Share

chapter 43

Author: ljArci
last update Last Updated: 2023-06-01 09:44:35

Hindi ko na matandaan kung papaanong nagpaalam sa mag-asawang Michelle at Luc dahil abala ako sa pagkontrol ng nararamdaman ko.

Ayokong mahahalata nila ang hindi magandang epekto sa'kin ng mga kinuwento nila. Lumalabas kasi na ginamit lang ako ni Michael. Parang namamanhid ang puso ko tuwing maiisip na dahil lang sa pamana kaya gusto na niyang magkaanak kami.

Kung noon ay natutuwa ako tuwing binabanggit niya ang tungkol doon ay iba na ngayon. Naghahalo iyong sakit at galit sa tuwing naaalala ko ang mga pagkakataong iyon! T*ng-*na! Naloko na naman ba ako?

Pagkauwi ko ng bahay ay nanginginig ang mga kamay na binuksan ko ang cellphone ko. Pipi kong hiling na sana ay may makikita akong makakabawas sa nararamdaman ko ngayon. Hindi ko tiyak kung ano talaga ang hinahanap ko pero sana ay meron ngang gano'n.

Lalong nadagdagan ang bigat na nararamdaman ko nang makitang wala nang sumunod sa naunang mensahe ni Michael.

Gusto ko nang bumitiw sa katiting na pag-asa na may paliwanag ang lahat ng mg
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • Playing Pretend with Mr. Billionaire    chapter 44 (Vernice)

    "Mission accomplished," pagbabalita ko kay Trish sa kabilang linya nang sagutin nito ang tawag ko."Naagaw mo si RM mula kay Jocelle?" tuwang-tuwa nitong tanong."Hindi," prangka kong sagot. "Pero iyon ang inakala ni Ate Jocelle kaya tiyak na sira na ang relasyon ng dalawa."Bigo man ang initial na plano ay nakagawa naman ako ng plan B at pareho lang naman iyong kalalabasan."Paano kung hindi ka nagtagumpay?" galit na tanong nito. Ako na nga iyong gumawa ng paraan ay siya pa itong galit. Ungrateful bitch!"Kitang-kita ko mismo kung papaano nagtatakbo si Ate Jocelle paalis nang inakala niyang si RM ang kasama ko sa kama," puno nang pagyayabang kong kwento. "Siguradong hindi na ito makikinig sa kahit na anong paliwanag ni RM given na minsan na itong niloko ng ex nito na inagaw mo."Pinagdiinan ko pa iyong huking mga salita upang pasimple siyang tuyain."Siguraduhin mo lang."Pinatayan ko na ito ng tawag dahil nakakairitang makipag-usap dito gayong para itong amo ko kung umasta.Umasa pa

    Last Updated : 2023-06-01
  • Playing Pretend with Mr. Billionaire    chapter 45 (Michael)

    "Where's is she?" dumadagundong ang boses ko sa bawat sulok ng sarili kong pamamahay habang nagtatanong.Hindi makatingin sa'kin nang diretso ang tinatanong kong mga tauhan. Saglit lang silang nalingat at bigla ay nawala na si Jocelle!"Hindi po namin napansing umalis siya dahil sa likod ng bahat po siya dumaan at hindi siya gumamit ng kotse—""Mga walang silbi!" pasigw kong putol sa paliwanag ng isa sa mga ito!Ayaw tanggapin ng puso ko ang posibilidad na sinadya iyon ni Jocelle upang takasan ako. "Ilang oras nang nawawala si Jocelle pero wala pa rin kayong lead?" galit na galit kong bulyaw sa mga ito.Konti na lang at magpapalit na ako ng mga taong pinagkakatiwalaan!"Sir, pinapasundan na po namin si Mr. James Guillemore pero one hundred percent pong hindi nito alam kung nasaan si Ma'am Jocelle.""Hindi ko kailangan ang mga walang kwenta ni'yong reports!" pabulyaw kong pahayag. "I need results! Positive results!""Kumalma ka, Rowan Michael!" bigla ay singit ng pamilyar na boses.Ma

    Last Updated : 2023-06-01
  • Playing Pretend with Mr. Billionaire    chapter 46

    I feel so disgusted while looking at Jocelle's cousin. Hindi ko ma-imagine na magkadugo silang dalawa."Sir, nasa labas po si Mr. Lawrence Galvez," pagbabalita ng isa sa mga tauhan ko.Hindi nakaligtas sa paningin ko ang biglang pagdaan ng saya sa mukha ni Vernice. Inaasahan siguro niya na maililigtas siya ng kanyang ama mula sa galit ko."Let him in," nagtatagis ang mga ngipin kong tugon sa'king tauhan. Gumuhit sa mukha ni Vernice ang pagkabalisa dahil sa tono ko. Ngayon ay may idea na siya na walang maitutulong sa kinasusuungan niyang sitwasyon ang presensya ng kanyang ama."RM, wala naman talaga akong ginawa kay Ate Jocelle," pangungumbinsi sa'kin ni Vernice habang aligagang napapasulyap sa pintuang panggagalingan ng kanyang ama. "Biro lang iyon at hindi ko naman alam na seseryosohin niya. Para na rin niyang pinapakita na wala siyang tiwala sa'yo at hindi gano'n katatag ang feelings niya—""Shut up," mahina pero mariin kong sansala sa pagsasalita niya.Ngali-ngali ko siyang sakta

    Last Updated : 2023-06-11
  • Playing Pretend with Mr. Billionaire    chapter 47

    Nabunutan ako ng tinik sa dibdib at bahagya akong napanatag nang makumpirma ng mga tauhan ko na kasama ni Dianne si Jocelle.Isang araw din ang lumipas bago marinig ko ang pinakahihintay kong balita.Ito na yata ang pinakamahaba kong paghihintay bagay pero worth it naman dahil nasa maayos na kalagayan si Jocelle.Pahirapan pa muna ang paghahanap sa kaibigan ni Jocelle dahil nasa isang malayong probinsya ito at protektado ng pinakamayamang angkan sa bahaging iyon ng bansa. Kahit naman ganito ako kaimpluwensya ay may mga tao pa ring hindi ko agad napapasunod at kasali na roon ang angkan na kasalukuyang pinagtatrabahoan ni Dianne.Mabuting tao si Dianne at ang pamilya nito kaya panatag akong walang masamang mangyayari kay Jocelle habang kasama nila ito.Mas maalagaan pa ng pamilya ni Dianne si Jocelle kumpara sa sariling pamilya ng huli.Nababawasan ang bigat na nararamdaman ko simula no'ng mawala si Jocelle dahil umaayon na ang lahat sa kagustuhan ko.Napilitang makipag-cooperate sa'k

    Last Updated : 2023-06-11
  • Playing Pretend with Mr. Billionaire    chapter 48 (Jocelle)

    "Okay na ba ang pakiramdam mo?" tanong sa'kin ni Dianne nang madatnan ko ito sa kusina pagkagising ko.Nakabawi na ito sa initial na gulat nang bigla akong sumulpot dito sa bahay nila kahapon. Buti pa ito nakabawi agad samantalang ako ay bitbit ko pa rin iyong sakit na nararamdaman ko simula pa kahapon.Bahagya akong napangiwi nang maalala ang kaawa-awa kong hitsura nang makarating ako rito sa kanilang bahay. Sabog ang buhok ko at namamaga ang mga mata habang tumutulo ang mga luha. Kung hindi dahil sa sleeve ng suot kong damit ay pati sipon ko sana tumutulo rin. Iniyak ko lahat kahapon kaya heto at parang ayaw nang bumuka ng mga mata ko dahil sa pamamaga. Medyo masakit din iyong ulo ko. Na-dehydrate yata ako sa kakaiyak. Baka kapag maiyak na naman ako ay dugo na iyong tutulo imbes na luha."Kape para nerbyusin ka na 'pag maisip mong mag-jowa ulit."Paos akong napapakatak habang tinatanggap ang iniabot niyang tasa ng kape."Dapat kasi ay sumunod ka sa three months rule bago muling

    Last Updated : 2023-06-16
  • Playing Pretend with Mr. Billionaire    chapter 49

    Wala naman pala akong dapat na ipag-alala sa bago kong trabaho dahil mababait iyong mga makakasama ko.Maging si Sir Cloud ay sobrang bait. Seryoso lang itong tingnan pero kapag kausap mo na ay sobrang down to earth.Kambal man sila ni Sir Sky ay hindi iti nawisikan ng pagiging masungit ng huli. Bawing-bawi naman sa hitsura dahil hindi man magkamukhang- magkamuha ay wala namang tapon sa magkakapatid. Akala ko noon ay si Michael lang iyong perpekto pagdating sa kagwapuhan pero meron din pala sa lugar na ito at iyon ay ang magkakapatid na Granzon. Si Ma'am Star naman na minsan ko na ring nakilala ay ang masasabi kong pinakamadaling lapitan sa triplets. Bungisngis kasi ito at sobrang kwela. Kapag nakikipag-usap sa aming mga empleyado ay parang kabarkada lang. Si Sir Sky lang talaga iyong medyo ilag kami dahil bibihira lang talaga itong ngumiti at iyon ay kapag kinukulit na ito ni Ma'am Star.Hindi ko pa nakikita iyong mga magulang nila at sa usap-usapan ko lang naririnig iyong tungkol

    Last Updated : 2023-06-20
  • Playing Pretend with Mr. Billionaire    chapter 50

    "Buntis ka ba?"Maang akong napatingin kay Dianne dahil sa diretsahan niyang tanong."Anong klaseng tanong iyan?" natatawa kong balik-tanong sa kanya.Hindi ako natawa sa pinapanood kong comedy film pero sa tanong niya ay napatawa talaga ako... tawang may kasamang nerbyos. Dalawa na sila no'ng dalagitang nagtitinda ng prutas na inakalang buntis ako. Iyong una nga lang ay inakalang naglilihi ako tapos itong kaibigan ko ay diretsahan talaga akong tinanong!"Seryosong tanong 'to," nandidilat niyang tugon.Halos mag-iisang linggo na ako rito sa isla at unang day off ko ngayon kaya naisipan kong mag-netflix and chill pero literal na pinanlalamigan ako sa buntis-buntis naming paksa!Nang sumunod na mga araw pagkatapos akong kausapin ni Sir Sky tungkol kay Michael ay abot-abot ang kaba ko habang hindi mapakali at baka totoo ngang biglang susulpot ang huli. Pero ngayon ay nawala na sa isip ko ang posibilidad na iyon. Ilang araw na kasi ang dumaan at ni anino ng Michael na iyon ay hindi nagp

    Last Updated : 2023-06-20
  • Playing Pretend with Mr. Billionaire    chapter 51

    Nang sumunod na mga araw ay nakumpleto na ang mga kinakailangan kong check-up upang mapangalagaan kaming dalawa ng magiging baby ko. Babalik pa naman ako sa OB ko para sa'king prenatal schedule. Kahit tapos nang kumpirmahin ng doktor na tama iyong lumabas na result ng PT ay parang panaginip pa rin ang lahat. Hindi pa rin ako makapaniwala na magkakaroon na ako ng baby!Nakakamangha lang na meron nang nabubuong buhay sa sinapupunan ko. Ganito pala iyong feeling ng magiging nanay, nakaka-excite na nakakanerbyos.Sa samo't saring emosyon na nararamdamab ko ay nanaig iyong saya lalo na ngayong napag-alaman kong maayos naman ang pagbubuntis ko. Wala akong kaalam-alam na dalawang buwan na pala akong buntis dahil wala naman akong naramdamang kakaiba sa katawan ko.Hindi ko nga naranasan ang tinatawag na morning sickness, na karaniwang sintomas ng pagdadalang-tao. Pero sinabi ng doktor na normal lang ito. Mayroong mga buntis na hindi talaga nasusuka, habang may iba naman na malala iyong nar

    Last Updated : 2023-06-23

Latest chapter

  • Playing Pretend with Mr. Billionaire    Chapter 57

    Kinagabihan ay sumalo sa hapunan namin ng pamilya ni Dianne si Michael. Mabilis niyang nakuha ang loob ng Nanay at Tatay ni Dianne. Mga simpleng tao lang ang mga ito kaya siguro hindi nila gaanong kilala ang katauhan ni RM. Alam nilang malaking tao ito sa larangan ng negosyo at galing sa mayamang pamilya pero hindi nila alam kung ano ang kaya nitong gawin at ang mga nagawa na nito. Pinapakitunguhan nila si Michael batay sa pinapakita nito ngayon at hindi sa kung sino ito sa pagkakakilala ng publiko. Kakaibang saya ang nararamdaman ko habang pinapanood si Michael na masayang nakikipag-usap sa tatay ni Dianne. Tungkol sa pinagkaabalahan sa palaisdaan ang pinag-uusapan nila. "Magtatagal ka ba rito sa isla?" bigla ay tanong kay Michael ni Nanay Veron na nanay ni Dianne Napansin ko ang ginawang pagsulyap sa'kin ni Michael bago bumaling kay Nanay. "Depende po kay Jocelle,"agalang niyang sagot. "Paano kung dito na titira si Jocelle?" natatawang tanong ni Tatay Dong, ang ama ni Dian

  • Playing Pretend with Mr. Billionaire    chapter 56

    Bago tuluyang nagpaalam sina Michael ay kinausap muna ako ni Lola Mathilda.Kabadong-kabado pa ako at baka bigla ako nitong offer-an ng sampung milyon layuan lang ang kanyang apo. Kung kailan kami nagkaayos ni Michael ay tsaka pa ako masampal ng kayaman ng Lola niya.Siguro kung ibibigay niya sa'kin ang kalahati ng buong ari-arian ng mga Arizon ay pag-iisipan ko pa ang magiging offer niya pero hindi gano'n ang naging usapan namin."Mahal ka ng apo, sana ay sa susunod na may ganitong pangyayari na naman ay sa'kin ka lumapit bago ka gumawa ng desisyon." Malumanay ang boses ni Lola Mathilda habang kinakausap niya ako.Iyong kaba ko kanina ay biglang naglaho."Kung makikita kong may mali ngang ginawa si Rowan Michael ay ako ang dedesiplina sa kanya. Malabo mang may kalokohang gagawin ang isang iyon pero tandaan mong kakampihan kita 'pag nagkataon.""Pasensya na po kayo," nakayuko kong paghingi ng paumanhin.Naiintindihan ko naman iyong naratamdaman niyang inis dahil sa inakto ko. Pati ba

  • Playing Pretend with Mr. Billionaire    chapter 55

    Ilang sandali pa at magkakaharap na kaming lahat sa sala nina Dianne. Dati naman ay naluluwagana ako sa sala nila pero dahil sa presensya ng mga bisita namin ay biglang parang sumikip.Pakiramdam ko nga ay hindi kakayanin ng maliit na ceiling fan na nandito sa sala iyong init na dala ng tensiyon.Kahit saan talaga ilagay itong Lola Marga ni Michael ay astang reyna talaga ito. Well, gano'n naman talaga ito, reyna ng mga Walliz. "Now, ipaliwanang mo sa'kin kung bakit bigla-bigla kang umalis," seryoso nitong kausap sa'kin."Bakit ako iyong magpapaliwanag?" maang kong tanong. "Ako po iyong niloko ng apo ninyo," dugtong ko.Kailangan ko lang pala isipin iyong kasalanan sa akin ni Michael para magkalakas loob akong sagutin ang lola niya.Kung ako naman iyong naaagrabyado ay hindi ako dapat na manahimik lang lalo na ngayong may pinoprotektahan na ako.Wala sa sariling naipatong ko ang kamay sa impis kong tiyan. Nang mahagip ng tingin ko ang pagtutok doon ni Michael ay taranta ko namang inali

  • Playing Pretend with Mr. Billionaire    chapter 54

    "Hindi ako aalis hangga't hindi mo ako pakikinggan," matigas na pahayag ni Michael.Sa pagkakataong ito ay nakikita ko na iyong RM na pinangingilagan ng lahat. Ibang-iba ang Michael na kaharap ko ngayon sa Michael na nakasama ko. Gano'n pa man ay hindi nagbabago iyong damdamin ko para sa kanya. Partida galit pa ako niyan dahil sa ginawa niyang pagtataksil sa'kin."Walang katotohanan ang inaakala mong panloloko ko sa'yo," mariin niyang dagdag.Mapakla akong napapalatak habang naiiling dahil sa narinig."So, sinasabi mo na hindi totoo iyong nakita ko?" sarkastiko kong tanong. "Gagawin mo pa akong tanga, eh kitang-kita ko kayong dalawa ni Vernice!" nanggagalaiti sa galit kong bulyaw sa kanya."Celle, kalma lang," awat sa'kin ni Dianne. "Hindi makabubuti sa'yo ang ma-stress," makahulugan niyang dugtong.Agad kong naalala ang kasalukuyan kong kondisyon kaya mariin akong pumikit at huminga nang malalim upang pakalmahin ang sarili.Nang muli akong magmulat ng mga mata at diretso kong sinama

  • Playing Pretend with Mr. Billionaire    chapter 53

    Pagkauwi ko kinahapunan ay hindi ako mapakaling inaabangan si Dianne. Bawat napapadaang sasakyan ay agad akong naalarma. Baka kasi bigla ay si Michael na ang dumating.Pagkarinig ko sa tunog ng motor ni Dianne ay sinalubong ko siya.Siguro ay halata sa hitsura ko iying nararamdaman kong pagkabalisa kaya"Ano? Nagpunta kanina sa opisina ni'yo si RM?" malakas na tanong ni Dianne matapos kong magkwento sa kanya pagkauwi kinahapunan."Oo nga," aligaga kong sagot. "Kasama niya si Sir Sky.""Wala naman siyang ginawa o sinabi 'di ba?" pang-uusisa niya."Iyon nga ang mas nakakakaba dahil tiyak na may binabalak iyon!" "Maupo ka nga, ako nang nahihilo sa'yo," saway niya sa palakad-lakad kong ginagawa.Pabuntung-hininga ko siyang tinapunan nang tingin pero hindi talaga ako mapakali kaya hindi ko rin magawang umupo."Paano kung nandito siya dahil nalaman niyang buntis ako?" nag-alala kong tanong. "Tapos kikunin niya iyong anak ko upang makuha iyong mana niya?""Kumalma ka, okay?" mahinahong uto

  • Playing Pretend with Mr. Billionaire    chapter 52

    May disadvantage rin pala kapag halos magkakilala na lahat ng mga tao sa paligid mo dahil pagkapasok ko ulit bukas sa opisina ay sinalubong ako ng mga pagbati mula sa mga katrabaho ko.Ang bilis umabot sa kanila ng balitang buntis ako. Wala akong naramdamang pagkailang o ano pa man dahil sa kawalan ng ama ng dinadala ko. Hindi nila pimaramdam sa'kin na dapat ko iyong ikahiya at ni isa sa kanila ay walang nag-usisa tungkol doon. Lahat ay excited sa pinagbubuntis ko at wala silang pinakitang interes sa kung papaano ako nabuntis at bakit wala silang nakikitang tumatayong tatay para sa anak ko.Ang nakakatuwa pa ay nagpresenta ang lahat na magiging ninang ng anak ko. Dalawang buwan pa nga lang ang tiyan ko ay may nangako nang sasagot sa drinks ng binyagan.Nakakataba ng puso na kahit kabago-bago ko pa lang ay ganito na ang pagtanggap nila sa'kin.Maging si Sir Cloud ay nanlibre ng snacks sa buong opisina bilang selebrasyon ng pagbubuntis ko.Ngayon pa lang ay botong-boto na ako sa kanya

  • Playing Pretend with Mr. Billionaire    chapter 51

    Nang sumunod na mga araw ay nakumpleto na ang mga kinakailangan kong check-up upang mapangalagaan kaming dalawa ng magiging baby ko. Babalik pa naman ako sa OB ko para sa'king prenatal schedule. Kahit tapos nang kumpirmahin ng doktor na tama iyong lumabas na result ng PT ay parang panaginip pa rin ang lahat. Hindi pa rin ako makapaniwala na magkakaroon na ako ng baby!Nakakamangha lang na meron nang nabubuong buhay sa sinapupunan ko. Ganito pala iyong feeling ng magiging nanay, nakaka-excite na nakakanerbyos.Sa samo't saring emosyon na nararamdamab ko ay nanaig iyong saya lalo na ngayong napag-alaman kong maayos naman ang pagbubuntis ko. Wala akong kaalam-alam na dalawang buwan na pala akong buntis dahil wala naman akong naramdamang kakaiba sa katawan ko.Hindi ko nga naranasan ang tinatawag na morning sickness, na karaniwang sintomas ng pagdadalang-tao. Pero sinabi ng doktor na normal lang ito. Mayroong mga buntis na hindi talaga nasusuka, habang may iba naman na malala iyong nar

  • Playing Pretend with Mr. Billionaire    chapter 50

    "Buntis ka ba?"Maang akong napatingin kay Dianne dahil sa diretsahan niyang tanong."Anong klaseng tanong iyan?" natatawa kong balik-tanong sa kanya.Hindi ako natawa sa pinapanood kong comedy film pero sa tanong niya ay napatawa talaga ako... tawang may kasamang nerbyos. Dalawa na sila no'ng dalagitang nagtitinda ng prutas na inakalang buntis ako. Iyong una nga lang ay inakalang naglilihi ako tapos itong kaibigan ko ay diretsahan talaga akong tinanong!"Seryosong tanong 'to," nandidilat niyang tugon.Halos mag-iisang linggo na ako rito sa isla at unang day off ko ngayon kaya naisipan kong mag-netflix and chill pero literal na pinanlalamigan ako sa buntis-buntis naming paksa!Nang sumunod na mga araw pagkatapos akong kausapin ni Sir Sky tungkol kay Michael ay abot-abot ang kaba ko habang hindi mapakali at baka totoo ngang biglang susulpot ang huli. Pero ngayon ay nawala na sa isip ko ang posibilidad na iyon. Ilang araw na kasi ang dumaan at ni anino ng Michael na iyon ay hindi nagp

  • Playing Pretend with Mr. Billionaire    chapter 49

    Wala naman pala akong dapat na ipag-alala sa bago kong trabaho dahil mababait iyong mga makakasama ko.Maging si Sir Cloud ay sobrang bait. Seryoso lang itong tingnan pero kapag kausap mo na ay sobrang down to earth.Kambal man sila ni Sir Sky ay hindi iti nawisikan ng pagiging masungit ng huli. Bawing-bawi naman sa hitsura dahil hindi man magkamukhang- magkamuha ay wala namang tapon sa magkakapatid. Akala ko noon ay si Michael lang iyong perpekto pagdating sa kagwapuhan pero meron din pala sa lugar na ito at iyon ay ang magkakapatid na Granzon. Si Ma'am Star naman na minsan ko na ring nakilala ay ang masasabi kong pinakamadaling lapitan sa triplets. Bungisngis kasi ito at sobrang kwela. Kapag nakikipag-usap sa aming mga empleyado ay parang kabarkada lang. Si Sir Sky lang talaga iyong medyo ilag kami dahil bibihira lang talaga itong ngumiti at iyon ay kapag kinukulit na ito ni Ma'am Star.Hindi ko pa nakikita iyong mga magulang nila at sa usap-usapan ko lang naririnig iyong tungkol

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status