Nanatiling nakangisi sa akin si Liam habang mabagal na pino-proseso ng utak ko ang tanong niya.
“Ano? Anong bagay tayo?” Hindi ko mapigilang kabahan nang bahagya sa kaniyang tanong.
Matagal siyang tumitig sa akin. Sa hindi inaasahang pagkakataon, unang beses na tumibok nang ganito ang puso ko. Bakit parang kinakabahan ako?
Tumikhim ako at sinalubong ang kaniyang tingin. Ngumiti naman siya at nagkibit-balikat. I admit, minsan ay pakiramdam ko nagiging crush ko si Liam, lalo na noong mga bata pa kami. Pero hindi naman ako nakaramdam ng ganito. Hindi kaya…may sakit ako sa puso? O abnormal lang talaga ang tibok nito ngayon?
“Hindi ba, doon sa logic ng statement mo, parang sinasabi mo na maganda at guwapo ang bagay sa isa’t isa. Grabe ka, Leah. Paano na yung mga hindi gaanong nabiyayaan ng hitsura? Ibig sabihin hindi sila puwedeng mag-asawa o magkaroon ng partner na guwapo o maganda?”
Ha? Ano raw? Paano
Pagkarating ko sa tennis court, agad akong nagtaka dahil walang tao roon pero bukas ang ilaw sa palibot nito. Dahan-dahan akong naglakad hanggang makarating ako sa isang bench.Mayroong mga nakalapag na raketa roon at bola. May mga bottled water din na may bawas na. Nasaan ang mga tao rito? Mukhang kaaalis lang ng mga ito. Sa hindi kalayuan ay may taong nagwawalis.Naglakad ako palapit doon upang magtanong.“Ah, Manong. Maaari po bang magtanong?”Huminto ito sa kaniyang ginagawang paglilinis upang lingunin ako. Nakita ko ang bahagyang paglaki ng kaniyang mga mata. Mukhang nagulat yata ito nang makita ako.“Ano iyon, hija?”Ngumiti ako rito.“Wala na po ba ang mga naglalaro rito?”Inilibot niya naman ang kaniyang paningin sa paligid.“Narito lang sila kanina. Hindi ko napansin na umalis sila dahil marami akong nililinis sa likurang bahagi nitong court.”
Hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko ay huminto ang aking mundo nang makita kong magkalapat ang kanilang labi.“Leah!” Dinig kong pagtawag ni Leander sa pangalan ko.Naririnig ko ang ingay sa palagid ko, ang nakapagtataka lang ay kung bakit na-stuck ang katawan ko sa kinatatayuan ko. At ang aking tingin ay hindi ko maalis kina Liam at Maureen.“Leah!” Mas malapit na ngayon si Leander sa akin. Nang hawakan niya ang aking balikat ay saka ako nakagalaw.“Leah, what’s wrong?” kunot-noong tanong niya.Mukhang narinig ni Liam iyon kaya agad niyang hinawakan si Maureen sa magkabilang balikat nito at saka mabilis niyang inilayo ito sa kaniya. Nanatili ang kaniyang tingin sa akin habang inaalalayan si Maureen.“Bakit, Liam? Bakit? Hindi mo ba ako gusto?” tanong sa kaniya nang lasing na si Maureen.Hindi lang ako ang napatingin sa kanila, kundi pati si Leander.
“Aray, ang sakit ng ulo ko.” reklamo ni Maureen habang naglalakad patungo sa lamesa kung saan naroon kami.We’ve decided to eat in the restaurant near the beach. Dito sa beach kung saan may naganap na party kagabi. Kanina pa hila-hila ni Mr. Prieto ang kaniyang anak. Pinagalitan niya rin ito nang malaman niya na naglasing ito kagabi. Mr. Prieto thanked Liam for taking care of his daughter. At ganoon din kay Leander na nag-uwi kay Maureen sa hotel.Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Mayroong mga taong naka-uniporme na naglilibot sa paligid at nagpupulot ng mga kalat. Mayroon ding pinapatag ang mga buhangin na nawala sa posisyon. Mukhang napaglaruan ng mga tao kagabi.“I can’t believe na uminom ka na naman. Hindi ba napag-usapan na natin iyan?” Dinig ng lahat na pinagagalitan ni Mr. Prieto ang anak. Si Maureen naman ay panay ang irap sa kaniyang ama.“Why do you care, Dad? I’m old e
“Saan kayo nanggaling?” tanong ni Mr. Prieto nang makabalik kami ng restaurant. Naroon na kasi sila pagkarating namin. Pareho silang may kaniya-kaniyang pinagkakabalahan sa kanilang phone. Kung hindi pa nga kami tuluyang lumapit sa kanila, baka hindi pa nila kami napansin.Nagkatinginan naman kami ni Leander.“Sa bandang dulo ho, Engineer. Maganda kasi ang tanawin doon. Saka may mga rock formation,” paliwanag naman ni Leander.Tumango ang matanda. Si Liam naman ay tutok na tutok sa kaniyang phone. Hindi ko napigilang isipin kung gusto ko rin nga ba siya o baka nadala lang ako ng damdamin ko dahil sa nangyari sa amin noong nakaraang araw. Umupo ako sa tabi niya at pabirong sinilip ang ginagawa niya sa kaniyang phone. Kanina pa kasi siya nagtitipa. Mukhang mayroon siyang ka-text.Nagulat ako nang bigla niyang inilayo ang phone niya sa akin.“Privacy please,”nakangising sambit niya.I rolled my
“Alam mo, ewan ko sa’yo. Andami mong sinasabi.”Nang hindi siya tumigil sa pang-aasar ay pinaghahampas ko siya sa braso. Pero imbes na mainis siya sa akin, tumawa pa siya nang tumawa.“Why? Ayaw mong ikaw ang kinababaliwan ko, Leah?”Sumimangot ako.“Puwede ba tumigil ka na. Bumalik na lang tayo sa hotel. Gusto ko na talaga magpahinga.”He shook his head.“We’re not going back to the hotel.”Kumunot ang noo ko nang marinig ang sinabi niya. Hindi babalik sa hotel? Eh kung ganoon, saan kami pupunta? Tanghali na. Ang aga-aga pa naming gumising kanina. Inaantok pa ako. Tapos ngayon, sasabihin niya na hindi kami uuwi? Anong uri ng joke iyon?“Pupunta tayo ng Paoay. I’m going to show you something,” he said. Kumunot naman ang noo ko.“Paoay? Saan iyon?”Instead of answering my question, he just smiled.Medyo matagal din ang
“T-teka nga lang? Bakit ka nagmamadali?” tanong ko kay Liam pagkapasok namin sa loob ng kaniyang kuwarto. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang hitsura niya, kung bakit mukha siyang galit. Alam ko namang may mali ako sa parteng hindi ko siya na-replyan o nasagot man lang ang kaniyang tawag. Kasalanan ko dahil hindi ko chineck ang phone ko.Binitawan niya naman ako at pinaningkita ako ng mata.“Hindi mo alam kung gaano ako kinabahan, Leah. Sa susunod, i-check mo naman ang phone mo.”Bumuntong-hininga ako.“Kasama ko naman si Sir Leander.”Bumuntong-hininga rin siya at saka tumalikod. Hindi ko alam kung bakit ganito siya mag-react ngayon. Parang may something sa kaniya na hindi ko maintindihan.“Nag-alala ako, Leah,” pagod niyang sambit.Tumango ako.“Alam ko, kaya nga sorry. Hayaan mo, sa susunod ay palagi ko nang hahawakan ang phone ko.”Tuma
“Puwede ba naman iyon? Hindi puwedeng alam mo lang, dapat tinatanong mo nang direkta ang isang taong gusto mo. Para kahit paano ay malaman mo ang totoo.”Tipid siyang ngumiti.“Hindi na. Isa pa, hindi naman iyon mahalaga kung sabihin ko sa kaniya iyon o hindi. Ang importante sa akin, nakikita ko siyang masaya, kasama ng taong gusto niya.”Nanatili siyang nakatitig sa akin. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. May parte sa akin na gustong isipin na ako iyong tinutukoy niya. Posible kayang ako ang gusto niya?“Puwede ko bang malaman kung sino ang tinutukoy mo? I mean kung sino ang taong mahal mo. Gusto ko lang malaman.”He laughs.“Huwag na Leah—”“Ako ba ‘yon, Liam?” lakas-loob kong tanong sa kaniya.Kung anong pumasok sa isipan ko kung bakit iyon sinabi ay hindi ko alam. Pero sigurado akong pagkatapos na pagkatapos kong sambitin iyon sa kaniya
Alam kong narito sa Ilocos Norte si Julian dahil na rin sa nasabi na ito sa akin ni Felize. Pero hindi ko in-expect na rito ko sa siya makikita sa mismong bar kung saan ako niyaya ni Maureen. Kung kailan ako napahiya at kung kailan maraming tao ang tumatawa sa nangyari sa akin, saka pa siya darating.Nang makarating siya sa harapan ko ay inilahad niya agad ang kaniyang kamay sa aking harapan.“It’s nice to see you again, Leah Katarina.”Nanatili ang tingin ko sa kaniyang kamay na nasa harapan ko. What is he expecting? Gusto niya bang abutin ko iyon at sabihin kong masaya rin ako na makita siya?Nang maramdaman niyang wala akong planong tanggapin ay nakita ko ang kaniyang bahagyang pagngisi.“Namiss kita.”Narinig ko ang bulungan ng mga tao sa paligid nang marinig ang sinabi niya. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pang ilakas iyon. Para bang proud na proud siya na sabihin iyon sa akin.
Magkasabay kaming naglakad ni Liam patungo sa kusina. Tahimik lang siya habang naglalakad. Pagkapasok namin sa loob, agad na tumayo si Felize. “Kuya, gusto mo bang kumain?” alanganing tanong ni Felize sa kaniya. Kay Leander unang dumapo ang tingin ni Liam. He gave him a light nod before looking at my parents. Lumapit siya sa mga ito at nagmano sa mga magulang ko. Dumaan din siya sa likuran ng mga kapatid ko para tapikin ang mga balikat ng mga ito. “Kuya, kumain ka na ba? Sumabay ka na sa amin. May isa pang bakanteng upuan oh. Mukhang nakatadhana talaga para sa’yo.” Tipid na ngumiti si Liam sa mga kapatid ko at tumango. Marahan siyang naglakad patungo sa bakanteng upuan saka umupo rito. Nakasunod lang ang tingin ko sa kaniya, pinagmamasdan ang reaksiyon at galaw niya. Baka kasi napipilitan lang siya. “Mabuti naman at naisipan mo nang dumalaw rito, William,” sambit ni Mama sa kaniya. Simpleng ngiti lang ang isinagot ni Lia
“Kumusta ka?”Ngumiti ako sa unang tanong niya sa akin. Pagkatapos naming mamili, nagtungo kaming dalawa ni Felize sa isang malapit na fast food chain. I felt the awkwardness the moment we sat on the chair. Nang magkatinginan kami kanina ay sabay pa kaming umiwas nang tingin sa isa’t-isa. I thought she won’t speak at all. But here she is, asking me if how am I.“Sa tingin ko, okay naman ako.”Napansin ko ang pagtaas ng isang kilay niya sa sinabi ko. I knew she would react that way.“Leah, I…” she trailed off.Yumuko siya. Nararamdaman kong nag-aalangan pa siyang magsalita kaya hinintay ko siya. That’s what I’m good at. Waiting.“Leah, I want to say sorry for the things I’ve done to you in the past months. For not listening to you. For shoving you off. For not showing up whenever you’re at our house.”I keep on listening.&ld
“How are you feeling?” tanong ni Leander pagkatapos niya akong abutan ng isang basong tubig.Halos sabay lang kami nakauwi ng kaniyang condo. And as expected, maraming nakaabang na press sa labas ng building. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kanina. Sa totoo lang, takot ang nanaig sa akin. Wala akong ibang problema. Kung masira man ako sa tao, ayos lang iyon. Huwag lang sana madamay ang pamilya ko at ibang tao na malalapit sa akin.The moment the news come out, mabilis akong nagtungo sa bahay namin. Walang pasok ang mga kapatid ko noong araw na iyon, hindi rin pumunta ang mga magulang ko sa palengke para magtinda. Pagpasok ko sa loob ng bahay, mabilis akong sinalubong ng mga kapatid ko at yumakap sa akin. They know that the circulating wrong information on the internet could give me a huge backlash. Honestly, it doesn’t matter to me anymore. What I want to know if they’re mad at me. Natatakot ako na baka magalit sa akin ang mga
“Pinayagan ka niyang tawagin siyang Papa?” hindi makapaniwalang tanong ko kay Leander pagpasok namin sa kaniyang condo. Nilingon niya ako, tipid siyang ngumiti bago tumango nang marahan.“Paano mo iyon ginawa?”Nagkibit-balikat naman siya.“He asked me few questions. I answered him with all honesty. That’s it.”Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. I don’t believe him. Kilala ko si Papa. Hindi iyon ganoon. Bata pa lang ako, ang sabi niya sa akin, lahat ng lalaking manliligaw sa akin ay dadaan sa mahigpit niyang pagbubusi. Kaya nga si Liam lang ang nakapasa sa standards niya. Dahil si Liam ay matagal niya nang kilala.“Kidding aside. Tinanong niya kung may plano ba akong pakasalan ka at sinabi kong oo.”My eyes widened in his revelation. Lumapit ako sa kaniya at inis na hinampas siya sa balikat. Napa-aray naman siya. Mabilis siyang umatras palayo sa akin pero sinundan ko s
Matagal akong natulala sa sinabi ni Felize. Kung hindi pa lumapit sa akin si Mama para hawakan ang braso ko at tanungin kung ayos lang ba ako, ay hindi ako matatauhan.“Anak, totoo ba ‘yong narinig namin? Totoo bang hindi ka na tutuloy sa America?”Nang bumaling ako sa pintuan ng aking kuwarto ay nakita kong naroon si Papa at ang dalawa kong kapatid na nakatanaw sa akin mula sa labas.“Ma, puwede po bang mamaya ko na kayo kausapin? Uunahin ko lang po muna si Felize. Kung ayos lang po iyon sa inyo?” pakiusap ko sa kaniya.Nang makita kong tumango si Mama, mabilis akong naglakad palabas ng bahay. Hahabulin ko si Felize. Kakausapin ko siya at ipaiintindi ko sa kaniya ang lahat.Paglabas ko sa gate ng aming bakuran, tumakbo na ako patungo sa kaniya. Mabilis ang kaniyang mga hakbang.“Felize!” pagtawag ko sa kaniyang pangalan. Huminto siya sandali at bumaling sa akin.Nang makita niya
“Leah, hindi naman sa nangingialam ako sa mga desisyon mo, pero sigurado ka na ba sa mga gusto mong mangyari sa buhay mo? Nakausap mo na ba si Liam? Hindi ba parang masyado namang mabilis ang ginawa mong pag-ca-cancel sa plano niyo na magtrabaho sa America? Have you considered Kuya Liam’s reaction before you ended up with this decision?”Humugot ako ng malalim na hininga bago humarap kay Felize. Kasalukuyan akong nasa aking kuwarto, nag-aayos ng mga gamit ko. Kauuwi lang namin ni Leander galing sa El Nido. Mas napaaga kumpara sa plano naming mag-iisang linggo kami roon. Parang kahapon lang ay nakaharap namin ang kaniyang ama. Tapos ngayon, narito na ulit kami sa Metro Manila. Our decision going back to the city in no time happened last night. Halos hindi rin kaming nakatulog dalawa ni Leander dahil sa dami naming pinag-usapan. Tungkol sa pagiging CEO niya ng kumpanya na pag-aari ng kaniyang ama. At tungkol sa pag-alis ko papuntang America.
Kinabukasan nang magising ako ay agad kong napansing wala sa tabi ko si Leander. Hindi ko mawari sa aking sarili kung bakit ako nakaramdam ng kaba. Agad akong bumangon sa kama at nagtungo sa kitchenette pero wala siya roon. Wala rin siya sa shower room at lalong wala sa balcony.Ilang beses kong inikot ang buong suite pero wala talaga siya. Gustong-gusto ko nang lumabas sa suite para hanapin siya, pero bago ko ginawa iyon ay naghilamos muna ako at nagsipilyo. Nagpalit na rin ako ng damit. Mas conservative ang pananamit ko ngayon kaysa sa mga nakalipas na araw.I’m wearing one of his shirts and a denim tokong the reaches the middle of my knees.The first place that I went to is in the gym. Naisip ko, baka nag-g gym siya. Pero wala siya roon. The next place I went was the play area, still there is no sign of him being there. Bigla ko namang naalala ang Misto. Right. Maybe he is there, having chitchats with his cousin, Vin.Nasa bun
Isang marahang katok sa labas ng suite na tinutuluyan namin ang kumuha sa aming atensiyon. Nagkatinginan kami saglit ni Leander. Mayamaya ay bumuntong-hininga siya.“Sino ba itong istorbo?” naiinis na sambit niya. Tinawanan ko siya sa kaniyang reaksiyon. Normally, hindi talaga mainitin ang ulo niya. Pero ngayon, kitang-kita sa kaniyang hitsura na nainis siya.“Hey, love birds. It’s time to go outside of your nest and feel the beach air.”Nang marinig ko ang boses ni Vin ay agad akong napatayo sa kama at napatakbo patungo kay Leander. Sa likuran niya ako pumuwesto dahil wala akong suot na bra at the moment. I held Leander’s arm. Naramdaman ko naman ang pagharang niya sa akin. He’s covering my body so that Vin won’t see it.“So possessive,” pang-aasar nito sa kaniya. Inirapan niya naman ang kaniyang pinsan.“I’m just protecting my girl.”Vin nodde
Maganda ang buong kuwarto. Halos pinagsamang laki ito ng tatlong kuwarto namin sa bahay. Mayroong balcony sa labas. Nang magtungo ako sa banyo, nakita ko ang bathtub at ang shower room. Grabe, siguro yung gastos dito ni Leander ay kasing laki na ng tatlong buwan na trabaho ko.“Bakit naman ganito kalaking kuwarto ang kinuha mo? Dalawa lang naman tayo. Ang lawak ng espasyo, oh.”He smiled at me and put both of his hands on my shoulder.“Hindi ba sabi ko huwag mo nang problemahin kung magkano ang ibinayad ko rito. Bakasyon ito, Leah. Bakasyon natin. Mas gusto ko kampante ka. Gusto ko mae-enjoy mo ang paligid, kabilang ang kuwarto na tutuluyan natin.”“Kaya ganito kalaki ang kinuha mong kuwarto para makampante ako? Seryoso ka bas a sinasabi mo? You know I—”Napahinto ako sa pagsasalita nang halikan niya ako sa labi. Binigyan niya ako ng isang marahang halik bago mabilis na lumayo sa akin.