"Diana, huwag mo isipin iyan. Hindi mabigat na gawain ang itong ginagawa ko para sa kaibigan ko." Ngumiti si Denise kahit sa kaloob-looban ay gusto na niyang sabunutan ang babae."Alam ko na malaki ang naging papel mo sa buhay ng asawa ko dahil magkaibigan kayo. Pero huwag mong kalimutan na nagkakae
Mukhang nasabugan ng bomba ang hitsura ni Denise matapos masampal ni Mauro. Hindi ito makapaniwalang tumingin sa kaibigan habang hawak ang nasaktang pisngi. Nagpupuyos sa galit si Mauro at nakalimutang kaibigan niya si Denise. Kung hindi siya niyakap ni Diana ay baka hindi lang isang sampal ang nag
"Sigurado ka ba diyan sa plano mo?" tanong ni Charles kay Mauro mula sa kabilang linya."Yes, malakas ang kutob ko at gustong makasiguro." Madilim ang aura ng mukha ni Mauro habang nakatanaw sa madilim na kalawakan. Mukhang nakisimpatya sa mood nito ang kalikasan. Tanging ilaw sa kabahayan ang nagsi
Muling nangunot ang noo ni Stella nang matanggap ang message ng asawa. Lalabas na sana sila ni Diana at samahan niya ito hanggang sa dumating si Mauro. "May problema ba?" tanong ni Diana sa pinsan."Ngumiti si Stella at umiling. Hindi niya alam kung ano ba ang dahilan ng asawa at inuutusan siya nit
Tuwang-tuwa si Denise nang itawag sa kaniya ng tauhan na nakuha na ng mga ito si Diana. Agad siyang naghanda na puntahan ang babae sa isang lumang bodega at doon na dinala ng tao niya.Sa beach, nagtaka si Diana at nagpaalam na aalis muna at kasama pa si Charles. Pagtingin niya kay Stella ay mukhang
"Itaas ang mga kamay at huwag magtangkang lumaban dahil napapalibutan na namin kayo!" Pagbigay babala ng namumuno sa paghuli sa mga kriminal.Pakiramdam ni Denise ay nanlaki ang ulo niya at hintakutang bumalik sa loob upang maghanap ng mataguan. Mabilis na kumilos ang isa sa tao niya at nilapitan an
"Mauro, mukhang may mas malaking problema ka pang haharapin ngayon," ani Charles habang nakatingin sa cellphone. Mabilis na inagaw ni Mauro ang hawak na cellphone ni Charles at tiningnan. "What the hell? Nasaan ang dress na binili ko para sa kaniya?" Natawa si Charles habang tinitingnan ang reacti
Naisubsob ni Diana ang mukha sa dibdib ng asawa at pinagtitinginan sila ng mga nadaanan nila. Paano naman kasi, naka two piece swimsuit siya tapos ang asawa ay naka business attire. Mukha tuloy siya tumakas lang papuntang beach at sinusundo na ng tatay ngayon.Pagkapasok sa silid na inuukupa nila ay
Nagpapasalamat ang tinging ipinukol ni Dony sa binata. Nagpapasalamat siya at iniintindi nito ang dalaga at binibebe pa. Ngayon niya lang nakita na ganito kasaya si Freya. "Ninong, huwag niyo na po kaming paghiwalayin ni ,Ken. Ok lang po na hindi na ninyo ibigay sa akin ang mamanahin ko." Humigpit
."Alam ko na gusto nilang paghiwalayin kami ni Freya gamit ka. Isa pa ay hindi nila alam ang totoo kong pagkatao." "Huwag kang mag alala, mula ngayon ay hindi na nila ako magagamit pa!" Napatiim bagang si Dony. Kung totoo ang hinala ni Ken, naloko nga siya ni Luisa. Naikuyom niya ang mga kamay pagk
"Bakit hinayaan mong ang babaeng iyon ang kilalanin niyang ina?" pagalit na tanong ni Ken sa abogado. Huminga nang malalim si Dony at mataman na pinagmasdan ang binata. "Bata pa si Freya noon at takot si John na mauwi din sa depression ang sakit ng anak, tulad sa kaniyang asawa." Naikuyom ni Ken a
Inirapan ni Freya ang binata upang itago ang tunay na nadarama. "Hindi ka ba papasok sa opisina?" Sandaling natigilan si Ken at wala sa sariling napatingin sa paligid ng silid. Nagtatakang sinundan ng tingin ni Freya kung saan nakatanaw ang binata. "Kaninonh silid ang kinaroroonan natin?" Mukhang
"Shit, bro, mukhang kidnaper ka sa ginagawa mong ito!" naibulalas ni Dave nang makita ang suot ni Freya habang buhat ni Ken papasok sa kompanya. Tulog pa rin ang dalaga at wala itong kamay malay na nakarating sa kompanya at ang suot ay ternong pajama. "Tsk, alam mong hindi ko siya maiwan sa bahay
"Pagod lang siguro ako." Mabilis na iwinaksi si Dony ang laman ng isipan na alam niyang imposible. "Babalik na lang ako bukas at kailangan ko munang umuwi sa pamilya ko." Nainis si Luisa sa abogado at parang wala namang nangyari sa pag uusap nito at ni Ken. Hindi manlang ito pinigilan ng asawa niy
"Hayop kang matanda ka!" Galit na galit na tumayo si Luisa at ibinato kay Lolita ang isang sandal na suot. Ngunit mabilis itong nakailag at lalo siyang pinagtatawanan. "Nagsalita ang hindi na gurang." Nang aasar na ani Lolita. "Kapag sinaktan mo ako ay huwag kang magsumbong at gagantihan kita na gu
Nagmamadaling dumiritso si Dony sa silid ni Freya pagkarating sa bahay ng mga ito. Nakasunod sa kaniya si John at nag aalala rin nang mabalitaang sinumpong na naman ng sakit ang dalaga. "Ano ang nangyayari, bakit parang napadalas na ang sakit ng ulo niya?" tanong ni Dony habang kumakatok sa pinto.
"Please, don't leave me!" Nanghihinang bulong ni Freya at parang pagod ang pakiramdam. "I'm scared!" "Hindi kita iiwan. Nandito lang ako hanggang sa paggising mo." Masuyo niyang bulong sa dalaga at parang batang ipinaghihili ito upang makatulog. Kumatok si Dave sa pinto nang hindi na marinig ang i