"Papunta na si Sandro rito para sunduin ka. Siya ang maghahatid sa'yo pauwi." malamig na tinig ni Nabrel nang hindi nag-aangat ng tingin sa akin. Bagsak lamang ang tingin niya sakaniyang plato habang nag-aalmusal kami kinaumagahan.
Ngumuso ako at tipid lamang na tumango. Suot ko na ang pulang sweaters ko na nilabhan ni Manang Minda. Kung baliw lang ako, nanakawin ko ang mga damit niya at dadalhin ko sa pag-uwi. There is something comforting about being able to get a whiff of his clothes. It's calming... comforting...
And aside from that, I rock his clothes more than I probably should.
Thank God the rain has stopped and the sun has already come out. The warm and vibrant light of the sun made its way inside the room through floor-to-ceiling windows.
Nagdala siya ng pagkain dito sa kwarto niya at sabay kaming kumain. Tahimik lamang kaming dalawa. Pasulyap-sulyap ako sakaniya habang hum
He raised his eyebrow at me. Bigla akong nailang sa pagtitig niya kaya kunwari ay hinawi ko ang buhok ko kasabay ng pag-iwas ng tingin.Damn..."Kumusta ka na?" His voice was calm.Mabilis na napabalik ang tingin ko sakaniya dahil inakala ko'y niloloko lang ako ng sarili kong pandinig. Nakatitig lamang siya sa akin.Umawang ang labi ko at ilang segundong nakipagtitigan sa berdeng mga mata niya.He pursed his lips and looked away. Tila ba hindi niya nagustuhan ang reaksyon ko. Doon ako tila nagising."Uhm... I-I'm good," wala sa sarili kong tugon. Tila naibulong ko lamang iyon sa hangin.Tipid na umangat ang sulok ng kaniyang labi. "Hindi kasi kita nakumusta noong nasa bahay kita... I mean..." Bahagya siyang natawa. Hinaplos niya ang kaniyang buhok."Wala naman masama, 'di ba? Na kumustahin ka?"
Pababa pa lamang ako ng hagdan nang maulinigan ko ang boses ni Sandro. Dinig kong kausap niya si Manang Fely at tila nakikipagbiruan dito. It was Saturday morning. Katatapos ko lang sa aking workout routine. Nakaligo na rin at handa nang tumulong sa paghahanda para sa tanghalian. I only have a whole week to enjoy before I go back to Manila."Oh, ayan. Tiyak na pupunta iyan dahil wala naman ginagawa rito," si Manang Fely nang makita ako.Sandro flashed his wide grin when our eyes met. I smiled back at him. Why is here? Again? Alagad ito ni Nabrel at natitiyak kong may pakay nanaman na kung ano."Ganda mo naman talaga, Ma'am," aniya pa na tila manghang-mangha. I can't help but roll my eyes at him. He scratched the back of his head."Nasa hardin po si Engineer," aniya na tila ba kailangan kong malaman iyon. Kinunotan ko siya ng noo. Hindi niya pinansin ang reaksyon ko at malawak pa rin ang n
I didn't get any answer from him. Patuloy lamang niyang masuyong hinahagod ang aking likod at buhok. He was planting a soft kisses on my hair from time to time."Nabrel..." pakiusap ko at mas lalong hinigpitan ang yakap sakaniya.I tiptoed and planted a swift kiss on his jaw. Isang malambing at marahan na halik.Nag-iwas siya ng tingin. Kitang-kita ko ang pag-igting ng kaniyang panga. Nang lingunin niya ako ay mapungay na ang mga mata niya. I was aware that my eyes were begging silently for something impossible. Alam kong kitang-kita niya iyon sa mga mata ko."Kailangan ko nang umalis," he whispered in a fragile voice.Bumagsak ang puso ko. Hindi ko man tanungin, alam kong hindi siya papayag na halikan siya tulad ng gusto ko.I bit my trembling lips before I slowly let him go. Lumunok ako at nag-iwas ng tingin. I wiped my tears a
Nang maalala kong posibleng narito pa si Devona, pumait lang ang sistema ko. Narito pa iyon. Sigurado ako. Baka nga nagka-kape na sa baba. Baka nga magkasama silang nagluto ng agahan. "Uuwi na nga 'ko. Hindi na ako kakain," determinado kong sinabi. Tamad na umikot ang mga mata niya na para bang pagod na siya sa kaartehan ko. Sumimangot ako at matalim siyang tinignan. "Bakit ka umiirap diyan? E, hindi na nga ako kakain. Ihatid mo na 'ko," tumayo upang ipakita sakaniyang handang-handa na akong kumilos. Pumikit siya at hinilot ang sentido. "Bakit ang tigas pa rin ng ulo mo?" aniya sa mahinang tono ngunit rinig na rinig ko. Pagod na ang mga mata niya nang tumingin sa akin. "Walang tao. Tayo lang ang nandito," titig na titig siya sa akin. Humakbang siya palapit habang salubong ang kilay.
Pakiramdam ko ay tumigil ang lahat. Umiling ako habang ang mga tuhod ko ay hinang-hina. I was struggling to find my own voice. The beat of my heart was suddenly so hard to portray in words."Anong sinasabi mo?" tulala lamang ako sakaniyang mukha. I don't even know if those words really escaped my lips.His forced laugh was filled with affliction. Basag ang kaniyang boses nang ilathala ang nararamdaman."Hinintay kita, Talianna. Naghintay ako ng dalawang taon sa loob ng kulungan. Kahit silip lang," umiling siya. His words came out through clenched teeth. Kitang-kita ko ang labis na poot sa kaniyang mga mata."Kahit silip man lang sana..."His eyes were already filled with tears. Habang ako'y hindi pa rin makagalaw sa aking kinatatayuan."Y-You're lying... no..." paulit-ulit ang pag-iling ko."Why are you lying
"What do you mean?" nanghihina kong untag. Sinubukan kong dumilat upang tignan siya ngunit napapapikit ulit ako sa kaniyang mga mumunting halik sa aking pisngi pababa sa panga."Mamarkahan kita bago kita ihatid sakaniya. Mamarkahan kita nang buong-buo,"Bumaba ang kaniyang mga labi sa aking leeg. The feeling of his hot breath gliding down my neck sent shivers down my spine. Napakapit ako sa balikat niya at tuluyang nanghina kahit nakaupo lamang. His breath tickled me as his lips brushing off my tender skin. It caused me to tremble against him.I ran my fingers through his messy hair. Nang mag-angat siya ng tingin mula sa aking leeg, doon ako nagkaroon ng tyansang halikan siya sa mga labi. Hindi lumipas ang isang segundo nang lumaban siya ng halik. Sabik na sabik. Walang pag-aalinlangan. Punung-puno ng pagmamahal."Let's go back to your house," bulong ko nang sandaling humiwalay siya
"Nag-enjoy ka ba sa ilang linggong pananatili mo rito?" malamig ang boses ni Davien. Iyon ang mga unang salitang sinambit niya mula nang mag-umpisa kaming kumain.Sandali akong nag-angat ng tingin sakaniya mula sa aking plato. Magkaharap kami habang kumakain. Tahimik lamang ako at natitiyak kong kanina pa niya pinapanood ang mga kilos ko.Mula nang umuwi ako kani-kanina lang, hindi ko siya kinibo. Ganoon din siya. Hindi siya nagsalita nang magkita kami sa sala ngunit ramdam kong nasa akin ang buong atensyon niya. Ang tanging lumabas sa bibig niya ay ang pagyaya sa aking kumain at nauna na sa dining area habang ako'y tahimik na sumunod."Of course," I even smiled at him dahil totoo namang naging masaya ang pananatili ko rito sa Belleza Eterna. Ngunit hindi na niya kailangan pang malaman ang dahilan ng pagiging masaya ko.Si Vendrick ay nasa kwarto at nagpapahinga. Kaninang umuwi ako ay tulog na
I gritted my teeth. Bumilis ang paghinga ko at pakiramdam ko'y anumang oras ay sasabog ako.Hindi ko matanto kung boses ba ito ni Devona o baka iba! Hindi ko kabisado ang boses ng babaeng iyon!"Hello? Are you still there?"Lumunok ako at huminga nang malalim habang ang mga mata ko'y matalim na ang titig sa kawalan."Y-Yes," kinalma ko ang sarili. "Pasensiya na. Tatawag nalang ulit ako bukas. At... huwag mo nalang banggitin sakaniya na tumawag ako..." halos palakpakan ko ang sarili dahil hindi ko nasigawan ang kausap sa kabila ng pag-iinit ng dugo ko.Talaga ba? Talaga ba, Nabrel? Girlfriend? You fucked the hell out of me but what the fuck is this? May inuuwing ibang babae! Ang kapal ng mukha ng hayop!Buo na ang desisyon ko. Buo na ang desisyon kong manatili sakaniya. Pero ano itong ginagawa niya? Niloloko ko lang ba sarili ko? Ako lang ba
Hindi ko na siya magawang hawakan at tuluyang lumuhod sa aking harapan. "Patawarin mo ako, Nabrel. Anak... patawad. Sobrang natakot ako para sa amin ng pamilya ko. Alam ng lahat na kilala ang pamilya ng mga De Loughrey bilang makapangyarihan. Gusto ko lang protektahan sina Sandro. Pero walang araw na hindi ako ginugulo ng konsensya ko, Nabrel. Sobrang hirap... hindi ko na kayang manahimik." Nang mga oras na iyon, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. May halong galit, pangamba, lungkot at iba pang mga bagay na hindi ko mapangalanan. Nabanggit ng matanda ang video na kaniyang nakunan. Buong gabi kong pinanood ang dalawampu't walong segundong video. Paulit-ulit hanggang sa hindi ko na mabilang. Sampung taon na ang video ngunit klaro pa rin ang laman nun. "Iningatan ko 'yan. 'Yan ang bukod tanging iningatan ko sa buong buhay ko, Nabrel. Dahil alam ko na
"Naku, toy. Mahirap iyong ganiyan. Kahit sabihin mo pang mahal ka ng babaeng 'yan, maghahanap at maghahanap 'yan ng iba sa labas. Dahil tayong mga narito sa loob, kinakalimutan.""Tama! 'Yong asawa ko, ayun! Buntis na sa ibang lalaki. At alam mo kung anong mas masaklap, toy? Kumpare ko ang nakabuntis. Putangina niyo Corazon at Manoy! Putangina niyong lahat!"Hindi madali ang buhay sa loob. Hindi ko lubos maisip na mararanasan ko ang ganitong klase ng hirap. Inalis ako sa seldang 'yon matapos ang ilang buwan. Noong una ay hindi ko alam kung bakit kailangan ang ganoon. Ngunit unti-unti ko ring nakuha ang dahilan.Malalaking tao ang kasama ko sa nilipatan na selda, punung-puno ng tattoo ang mga katawan. Pagdating ko roon, mainit kaagad ang ulo nila sa akin.Tangina. Alam ko na ang ganito.Hindi ako nagkamali. Halos araw-araw kong tiniis ang hagupit ng kanilang mga kamao. Umabo
"Sabihin mo... hindi talaga kayo naghiwalay, 'di ba? Kayo pa rin hanggang ngayon. At kung anuman ang mayroon sa atin... laro lang para sa'yo. Nainip ka at ginusto mong maghanap ng mapaglilibangan habang malayo ka sakaniya.""Ang sama mo! How dare you think of me that way?! How dare you, huh?! Ganiyan ka mag-isip dahil ginagawa mo rin! Ang kapal ng mukha mong sabihin iyan pero ikaw itong lantarang may iba! Two weeks! Two fucking weeks, Nabrel... paano mo ako natiis nang ganoon katagal?""Hindi mo alam ang sinasabi mong tiniis kita..." nanginig ang boses ko."Bakit ka ba nakipag-usap sa akin kung ganito lang din naman? Sana ay hindi ka na nagreply! Sana tuluyan ka nalang hindi nagpakita! I hate you, Nabrel! I hate for accusing me! I hate you for being with Lily! I hate you for hurting me!""I hate you too..." bulong ko ngunit ang tanging gusto ko nalang gawin ay ang hilahin siya at halikan.
Ramdam ko ang kaniyang panginginig. Nang masilayan ko ang mga mata niya, doon ako tuluyang nawala.In that moment, I felt that our souls were connected with each other. Her name was already marked on my soul. My whole life was full of shortcomings as I've been chastised by the cruelty of the world but when she came, my soul suddenly boasted a plenitude of tranquility.Buong akala ko ay sa kalmadong karagatan ko lamang makukuha ang ganitong klaseng kapayapaan. Ngunit mayroon palang mas higit pa roon..."Sana madali lang 'to, Talianna. Sana maintindihan mo..."Umiling siya at hinang-hina nang itulak ako."Because you love someone else. Masama ba ako, Nabrel? Naiinggit ako kay Blair. Inggit na inggit ako sakaniya."Pumikit ako ng mariin at tumingala.Bakit hindi niya magawang maintindihan? Akala ba niya ay madali para
Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman matapos marinig mula sakaniya ang mga salitang 'yon.Hindi, Nabrel. Masyadong mababaw ang nararamdaman niya sa'yo. Like nga lang, 'di ba? Masyadong pambata kaya bakit ka nagkakaganyan na para bang pagmamahal ang inamin niya?"Talianna, hindi pwede. May... may girlfriend ako."Dahil sa gulo ng isip ko, dahil sa mga bagay na gumugulo sa akin tungkol sa aming dalawa, iyon lang ang tanging naging sagot ko.Inakala ko na iyon ang mas mainam sa aming dalawa. Ano bang mangyayari kung sakaling malaman niya ang nararamdaman ko? Ayaw ko nang malaman. Ayaw ko nang saktan ang sarili ko.Hindi kami pwede at ayaw ko nang kalabanin ang tadhana.Ngumiti siya ngunit alam kong hindi iyon ang ngiti na gusto niyang ipakita sa akin.Hinampas ang puso ko nang makitang namuo ang kaniyang mga luha.
"Blair, marami akong responsibilidad sa buhay. Marami akong gustong gawin. At ang pakikipag-relasyon ay hindi kasama roon. Pasensya na pero..." umiling lamang ako. Humiwalay ako sakaniyang pagkakahawak."Hindi! Alam kong hindi 'yan ang dahilan mo, Nabrel. May iba kang nagugustuhan! Alam ko! Nakikita ko! Kitang-kita ko!" sigaw niya na ikinagulat ko. Ngunit hindi ko magawang pabulaanan ang kaniyang sinabi dahil alam ko na bistado na ako.Hindi na dapat ako nagpunta pa rito sa mansyon ng mga Monselorette. Hindi ko inakala na ito pala ang gusto niyang pag-usapan.Tumitingin ako sa paligid dahil baka bigla siyang sumulpot at makita kaming dalawa rito sa hardin. Ayaw kong may iba siyang iniisip sa aming dalawa ni Blair.Tamang hinala pa naman ang isang iyon.Pero ako... malakas lang ang tama pagdating sakaniya."Blair, tsaka na tayo mag-usap kapag kumal
Anong ginagawa ng dalawang lalaki? Bakit hindi nila tulungan ang Papa ko? Bakit nanonood lang sila habang sinasaktan ang Papa ko?"Papa..." nanginginig kong bulong habang nakatago."Kung nasa akin pa rin hanggang ngayon si Louisiana, masaya kaming dalawa ngayon! Bakit mo siya pinabayaan?! Huh?! Tinanggap ko! Natuto ko nang tanggapin na hindi ako ang mahal niya! Nagpakasal ako sa iba at bumuo ng pamilya pero siya pa rin! Dapat ay ibinalik mo nalang siya sa'kin kung hindi mo siya kayang alagaan!" kahit punung-puno iyon ng galit, hindi nakatakas sa aking pandinig ang pagkabasag ng boses nito.Hindi ko maintindihan. Sino ang lalaking 'yon? Bakit niya kilala si Mama? Anong sinasabi niya?Nagimbal na lamang buong pagkatao ko nang makitang tinulak ng lalaki ang Papa ko. Mabilis niyang hinablot ang isang bagay na hindi ko maaninag na inabot ng lalaking nasa tabi nito.
May parte sa akin na nagdiwang nang masilayan ang mukha niya. Kahit may bahid ng iritasyon doon..."What?" maarte niyang untag at bahagyang nakasimangot. Pansin ko ang pamumula niya. Madali iyon mapansin lalo pa't ang kaniyang puti ay nasa ibang lebel.Ngumuso ako, pinipigilan ang malawak na ngisi. Bakit ang dali niyang mairita? Ganito ba talaga ang mga anak-mayaman?"May gusto pa po ba kayo?" kaswal kong tugon matapos maiabot ang baso.Hindi nagtagal ang tingin niya sa akin at kaagad binalik ang atensyon sa kausap."You can leave now. Thanks," sumulyap siya ulit sa akin ngunit mabilis lamang iyon. Hindi man lang marunong magbigay ng kahit maliit na ngiti.Hindi nagtagal sa isip ko ang maiksing interaksyon na iyon. Marami akong ginagawa at hindi ko na kailangan pa ng karagdagang iisipin. Binuhos ko ang lahat ng oras sa mahahalaga
Ang tanging gusto ko lang noon ay maging kumportable ang mga kapatid ko. Hindi ko na inalala ang sarili. Madalas akong hindi pumasok sa eskwelahan dahil hindi ang pakikinig sa guro ang kailangan ko, kundi ang magtrabaho at kumita para sa amin. I grew up with a lot of responsibilities. Halos patayin ko ang sarili sa pagtratrabaho. Pagpasok palang ng panibagong araw, nasa laot na ako kasama ang mga mangingisda. Hindi ko kilala ang pahinga."Limang daan. Pasensya na, Nabrel. Alam mo naman, tumaas ang presyo ng pinagkukunan ko ng mga gulay,"Tumango ako at binigyan ng isang maliit na ngiti si Aling Nora."Naiintindihan ko po," pinunasan ko ang aking noo gamit ang dalang panyo.Mataas ang tirik ng araw. Naisip ko ang kapatid kong si Senyel. Patapos na ang klase nun. Nakapagdala kaya iyon ng payong? Matigas pa naman ang ulo ng isang 'yon at ayaw na nagdadala ng kung ano kaya madalas kong