Hello po! Magandang araw! pasensya na po sa mga erro'r na makikita nyo. Edit ko po mamaya.
Jack Garrett POV"Inis na inis ka yata ngayon, Justine?" tanong ni Mafuyu kay Justine. Kasalukuyan silang dalawa ang nandito dahil si Lance at Gilbert ay mga busy sa kani kanilang mga buhay. Ewan ko lang kung ano ang pinagkakaabalahan nga mga ito.Pinagmamasdan ko lang silang dalawa habang nag uusap ang mga ito. Hindi muna ako ng rounds sa mga costumer's dahil nacurious ako kay Justine na ngayon ay hindi ko rin masabi kung ano ang tumatakbo sa kaniyang utak.Nakailang shot na rin ito ng sunod sunod at kada bigay ko ng baso sa kaniya ng may laman ay agad naman niya itong tinutungga.I cleared my throat kaya napatingin ang dalawa sa akin. "Sino ba yang nagpapasira ng mood mo? Kanina ko pa naririnig ang malulutong mong pagmura." aniko na kay Justine nakatingin."Tsk! I really hate that girl so much!""Who?" sabay pa naming tanong ni Mafuyu na kunot ang mga noo.Kulubot rin ang noo nito at magkasalubong ang mga kilay na animo'y inis na inis talaga sya. Nagtatagis ang bagang habang mahigpit
Kent Justine POV Pagkaalis ko sa bar ni Garrett, kinontak ko naman agad si Tristan. May kakilala kasi itong secret agent at ito ang pinakisuyuan niya para mahanap ang babaeng si Ziya. Tinanong ko sa kaniya kung nakita naba ang babaeng iyon dahil hindi na ako makapaghintay pa na magawa ang mga nais ko sa babaeng iyon. At sa wakas, nakita nga nila ito kaagad. Tatlong araw kona kasi itong hindi nakikita at subra akong naiinis. Kanina ko lang din nalaman na may ginawa pala itong resignation letter mula nang araw na malaman niyang ako na ang bagong nagmamay ari ng restaurant na pinag tatrabahuhan niya. Sa subrang inis ko, pati yung manager ay tuluyan ko ring pinatalsik. Kung nalaman ko lang sana kaagad at kung sinabi nito agad na umalis na iting si Ziya sa resto eh di sana hindi ako naghahanap ngayon sa lintik na babae na iyon! "Sir, mukhang hindi pa naman siya umaalis sa kanyang apartment. Sinabi rin sa akin ni Paulo na nakahanap na raw ito ng bagong trabaho." sabi ni tristan sa kabil
"Teka!"Napahinto ako sa biglaang pagsalita nito. Yumuko pa at tiningnan ang tagiliran ko dahil nakakapit roon ang kamay ni Ziya sa laylayan ng aking sa damit.Pumihit ako paharap sa kaniya at nakita kong nakayuko ito habang naglulumikot naman ang kanyang mga mata pakanan at pakaliwan. Namumula parin ito hanggang ngayon at hindi ko alam kung bakit niya ako pinipigilan.Nang tuluyan na akong makaharap sa kaniya ay saka naman nito binitiwan ang damit ko. Ngayon naman ay nilalaro niya ang kaniyang mga daliri. Nakagat rin nito ang pang ibabang labi kaya naman lalo akong nagtaka sa ikinikilos niya.Tumikhim ako para mabasag ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. "Bakit?" tanong ko sa baritonong boses."Uhm, ahh.." napakamot muna ito sa kanyang kilay at parang hindi niya masabi ang dapat niyang sabihin. Akala ko ay galit siya o nainis dahil sa ginawa kong paghalik sa kaniya pero bakit ngayon ay pinigilan niya akong umalis at parang nalilito pa sya sa kaniyang sarili.Hinihintay ko lang k
Stephanie(Third Person)POV Kinabahan naman ako ng sabihin sa akin ng head cook namin na ipinapatawag ako ng bagong boss namin. Noong nakaraan lang kasi ay tinanggal nito si ma'am Mea dahil sa hindi nito naibigay kaagad ang resignation letter ni Ziya. Sayang lang dahil gwapo pa naman sana ito kaso nakapasungit at napaka striktong tao. Naikwento rin sa akin ni Ziya na nakilala niya raw itong bago naming boss. Kahit mahal na mahal ng kaibigan ko ang kanyang trabaho, mas pinili niya paring iwan ito para lang maiwasan ang taong ito. Kaya siguro bigla nalang nagresign si Ziya dahil ganyan pala ang pag uugali ng Merrick na iyan. Akala ko pa naman sila iyong mga mabubuting tao batay sa mga napapanood ko sa balita at tv. Hindi ko inaasahan na ganyan pala ugali nila sa personal. Sa media lang pala sila nagpapakitang mabubuting tao. Nakausap ko naman yung iba naming kasamahan na natanggal dito. Ang sabi nakahanap raw sila ng mas magandang trabaho at may isang tao daw na nag alok noon sa k
Tashiana Ziya POVKanina kopa napapansin na parang balisa ang kaibigan ko. Kanina pa kasi ito pabalik balik sa kaniyang nilalakaran habang naglulumikot naman ang mga daliri nito sa kamay.Narito ako sa loob ng aking kwarto habang ito naman ay nasa maliit na sala. Nakabukas lang kasi ang pintuan ng aking kwarto kaya kitang kita ko kung paano siya hindi mapakali. Wari bang kay bigat at iniisip nito.Minsan nahuhuli ko pang napapasulyap sa akin ngunit kapag nagtatama ang mga mata namin ay agad siyang iiwas ng tingin.Pagod rin ako ngayon maghapon dahil kahapon pa ako naglilibot para lang makahanap ng panibagong mapapasukan ngunit sa kasamaang palad ay kokontakin nalang raw ako kapag may bakante.Samantalang napalayas naman ako sa bago kong pinasukan dahil subra subra na daw ang mga trabahante nilang naroon. Nagmakaawa naman ako na kung pwede ay mag stay ako kahit isang buwan lamang pero hindi ko na nadala pa sa pakiusap. Tinuloy parin ang pagtanggal sa akin kaya ngayon nga ay naghahanap
Hindi ko namalayan na tinanghali na pala ako ng gising kinabukasan. Hindi ko man lang nabilinan si Stephanie na gisingin ako ng maaga bago siya umalis at pumasok sa trabaho dahil balak ko sanang makipagkita kay Ma'am Mea ngayong araw. Naisip ko rin kasi na kamustahin ito tungkol sa nangyaring pagpalatalsik ng lalaking iyon na malaki ang saltik sa utak. Naalala ko bigla yung sinabi ng Kent Justine na iyon nang pumunta ito sa aming apartment. Pababalikin niya raw si ma'am Mea kapag bumalik rin ako sa trabaho ko. Iyon lang ba ang ipinunta niya roon? Alam kong nahihirapan mag adjust si ma'am dahil single mom ito at may tatlo pa itong anak na pinaaaral. Sana naman hindi na muli kami magbangayan ni kurimaw na'yon kapag nakabalik na ako sa resto. Ang pangit niya kasi kapag nakakunot ang mga noo nito. Lalo lang akong naiinis kapag nakikita ko ang ganoong hitsura n'ya. Nagmessage muna ako kay ma'am Mea na makikipagkita ako sa kaniya at agad naman itong nagreply at sinabi nito kung saan ka
Kent Justine POVHalos libutin kona ang subdivision kung saan ang apartment ni Ziya, kakahanap lang sa kaniya.Saglit lang ako nawala dahil kinuha ko ang aking kotse nang magpatiuna itong maglakad at pagbalik ko sa tapat ng apartment nila ay bigla ba naman ito nawala? Nasulyapan kopa siyang lumiko bago ko sa isang kalye pero nang susundan kona siya ay wala na ito roon. Nagpaikot ikot pa ako dito sa subdivision nila at baka sakaling makita kopa siya ngunit hindi kona ito mahagilap pa.Saan ba nagpunta ang babaeng iyon at bigla nalang nawala? pinagtataguan niya ba ako? o sadyang may pagka makulit ito?Sa inis ko ay pinaghahampas ko ang manela ng aking sasakyan. Narito parin ako sa loob ng aking sasakyan at nananatiling nakaparada malapit sa apartment nito.Balak ko lang naman sana siyang sunduin dahil ngayon kona siya pauumpisahin sa trabaho niya dahil natupad ang plano kong mapabalik ito sa resto.Sinabi kasi kaagad sa akin ng kaibigan nitong si Stephanie kagabi na pumayag na raw si Zi
Tashiana Ziya POV"Ziya, okay naba talaga ang pakiramdam mo?" tanong sa akin ni Stephanie habang kumakain kami ngayon ng niluto niyang sopas. Dito lang naman kami kumakain sa loob ng aking silid dahil nang magising ako ay bigla akong nakaramdam ng gutom at naghanap ng sabaw kaya saktong nagluto pala ang kaibigan ko ng sopas.Mabuti nalang nandito siya dahil nanghihina ang katawan ko mula pa kanina nang maihatid ako ni Garrett. Hindi kasi ako makamove on sa sinabi ni ate Mea kaya ngayon para akong binacumer at naubusan ng lakas. Parang sinipsil lahat ng lakas ko sa mga sinabi ni ate Mea."Mabuti nalang wala si sir Kent sa resto nang tawagan ako ni Garrett para pauwin ako dahil masama raw ang pakiramdam mo. Ano ba kasi talagang nangyari? " tanong pa ni Stephanie.Nakita ko sa mukha niya ang pag aalala. Napangiti lang ako ng tipid rito.Kanina bago umalis si Garrett, hinintay na muna nitong makatulog ako hanggang sa makauwi si Stephanie. Siguro iyon ang nangyari mula nang makaidlip ako.
Kinabukasan, kampante ako at pakiramdam ko ay fully charge ako ngayong araw. Buo na kasi ang loob ko at nakapagdisisyon na ako tungkol sa ipinanagtapat sa akin ni Justine. Habang tinatahak ang daan papasok sa kompanya, hindi na ako nag-atubiling tumingin sa paligid. deritso ako papuntang elevator kung saan naroon ang opisina ni Justine. Malapad na ngiti ang sumisilay sa aking mga labi at subrang excitment ang aking nararamdaman. Ang saya-saya ng pakiramdam ko dahil gusto kong surpresahin ito sa magiging sagot ko sa kaniya. Sa tingin ko naman ay matutuwa ito dahil ito naman talaga ang gusto niya. Ang sagot kong 'Oo.' Pakiramdam ko ay napaka special ng araw na ito para sa akin. Dahil sa wakas, hindi na maghihitay pa ng matagal si Justine para sa matamis kong 'Oo'. Kagabi ay paulit ulit akong nag-isip at ito na nga, Oo ang ibibigay kong sagot sa kaniya. Gumising pa ako ng maaga para lang ipagluto siya ng hotcake. Para naman kahit papaano ay may maaibigay ako sa kaniya. Baka kasi hind
"Ehem... iba yata ang ngiti mo na 'yan, Bhie?" Napalingon ako kung saan nanggaling ang boses na iyon. Nakita ko si Stephanie na nakatayo sa hamba ng pinto at nakahalukipkip. Kunot noo ko siyang tiningan habang unti unting nawawala ang mga ngiti ko sa labi. "Kanina ka pa ba dyan?" tanong ko. Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa aking kama at naghanap ng ibang mapaglilibangan. Itinabi ko muna ang kanina ko pang hawak na cellphone bago ko hinarap ang aking kaibigan. Nagtataka ko siyang tiningan. "Ang tanong ko muna ang sagutin mo bago ka magtanong ng iba sa akin." anito. "haha, ano bang sinasabi mo?" pilit kong hinahapuhap ang dapat kong isagot sa kaibigan ko. Hindi na naman niya ako titigilan hanggat hindi ko sinasabi sa kaniya kung anong dahilan ng aking pagngiti. Kanina ko pa kasi hawak ang aking cellphone at hanggang ngayon ay hindi pa ako nakakapag palit ng damit pambahay dahil sa kasalitan ko ng mensahe sa cellphone. "Bakit? masama bang ngumiti?" umupo akong muli sa kama. "
Do you want to be my girl? To be my girl.. To be my girl.. "Arrgg!" Napasabunot ako sa sarili kong buhok kasabay ng aking pagsigaw. Bakit hanggang ngayon ay umaalingawngaw parin sa utak ko ang mga katagang iyon na sinabi sa akin ni Justine? paulit ulit na sumusigaw sa utak ko. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba s'ya o niloloko n'ya lang ba ako? kung seryuso siya sa sinabi niya, anong gagawin ko? ni wala ngang ligaw ligaw siyang ginagawa, eh. Ilang araw na ba ang lumipas at bakit hanggang ngayon ay hindi ko iyon makalimutan? siguro nga sa kabila ng isip ko ay natutuwa pero sa ibang side ko ay nalilito. Siguro mas magandang sabihin na paano ko nga ba sasagutin ang tanong niya. Ang sabi niya handa naman raw siya maghintay basta huwag lang daw patagalin. Ano yun? sasabihin niyang handa siya maghintay pero parang nagmamadali naman siya sa tugon ko. Nong araw na sabihin niya iyon sa akin, na kung pwede bang maging girlfriend niya ako ay hindi kaagad ako nakapagsalita at hindi ko
Napapitlag ako nang marinig ko ang tanong na iyon ni Justine. Narito na pala siya at akala ko magkausap pa sila ng tindera.Pero.. paano niya nalaman na underware ang kinuha ko gayong nasa labas siya ng dressing roon?"H-Hindi ko sasabihin sa'yo. Tiyak na hihilingin mo sa akin na ipakita ito sa iyo." aniko.Nang wala akong marinig na salita mula sa labas ay pinagpatuloy ko ang pagsipat sa harap ng salamin. Nagpaikot ikot ako sa harap ng salamin habang pinapasadahan ang sarili kung bagay ba sa balat ko ang kulay."H-Ha!?"Nagulat ako dahil biglang may naghawi ng kurtina at iniluwa roon ang mukha ni Justine. Natigilan ito nang makita ang hubo't hubad kong katawan ngunit hindi nagtagal ay nag iba ang expression ng mukha nito."Hoy! a-anong ginagawa mo?" anas ko ngunit hindi humaharap sa kaniya.Nanatili akong nakaharap sa salamin habang doon ko siya tinitingnan. Naitakip ko ang mga kamay ko sa aking dibdib dahil sa kapilyuhang lumalabas sa mukha ni Justine. Alam kong may binabalak na nama
Habang kumakain ng pagkaing dinala ni Tristan kanina rito ay matiim kong pinagmamasdan si Justine. Narito ulit kami sa opisina niya at sa pagkakataon na namang ito ay muli na naman kaming magkasabay kumain, dito ulit sa opisina niya. Mukha ngang gutom na gutom na ito dahil halos sunod sunurin niya ang pagsubo at hindi alintana kung mabulunan man siya. Akala mo naman may kakumpitensya sa pagkain at nakikipag-unahan sa pag-ubos niyon."Hinay hinay lang at baka mabulunan ka." aniko at inabutan siya ng basong may laman ng tubig. "oh ito tubig, uminom ka rin kung minsan." pigil ngiti ko pang ani. Ngumunguya pa ito habang kinuha naman nito ang baso sa akin at uminom roon."Thanks." aniya nang makahuma.Tumango lamang ako sa kaniya at nagpatuloy sa pagkain."Kapag ikaw talaga ang kasama kong kumain, ginaganahan ako." natigilan ako sa pagsubo sana ng pagkain. Sa gulat ko ay hindi ako nakapagsalita. Dahan dahan akong umangat ng ulo at tumingin sa kaniya. Tumitig ako sa mga mata niya. Sinisi
Mapusok at may pananabik ang bawat halik na ipinapadama sa akin ni Justine lalo na at pinapalalim pa nito ang halik niya sa aking mga labi. Halos hindi ko rin siya mahabol at masabayan dahil sa kapusukan niyang ginagawaAt dahil nalulunod nga ako sa halik niya, idagdag pa ang kamay niyang kung saan saan humahaplos sa bawat parte ng katawan ko at hindi na ako nagdalawang isip pa na tumugon sa kaniya.Medyo tumagal nga ang halikan namin ni Justine na animo'y kay tagal ng panahon na hindi kami nagkasama at sabik na sabik sa bawat isa.Noong una ay hindi ako tumugon pero dahil sa kapusukan niya ay siya pa mismo ang nagbuka ng bibig ko para masakop nang tuluyan ang aking mga labi."Let's continue this later." biglang sabi nito.Pareho kaming hingal na hingal sa gitna ng paghahalikan tapos bigla siyang hihinto at sasabihin na ipapatuloy nalang mamaya? ano yun?Halos Nakalantad na nga ang aking dibdib at naitaas na rin nito ang suot kong skirt pagkatapos sasabihin niya na mamaya na?Halos pa
"So, paghihintayin mo ako?"Hindi ko alam kung ang tono ng pananalita niya ay natural lang o naiinis. Pero isa lang alam ko, pilit niyang pinapahaba ang pasensya niya."Hay.." napahawak na lang ako sa aking sintido.Ang hirap n'ya talagang ispelingin. Ganito kasi kami palagi. Nakasanayan na namin ang ganito. Sabay kumain.Pero ngayon lang ako nag demand sa kaniya dahil nga hindi naman tama na magmadali ako sa breaktime ko. Kahit naman siguro saan eh ganoon ang kalakaran sa mga empleyado. Kapag oras ng break ay dapat oras."Ano, talaga bang paghihintayin mo pa ako rito? at ako pa talaga maghihintah, huh?" sabi pa nito. Muli na naman nainis ang tono ng boses niya."Kumain kana nga kasi kung nagugutom ka." mahinahon kong sabi at hindi na siya nilingon pa at pinagpatuloy ko lang ang ginagawa."At talaga ngang maghihintay ako?"Sa pagkakataong ito ay dalawang kamay na ang nakita kong nakatukod sa ibabaw ng aking mesa."Ikaw ang bahala." walang lingon ko itong sinagot. Bahala siya kung main
Lumipas ang isang linggo, naging maayos ang takbo ng pagtatrabaho ko sa kompanya ni Justine. Kagaya ng patakaran n'ya ay lagi siyang nasusunod sa anumang nais niya. Kapag tumututol ako ay alam ko na ang kinalalabasan niyon. magsusungit.Sa harap naman ng mga ibang tao ay turing namin sa isa't isa ay mukha talaga kaming mga normal na magkatrabaho. At kapag kami lang dalawa lalo sa sa loob ng kaniyang opisina ay nagiging malambot ito sa akin na animo'y maamong tupa. Palagi siyang nagpapalambing sa akin na akin namang ikinakagulat.Nalilito na nga ako sa ginagawa niya dahil wala naman dahilan ang mga iyon kung bakit nagiging ganito siya kaclose sa akin. Malambing siya lalo na kapag gusto niya magpahinga. Kagaya ng dati, pauupuin niya ako sa kandungan niya, yayakap sa akin at magpapasuklay ng kaniyang buhok.Ginagawa niya iyon araw araw sa tuwing magpapahinga siya at kapag wala na siyang ginagawa. Minsan naman kapag tinatamad siya sa trabaho ay kulang nalang maghapon siyang nakayakap sa ak
"Were here."Bumalik ako sa reyalidad at naisantabi ang inaalalang kaganapan na nangyari kanina sa kaniyang opisina. Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa restaurant nito. nakapapark narin ito ng kaniyang sasakyan at saka niya ako pinagbuksan ng pinto para bumaba.Nauna itong mglakd at nakasunod lang din ako sa kaniya hanggang sa makapasok na kami ng tuluyan sa resto.Wala na kaming imikan pa dahil kapag nasa harap kami ng ibang tao ay pormal ang pakikitungo ko sa kaniya at mging sa pananalita ay naroon ang ang pagtawag ko ng Sir, Po at Opo. Pero kapag kami nalang dalawa ay nawawala na iyon dahil lagi niya akong napapansin at sinisita.Narito na nga kami sa loob ng resto. Dumiretso siya sa kaniyang opisina roon at kinausap ang mga matataas na posisyon kagaya ng head of chief, kasama na roon si Maam Mea."Ziya!"Agad akong napalingon sa tumawag. Si Stephanie pala. Nagmamadali itong lumapit sa akin at kita ko sa kaniyang mukha ang pagkainis nito.Alam ko na kung bakit. Mukha