"Sir, saan ko po dadalhin ang papelis?" tanong ng assistant ni Mark na nakasunod lang dito. "Dalhin mo sa room ko." Hindi tumitingin na utos ni Mark habang tinutupi hanggang siko ang manggas ng suot. Napasunod ang tingin ni Avery sa lalaking may bitbit na maraming folder at attache case. "Ganoon k
"Ok na ako, gawin mo na ang inuwing trabaho mo upang hindi ka mapuyat." Ngumiti siya sa binata upang hindi na mag alala pa sa damdamin niya. Napilitang tumayo na si Mark. "Ikuha muna kita ng tubig." Nakangiting tumango siya sa binata at sinundan ng tingin ito hanggang sa makapasok sa loob ng kusin
"Hey, hindi dito ang room ko." Sita ni Avery sa binata at buhat na naman siya nito. "Sa room ko na ikaw manood upang nakikita kita habang nagtatrabaho ako." "Pero maisturbo lang kita, Mark." Tutol niya sa nais mangyari ng binata. "No, dito ka lang sa tabi ko. Kaya ako inuwi ko ang trabaho dito da
Sobrang saya ni Kristen nang sunduin siya ni Mark at kakain sila sa labas. Pero paglabas niya ng silid ay dissapoint siya dahil hindi si Mark ang naghihintay sa sala kundi ang driver nito. "Nasaan si Mark?" mataray niyang tanong dito. "Hinigintay po kayo sa sasakyan." Magalang na sagot ng driver.
Marahang kinabig ni Mark ang ulo ni Avery at isinandal sa balikat niya. "Matulog ka muna habang nasa beyahe tayo." Walang pag alinlangang iniyakap ni Avery ang isang kamay sa tiyan ng binata at ipinikit ang mga mata. Ang bango nito at ang sarap sa pakiramdam na sobra siyang iniingatan ni Mark. Ma
Naiiling na lang sa isipan si Avery. Talagang ayaw pumayag ng binata na may ibang lalaking humawak sa kaniya upang umalalay. Wala na rin ang saklay sa kamay niya pero bawal pa mapuwersa. Inis na tiningnan ni Kristen si Avery. Kahit ano ang gawin niya ay hindi ito maiwan ni Mark. "Bro!" Nakangiting
"Sinasabi mo bang may gusto ako sa iyo?" manghang tanong ni Avery kay Rex. Napalunok muna ng sariling laway si Rex at saka sumagot kay Avery. "Yes, lahat ay alam ko rin tungkol sa iyo dahil sinasabi mo sa akin." "Pero ang sabi ng nanay ko ay si Mark ang gusto ko?" nagugulohan ani Avery at saka nag
"Tama lang ang dating ninyo." Nakipagkamay si Mark kay Rafael. "Kumusta?" Humalik si Jenny kay Avery. Nahihiyang ngumiti si Avery sa pinsan ng binata. Minsan lang magtagpo ang landas nila noon pero mabait ito at tinutukso lagi sila ni Mark kapag nakita. Alam kasi nito kung gaano niya kamahal si Ma