Share

Kabanata 4

Author: Josephia
last update Last Updated: 2023-11-08 13:19:43

Penelope's POV 

Hindi ako sumagot at sinamaan siya ng tingin. Wala ako sa mood para sa gusto niya. Gusto ko lang uminom at kumain ng wings. Hmm, I love wings.

"What?" Nakataas ang kilay niyang tanong.

"Okay, fine. I get it!" He said with finality in his voice.

Kaya natawa ako, marunong naman pala magpigil. Naintindihan niya agad ako.

Bumalik na ulit si Bliss sa kinauupuan namin. Pinindot ko 'yong red button sa may mesa para may pumuntang waiter dito, gusto ko nang um-order ng vodka or something hard. Eto rin ang maganda sa bar na 'to, hindi muna kailangan sigawan or tawagin 'yong mga waiter.

May red button sa every table para signal na may customer na may kailangan ng service nila. Tumamihik na ang paligid naming tatlo at nakatingin lang ako ng diretso sa stage.

"Bliss, is there any problem in your office?" Narinig kong tanong ni Gavin.

I can smell his warm minty breath dahil sobrang lapit niya sa 'kin.

"Ano p-po?"

Sumilip ako kay Bliss at nakita ko ang pag-awang ng labi niya. Hindi talaga siya sanay kapag kinakausap siya ni Gavin ng biglaan. Ang sabi sa 'kin ni Bliss, natatakot daw siya sa aura ni Gavin kapag nagtatanong tungkol sa kumpanya or sa 'kin.

Natawa ako, kaya tinulak ko ang pagmumukha ni Gavin at tinitigan siya. Isa rin tong lalaki na ito, napakachismoso, gusto lahat alam. Ultimo nagiging dahilan ng pagwala ng mood ko, kung problema man 'yan sa company, gusto rin na inaalam. Tinalo pa 'yong mga imbestigador.

"Bakit wala ka kasi sa mood?" he muttered.

Parang nawala naman 'yong mga nagpapagulo sa isip ko nang makita 'yong malambot niyang itsura.

Ah, he's so cute!

"Para kang sira, huwag ka nga sumimangot! Mukha kang bakla!" I hissed.

Sinamaan niya lang ako ng tingin. Buti na lang dumating na ulit si Tim. Tumingin ako kay Bliss at sumenyas na sabihin na 'yong order namin. Ang gaga, nautal na naman!

I chuckled and looked at Tim na nakangiti pa rin habang kausap si Bliss. Ramdam ko naman ang matalim na titig ni Gavin sa akin pero hindi ko na pinansin.

Bumaling naman sa 'kin si Tim. "Should I add more wings? your favorite flavor? or you want another flavor?" he asked, smiling.

"Add more wings, any flavor will do." Nakangiti kong sabi sa kanya.

He looked at Gavin, nakita ko naman ang masamang titig ni Gavin dito, kaya siniko ko siya.

"How about you sir?" he calmly asked.

"Wala," masungit niyang sambit.

Nagkatinginan kami ni Bliss at mahinang natawa. Napailing na lang ako at binaling ulit ang tingin kay Tim.

"Thanks, Tim, we'll just wait for it." I gave him my sweetest smile.

Tim winked at me before leaving, I heard Gavin low cursed kaya napailing ako.

"Seriously? He knows your favorite?"

Tumaas ang kilay ko sa narinig. Naubo naman bigla si Bliss. 

"You knew my favorite, too." Paalala ko sa kanya.

Gavin just shrugged his shoulders at padabog na sumandal sa sofa. Napairap na lang ako. 

"Tim? First name basis pa! He even fucking winked at you! Tell me, he is one of your boytoy?" Walang emosyon niyang sambit.

Seriously? Napansin niya pa 'yon? And damn, Tim is not my boytoy! He's a friend! I wanted to shout that to Gavin pero baka magtalo pa kami. Pinalobo ko ang pisngi ko at naningkit ang matang tumingin sa kanya.

"He's just a friend and crush ni Bliss 'yon."

"What? Madam!" she shouted.

I smirked and looked at Gavin. Nagliwanag ang mukha niya sa sinabi ko at tumingin kay Bliss.

"Really? Should I make a move to help you get that guy?"

"Madam oh!" Tumingin sa 'kin si Bliss na parang nanghihingi ng tulong. Lagi rin naming ginagawa kay Bliss 'to, 'yong bibiruin na ireto siya sa mga lalaki pero syempre hindi natutuloy.

I pull Gavin's hair. "Don't you dare! Sasamain ka sa 'kin!"

He pouted his lips and brushed his hair. "You should get a boyfriend. Hindi 'yong nakadikit ka lagi kay Pen," he suggested.

"She's my secretary for pete's sake! Natural lang na magkasama kami." I exclaimed.

"Pen, I know that. Ang sinasabi ko lang—" Hindi ko na siya pinatapos at tinakpan ko ang bibig niya.

"Oo na. Huwag ka na maingay. Ang daldal mo talaga kahit kailan."

Naramdaman ko naman ang pagbasa ng palad kong nakatakip sa bibig niya kaya hinila ko 'yong nguso niya.

"Aray naman!" sigaw niya sabay hawak sa labi niya.

Bliss laughed. "Ikaw sir? Mag-girlfriend ka na rin para hindi ka na lumalapit kay madam, unless siya ang jojowain mo."

Nanahimik naman si Gavin. Sinamaan ko ng tingin si Bliss. She just pursed her lips.

"Hindi kami talo ni Pen," he blurted out.

I gritted my teeth when I heard him say that. Of course, we're not! We're just with each other because of our needs. Because we craved for something and that is lust.

Lustful desire...

Hindi na ako nagsalita at nginitian ang papaakyat na si Tim at may kasamang isa pa na bitbit ang mga order namin.

"Thanks, Tim and Rey." Nakita ko kasi sa name tag nung isa 'yong name niya. Halatang nagulat naman ito sa pagtawag ko sa kanya.

"Enjoy!" They said in unison and leave us.

Inabot ko ang isang shot glass ng margarita at ininom. Pagkatapos ng isa ay kumuha ulit ako ng isa.

Bliss stared at me. Siguro nahalata niya 'yong mabilisan na pag-inom ko. Pagkatapos ng dalawang inom ay nagsuot ng gloves para 'yon ang ipanghawak ko sa wings.

I don't know why, but I'm bothered with what Gavin said earlier. Siguro dahil physically attracted din ako sa kanya, but I'm not expecting anything from him like relationship or whatsoever.

"Nakakalima ka na." Gavin informed me at kinuha ang isa pang shot glass.

"Margarita lang 'to and I have a high alcohol tolerance. Uminom ka na lang diyan." Sabay agaw sa kanya nung kinuha niya.

"Tell me, if you'll go home, Bliss. Para maihatid kita sa labas. For sure, mapapasobra 'to."

"Sanay na 'ko diyan Sir. Mag-book na lang ako ng grab mamaya." Narinig kong sambit ni Bliss.

"Madam? Okay lang ba sa'yo? Kung mauuna ako mamaya?" She glanced at me.

Marahan naman akong tumango. "It's okay at saka para makapagpahinga ka ng mahaba. Kung gusto mo na umuwi, just tell me."

Bliss giggled. "Thanks, madam!"

Natuwa ata siya dahil hindi ko siya pinigilan para sa pag-uwi. Lagi ko kasi siyang inaawat na umuwi ng maaga kapag nasa bar kami para may kasama ako kahit papaano.

Inabot pa si Bliss ng almost one hour sa loob at napagpasyahan na niyang umuwi. Si Gavin na sana ang maghahatid sa kanya sa labas kaso pinilit ko na ako na. Aantayin pa kasi niya 'yong binook niyang grab.

"Madam, naalala ko na bakante naman ang morning hours natin kaya magiging ayos lang kung ma-late ka."

Namumungay ang mata na tiningnan ko siya. "Pinangungunahan mo ba ako?"

Natawa naman siya at umiling. "Hindi madam, pero alam ko naman na male-late ka ulit. Kapag nag-bar tayo, matik na 'yan. Pwera na lang kung may importante tayong gagawin sa umaga." Mahabang paliwanag niya.

Umismid na lang ako. Nang makarating sa labas ay pumwesto kami sa gilid para mag-antay.

"Hindi ako male-late, pustahan pa tayo!" Natatawa kong sambit.

"Lasing ka na nga madam." Naiiling niya na sabi.

Ngumuso naman ako. "Hindi naman," sagot ko.

"Hindi raw. Eh halos sumpain mo si Sir Gavin nung dumating tapos kanina halos maging linta ka na sa kanya."

Nag-init ang pisngi ko at tumingin sa kanya nang hindi makapaniwala.

"Oh my god! Totoo ba? Natural lang naman sa 'min 'yon eh!" Tumaas na ang boses ko, kaya napapatingin na samin ang mga naglalakad at nakahinto. Kaya hinilot ko ang sentido ko. Hindi pa naman ako lasing. Hyper lang, gano'n. Ganito naman ako lagi.

"Tingnan mo madam!" she exclaimed.

Sinapo ko ang mukha ko at ramdam ko ang pag-iinit no'n. Natural lang naman na kumapit ako kay Gavin. Gawain na namin 'yon.

"Ikaw ba naman nakaubos ng in-order natin, madam. Huwag ka na um-order ha!"

Namilog naman ang mata ko. "Weh?! Si Gavin din kaya umiinom!" I shouted.

"Madam. Hindi siya umiinom. Halatang binabantayan ka. Nakaapat na shots lang kaya siya!" pahayag niya.

Lumapit ako sa kanya at inamoy ang mukha niya.

"Madam! Baliw ka!" Sabay iwas niya ng pagmumukha niya.

Oo nga hindi siya maamoy ngayon, actually ang bango nga niya. Amoy baby, ang sarap amuy-amuyin.

"Ano nga ulit pabango mo? At saka toothpaste?"

Bumagsak ang balikat niya sa narinig at ngumuso na parang duck. Bigla naman akong humalakhak.

"Ang bango mo kasi, sana ako rin ganyan." Inamoy ko naman ang sarili at mabango naman ako, medyo amoy alak nga lang.

Napasapo na lang sa noo si Bliss at hinawakan ako sa braso.

"Madam, medyo malayo pa naman 'yong grab ko, hatid kaya muna kita sa loob? Baka awayin ako ni Sir Gavin kapag nawala ka. Mamaya bigla kang manghablot ng kung sino dito!"

"Wow! Ako pa talaga manghahablot ha! Baka nga sila pa ang kumalabit sa 'kin dito at iuwi nila ako!"

I titled my head at tumingin sa mga dumaraan.

"So, may balak ka rin sumama sa kanila?" she asked.

Natawa naman ako sa narinig. "Ay! Kung gwapo ba? Bakit hindi? Basta hindi ako dadalhin sa impyerno! Gusto ko sa langit, mas maganda kaya roon. Para kang lumilipad." Iginalaw ko pa ang mga braso ko na parang panggalaw mg pakpak ng mga ibon.

Bumaling ako kay Bliss at nakita kong nakatakip siya sa bibig, na parang nagpipigil ng tawa at nakatingin sa kung saan.

"Oh, anong tinitingnan mo diyan? Nakakita ka na ba ng gwapo? Yummy ba? Daksi ba? Bakat? Masarap? Tara lapitan natin!"

Hinawakan ko pa sa kamay si Bliss pero hindi siya gumalaw. Hala, baka natameme na siya sa nakita niya?

"Hoy, Bliss! Bakit di ka gumagalaw? Nakakanigas ba 'yang nakita mo?" usal ko.

Napakamot naman siya sa batok.

"Hay, nako! Kahit kailan ang tuod mo talaga! Nasaan ba? At ako na ang lalapit! Dali!" 

Ngumuso siya sa likuran ko at bahagyang natawa. Pero bago pa ako makalingon ay may nagsalita na nagpatayo ng balahibo ko.

"Subukan mong lapitan, ako magdadala sayo sa langit." 

Related chapters

  • Playing With The Fire (Filipino)   Kabanata 5

    Penelope's POV"Subukan mong lapitan, ako magdadala sayo sa langit." Mahina akong napamura nang marinig ko 'yong boses ni Gavin. Anak ni satanas! Hindi na pala si Bliss ang kausap ko?! Dahan-dahan naman akong humarap dito at nakita kong nakakrus na ang mga braso niya. Kahit madilim at tanging ilaw sa poste, at buwan ang nagpapaliwanag ay tanaw ko 'yong madilim niyang mukha. "Why are you here? Nakiki-tsismis ka ba sa usapan namin?" Masungit kong tanong.Gavin just chuckled at may ininginuso. "Madam, andito na ang sasakyan kong grab, mauuna na ako ha?" Lumapit pa ito sa 'kin at niyakap ako. Ginantihan ko naman siya. "Mag-ingat ka! Susulat ka sa akin ha?" Nailing naman siya at bumaling kay Gavin. "Una na ako, sir!" "Ingat ka." Gavin simply said. "Sige, sir. Ikaw na bahala kay Madam. Nababaliw na iyan dahil nakainom!" "Hey!" Hahampasin ko sana siya nang bigla siyang kumaripas ng takbo at tuluyan nang sumakay sa kotse. Tinuro ko 'yong sasakyan at humarap kay Gavin na nakakunot an

    Last Updated : 2023-11-08
  • Playing With The Fire (Filipino)   Kabanata 6

    Penelope POV This arrangement with Gavin can be called, friends with benefits, fuck buddy or relationship with 'no strings attached'. No strings attached, but sometimes I was thinking, what if what we had is real? Because I feel that there's a string coming from me to his, and yes, I'll admit that. Sa lahat nang nakausap or naging date ko, si Gavin ang mas nagtagal. Siya lang talaga. For me, this kind of relationship with him is more sustainable and transparent than actual relationship with someone. Hindi ko sinasabing dapat ganito rin 'yong iba. Para sa akin lang naman at dahil ito rin ang gusto ko... sa ngayon.People are being skeptical with having bed buddies and I think, I'm one of them, like I'm questioning my self. Paano ko nagawang makipagsex sa iisang tao nang paulit-ulit? Without me falling in love? Hindi ko rin alam kung paano ako pumayag at umabot kami sa ganito. Some people assumes that one of the 'buddies' in that so-called relationship has a string along connected

    Last Updated : 2023-11-08
  • Playing With The Fire (Filipino)   Kabanata 7

    Penelope POVI woke up when I felt the sun rays filled my room. I groaned and pushed down the comforter. Napatingin namn ako sa orasan na nasa side table ko at nakita kong alas-sais na ng umaga. Lumapit ako sa mga malaking glass window ng unit ko at inayos ng blindings. Buti na lang maaga akong nagising! Anong oras na rin ako nakatulog kagabi. After that hot scene with Gavin, nagpahinga lang siya saglit at lumabas na ng kwarto ko. Hindi ko alam kung anong oras na siya umuwi. Alam niyang ayaw ko na may makatabi sa kama ko after that thing. Kahit gustong-gusto niya ng 'cuddle' hindi ko siya pinagbibigyan. Tinanggal ko muna 'yong bedsheet ko para palitan. Ayoko naman humiga dito lagi na amoy 'sex' ang higaan ko. Pinalitan ko na rin 'yong mga pillow case ko para sabay-sabay na kapag pina-laundry ko. Ilang minuto rin ang inabot ko sa pag-aayos sa kwarto ko at pagliligpit ng damit. Bago lumabas ay naghilamos muna ako at toothbrush.Pagkalabas ko ng kwarto ay laking gulat ko nang makit

    Last Updated : 2023-11-08
  • Playing With The Fire (Filipino)   Kabanata 8

    Penelope POV"Hindi mo ba talaga alam na hindi pa umuuwi si Kuya?" Light asked.Agad naman akong umiling. Andito kami ngayon sa office. Sumunod sila sa 'kin ni Kuya Matteo dahil paguusapan din namin 'yong about sa project namin. "Ang akala ko umuwi na talaga siya!" "Maraming namamatay sa maling akala." Kuya Matteo said cockily.I glared at him, siniko naman siya ni Light. Padabog kong sinubo at kinain 'yong hotdog. "Hilig mo talaga sa hotdog." Bigla akong nasamid sa narinig, napatakip ako sa bibig ko dahil muntikan pang may tumalsik. "Kadiri ka naman, P!" natatawang sambit ni Light. Inabutan ako ni Kuya ng baso at kinuha ko iyon. Nang makabawi ay tatlo kaming natawa. "Tingnan niyo pinaggagawa niyo ni Kuya, ayan! Kami pang lahat ang nakahuli. Hindi man lang kasi nag-ingat!" dagdag pa niya. "Dapat kasi sa hotel na lang para safe." Nakangising sambit ni Kuya.Nakakainis talaga! Hindi na ulit ako kinausap ni daddy kanina kasi alam niyang wala rin naman akong sasabihin kung pipil

    Last Updated : 2023-11-08
  • Playing With The Fire (Filipino)   Kabanata 9

    Penelope POV Isang linggo na ang lumipas. Isang linggo rin akong busy sa company. Isang linggo na ring walang Gavin sa tabi ko kaya tahimik. Hindi na rin ako kinausap ni Daddy about sa nangyari pero sinabi niya na sa saturday may dinner kami with the Guevara's.And I know after that dinner, it's my dead end.Masyado akong napagod kanina dahil puro company and client meetings ang nangyari. Halos napuno ang office hours namin. Lunch break lang ang naging free time ko. Kaya eto naisipan kong mag-bar. Hindi ko na pinasama si Bliss kasi alam kong napagod din siya, at may mga gagawin pa kami bukas.11pm na ako umalis ng office para pumunta rito, pagdating ko marami ng tao. Sa may bar counter na ako pumwesto kasi mag-isa lang naman ako. Mamaya may makita pa akong naging kakilala ko at hablutin ako para magsayaw, wala pa naman ako sa mood ngayon."Himala, mag-isa ka ngayon?" Puna ni Tim habang nagmimix ng drinks."My secretary needs to rest, kaya hindi ko na inaya," maikli kong sambit.Nila

    Last Updated : 2023-11-08
  • Playing With The Fire (Filipino)   Kabanata 10

    Penelope POVI smile and look at myself in the mirror. I scan my outfit for tonight. I'm just wearing my mid-waist pants, peplum cami top and block heels. Sinaway pa ako ni daddy sa suot kasi para lang daw ako pupuntang mall. Ang ganda-ganda kaya ng suot ko! Ang casual nga nito, akala mo naman pupunta kami ng party, dinner lang naman! Nag-cr muna ako dahil nauna kami kela Gavin. Nagpareserve na lang si daddy ng pwesto sa isang fine dining restaurant. Daddy looks chilling kanina. Sinabihan pa ako na huwag tumakas. Edi sana una pa lang hindi na ako sumama rito, 'no? Si mommy naman nakangiti halatang gustong gusto ang mangyayari. Parang kinikilig pa na teenager. This is bad. Ilang minuto na ako rito sa cr, after umihi hindi ko na napansin na napapatagal na 'yong pagtitig ko sa salamin. Parang ayoko nang lumabas dito. Parang ayoko nang makita sila. Parang ayokong mangyari 'yong mga naiisip ko. Parang ayoko na marinig 'yong mga sasabihin nila. Hindi ako pwede tumanggi, I don't want t

    Last Updated : 2023-11-08
  • Playing With The Fire (Filipino)   Kabanata 11

    Penelope POVOur dinner ended.. well? Mukha naman, after ko kasi sabihin tumango na lang 'yong parents namin at sinabi na baka 'yong wedding planner nila Kuya Matteo na lang din ang kunin pero may changes nga dahil in one week na magaganap 'yong kasal. After nung dinner nabatukan ko pa si Gavin dahil sa letseng "in one week" na gusto niya. Tatawagan na lang daw kami kapag may gagawin na at feeling ko mas mapapagod ako lalo sa linggo na 'to. Marami akong meetings na kailangan tapusin pero sinuggest ni daddy na si Tito na lang ang maging representative ko kasi for sure baka may tumamang meeting sa sched ng pag-aayos ng kasal. After getting married for sure wala na akong freedom. Lahat ng galaw ko kailangan maingat na, his surname is already connected to mine, we're both career-driven at kung madungisan man malilintikan kami. Hindi lang kami, kundi ang pangalan at ang kumpanya namin. I get it, kaya gustong gusto nila daddy and mommy na ipakasal ako. This past two years, I've been to

    Last Updated : 2023-11-10
  • Playing With The Fire (Filipino)   Kabanata 12

    Penelope POVHinubad ko na lang 'yong pants ko at heels nang makapasok sa kwarto at agad na binagsak ang katawan ko sa malambot na kama. Binalot ko ang katawan ng comforter at tumingala sa kisame. Huminga ako ng malalim dahil ito na lang ulit 'yong time na umiyak ako after two years dahil sa rason na 'yon.Our first meeting flashed on my mind.It was months after my last talked with Light. After of countless meetings for the entire weekdays, I decided to go to bar saturday night. While drinking someone sat beside me, naagaw niya agad atensyon ko kasi nangibabaw 'yong pabango niyang sobrang sarap ilong, hindi sobrang tapang. I tilted my head para makita yung lalaki and I saw someone looked like Tim...?! Umawang ang labi ko. He has this well-defined jaw may kaunting stubbles. He has this pointy nose. 'Yong buhok niya medyo mahaba pero nakaside 'yon lahat. Nawala ang titig ko sa lalaki nang may maglapag ng drink sa harap ko. "Tim..." I whispered, calling his attention. "What? Para

    Last Updated : 2023-11-10

Latest chapter

  • Playing With The Fire (Filipino)   Special Chapter: Ten

    Gavin's Point Of View Pinanlakihan niya ako ng mata. Namumula nga siya, halatang nakainom. “I’m tired! Just… let’s rest okay?” frustrated niyang sambit at naiiling pa. Hindi nga siya makatingin at basta na lang akong tinalikuran. Hindi ko na siya ulit kinausap at hinayaan na siyang makalayo sa akin. Nagtagal pa ako sa baba bago umakyat sa itaas. Naabutan ko siya sa kwarto ng mga bata at isa isa itong hinalikan bago lumabas. Ewan ko ba pero wala akong ginawa para lambingin siya. Sa totoo lang ay medyo nasaktan ako sa ginawa niya. Umabot ng ilang araw ang hindi namin pagpapansinan ni Penelope. Naaabutan ko siya sa kwarto namin, tulog na at nauuna siyang gumising sa akin. Inaasikaso niya naman ang bata lalo na sa pagpasok at paghatid. Hindi niya nga ako tinatapunan ng tingin. Naabutan ko pa nga siya nung isang gabi sa kwarto ni Travis na kalalabas lang at parang kagagaling lang sa iyak dahil namumula ang mata niya. Nung sinilip ko si Travis ay tulog naman ito. Hindi ko alam kung ano a

  • Playing With The Fire (Filipino)   Special Chapter: Nine

    Gavin's Point Of View But I have to trust the process. At magdasal sa gabi na sana ayos ka at sana hindi mo ako makalimutan, makalimutan iyong naging samahan natin kahit na para sa iyo ay hindi totoo. Nawala lahat nang pangamba at takot na baka tapos na ang storya nating dalawa nung bumalik ka. Matagal pero alam kong para sa ‘yo yung pagkakataon na yon, oras mo yon para patunayan sa sarili mo at kay Teron na kaya mo. Kaya mong ayusin ang sarili mo at magsimula muli nang panibagong buhay kasama ang mga taong mahal mo at hinihintay ka. “There’s a little to no chance na mabubuntis siya,” Patrick told me. Napalunok ako at dumaan ang kirot sa dibdib. “It’s okay,” I whispered. Ayos lang naman sa akin. Yes, may kaunting kirot sa nalaman pero naisip ko yung magiging kalagayan ni Penelope. Siya lang naman kasi ang kailangan ko. Oo, nangarap ako na magkaroon ng anak sa kanya. Pero para saan pa yun kung ang kapalit no’n ay mahihirapan siya at baka maging problema pa ng health niya. “As long

  • Playing With The Fire (Filipino)   Special Chapter: Eight

    Gavin’s Point of View Every pain has a purpose and it really teaches us a lesson. But one thing’s for sure, in the end, it will be worth it. Maraming naiinis kasi bakit si Penelope pa. Bakit siya pa yung taong napagbuhusan ko ng pagmamahal. Bakit siya pa yung taong kailangan pagtuunan ng pansin. Bakit siya pa yung dapat iyakan. They say that all she did to me was to break my heart and prove that I deserve someone better that will truly love me and appreciate all the genuine things I’d do. I know that someone will say na ang tanga tanga ko for pursuing someone like her. Lahat naririnig ko, lahat nalalaman ko, but did I say a single word? Wala. Because they are not worth my words and they don’t know everything. Hindi alam ang tinitibok ng mga puso at sinasabi ng utak namin. Hindi lahat ng sinasabi nila totoo. We have stories to tell at hindi lahat dapat nilang malaman. Kapag nalaman ba nila may magbabago? Wala. Mas lalawak lang yung mga maiisip nila na kung anu ano. I’ve never respon

  • Playing With The Fire (Filipino)   Special Chapter: Seven

    Gavin's Point of View Losing someone is the hardest challenge anyone has to go through. Grief is something we all go through in life and it’s something that causes a lot of pain. Not only that but a lot of upset even years after losing that loved one. There is no right or wrong way to grieve, and no amount of time can ever truly cure the upset you feel after. There’s nothing quite as hard as trying to get on with life, after just losing someone who meant the world to you. But grieving is a normal process and one that is relevant after losing a loved one.It’s not an easy process and sometimes some days will be worse than others and other days you’ll feel ok. Just know it’s completely normal to have days where it’ll hit you a lot harder than others. It’s important to understand the process of grieving, and how to do it in a way that’s healthier for you and is not going to cause you anymore upset. If you feel like it’s not getting any better and the days seem to be getting harder and ha

  • Playing With The Fire (Filipino)   Special Chapter: Six

    Gavin’s Point of View Babalik siya. Babalik sa akin si Penelope. Alam kong may dahilan ang lahat Iyan ang paulit ulit kong binubulong sa hangin kapag naaalala ko si Penelope. Masakit isipin ang mga nangyari sa aming dalawa pero wala naman sigurong masama kung aasa at magtitiwala ako sa tinitibok ng puso ko ‘di ba? Yes, nasaktan ako at hanggang ngayon ay may kirot pa rin. But right after I met Teron, nabigyan ng kasagutan ang mga iilang tanong ko. Medyo nabigyang linaw ang mga iniisip ko. Nasaktan din si Pen kaya hanggang ngayon ay may natitirang palaisipan sa kanya tungkol kay Teron. Nasaktan siya sa pag iwan nito. They’re supposed to get married pero naudlot dahil sa isang aksidente na wala namang may gusto at hindi inaasahan. At mahal nila ang isa’t isa….Siya pa lang ang babaeng nagparamdam sa akin nito. Siya lang ang may kayang gawin sa akin yon. Ibang klase talaga ang babaeng ‘yon, pero sa kabila ng lahat— mahal na mahal ko pa rin siya at patuloy na mamahalin. Lahat nang ip

  • Playing With The Fire (Filipino)   Special Chapter: Five

    "Because you lied to me, Penelope!" Napatakbo at napatago ako sa gilid nung marinig ko na sumisigaw si Teron. Nasa iisang bahay lang kaming lahat ngayon sa canada pero may sari sariling kwarto kaya lahat din ng mangyayari ay malalaman namin. Pagsilip ko ay nakita ko si Teron at si Madam na magkaharap habang umiiyak. Ang laki na rin ng ipinayat si Teron at ganoon na rin si Madam, gawa na rin ng stress at hindi palaging 8 hours ang tulog niya."Calm down!" balik na sigaw ni madam. "You're with him, Pen! May asawa ka na! Maiintindihan ko naman, eh." Humina ang boses ni Teron sa huling sinabi. "Maiintindihan ko," ulit nito. "At paulit-ulit kong iintindihin," naging garagal na ang boses ni Teron an napaupo na sa sahig habang humahagulgol na rin si Madam. Hindi ito ang isang beses na nag away sila. Nitong mga nakaraan ay wala na sa mood ang bahay dahil sa ingay nilang dalawa. Lagi na silang nagtatalo. Gustong gusto na bumalik ni Teron sa Manila at iuwi si Penelope kay Gavin dahil sa mga

  • Playing With The Fire (Filipino)   Special Chapter: Four

    Bliss POV (with Penelope, Gavin and Teron)"How's my daughter?"Iyan ang bungad sa akin ni Sir— Daddy ni Madam nung madatnan niya ako sa pantry habang nagtitimpla ako ng tea. "Good afternoon, Sir! Nakita niyo na po ba si Madam? Gusto niyo po bang tawagin ko?" Sunod sunod na tanong ko rito. Nginitian niya ako at umiling. Itinuro niya ying labas at saka nagsalita, "It's okay. I saw her sleeping sa office niya mismo kaya hindi ko na nagawang istorbohin. Nag-iwan lang ako ng paperbag na padala ng Mommy niya, sabihin mo na lang sa kanya." Napatango naman ako. "Ayos naman po si Madam, nakatulog na po siguro dahil sa kabusugan. Naubos niya po kasi yung inihanda kong pagkain sa kanya. Dinamihan ko na po kasi alam kong medyo kaunti lang nakakain siya sa pagod na rin siguro—" "At sa love life niya," dugtong ni Sir. Napainom ako sa hawak na cup. Minsan sa akin nagtatanong si Sir about kay Madam pero kung ano lang ang alam ko ay yun lang ang sinasabi ko, ayoko rin naman pangunahan si Madam la

  • Playing With The Fire (Filipino)   Special Chapter: Three

    Bliss POV (With Pen, Gavin, and Teron)"Madam? Are you okay?" Malumanay na tanong ko kay Ms. Penelope na makita ko siyang nakatulala habang kaharap ang kanyang laptop. Ihahatid ko kasi 'yong nirequest niyang food kaso natigilan ako nung makita ko siyang nakatulala. Ilang minuto na rin akong nakatitig sa kanya. Halatang wala rin siyang maayos na tulog gawa na hindi gano'n kaliwanag ang aura niya. Halata ang eyebags kahit na may make-up naman siya. Alam kong ilang araw na rin kasi siyang walang tulog gawa nung mga nangyayari ngayon sa buhay niya. Lalo na sa kanila ni Sir Gavin. Napangiti ako nung napabalikwas si Ms. Pen at inayos na ang upo niya. Napahilamos pa siya sa mukha niya saka niya ako sinuklian din ng matamis na ngiti kahit alam kong hindi naman yon umabot sa tainga niya. Inilapag ko na sa desk niya 'yong tray kung saan andoon yung request niya food at sinamahan ko na rin ng vitamins niya at iba pang snacks na alam kong matutuwa siya kapag nakita niya. At tama nga ang ginaw

  • Playing With The Fire (Filipino)   Special Chapter: Two

    Penelope's POV "Madam, remind ko lang, bukas may meeting tayo ng 10am ha? Huwag ka male-late. Foreign investors ang mga makakasama natin doon. Pagkatapos no'n may dinner meeting tayo sa tatlo pang investor," paliwanag ni Bliss. Nawala ang titig ko sa pagkain na nasa harap at napahawak ako sa sintido ko dahil kanina pa ito sumasakit. I am not feeling well, kahapon pa nga actually. Pinilit ko lang talaga pumasok dahil marami kaming ginagawa ngayon. Maraming hinahabol na projects at meetings. Hindi ko na pwede ire-schedule ang para bukas dahil importante 'yon at nakakahiya sa ka-meeting ko. "Madam? Ayos ka lang ba talaga? Gusto mo hinaan ko pa 'yong aircon?" tanong nito. Kanina pa kasi niyang umaga hininaan ang aircon nung utusan ko siya. Para pagpawisan ako at malabas lahat ng init na nararamdaman ko. Ang bigat pa ng nararamdaman ko. Parang gusto ko na mahiga buong magdamag at huwag na lang muna magising ng ilang araw. Katatapos lang ng meeting namin at isang na lang ay tapos na ang

DMCA.com Protection Status