Hello po, kumusta po kayo? Thank you po sa inyong lahat. Ingat po kayo palagi ❤️❤️❤️
Maagang nagising si Rafa dahil may emergency meeting siya sa company. Napangiti siya dahil ang himbing ng tulog ng kanyang asawa. Hinalikan niya muna ito bago siya umalis. Maganda ang mood niya o mas magandang sabihin na palagi naman maganda ang mood niya. Simula ng makasama na niya ang asawa niya ay walang araw na hindi siya kumakalma.Pagdating niya sa company ay kaagad siyang nagtrabaho. At hindi niya namalayan ang oras. Naalala niyang tawagan ang asawa niya kaya mabilis niyang kinuha ang phone niya. Halos ibato ni Rafa ang phone niya dahil sa hindi niya makontak ang kanyang asawa. Kaya mabilis niyang tinawagan ang mommy nito."Hello, mom. Pumasok po ba si Nath sa trabaho?" Pambungad na tanong niya."Kanina pa siya pumasok. Bakit iho?" Tanong ng biyenan niya."Hindi ko kasi siya makontak, sige mom. Tatawag muna ako sa company ni Luke. Thank you, mom." Sabi ni Rafa at kaagad na ibinaba ang tawag.Kaagad niyang tinawagan ang HR. At mabilis naman itong sumagot. Kumalabog ng malakas ang
Simula ng makilala ni Nathalie ang kanyang tunay na ama ay hindi na niya nagawa pang lumabas sa kanyang silid. Galit siya at hindi niya matanggap na ganito ang ginagawa sa kanya ng sarili niyang ama. Ang buong akala niya ang mabuti itong tao. Pero nilinlang lamang siya. At ngayon ay mukhang nililinlang rin nito ang kanyang asawa.Kasalukuyan siyang umiiyak ngayon dahil sa nakikita niya. Kasama ng kanyang asawa ang babaeng kamukha niya. Ang babaeng impostor, talagang kamukha niya ito at halos wala silang pinagkaiba."Honey, hindi ako 'yan. Sana maramdaman mong hindi ako 'yan." Umiiyak na kausap ni Nathalie habang nakatingin sa screen ng tv."Senyorita, kumain na ho kayo?" Saad sa kanya ng isang katulong na may dala-dalang tray."Hindi po ako nagugutom." Walang ganang sagot ni Nathalie at pinunasan ang mga luha niya."Pero hindi pa po kayo kumakain buong araw.""Please po, gusto kong mapag-isa. Hayaan niyo po ako." Pakiusap niya sa babae.Kaagad namang lumabas ang kanilang katulong at na
AFTER 2 YEARSPagkalipas ng dalawang taon ay bumalik si Nathalie sa Maynila. Muli siyang nag-apply sa Blake company dahil alam niya na kahit anong mangyari ay tatanggapin siya doon. Kailangan niya ng trabaho at wala na siyang pakialam kung sakali mang magkita pa sila ni Rafa. Siguro nga ay masaya na ito kasama ang pekeng Nathalie. Iyon ang paulit-ulit na sinasabi niya sa kanyang sarili.Nagpapasalamat rin siya dahil naroon pa ang mga kaibigan niya. At kagaya ng dati ay namiss nila ang isa't-isa. Araw-araw siyang pagod galing sa trabaho dahil sa malayo rin ito sa bahay na nirerentahan niya. Pero kinakaya niya dahil alam niya na kailangan niya itong gawin."Mama!" Sigaw ng isang bata habang papasok si Nathalie sa loob ng kanilang bahay."Namiss mo ba si mama? Behave ka ba habang wala ako?" Tanong ni Nathalie sa kanyang anak na lalaki.Ilang araw mula noong tumakas si Nathalie ay napag-alaman niya na buntis siya. Sa loob ng dalawang taon ay kinaya niyang mabuhay ng mag-isa. Napadpad siya
"Welcome back, bro." Nakangiti na sabi ni Luke sa kanyang pinsan. Nasa isang restaurant sila ngayon."Same to you, akala ko ay ikaw lang ang aalis pero ako rin pala, hahaha!" Natatawa na sabi ni Rafa sa kanyang pinsan.Kakarating lang niya galing sa Singapore. Sa loob ng dalawang taon ay doon na siya nanirahan. Pagkatapos niyang matuklasan na peke lang ang Nathalie na kasama niya. Hindi niya inakala na lolokohin siya ng sarili niyang ninong. Hinanap niya ang asawa niya ngunit hindi niya ito natagpuan kaya nagpasya na lang siya na umalis. Nangungulila siya sa asawa niya at wala siyang alam sa nangyari. At ngayon, after two years ay bumalik siya. Nagbabakasakali siya na baka mahanap na niya ang asawa niya.Kumain at nagkwentuhan sila ni Luke. Masasabi niya na halos walang pinagkaiba ang pinagdaanan nilang dalawa. Pagkagaling ni Rafa sa restaurant ay doon na siya dumiretso sa dati nilang bahay. Pagpasok niya ay wala pa rin itong pagbabago. Hindi niya maiiwasan na hindi umiyak. Sobrang na
Mabilis na umuwi si Nathalie noong makita niya si Rafa. Pero pagdating niya sa bahay na inuupahan niya ay inaapoy ng lagnat ang kanyang anak. Kaya isang linggo rin siyang hindi nakapasok sa trabaho dahil inalagaan niya ito hanggang sa maging okay na si Baby Rylie."Baby Rylie, papasok na si mommy sa work. Behave ka kay tita Maya." Kausap ni Nathalie sa kanyang anak kahit na alam niya na hindi naman siya nito sasagutin.Hinalikan niya ang kanyang anak at nagpaalam na siya na papasok na sa trabaho. Pagdating niya sa company ay kaagad niyang nakita si Rafa. Balak niya sana itong balewalain pero mabilis siyang hinila nito papasok sa elevator.Habang tinititigan niya ito ay hindi niya maiwasan ang pagbilis ng t*bok ng puso niya. Masasabi niya na wala pa rin pa lang pinagkaiba ang nararamdaman niya noon. Pero hindi na sila puwedeng bumalik sa dati. Dahil para kay Nathalie ay tapos na ang lahat sa kanila.Gustuhin man ni Nathalie na yakapin si Rafa ay hindi niya ginawa dahil mas lamang ang sa
Pilit na pinipigilan ni Nathalie ang galit niya sa nalaman niya. Kaya nagpahatid siya kay Rafa sa sakayan ng bus. Muntik na siyang hindi nakapag-isip ng tama. Mabuti na lang dahil bigla niyang naisip na hindi pa puwedeng magkita ang mag-ama niya. Hinintay niya muna na makaalis ito bago siya sumakay sa jeep. Mas pinili niyang magjeep dahil baka biglang bumalik si Rafa at sundan siya.Nang makarating siya sa lugar ay diretso siyang pumasok sa loob ng bahay. Kaagad niyang kinuha ang anak niya na hawak ng mommy niya. "Anong karapatan niyo na kunin ang anak ko ng walang permiso?" Galit na tanong ni Nathalie sa kanyang ina."Anak, gusto ko lang naman makasama ang apo ko." Sagot naman ng mommy niya."Nang hindi nagpapaalam sa akin? Para ano? Dahil gusto niyo na pumunta pa ako dito? Ano ba talaga ang gusto niyo?!" Hindi na niya mapigilan ang sarili niya na sumigaw.Hindi na niya kayang itago ang galit niya at napagtaasan niya ng boses ang mommy niya."Hindi mo na ginalang ang mommy mo!" Dumad
Mabigat ang pakiramdam ni Nathalie nang magising siya. Dahil siguro sa pag-iyak niya kagabi. Naghilamos siya ng kanyang mukha at uminom ng maligamgam na tubig. Naglakad rin siya palapit sa pintuan upang buksan ito. Nagulat siya nang pagbukas niya ng pintuan ay nakita niyang tulog si Rafa. Nakaramdam siya ng awa para sa kanyang asawa ngunit kaagad rin niya itong binalewala."Rafa, bakit dito ka natulog?" Gising niya sa lalaki."Good morning, hon." Nakangiti na bati nito sa kanya."Bakit hindi ka umuwi sa bahay mo?" Tanong pa niya ulit sa lalaki."Hindi ako uuwi sa bahay natin na alam kung hindi ka okay." Sagot nito sa kanya."Okay lang ako, kaya umuwi kana." aniya kay Rafa."Hon, alam ko na malaki ang kasalanan na ginawa ko. Pero hayaan mo ako, hayaan mong maging ama ako sa anak natin. Huwag ka ng magtrabaho dahil kaya ko naman kayong buhayin. Tratuhin mo ako ng malamig, saktan mo ako, balewalain mo ako pero sana ay hayaan mo akong maging ama sa anak natin. Na maging asawa sa 'yo ulit.
Nang makabalik si Rafa sa kanilang silid ay nakita niya ang kanyang mag-ina na mahimbing na natutulog. Humiga siya sa tabi ng dalawa at niyakap niya ito. Napangiti siya dahil wala pa rin nagbago sa t*bok ng puso niya tuwing tinititigan niya ang kanyang asawa."I'll do everything to earn your trust again. Sana bumalik na tayo sa dati. Gusto kong maging buo at masaya tayong pamilya, hon." aniya bago pumikit para matulog na. Pero lingid sa kaalaman ni Rafa na narinig siya ni Nathalie. Bumangon siya at pumunta sa may veranda para magpahangin. Nag-iisip siya kung ano ba ang dapat niyang gawin? Mahal niya ang kanyang asawa at kahit kailan ay hindi ito nawala. Napabuntong hininga na lang siya. Pero nagulat si Nathalie dahil may biglang yumakap sa kanya."Nagising ba kita?" Pabulong na tanong ni Rafa sa kanya."Hindi, hindi naman talaga ako tulog." Pag-amin ni Nathalie."Hon, I'm sorry." Mahinang saad ni Rafa."Rafa, sorry. Sorry kasi naging biktima tayo ng dahil sa pamilya ko. Mahal kita, ma
NATHALIE’S POV Nagising ako ako dahil sa ingay na naririnig ko. At bumungad sa akin ang mga hindi pamilyar na mukha. Kaya naman bumangon na ako. “Good morning, sissy.” nakangiti na mukha ni Caye ang bumungad sa akin. “Good morning.” bati ko rin sa kanya. “Shower kana,” utos niya sa akin. “Bakit? At sino ang mga kasama natin?” tanong ko sa kanya. “Glam team sila. Sila ang mag-aayos sa atin.” sagot sa akin ni Caye kaya naman nagtataka na ako. “Glam team?” kunot noo na tanong ko sa kanya. “Kasal ngayon ni Trina. Siya na ang nag-adjust para sa ‘yo. Alam niya kasi na pagod ka kahapon sa binyag ni baby.” sagot niya sa akin. “Bakit ngayon ko lang nalaman na ikakasal siya?” nagtataka na naman na tanong ko. “Busy ka kasi kaya ganun. Pero handa naman na ang lahat. White and pink ang theme kaya naman handa na ang damit mo.” “Okay, sige maligo lang ako.” sabi ko sa kanya at pumasok na ako sa loob ng banyo. Nalilito man ay mas pinili ko na lang na hindi na magtanong ng magtanong. Naka
Pagkatapos ng balita tungkol kay Arthur ay muling naging laman ng balita ang pamilya nila Jerome. Ibinunyag na kasi ang lahat ng masamang gawain nila at twenty years ang naging sentensya sa kanila. At nagpapasalamat naman ang mag-asawa dahil magiging tahimik na ang buhay nila. Dahil wala na ang taong may matinding galit sa kanila. Umaasa sila na sana ay magbago na ang mga ito. Mabilis na lumipas ang mga araw at hindi man lang nila namalayan na kabuwanan na pala ni Nathalie. “M–Mommy, manganganak na po yata ako.” saad ni Nathalie sa kanyang ina na si Lora. “Okay, anak. Pumunta na tayo sa hospital. Doon na natin papuntahin si Rafa.” sabi nito sa kanya. “S–Sige po,” nahihirapan na sagot niya. Masakit ang balakang niya. Pati na ang buong tiyan niya. Hindi niya maintindihan ang nangyayari sa katawan niya. Pero isa lang ang alam niya manganganak na siya. Nasa trabaho si Rafa kaya naman susunod na lang ito sa kanila. Ayaw pa sanang pumasok ng kanyang asawa pero ayaw naman ni Nathalie na
Naging maayos ang lahat. Nakalabas na sa hospital ang daddy ni Nathalie. Mas minabuti ng daddy niya na sa kanila na lang muna tumira para hindi siya mag-alala. At mas pabor naman ito sa kanya. Para naman namomonitor niya ito. Alam kasi niya na nanghihina pa ang daddy niya. “Daddy, sigurado po ba kayo na wala na kayong nararamdaman? Ang ulo mo, hindi na ba sumasakit?” nag-aalala na tanong niya sa daddy niya. “Anak, I’m fine. Malakas pa ako sa kalabaw.” natatawa na sagot ni Xacto sa kanyang anak. “Naninigurado lang ako, daddy. Ayaw ko na kayong makita na ganun. Natakot ako e, sobrang takot ako na iwan niyo ako. Hindi pa po kasi ako ready na mawala ka.” umiiyak na siya ngayon. “Shhh… Don’t cry, lagi mong isipin na hindi natin hawak ang buhay natin. Pero sino ba ang may gusto na mamatay? Wala, dahil lahat tayo gustong makasama ang mga mahal natin sa buhay. Ikaw, ang mommy mo at ang mga apo ko. Gusto ko pa kayong makasama, anak. Mahal na mahal ko kayo at hangga’t buhay ako ay gusto kong
WARNING: MATURE CONTENT. THIS IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS! PLEASE READ AT YOUR OWN RISK!Pagpasok nilang dalawa sa loob ng silid nila ay mabilis na siniil ni Rafa ng isang mapusok na halik ang labi ni Nathalie.Para sa kanya ay sino ba ang ayaw sa ganito. Sa totoo lang ay gusto niyang inaangkin ang asawa niya. Palagi lang niyang inaalala na buntis ito at kailangan ng pahinga. Pero kung hindi siguro ito buntis ay gabi-gabi niya itong aangkinin kagaya ng ginagawa nila noon.“Ohhhh,” ungol ni Nathalie nang bumaba ang halik ni Rafa sa kanyang leeg. Habang ang kamay nito ay nasa kanyang dibdib.Sin*psip nito ang balat niya. At wala naman siyang ibang ginawa kundi yakapin ang kanyang asawa. At hayaan ito sa mga nais nitong gawin. Gustong-gusto niya ang ginagawa nito sa kanya. Lalo na ngayon na natatakam talaga siya sa asawa niya.Hinawakan niya ang necktie nito at hinila niya papunta sa kama nila. Tinulak niya si Rafa. Napahiga naman ito at nakatingin sa asawa niya. Hinubad ni Nathalie
Maagang umuwi si Rafa dahil nami-miss na siya ng asawa niya at ganoon rin naman siya. Nais raw nito na kumain ng saba na saging kaya naman dumaan muna siya sa palengke. Pero hindi niya inaasahan na sa pag-uwi niya ay maiinis ito sa naging sagot niya. Napa-buga na lang siya ng hangin dahil naalala niya na buntis pala ito. Mabilis niya itong hinabol at niyakap mula sa likuran. Ayaw niya kasi na naiinis o nagtatampo ito sa kanya. “I’m sorry, hon. Huwag ka ng magalit. I miss you so much, honey.” Malambing na saad ni Rafa sa kanyang asawa. “Kasi naman nakakainis ka. Para kasing napilitan ka lang sa sagot mo.” Sabi pa ni Nathalie sa kanya. “Kahit kailan po ay hindi ako napilitan sa ‘yo. I love you, honey. Bihis lang ako tapos mag-grill na tayo ng mga saba mo.” malambing na sabi niya sa asawa niya. “Okay,” parang bata na saad ni Nathalie. Mabilis namang umakyat si Rafa sa kanilang silid para magbihis. Pagkatapos niyang magbihis ay bumaba na ulit siya. Siya na ang mismong nag-grill ng mg
NATHALIE’S POV Naiwan akong nakaupo dito sa living dahil umalis na si Rafa para maghatid ng niluto kong soup sa bahay nila mommy. Habang naghihintay ako sa pagbalik ng asawa ko ay binuksan ko ang tv dahil masyadong nakakabingi ang katahimikan. Hindi ko inaasahan ang bubungad sa akin na balita. “Kasalukuyang inaresto ang anak ni Mayor Cruz. Ang anak niya na si Jerome Cruz isang businessman at CEO ng Cruz Inc.” rinig ko na sabi sa balita. “Sir, ano po ang masasabi niyo? Totoo po ba ang mga paratang sa inyo?” tanong ng isang reporter kay Jerome. “Walang katotohanan sa mga paratang nila sa akin. Alam ko na ikaw ang may pakana ng lahat ng ito. I’ll show you na mali ang paratang mo sa akin.” galit na sabi niya at alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Sigurado ako na may kinalaman ang asawa ko. Lalo na narinig ko noong nakaraan na si Jerome ang may kagagawan ng mga kaguluhan sa Bartel. Pinatay ko na ang tv dahil naiinis lang ako. Kahit na saang chanel ay si Jerome ang laman ng balita. M
RAFA’S POVSa wakas ay bumalik na ang alaala ng asawa ko. Masaya ako para sa sarili ko pero mas masaya ako para sa asawa ko. Palagi kong hinihiling na sana ay maging okay na siya, na gumaling na siya. Alam ko na sobrang nahihirapan na siya. Pero sa totoo lang kung ako ang tatanungin ay mas gugustuhin ko na lang na gumawa kami ng mga bagong alaala. Mga alaala na masaya, mga alaala na hindi siya masasaktan. Pero kailangan kong tanggapin na tao lang ako at hindi ko kayang baguhin ang mga nangyari na. Halos atakihin ako sa puso dahil sa pag-akyat niya sa puno ng bayabas. Masaya ako dahil may parating na namin kami na anghel. Pero itong ginagawa niya ngayon ang papat*y sa akin. Hangga't maaari ay nais kong maging hands-on sa kanya. Gusto ko na maranasan kung paano maglihi ang isang buntis. Hindi ko man nagawa sa panganay ko kaya ngayon sa ikalawa naming anak ay nais kong maging hands-on sa asawa ko.“Hon, nagtatampo ka pa rin ba sa akin?” Tanong niya sa akin.“Medyo,” sagot ko sa kanya.“S
NATHALIE'S POVPagmulat ng mga mata ko ay ang nag-aalala na mukha agad nang asawa ko ang bumungad sa akin. "Hon, are you okay? How's your feeling? Masakit pa rin ba ang ulo mo?" Sunod-sunod na tanong niya sa akin.Napangiti naman ako dahil bakas sa gwapo niyang mukha ang pag-aalala. Bumibilis rin ang t*bok ng puso ko habang nakatitig ako sa kanya. "Why are you smiling?" Kunot ang noo na tanong niya sa akin."I missed you," nakangiti na sabi ko sa kanya."N—Naaalala mo na ako?" Nauutal na tanong niya sa akin."Oo, naalala na kita." Nakangiti pa rin na sagot ko sa kanya."Thank you, Lord." Umiiyak na sabi niya sabay yakap sa akin ng mahigpit.Nagpapasalamat rin ako sa Panginoon dahil ibinalik na niya ang mga alaala ko. Buo na ulit ang pagkatao ko. Sobra kong namiss ang ganito. Ngayon ko naalala ang treatment ko sa asawa ko noong may amnesia pa ako. Parang gusto kong kutusan ang sarili ko sa mga naging actions ko sa kanya."Hon, sorry sa naging trato ko sa 'yo." Parang naiiyak na sabi
Napangiti si Nathalie habang nakatingin sa kanyang asawa na mahimbing na natutulog. Hinaplos niya ang gwapo nitong mukha. Hindi niya maiwasan na uminit ang buo niyang mukha tuwing naalala niya ang ginawa nilang dalawa nang gabi. Medyo masakit ang balakang niya and she is sore down there.Pinalakbay niya ang kamay niya sa matangos nitong ilong. Naramdaman naman ito ni Rafa pero mas pinili niya na magpanggap na tulog. Lihim siyang napangiti sa ginagawa ng kanyang asawa."Hindi ko alam kung kailan kita ulit maalala pero sana hindi ka magsawa sa kakaintindi sa akin.” Kausap ni Nathalie sa natutulog na si Rafa. Gustong-gusto na talaga niya na maalala ang lahat. Alam niya na may mga alaala na malungkot at masaya. Pero hinahanda naman niya ang sarili niya. Hindi niya gusto na kalimutan ang lahat sa buhay niya. Akmang babangon na sana siya ay bigla na lang gumalaw ang asawa niya at mas niyakap siya nito. Napangiti na lang siya. Hinalikan niya sa pisngi si Rafa. At nakita niya na ngumiti ito.