Thank you po sa inyong lahat ❤️❤️❤️. Ingat po kayo palagi ❤️❤️❤️
Pilit na pinipigilan ni Nathalie ang galit niya sa nalaman niya. Kaya nagpahatid siya kay Rafa sa sakayan ng bus. Muntik na siyang hindi nakapag-isip ng tama. Mabuti na lang dahil bigla niyang naisip na hindi pa puwedeng magkita ang mag-ama niya. Hinintay niya muna na makaalis ito bago siya sumakay sa jeep. Mas pinili niyang magjeep dahil baka biglang bumalik si Rafa at sundan siya.Nang makarating siya sa lugar ay diretso siyang pumasok sa loob ng bahay. Kaagad niyang kinuha ang anak niya na hawak ng mommy niya. "Anong karapatan niyo na kunin ang anak ko ng walang permiso?" Galit na tanong ni Nathalie sa kanyang ina."Anak, gusto ko lang naman makasama ang apo ko." Sagot naman ng mommy niya."Nang hindi nagpapaalam sa akin? Para ano? Dahil gusto niyo na pumunta pa ako dito? Ano ba talaga ang gusto niyo?!" Hindi na niya mapigilan ang sarili niya na sumigaw.Hindi na niya kayang itago ang galit niya at napagtaasan niya ng boses ang mommy niya."Hindi mo na ginalang ang mommy mo!" Dumad
Mabigat ang pakiramdam ni Nathalie nang magising siya. Dahil siguro sa pag-iyak niya kagabi. Naghilamos siya ng kanyang mukha at uminom ng maligamgam na tubig. Naglakad rin siya palapit sa pintuan upang buksan ito. Nagulat siya nang pagbukas niya ng pintuan ay nakita niyang tulog si Rafa. Nakaramdam siya ng awa para sa kanyang asawa ngunit kaagad rin niya itong binalewala."Rafa, bakit dito ka natulog?" Gising niya sa lalaki."Good morning, hon." Nakangiti na bati nito sa kanya."Bakit hindi ka umuwi sa bahay mo?" Tanong pa niya ulit sa lalaki."Hindi ako uuwi sa bahay natin na alam kung hindi ka okay." Sagot nito sa kanya."Okay lang ako, kaya umuwi kana." aniya kay Rafa."Hon, alam ko na malaki ang kasalanan na ginawa ko. Pero hayaan mo ako, hayaan mong maging ama ako sa anak natin. Huwag ka ng magtrabaho dahil kaya ko naman kayong buhayin. Tratuhin mo ako ng malamig, saktan mo ako, balewalain mo ako pero sana ay hayaan mo akong maging ama sa anak natin. Na maging asawa sa 'yo ulit.
Nang makabalik si Rafa sa kanilang silid ay nakita niya ang kanyang mag-ina na mahimbing na natutulog. Humiga siya sa tabi ng dalawa at niyakap niya ito. Napangiti siya dahil wala pa rin nagbago sa t*bok ng puso niya tuwing tinititigan niya ang kanyang asawa."I'll do everything to earn your trust again. Sana bumalik na tayo sa dati. Gusto kong maging buo at masaya tayong pamilya, hon." aniya bago pumikit para matulog na. Pero lingid sa kaalaman ni Rafa na narinig siya ni Nathalie. Bumangon siya at pumunta sa may veranda para magpahangin. Nag-iisip siya kung ano ba ang dapat niyang gawin? Mahal niya ang kanyang asawa at kahit kailan ay hindi ito nawala. Napabuntong hininga na lang siya. Pero nagulat si Nathalie dahil may biglang yumakap sa kanya."Nagising ba kita?" Pabulong na tanong ni Rafa sa kanya."Hindi, hindi naman talaga ako tulog." Pag-amin ni Nathalie."Hon, I'm sorry." Mahinang saad ni Rafa."Rafa, sorry. Sorry kasi naging biktima tayo ng dahil sa pamilya ko. Mahal kita, ma
Nagising si Nathalie na masakit ang buo niyang katawan. After two years at ngayon lang siya ulit nakipagtalik at talaga namang bigay todo ang asawa niya. Ramdam niya ang gigil sa bawat galaw nito. At ngayon ay pakiramdam niya nasa loob pa rin niya ang asawa niya. She feels sore down there. Sobrang hapdi ng pakiramdam niya. Napangiti siya nang lumingon siya sa side niya dahil tulog na tulog ang mag-ama niya. Pinilit niyang bumangon pero hindi talaga niya kaya. "Hon," ginising niya si Rafa dahil gusto na niyang pumunta sa banyo."Good morning, hon." Saad nito sa kanya."Gusto kong pumunta sa banyo pero masakit ang katawan ko." Saad ni Nathalie.Mabilis namang bumangon si Rafa. Pumasok siya sa banyo para ihanda ang bathtub. Alam niya na nais nang asawa niya magbabad lalo na masakit ang katawan nito. Alam niya na kasalanan niya dahil inaawat na siya pero ayaw niyang magpaawat. Lumabas siya at binuhat niya ang asawa niya para ipasok papunta sa loob ng banyo."Ouch!" D***g ni Nathalie noon
"Umalis na po kayo." Saad ni Nathalie sa kanyang ama."Anak, pumunta tayo sa doktor. Magpapagamot ka, baka may pag-asa pa." Saad ni Xacto sa kanyang anak."Hindi ko po kailangan ang tulong niyo. Kaya akong ipagamot ng asawa ko." Matigas na saad ni Nathalie."Pero—""Salamat po sa concerned niyo pero kaya ko na po ito. Please lang po, umalis na kayo." "Kapag kailangan mo ang tulong ko ay nandito lang ako. Nandito lang kami ng mommy mo. Mahal ka namin anak, sana maramdaman mo 'yon." Malamlam ang mga mata na saad ni Xacto sa kanyang anak.Hindi na sumagot si Nathalie at hinayaan lang niya ang ama niya. Nagpaalam na si Xacto at nakahinga naman siya ng maluwag. Ang totoo ay wala siyang plano na sabihin sa ama niya ang tungkol sa sakit niya. Lalo na sa asawa niya. Hindi inaasahan ni Nathalie na bigla siyang magkakaroon ng ganitong sakit. At hindi rin niya inaasahan na madudulas ang dila niya.Kaagad namang pumasok si Rafa para silipin ang kanyang asawa. Pero nasaktan siya dahil nakita niya
Unang bumungad kay Nathalie ang puting kisame. Napabalikwas siya pero nagulat siya dahil nakaupo sa tabi niya si Rafa. Napatingin siya sa mukha ni Rafa lalo na sa mga mata nito na halatang kakagaling lang sa pag-iyak. Nanlaki ang mga mata niya nang maalala niya ang nangyari sa kanya. Handa na siyang sabihin kay Rafa ang lahat ngunit nawalan siya ng malay. Kaya kaagad siyang napatingin sa kamay niya at naging malinaw sa kanya na nasa ospital siya ngayon.“H–Hon,” kinakabahan na sambit ni Nathalie.“Bakit inilihim mo sa akin? Bakit hindi mo sinabi na may sakit ka? Bakit?” Sunod-sunod na tanong ni Rafa sa kanya.“I’m sorry, hon.” Umiiyak na saad niya kay Rafa.“Bakit mo itinago sa akin? Kailan mo sasabihin sa akin kapag wala ka na? Naisip mo man lang ba kami ng anak mo? Hindi mo ba kami mahal? Hindi ba kami mahalaga sa ‘yo? Napaka-makasarili mo.” Puno ng hinanakit na tanong ni Rafa sa kanyang asawa.“Huwag mo namang kwestunin ang pagmamahal ko sa inyo. Mahal ko kayo, pero natatakot ako. G
Nanatili si Rafa at Nathalie sa hospital. Gustuhin man ni Nathalie na umuwi na pero hindi siya pinayagan ng doktor. Under monitoring siya ngayon. Inaayos na rin ang mga papers para magpagamot siya sa Amerika. Alam niya na mahirap pero susubukan pa rin nila. Para sa mag-ama niya ay kayang tiisin ni Nathalie ang lahat.“Are you okay?” Tanong ni Rafa sa kanya.“Okay lang ako, ikaw hindi ka ba nababagot dito?” Tanong niya rin sa kanyang asawa.“Hindi naman, Hon. At bakit naman ako mababagot kung ganito kaganda ang kaharap ko palagi.” Nakangiti naman na sagot ni Rafa sa kanya.“Bolero ka talaga, paano kung maging kalbo na ako? Maganda pa rin ba ako sa ‘yo?” Biglang tanong ni Nathalie sa kanyang asawa.“May buhok ka man o wala ay walang magbabago. Mahal pa rin kita at ikaw pa rin ang pinakamaganda sa lahat ng babae na nakilala ko.” Sagot ni Rafa sa kanya.Parang naiiyak na naman si Nathalie. Hindi talaga siya sanay na ganito ang asawa niya. Ngayon niya mas nakita kung paano magmahal ang isa
Inasikaso ng mga doktor si Nathalie. Ginawa nila ang lahat para mapabilis ang pagprocess sa mga papers na kailangan sa paglipad nila sa US. Nakatulog si Nathalie dahil sa ibinigay nilang painkiller. Pero habang nakatingin si Rafa sa kanyang asawa ay hindi niya maiwasan na hindi maawa sa asawa niya.“Sasama ako sa inyo sa US, anak. Ako ang mag-aalaga kay Rylie.” Saad ni Lora kay Rafa.“Sige po, Mom. Pasensya na po kayo kung kailangan kong ipapaalaga sa inyo ang anak namin.” Saad ni Rafa sa kanyang biyenan.“Hindi mo kailangan sabihin ‘yan. Obligasyon ko ito, anak. At ito lang ang magagawa ko para sa anak ko. Sapat na sa akin na samahan mo ang asawa mo. Maraming salamat sa pagmamahal mo sa kanya.” parang naiiyak na saad ni Lora.Sobrang nagpapasalamat siya sa Panginoon dahil binigyan si Nathalie ng isang mabait at mapagmahal na asawa. Kaya alam niya na hindi nito pababayaan ang anak niya. Umalis saglit si Rafa at si Lora na lang ang naiwan para magbantay sa anak niya.Habang nakatingin s