? Nakalimutan ko, may kailangan pa akong gawin..."
Nagpaalam na si Adee kay JV at lumabas siya ng department. Napaisip si JV sa mga sinabi ni Adee.
***
Isang itim na limousine ang pumasok sa gate ng palasyo. Huminto ito sa hagdan papasok ng mansyon.
Isang lalaki ang nagbukas ng isang pinto ng kotse.
Mula sa Limousine ay bumaba ang isang gwapo at makisig na binata. Maganda ang suot niya at malakas ang dating nito.
Tinanggal ng binata ang suot na salamin at tsaka pumasok sa loob ng palasyo.
"Maligayang pagbabalik, Kamahalan." Bati ng mga katulong na nakapila sa pasukan ng bahay.
"Sabihin nyo sa Mahal na Reyna na nagbalik na ako!" Utos ng Prinsipe.
Naupo ito sa couch na nasa isang parte ng palasyo. Ipinatong ang paa sa lamesa sa harapan nito at may i-dinial sa cellphone.
"Hello, Jaime, I just got home. Ikaw?"
Pinakinggan niya ang sagot ng kausap bago uli nagsalita.
"Yeah! I really loved the place. Parang gusto kong isama doon si Yumi-chan..."
Hindi niya namalayang dumating na ang Reyna.
"Pagbalik niya dito, isasama ko siya sa lugar na yon... Ok Jaime, nandito na ang lola ko, I'll talk to you later."
Yun lang at binaba na ng binata ang telepono.
"Hi, Grandmother." Masayang bati ng Prinsipe.
"Robin, there's something that I have to tell you..." Seryoso naman si Reyna Helia.
Hindi pinansin ni Robin ang seryosong ekspresyon ng lola niya.
"Hindi niyo man lang ba muna ako kakamustahin? Almost one week din akong nawala!" Tumawa pa ito.
"Nakikita ko naman na ayos ka, kaya di ko na kailangan pang magtanong kung kamusta ka. Doon tayo sa taas magusap."
Nauna nang umalis ang Reyna. Padabog naman itong sinundan ni Robin.
Pagpasok ng kwarto ay seryoso ulit na tinignan ng Reyna si Robin.
"Prince Robin, natagpuan na ang Crowned Princess…”
Nagulat si Robin sa narinig, hindi niya inaasahan na ito ang sasabihin ng Reyna. Anim na araw lang siya nawala at ngayon nakita na ang babaeng mapapangasawa niya.
At para kay robin, hindi ito magandang balita.
"Ano?!" Gulat pa ring nakatitig si Robin kay Reyna Helia.
To Be Continued>>>MAGANDA ANG SINAG NG ARAW, MAALIWALAS ANG PALIGID. Maagang gumising si Adee para pumasok sa trabaho. Paalis na si Adee, ngunit nagulat siya sa taong bumungad sa kanya pagkabukas ng pintuan. Si Sir Vladimir. "Magandang umaga, Kamahalan." "Ano pong ginagawa niyo dito?" Hindi pa rin naalis ang pagkagulat sa mukha ni Adee. "Pinapunta ako ng Mahal na Reyna para sunduin kayo." "Pero papasok pa po ako sa opisina. Hindi ako pwede umabsent ngayon." Ngumiti si Vladimir kay Adee. "Wag kayo mag-alala. Nagpaalam na ako kay Mr. Sevilla. Halina kayo Mahal na Prinsesa, naghihintay ang mahal na Reyna." Napakagat labi na lang si Adee. Wala naman siyang magagawa kundi ang sumama, lalo na at utos iyon ng Reyna. Pero sa totoo lang ay ayaw niya pumunta muli sa palasyo. Pakiramdam niya ay hindi siya bagay doon. Sumakay siya sa itim na kotseng sinakyan din niya noong unang beses siyang magpunta sa palasyo. Hindi maipinta ang mukha ni Adee. Wala siyang maisip na dahilan kung bakit maaga siyang pina
"OH BRO! KAMUSTA? EMERGENCY BA?!"Bati ni Jaime kay Robin ng magkita sila sa lagi nilang tinatambayan na coffee shop.Si Jaime ang matalik na kaibigan ni Robin. Mayaman din ang pamilya nito na kilala sa field ng business and law.Umorder na sila ng maiinom at makakain at saka naupo sa bakanteng pwesto."Kapag magkasalubong yang kilay mo at lalo pang naniningkit yang mga mata mo, I could tell that there's definitely something wrong." Komento ni Jaime na may halong pang-aasar sa tono.Naglabas si Robin ng kahon ng sigarilyo at nagsindi ng isa. Hindi niya pinansin yung sinabi ni Jaime at nag hithit-buga lang ng usok."Plus the cigarettes!" Dagdag pa ni Jaime na may malaki at mapang-asar na ngiti sa labi."Diba alam mo naman yung tungkol sa nawawalang 'Crowned Princess'?" Umpisa ni Robin habang nakatitig sa malayo."Yeah. Siya yung fiance mo na matagal ng hinahanap ng Mahal na Reyna–"Napatigil si Jaime sa pagsasalita ng dumating ang waiter at inilapag sa lamesa ang order nila. Nang umali
"ROBIN, BAKIT NGAYON KA LANG? SAAN KA GALING?"Pasado alas-dyes na ng gabi ng nakauwi si Prince Robin ng palasyo galing sa lakad nila ni Jaime. Mula sa Reynang nagsalita lumipat ang nakakatakot niyang tingin kay Adee na nasa bandang likuran ng Reyna.Simula sa gabing iyon ay sa palasyo na rin titira si Adee. At magsisimula sa gabing iyon ang nakakatakot niyang panaginip.Pinagpapawisan ng malamig si Adee sa matatalim na tingin ni Robin. Seryoso ang itsura nito at kahit hindi niya sabihin kitang kita sa mukha nito na hindi siya natutuwang makita ulit si Adee.Napaatras si Adee.'A-Ang mga tingin niya... nakakatakot...'"Nagkita kami ni Jaime. Nagkwentuhan lang." Malamyang sagot ni Robin sa Reyna."Alam mo namang ngayon ang paglipat ni Adee dito sa palasyo, sana sinamahan mo siya kunin ang mga gamit niya."Batid sa tono ng Reyna na pinipigilan nito na tuluyang magalit kay Prince Robin.Inismiran ni Robin ang Reyna. "What's the use? Nandyan naman si Sir Vladimir.""Ah...Ok lang po Mahal
"ROBIN, I UNDERSTAND THAT THIS SITUATION IS REALLY HARD FOR YOU, pero hindi mo maaring suwayin ang nais ng iyong ama. Before he died, making Adee your wife was the last wish he wanted you to do for him..."Sabi ni Queen Helia na may concern sa tono at sa mga mata niya. Hawak niya ang isang kamay ni Robin na nanginginig sa matinding emosyon na nararamdaman niya. May galit, inis sa sitwasyon, at lungkot sa puso niya.Magkatabi silang nakaupo sa kama ni Robin.Malinaw na malinaw pa rin sa isip ni Robin ang mga alaala ng kanyang Ama. Namatay ito ng walong taon pa lang siya. Isa itong magaling na Hari - Responsable, matalino, buo at malakas ang loob, outspoken, isang napakagaling na LEADER at higit sa lahat... mahal nito ang bansa at lahat ng mamamayan nitong. Iginagalang siya ng lahat, iniidulo at sinusuportahan siya ng mga tao sa lahat ng gawin niya.At tulad ng mga taong iyon, labis labis din ang pag
"ANONG GUMUGULO SA ISIP NIYO, KAMAHALAN?"Nag-aalalang tanong ni Lyka kay Adee habang naglalakad sila sa malaking mall. Kanina pa niya pinapanuod ang Prinsesa at kitang kita niya sa mukha nito ang lalim ng pag-iisip at pag-aalala.“Wala naman Lyka. Okay lang ako, wag kang mag-alala.” Sagot ni Adee kay Lyka. Ngumiti pa siya para lalo itong makumbinsi.Iniisip ni Adee na baka lalong maging masama ang tingin sa kanya ni Robin kapag ginamit niya ang perang hindi sa kanya sa pamimili ng sarili nyang gamit. Baka isipin ni Robin na isa siyang gold-digger at sinasamantala niya ang pagiging prinsesa niya at ang pagiging mabait sa kanya ng Reyna.Bumaling si Adee kay Vladimir, “Sir Vladimir, ayoko pong mamili ng mga para sa akin lang. Pwede ko rin po bang ipamili sila Queen Helia at si Robin?”Nag-isip sandali si Vladimir."Kung yan ang gusto nyo Kamahalan kayo ang masusunod."
‘Boyfriend?’"Ayy! Hindi po. Hindi po boyfriend... Actually, ahmmm...""Ah! Siguro para sa matalik nyong kaibigan? Sige po. Sa pagpili po ng relo, may mga bagay na dapat tayong iconsider. Like, yung lifestyle ng taong magsusuot." Paliwanag ng sales lady."Lifestyle?...""Uhm, into Business po ba yung tao? Sport Type po ba sya? Fashionista? Ganun po?"Nag-isip si Adee.Hindi niya alam ang lifestyle ni Robin dahil ilang beses pa lang naman sila nagkita at hindi pa sila nagkakausap ng masinsinan."Uhm... Honestly, di ko po alam kung anong lifestyle nya." Nahihiyang sagot ni Adee."Ay ganun po ba? Yung built po ng body niya? Kailangan din po yun para mapili natin ang tamang circumference ng face ng watch para sa kanya.""Uhm, matangkad po siya. Tama lang yung katawan niya, hindi siya mataba at hindi din masyadong mapayat."Tumango tango ang babae na wari'y naiimagine ang sinasabi ni Adee."Miss, ipili mo ako ng relo na magagamit niya kahit sa pinaka ordinaryong araw. Ang totoo kasi nyang,
DUMATING NA SA PALASYO sila Adee galing sa pamimili. Dala dala nila Vladimir at Lyka ang mga paper bag habang si Adee naman ay para bang nalungkot at nawala sa mood.'Don't over work yourself, may bukas pa'Paulit ulit niyang naririnig sa utak niya ang mga sinabing yon ni Robin. Sigurado ay iniisip nito na ginamit niya ang credit card ng lola niya sa pamimili ng mga gamit. At sigurado ay iniisip din nito na nagpapakasaya na siya maging prinsesa."Nakabalik ka na Adee!" Sinalubong sila ng Reyna. "Kamusta ang pamimili? Marami ka bang napili para sa iyo?""Nandito na po pala kayo, Mahal na Reyna... Sabi po sa akin ni Sir Vladimir may meeting kayo kanina." "Oo may meeting nga ako kanina pero lunch meeting lang iyon." Napatingin si Queen Helia sa labas. "Teka, where's Robin? Hindi ba sinamahan ka niya sa pagsha-shopping?""Po?" Agad siyang nag isip ng alibi. "Uhm, pinauna na po kami ni Robin bumalik ng palasyo kasi po... may importante siyang tawag na natanggap. Kaya po, ayun, kailangan
***SERYOSONG NANINIGARILYO SI ROBIN sa garden. Malayo ang tingin at malalim ang iniisip."Just in case na hindi ka aware, let me tell you… Hindi kita tinatanggap bilang fiance. At hindi rin kita itinuturing na parte ng pamilya! Nakakahiya sa mga kaibigan ko na may kakilala akong katulad mo?! Baka nakakalimutan mo?! Hindi ako ordinaryong tao, isa akong Prinsipe!"Was he too rude to Adee?Pero sinabi lang niya ang nasa isip nya.He don't like innocent-looking girls, malay ba niya kung umaarte lang ito para kaawaan? O para kampihan ng lola nya?Hindi niya alam.Ang gusto lang niya ay makaalis sa ganitong sitwasyon.Robin let go of a deep sigh."What are you doing here Robin?"Agad napalingon si Robin sa pinanggalingan ng boses. Ang lola nya pala iyon. Nilapitan siya nito."Gabing gabi na nag-s-smoke ka pa rin. Wouldn't you quit that?"Sabay abot ng Reyna sa hawak ni Robin na sigarilyo, itinapon ito sa lupa at tinapakan."I know why you're here grandma. Go ahead and scold me." Sarkastiko
HINDI MAPAKALI SI JV MULA SA PAGKAKAUPO NIYA, maya’t maya ang tayo at naglalakad lakad siya sa paligid ng kanyang lamesa.Alam niyang ngayon ang unang araw ng leave ni Adee at ngayon din ang alis ni Adee papuntang Palawan kasama ang Prinsipe.Kahapon ay paulit ulit ang pagpapaalala niya kay Adee na ingatan niya ang sarili niya. At paulit ulit ding sinasabi ni Adee na wala siyang dapat ipag-alala.Maya’t maya rin ang sulyap ni JV sa cellphone niya. Gusto niyang tawagan si Adee and at the same time, naghihintay siya ng tawag mula dito."Wala pa si Adee? Ang dami pa naman nitong ipapagawa ko sa kanya. This is the first time na nalate siya." Kausap ni Joyce ang sarili niya. "Ang alam ko Miss Joyce, nagleave si Adee." Sabat ng katabi niyang katrabaho.Nagulat pa si Joyce. "Oh for real?! Bakit naman siya biglaang nagleave? That's unusual huh?""Vacation leave, Miss Joyce.""Vacation leave?! For 5 years ngayon ko lang narinig na magbabakasyon si Adee! Wow?!""Wala ba siyang karapatan magba
"ADEE, I HEARD FROM MR. VLADIMIR. Bakit hindi ka nagpahatid sa kanya kanina?"Sabay-sabay nagdidinner sila Adee, Robin at Queen Helia. Halos mabilaukan si Adee sa tanong na iyon ng Reyna. Hindi niya inakala na sasabihin ni Vladimir sa Reyna ang tungkol sa nangyari nung umaga. Ang akala niya kasi ay itatago ito ni Vladimir at hahayaan siya nito na siya na mismo ang magsabi sa Reyna.Sinulyapan ni Adee si Robin, seryoso itong nakain."Uhm...Sorry po lola. Iniiwasan ko lang po kasi na may makakita sa akin na hinahatid at sinusundo ng magandang kotse. Kaya po… pinakiusapan ko si Sir Vladimir na wag na lang po niya muna ako ihatid sa trabaho." Malungkot ang ekspresyon ng mukha ni Adee. Nag-aalala siya na mamisunderstood ng reyna ang intensyon niya. Kahit na labis ang kanyang pag-aalala, sobra-sobra pa rin ang pasasalamat niya sa kabutihan ng Reyna."Why Adee? May nangyari b
"DO EVERYTHING YOU CAN TO STOP THE RUMOR ABOUT ADEE SEBASTIAN. And if you can trace, give me the name of the person who spread it out. As soon as possible. You know what I can do, Mr. Sevilla.""Opo, Sir."***"TARA NA PO SA SASAKYAN KAMAHALAN." Sinalubong ni Sir Vladimir si Adee na palabas na ng palasyo.Maganda ang araw at papasok na sa trabaho si Adee. Tinitigan niya si Vladimir at naalala niya ang nangyari sa opisina.Ayaw niyang lalo pang lumala ang problema, ayaw niyang may ibang taong madamay."Uhm... Sir Vladimir, kung pwede lang po wag niyo na lang po muna akong ihatid at sunduin sa trabaho." Nag-aalangan si Adee sa sasabihin niya. Ayaw niyang ma-misinterpret ni Vladimir ang gusto niyang sabihin. Pero hindi rin naman niya masabi ang totoong dahilan."Pero Mahal na Prinsesa, ito po ang utos ng Mahal na Reyna." Nagulat at nagtataka si Vladimir sa sinabi ni Adee."Alam ko po pero... please po. Kahit dalawang linggo lang.""Prinsesa, mahirap pong sundin ang gusto niyo. Baka may m
PUMASOK SI ADEE SA DEPARTMENT nila at dumiretso sa table niya. Nagulat siya at nandun pa ang iba nyang katrabaho.Nilapitan siya ni Joyce. "So, How's life Adee?""Ha? Okay naman. Bakit mo natanong Joyce?" Masayang sagot ni Adee.Lumingon si Joyce sa iba pa nilang kasamahan na may makahulugang ngiti."Ah... Masaya ka naman sa kanya?" Pabulong na nagpatuloy si Joyce. "Magkano binibigay niya sayo tuwing nagkikita kayo?"Nagsalubong ang kilay ni Adee, nagtataka. "Anong sinasabi mo Joyce?""Yung Sugar Daddy mo?!" "Ha?! Sugar daddy?! i Hindi ko alam kung anong sinasabi mo."Naasar si Joyce. "Oh! Cut the crap out Adee! You went out with an old man last night, and pinagshopping ka pa niya!"Nagulat si Adee. "Paano mo nalaman ang tungkol dun?""Adee?"Agad napalingon ang lahat sa lalaking nagsalita. Hindi nila namalayang pumasok si JV. Lumapit ito kela Adee at Joyce."Totoo ba ‘yon Adee? Kaya ba hindi ka nakasama sa akin kahapon?"Malungkot na tumango si Adee.Biglang sumabat si Joyce. "See?!