Galit na inagaw ni Jacob ang hawak ni Celine upang tingnan iyon. Maaring kapareho lamang ang pagkagawa sa naturang card. Pero nang buksan iyon ay nangunot ang noo niya. "Paanong magkapareho?" Naibulong niya. Inagaw din ni Celine ang kinuha sa kaniya ni Jacob at ipinasok muli sa dalang bag. Hindi ni
"Huwag kang mag alala at kapag gumawa siya ng eksina mamaya ay may taong haharang sa kaniya." "Ako ang unang hihila sa buhok ng nanay mo kapag tumutol pa siya mamaya sa relasyon ninyong dalawa!" Sabay na napalingon sina Oliver at Jasmine sa nagsalita na nasa bugad ng pinto. "Hi!" Nakangiti kumawa
Lalong napahanga ang lahat sa matanda dahil sa kababaan ng loob at pagiging mapagmahal sa kapwa. Napakurap si Oliver upang pigilan ang luhang namumuo sa gilid ng mga mata. Napapanood kasi nila ang mga nangyayari mula sa screen monitor. Hinalikan niya sa noo ang asawa at ayaw niyang magsalita. Tiyak
"Ladies and gentlemen," salita muli ni Zion. "Please welcome and congratulate our newly engage couple!" Inilahad ni Zion ang kanang kamay sa open space sa gilid ng stage kung saan lalabas ang dalawa. Sabay na nalaki ang mga mata ni Kristen at Celine nang biglang ipakita sa screen ang mukha ng dalaw
Naiiyak na niyakap ni Jasmine ang asawa nang makitang nagtutubig ang mga mata nito. Hinila niya ang kamay nito pababa sa stage at dinala sa harap ng mga magulang nito. Nahawi ang mga tao at binigyan daan ang dalawa. Maging ang mga taong nasa paligid nila Kristen ay lumayo upang bigyan ng space ang
Gulat na napalingon si Kristen kay Alvin nang makitang natumba ito. Nagmamadali niya itong nilapitan upang tulungan sa pag aakalang nawalan lang ito ng lakas. Kahit anak nito ay hindi napansin ang ama at nakatuon sa stage ang atensyon. "Ayos ka lang?" Mariing tikom ang bibig na umiling si Alvin at
"Sino po ang kaanak ng pasyente?" "Ako po ang anak, kumusta ang daddy ko?" "Nagkaroon po siya ng mild stroke. Apiktado ang kalahating katawan niya sa bandang kanan kaya kailangan niyang mag undergo sa—" "Gawin ninyo ang nararapat upang gumaling ang daddy ko!" Putol ni Jacob sa pagsasalita ng doct
"Kasalanan mo kung bakit siya narito ngayon. Sobra siyang napahiya kagabi at—" "Puwede bang tumigil ka na sa pamimintang at paninisi sa kapatid mo?" Galit na sikmat ni Jasmine sa lalaki. "Lahat na lang ng failure sa pamilya ninyo ay sa asawa ko isisi, bakit? Ginusto niya bang isilang sa mundong ito
Nagpapasalamat ang tinging ipinukol ni Dony sa binata. Nagpapasalamat siya at iniintindi nito ang dalaga at binibebe pa. Ngayon niya lang nakita na ganito kasaya si Freya. "Ninong, huwag niyo na po kaming paghiwalayin ni ,Ken. Ok lang po na hindi na ninyo ibigay sa akin ang mamanahin ko." Humigpit
."Alam ko na gusto nilang paghiwalayin kami ni Freya gamit ka. Isa pa ay hindi nila alam ang totoo kong pagkatao." "Huwag kang mag alala, mula ngayon ay hindi na nila ako magagamit pa!" Napatiim bagang si Dony. Kung totoo ang hinala ni Ken, naloko nga siya ni Luisa. Naikuyom niya ang mga kamay pagk
"Bakit hinayaan mong ang babaeng iyon ang kilalanin niyang ina?" pagalit na tanong ni Ken sa abogado. Huminga nang malalim si Dony at mataman na pinagmasdan ang binata. "Bata pa si Freya noon at takot si John na mauwi din sa depression ang sakit ng anak, tulad sa kaniyang asawa." Naikuyom ni Ken a
Inirapan ni Freya ang binata upang itago ang tunay na nadarama. "Hindi ka ba papasok sa opisina?" Sandaling natigilan si Ken at wala sa sariling napatingin sa paligid ng silid. Nagtatakang sinundan ng tingin ni Freya kung saan nakatanaw ang binata. "Kaninonh silid ang kinaroroonan natin?" Mukhang
"Shit, bro, mukhang kidnaper ka sa ginagawa mong ito!" naibulalas ni Dave nang makita ang suot ni Freya habang buhat ni Ken papasok sa kompanya. Tulog pa rin ang dalaga at wala itong kamay malay na nakarating sa kompanya at ang suot ay ternong pajama. "Tsk, alam mong hindi ko siya maiwan sa bahay
"Pagod lang siguro ako." Mabilis na iwinaksi si Dony ang laman ng isipan na alam niyang imposible. "Babalik na lang ako bukas at kailangan ko munang umuwi sa pamilya ko." Nainis si Luisa sa abogado at parang wala namang nangyari sa pag uusap nito at ni Ken. Hindi manlang ito pinigilan ng asawa niy
"Hayop kang matanda ka!" Galit na galit na tumayo si Luisa at ibinato kay Lolita ang isang sandal na suot. Ngunit mabilis itong nakailag at lalo siyang pinagtatawanan. "Nagsalita ang hindi na gurang." Nang aasar na ani Lolita. "Kapag sinaktan mo ako ay huwag kang magsumbong at gagantihan kita na gu
Nagmamadaling dumiritso si Dony sa silid ni Freya pagkarating sa bahay ng mga ito. Nakasunod sa kaniya si John at nag aalala rin nang mabalitaang sinumpong na naman ng sakit ang dalaga. "Ano ang nangyayari, bakit parang napadalas na ang sakit ng ulo niya?" tanong ni Dony habang kumakatok sa pinto.
"Please, don't leave me!" Nanghihinang bulong ni Freya at parang pagod ang pakiramdam. "I'm scared!" "Hindi kita iiwan. Nandito lang ako hanggang sa paggising mo." Masuyo niyang bulong sa dalaga at parang batang ipinaghihili ito upang makatulog. Kumatok si Dave sa pinto nang hindi na marinig ang i