Thank you po sa inyong lahat ❤️❤️❤️
"Umalis na po kayo." Saad ni Nathalie sa kanyang ama."Anak, pumunta tayo sa doktor. Magpapagamot ka, baka may pag-asa pa." Saad ni Xacto sa kanyang anak."Hindi ko po kailangan ang tulong niyo. Kaya akong ipagamot ng asawa ko." Matigas na saad ni Nathalie."Pero—""Salamat po sa concerned niyo pero kaya ko na po ito. Please lang po, umalis na kayo." "Kapag kailangan mo ang tulong ko ay nandito lang ako. Nandito lang kami ng mommy mo. Mahal ka namin anak, sana maramdaman mo 'yon." Malamlam ang mga mata na saad ni Xacto sa kanyang anak.Hindi na sumagot si Nathalie at hinayaan lang niya ang ama niya. Nagpaalam na si Xacto at nakahinga naman siya ng maluwag. Ang totoo ay wala siyang plano na sabihin sa ama niya ang tungkol sa sakit niya. Lalo na sa asawa niya. Hindi inaasahan ni Nathalie na bigla siyang magkakaroon ng ganitong sakit. At hindi rin niya inaasahan na madudulas ang dila niya.Kaagad namang pumasok si Rafa para silipin ang kanyang asawa. Pero nasaktan siya dahil nakita niya
Unang bumungad kay Nathalie ang puting kisame. Napabalikwas siya pero nagulat siya dahil nakaupo sa tabi niya si Rafa. Napatingin siya sa mukha ni Rafa lalo na sa mga mata nito na halatang kakagaling lang sa pag-iyak. Nanlaki ang mga mata niya nang maalala niya ang nangyari sa kanya. Handa na siyang sabihin kay Rafa ang lahat ngunit nawalan siya ng malay. Kaya kaagad siyang napatingin sa kamay niya at naging malinaw sa kanya na nasa ospital siya ngayon.“H–Hon,” kinakabahan na sambit ni Nathalie.“Bakit inilihim mo sa akin? Bakit hindi mo sinabi na may sakit ka? Bakit?” Sunod-sunod na tanong ni Rafa sa kanya.“I’m sorry, hon.” Umiiyak na saad niya kay Rafa.“Bakit mo itinago sa akin? Kailan mo sasabihin sa akin kapag wala ka na? Naisip mo man lang ba kami ng anak mo? Hindi mo ba kami mahal? Hindi ba kami mahalaga sa ‘yo? Napaka-makasarili mo.” Puno ng hinanakit na tanong ni Rafa sa kanyang asawa.“Huwag mo namang kwestunin ang pagmamahal ko sa inyo. Mahal ko kayo, pero natatakot ako. G
Nanatili si Rafa at Nathalie sa hospital. Gustuhin man ni Nathalie na umuwi na pero hindi siya pinayagan ng doktor. Under monitoring siya ngayon. Inaayos na rin ang mga papers para magpagamot siya sa Amerika. Alam niya na mahirap pero susubukan pa rin nila. Para sa mag-ama niya ay kayang tiisin ni Nathalie ang lahat.“Are you okay?” Tanong ni Rafa sa kanya.“Okay lang ako, ikaw hindi ka ba nababagot dito?” Tanong niya rin sa kanyang asawa.“Hindi naman, Hon. At bakit naman ako mababagot kung ganito kaganda ang kaharap ko palagi.” Nakangiti naman na sagot ni Rafa sa kanya.“Bolero ka talaga, paano kung maging kalbo na ako? Maganda pa rin ba ako sa ‘yo?” Biglang tanong ni Nathalie sa kanyang asawa.“May buhok ka man o wala ay walang magbabago. Mahal pa rin kita at ikaw pa rin ang pinakamaganda sa lahat ng babae na nakilala ko.” Sagot ni Rafa sa kanya.Parang naiiyak na naman si Nathalie. Hindi talaga siya sanay na ganito ang asawa niya. Ngayon niya mas nakita kung paano magmahal ang isa
Inasikaso ng mga doktor si Nathalie. Ginawa nila ang lahat para mapabilis ang pagprocess sa mga papers na kailangan sa paglipad nila sa US. Nakatulog si Nathalie dahil sa ibinigay nilang painkiller. Pero habang nakatingin si Rafa sa kanyang asawa ay hindi niya maiwasan na hindi maawa sa asawa niya.“Sasama ako sa inyo sa US, anak. Ako ang mag-aalaga kay Rylie.” Saad ni Lora kay Rafa.“Sige po, Mom. Pasensya na po kayo kung kailangan kong ipapaalaga sa inyo ang anak namin.” Saad ni Rafa sa kanyang biyenan.“Hindi mo kailangan sabihin ‘yan. Obligasyon ko ito, anak. At ito lang ang magagawa ko para sa anak ko. Sapat na sa akin na samahan mo ang asawa mo. Maraming salamat sa pagmamahal mo sa kanya.” parang naiiyak na saad ni Lora.Sobrang nagpapasalamat siya sa Panginoon dahil binigyan si Nathalie ng isang mabait at mapagmahal na asawa. Kaya alam niya na hindi nito pababayaan ang anak niya. Umalis saglit si Rafa at si Lora na lang ang naiwan para magbantay sa anak niya.Habang nakatingin s
AFTER 3 MONTHS Ang buong akala ni Rafa ay mawawala na sa kanya ang kanyang asawa. Pero naka-survive si Nathalie. Ngunit comatose pa rin ito at hindi alam kung kailan ito magigising. Naging bahay na ni Rafa ang ospital. Hindi niya iniiwan ang asawa niya dahil nais niya na sa paggising nito ay siya ang unang makikita ni Nathalie. Nais rin niyang tuparin ang pangako niya na hindi niya ito iiwan o aalis sa tabi nito. “Hon, good morning. Kumusta ang likod mo? Sumasakit ba?” Tanong niya sa asawa niya kahit alam niya na hindi naman ito sasagot sa kanya. “Alam mo ba si Baby Rylie magaling na siyang magsalita. Marami na siyang alam. At sobrang kulit na niya, sumasakit ang tuhod ni daddy sa kakahabol sa kanya dahil mabilis na siyang maglakad. Kaya, honey gising kana. Hinahanap na ni Rylie ang mommy niya.” Habang kinakausap ito ni Rafa ang kanyang asawa ay nagsimula nang manubig ang mga mata niya. Araw-araw ay hindi siya nawawalan ng pag-asa na gigising na ito. Na gumaling na ito. Awang-awa n
Hindi inaasahan ni Rafa ang nakikita niya ngayon. Gising na si Nathalie at nakatingin ito sa kanya. Medyo nanghihina ang mga tuhod niya habang naglalakad papalapit sa asawa niya. Wala ring paglagyan ang tuwa na nadarama niya. Parang sasabog ang puso niya sa saya. “Hon,” tawag niya sa asawa niya pero nakatingin lang ito sa kanya. “Thank God you’re awake.” Halos maiyak na bulalas ni Rafa. “Who are you? Bakit mo ako tinatawag na hon?” Tanong ni Nathalie sa kanya. At nakikita niya na nalilito ito. “Hindi mo ba ako kilala?” Tanong ni Rafa sa asawa niya. “Hindi, ngayon lang kita nakita.” Nakakunot ang noo na sagot ni Nathalie. “Ako ang—” “Anak, let’s talk.” Saad ni Lora kay Rafa. Dahil gusto niyang ipaliwanag ang nangyayari. “Okay, mom.” Sagot niya at sumunod siya sa biyenan niya. Lumabas sila at iniwan nila si Nathalie sa loob. “Anak, hindi ka niya naalala. May temporary amnesia siya. Ako lang ang kilala niya kahit ang daddy Xacto niya ay hindi rin niya kilala. Si Arthur pa rin an
“Ikaw ba ang ama ng ipinagbubuntis ko?” Tanong ni Nathalie sa lalaki na nasa harapan niya.Pero nagtataka siya dahil parang kilala niya ito. Bakit parang kapareho ng mga mata nito ang kay Rafa? Kaya tinititigan niya ito ng mabuti. At doon niya nakumpirma na si Rafa nga ito. Bagong gupit at ahit ito ng balbas niya.“Rafa?” tanong niya sa lalaki.“Yes, hon.” may magandang ngiti na sagot ni Rafa kay Nathalie.“Tigilan mo nga ako sa kakatawag mo ng hon.” Naiinis na sabi niya sa lalaki.“Bakit naman eh honey naman talaga kita.” Sagot pa ni Rafa na may malawak pa rin na ngiti sa labi niya.“Hindi pa kita naalala kaya hindi ko alam kung totoo ang sinasabi mo. Pero gwapo ka naman kaya puwede na siguro.” Nakangiti na sabi ni Nathalie. Dahil bigla na lang nagbago ang mood niya.“Okay, hon.” Masaya naman si Rafa dahil kahit hindi siya naalala ng asawa niya ay hindi siya nito pinagtabuyan. Kaya naisip niya na ligawan na lang ang asawa niya. Sinimulan niya sa pagpapogi. Dahil alam niya na nakalimu
Nasasaktan at nahihirapan si Rafa na nakita na pinipilit nang asawa niya na maalala ang lahat. Mahal na mahal niya ito at kaya naman niyang maghintay. Pero sadyang malakas talaga ang damdamin ng isang ina dahil kahit na hindi niya naalala si Rylie ay ramdam niya ito. “Ano ang sabi ng doktor? Puwede na ba tayong umuwi?” Tanong ni Nathalie sa kanya. “Next week ay puwede na tayong umuwi. Clear naman ang lahat ng lab test mo.” Sagot naman niya sa asawa niya. “Bakit ang tagal?” Naiinip na tanong nito. “Hon, ilang araw na lang naman. Kailangan mo kasi maging malakas para kapag nakita mo si Rylie ay may energy ka na habulin siya. Sobrang kulit na niya at mabilis ng tumakbo.” saad niya sa asawa niya. “Mas lalo tuloy akong naiinip sa mga sinabi mo. Mas gusto ko ng umuwi at yakapin siya. Rafa, paano kung hindi kita maalala?” Tanong bigla sa kanya ni Nathalie. “Maghihintay ako hanggang sa maalaala mo ako.” Nakangiti na sagot niya kahit na sa loob niya ay nasasaktan siya. Ang isipin na hind