Thank you po sa inyong lahat ❤️ Sorry po kung matagal ang update. Tinapos ko lang po ang isa kong story. Dito na po ako mag-update simula bukas. thank you po and God bless
AFTER 3 MONTHS Ang buong akala ni Rafa ay mawawala na sa kanya ang kanyang asawa. Pero naka-survive si Nathalie. Ngunit comatose pa rin ito at hindi alam kung kailan ito magigising. Naging bahay na ni Rafa ang ospital. Hindi niya iniiwan ang asawa niya dahil nais niya na sa paggising nito ay siya ang unang makikita ni Nathalie. Nais rin niyang tuparin ang pangako niya na hindi niya ito iiwan o aalis sa tabi nito. “Hon, good morning. Kumusta ang likod mo? Sumasakit ba?” Tanong niya sa asawa niya kahit alam niya na hindi naman ito sasagot sa kanya. “Alam mo ba si Baby Rylie magaling na siyang magsalita. Marami na siyang alam. At sobrang kulit na niya, sumasakit ang tuhod ni daddy sa kakahabol sa kanya dahil mabilis na siyang maglakad. Kaya, honey gising kana. Hinahanap na ni Rylie ang mommy niya.” Habang kinakausap ito ni Rafa ang kanyang asawa ay nagsimula nang manubig ang mga mata niya. Araw-araw ay hindi siya nawawalan ng pag-asa na gigising na ito. Na gumaling na ito. Awang-awa n
Hindi inaasahan ni Rafa ang nakikita niya ngayon. Gising na si Nathalie at nakatingin ito sa kanya. Medyo nanghihina ang mga tuhod niya habang naglalakad papalapit sa asawa niya. Wala ring paglagyan ang tuwa na nadarama niya. Parang sasabog ang puso niya sa saya. “Hon,” tawag niya sa asawa niya pero nakatingin lang ito sa kanya. “Thank God you’re awake.” Halos maiyak na bulalas ni Rafa. “Who are you? Bakit mo ako tinatawag na hon?” Tanong ni Nathalie sa kanya. At nakikita niya na nalilito ito. “Hindi mo ba ako kilala?” Tanong ni Rafa sa asawa niya. “Hindi, ngayon lang kita nakita.” Nakakunot ang noo na sagot ni Nathalie. “Ako ang—” “Anak, let’s talk.” Saad ni Lora kay Rafa. Dahil gusto niyang ipaliwanag ang nangyayari. “Okay, mom.” Sagot niya at sumunod siya sa biyenan niya. Lumabas sila at iniwan nila si Nathalie sa loob. “Anak, hindi ka niya naalala. May temporary amnesia siya. Ako lang ang kilala niya kahit ang daddy Xacto niya ay hindi rin niya kilala. Si Arthur pa rin an
“Ikaw ba ang ama ng ipinagbubuntis ko?” Tanong ni Nathalie sa lalaki na nasa harapan niya.Pero nagtataka siya dahil parang kilala niya ito. Bakit parang kapareho ng mga mata nito ang kay Rafa? Kaya tinititigan niya ito ng mabuti. At doon niya nakumpirma na si Rafa nga ito. Bagong gupit at ahit ito ng balbas niya.“Rafa?” tanong niya sa lalaki.“Yes, hon.” may magandang ngiti na sagot ni Rafa kay Nathalie.“Tigilan mo nga ako sa kakatawag mo ng hon.” Naiinis na sabi niya sa lalaki.“Bakit naman eh honey naman talaga kita.” Sagot pa ni Rafa na may malawak pa rin na ngiti sa labi niya.“Hindi pa kita naalala kaya hindi ko alam kung totoo ang sinasabi mo. Pero gwapo ka naman kaya puwede na siguro.” Nakangiti na sabi ni Nathalie. Dahil bigla na lang nagbago ang mood niya.“Okay, hon.” Masaya naman si Rafa dahil kahit hindi siya naalala ng asawa niya ay hindi siya nito pinagtabuyan. Kaya naisip niya na ligawan na lang ang asawa niya. Sinimulan niya sa pagpapogi. Dahil alam niya na nakalimu
Nasasaktan at nahihirapan si Rafa na nakita na pinipilit nang asawa niya na maalala ang lahat. Mahal na mahal niya ito at kaya naman niyang maghintay. Pero sadyang malakas talaga ang damdamin ng isang ina dahil kahit na hindi niya naalala si Rylie ay ramdam niya ito. “Ano ang sabi ng doktor? Puwede na ba tayong umuwi?” Tanong ni Nathalie sa kanya. “Next week ay puwede na tayong umuwi. Clear naman ang lahat ng lab test mo.” Sagot naman niya sa asawa niya. “Bakit ang tagal?” Naiinip na tanong nito. “Hon, ilang araw na lang naman. Kailangan mo kasi maging malakas para kapag nakita mo si Rylie ay may energy ka na habulin siya. Sobrang kulit na niya at mabilis ng tumakbo.” saad niya sa asawa niya. “Mas lalo tuloy akong naiinip sa mga sinabi mo. Mas gusto ko ng umuwi at yakapin siya. Rafa, paano kung hindi kita maalala?” Tanong bigla sa kanya ni Nathalie. “Maghihintay ako hanggang sa maalaala mo ako.” Nakangiti na sagot niya kahit na sa loob niya ay nasasaktan siya. Ang isipin na hind
"Ahmm.. Rafa, puwede ba akong lumabas mamaya?" Tanong ni Nathalie sa asawa niya."Of course, hon. Gusto mo ba na samahan kita?" Tanong nito sa kanya."Huwag na, may trabaho ka pa diba? Sa mall lang naman ako pupunta may bibilhin lang." Sagot niya sa asawa niya."Okay, hon. Call me if you need anything. Use my card and buy anything you want." Nakangiti na sabi nito sa kanya."Huwag na, may pera naman ako." Sabi niya sa asawa niya. Asawa niya ito pero dahil hindi naman niya naalala ay nahihiya siyang gumastos gamit ang pera ni Rafa. Pero kahit na may mga alaala siya ay ayaw naman niyang maging abusado."Just keep it," saad nito at nilagay sa palad niya ang card.Wala siyang nagawa dahil pinilit pa rin nito ang card. Hinayaan na lang niya at hindi rin naman niya ito gagamitin. Nagpaalam na si Rafa na papasok na sa trabaho. Siya naman ay nagpaalam muna sa mommy niya na aalis siya."Mommy, puwede po ba na dito muna si Baby Rylie. May bibilhin lang po ako sa mall." Saad niya sa mommy niya."
WARNING MATURE CONTENT. READ AT YOUR OWN RISK. THIS IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS! (R18+)“Just take a rest now, hon.” Saad ni Rafa dahil nais niyang pigilan ang sarili niya na angkinin ang asawa niya.Alam niya na hindi pa ito magaling. At ayaw naman niyang pilitin ang asawa niya. Masaya na siya na niyayakap niya at nahahalikan ang asawa niya. At hindi niya nais na mag take advantage sa asawa niya. Lalo na at hindi pa ito magaling.“Ayaw mo ba akong angkinin?” Tanong sa kanya ni Nathalie na may himig pagtatampo.a“Gusto pero alam ko na hindi ka pa handa.” Sagot niya sa asawa niya.Tumingin si Nathalie sa mga mata ni Rafa. Hanggang sa dumako ang tingin niya sa labi nito. Nakita naman niya kung paano gumalaw ang adams apple ni Rafa.Hinaplos niya ang pisngi ng kanyang asawa na para bang kinakabisado niya ito. Dahan-dahan niyang nilalapit ang mukha niya kay Rafa hanggang sa kahibla na lang ang pagitan nilang dalawa. "I want to feel you, hindi man kita naalala pero iba ang sinasabi n
Napangiti si Nathalie habang nakatingin sa kanyang asawa na mahimbing na natutulog. Hinaplos niya ang gwapo nitong mukha. Hindi niya maiwasan na uminit ang buo niyang mukha tuwing naalala niya ang ginawa nilang dalawa nang gabi. Medyo masakit ang balakang niya and she is sore down there.Pinalakbay niya ang kamay niya sa matangos nitong ilong. Naramdaman naman ito ni Rafa pero mas pinili niya na magpanggap na tulog. Lihim siyang napangiti sa ginagawa ng kanyang asawa."Hindi ko alam kung kailan kita ulit maalala pero sana hindi ka magsawa sa kakaintindi sa akin.” Kausap ni Nathalie sa natutulog na si Rafa. Gustong-gusto na talaga niya na maalala ang lahat. Alam niya na may mga alaala na malungkot at masaya. Pero hinahanda naman niya ang sarili niya. Hindi niya gusto na kalimutan ang lahat sa buhay niya. Akmang babangon na sana siya ay bigla na lang gumalaw ang asawa niya at mas niyakap siya nito. Napangiti na lang siya. Hinalikan niya sa pisngi si Rafa. At nakita niya na ngumiti ito.
NATHALIE'S POVPagmulat ng mga mata ko ay ang nag-aalala na mukha agad nang asawa ko ang bumungad sa akin. "Hon, are you okay? How's your feeling? Masakit pa rin ba ang ulo mo?" Sunod-sunod na tanong niya sa akin.Napangiti naman ako dahil bakas sa gwapo niyang mukha ang pag-aalala. Bumibilis rin ang t*bok ng puso ko habang nakatitig ako sa kanya. "Why are you smiling?" Kunot ang noo na tanong niya sa akin."I missed you," nakangiti na sabi ko sa kanya."N—Naaalala mo na ako?" Nauutal na tanong niya sa akin."Oo, naalala na kita." Nakangiti pa rin na sagot ko sa kanya."Thank you, Lord." Umiiyak na sabi niya sabay yakap sa akin ng mahigpit.Nagpapasalamat rin ako sa Panginoon dahil ibinalik na niya ang mga alaala ko. Buo na ulit ang pagkatao ko. Sobra kong namiss ang ganito. Ngayon ko naalala ang treatment ko sa asawa ko noong may amnesia pa ako. Parang gusto kong kutusan ang sarili ko sa mga naging actions ko sa kanya."Hon, sorry sa naging trato ko sa 'yo." Parang naiiyak na sabi