"Sino ang tumawag kanina?" parang sasabog ang puso ko sa sobrang pagkagulat. Pinigilan ko ang kaniyang mapanuksong tingin, na nagpapakita ng medyo malungkot at mahinang tingin. "Ahem..." Sinadya kong umubo ng dalawang beses, at tumingin kay Frances na may malungkot na mukha, at sinabi ng tapat "Si Andrew iyon. Na-miss ka daw niya." Bahagyang nanginig ang puso ni Frances, at biglang natigilan ang buong pagka-tao niya. Hindi ko maintindihan kung ano ang mararamdaman ko. Nahihiya ako sa naging aksyon ko. Kaya bahagya kong niyuko ang ulo ko at humingi ng pasensya . “I’m sorry, hindi ko dapat sinagot ang tawag na iyon ng walang pahintulot mula sayo. Kasi.. nakita ko kasing si Andrew ang tumatawag, at na curious ako sa kung ano ang gusto niyang sabihin sa iyo, kaya hindi ko napigilang sagutin ang tawag niya sayo Frances. I’m sorry kasi wala akong confidence sa sarili ko, na lagi akong nag-aalala na kapag bumalik si Andrew ay ipagtatabuyan mo na ako at hihiwalayan!” Nakita kong tila l
ARTHUR POVNapahinto ako "Bakit?""Hey mister hindi ba sinabi mong masama ang pakiramdam mo dahil sa kumakalat na flu! May flight ka pa kaya magpahinga ka.You need to take care of yourself, hindi ka pwedeng magpalipad ng eroplano at basta ng hindi maayos ang kondisyon mo. I heard na magkakaruon ka ng 1 week straight flight?!”Hindi ako nakikinig sa kaniya, tinutuloy ko lang ang paghalik sa kaniyang tainga at bahagyang bumulong habang tuloy tuloy ang aking paghalik sa kaniya.“Okay lang yan. Matagal pa naman yun! May panahon pa kong makapag pahinga. Para naman ma exercise ko tong muscle ko.” Ibinaba ko ang aking ulo at ipinagpatuloy ang paghalik sa kanya. Hindi na nakatiis si Frances, at mabilis na hinawakan ang kamay ko. "Arthur, please wag muna?"Tumigil ako sa kaniya at nakangiting tumingin kay Frances "Okay, i’m sorry. Okay ka lang ba? Nanginginig ka?"“oka y lang ako, matulog na tayo muna okay?”Pagsabi ko ay niyakap ko siya mula sa likuran at mahina ko siyang binulungan "si
Sa kalagitnaan ng aming byahe, si Frank, na abalang nagmamaneho, ay napatingin sa akin at biglang nagtanong. "Diba ikaw yung kaibigan ni Frances nung high school pa siya?” tanong niya ng may mapungay na mata“Oo , hehe naalala mo pa pala ako Kuya Frank!” “Oo naman palagi kang kasama ni Frances. Kamusta naman ang trabaho niyo? “ “Okay naman. Kaya lang minsan siyempre hindi maiiwasan ang pressure, hindi sa trabaho kundi sa mga ka trabaho. Haha” sagot ko sa kaniya“Ganyan talaga, pero pag nagtagal naman kayo sa linyang yan magiging komportable na din kayo!” tugon niya sa akin“Kaya nga!” muli niyang binalik ang kaniyang tingin sa unahan ng sasakyan. Hindi naman na din ako nagsalita. Haist inis, bakit ba napaka-manhid ng lalaking ito. Hindi ba niya alam na mula pa noon kung gaano nahuhumaling si Frances kay Arthur ay ganuon din ang pagkabaliw ko sa kaniya. Nakakainis naman. Grrr…pero ang gwapo talaga ni Frank. Maingay na sigaw ng utak ko habang nakatitig sa kaniya. Hindi ko maiwasang
"Talaga lang? Pinakawalan mo si Frances ng ganun-ganun lang?" Kumunot ang noo ni Mrs. Cervantes, nadako ang mata niya kay Arthur na noon ay kumapit sa aking mga kamay. "Fuck, Frances, hindi ka naman siguro itinulak sa pilotong ito, 'di ba?"Hindi napigilan ni Frances ang palihim na pagtawa. Nakilala na niya ang asawa ng chairman na ito noon. Direktang magsalita at bukas-palad ang matanda, sinasabi nito kung anumang gusto niyang sabihin ng hindi nag-iisip. Sa sandaling ito, alam din ni Frances na nagsasalita lamang si Mrs. Cervantes para ipagtanggol siya at wala siyang balak kutyain si Arthur. Napansin ni Arthur ang ngiti sa mga labi ni Frances, kaya't medyo nanigas ang kanyang ekspresyon at sumulyap kay Mrs. Cervantes. "Tama, tinulak siya ni Nancy at Joyce sa isang hamak na piloto lang na kagaya ko! May masama ba dun?” malamig na sabi ni Arthur."Fuck! Ano ba yan"Tinitigan ni Mrs. Cervantes si Arthur nang may pag-alipusta, pagkatapos ay humarap kay Frances saka hinawakan muli ang
Dahil sa nangyari halos lumuwa ang mga mata ni Frank at piit na piit na bumalihit ng tawa dahil sa buong buhay niya, sa paninilbihan kay Arthur ay ito ang unang beses na nakita niyang napahiya ito.Lumapit si Frank kay Arthur at bumulong.“Haha.. ano ka ngayon Arthur?! Ilabas mo ang tapang mo sa harapan ng kapatid ko! Tignan natin kung hindi umusok yang pwet mo sa pagpapaliwanag kay Frances pag uwi niyo ng bahay!” natatawang sabi ni Frank sa kaibigan niya. Matalim siyang tinignan ni Arthur at pasimpleng pinandilatan ng mata. “shhh…Frank—”“Hahhaha okay sorry.” sabi ni Frank at halos bumulong sa gilid niya “haha tiklop ka pala pagdating sa kapatid ko pero pag nasa labas naku na lang?! Shu shu shu..” sisipol sipol na sabi ni Frank at pilit na tumitingin sa ibang parte ng mall paiwas sa mga mata ni Arthur!Habang ang lahat ay nagbibigay ng kaniya-kaniyang opinyon. Sinamantala iyon ni Frances para magsalita. "Oo nga, kaya nga sobra akong nagpapasalamat kay Tita Nancy at Joyce dahil kun
Sa sobrang galit ni Nancy, parang ay makikita mo na ang butas ng kaniyang ilong sa laki. Itinaas ni Arthur ang kanyang kamay bilang pagpapa-alam sa mga ito at pumasok na sila sa loob ng restaurant. “Ow mrs. Cervantes baka gusto mong imibitahan ka ng isang hamak na pilot para makapasok sa loob?” pang aasar na sabi ni Arthur“Tse… hay naku Frances tignan mo ang ugali ng asawa mo! Sinasabi ko na sayo itim ang budhi ng lalaking iyan. Kung alam mo lang! Haist!” Biglang napagtanto ni Frances na mukhang napaka-pikunin ng kanyang asawa. Natawa siya at hinila na ang kamay ng kaniyang asawa papasok.“Let’s go na hubby!”Hindi naman na nakipagtalo pa si Arthur sa kaniyang asawa . sumunod na din sa kanila sila Frank at Mia na sa mga oras na yun ay nakangiti din.Pagpasok nila sa Restaurant, nanlaki ang mga mata ni Mia sa ganyan ng interior design ng restaurant na ito. Isa kasi itong art museum restaurant kaya din mahal ang presyo ng mga pagkain sa loob. Sa sobrang tuwa ay panay ang kaniyang p
Sa kabila ng kanyang galit at pagkabalisa, unti-unting nabuo sa isipan ni Aljur ang isang posibleng sagot, ang lalaking bumugbog sa kanya sa loob ng box noong gabing iyon! Matindi ang galit niya at handa siyang patayin it pero sa kabila ng dami ng kaniyang koneksyon ay nagtataka siya. Bakit hindi niya makita ang lalaking may gawa noon sa kaniya.Mula sa kabilang linya ng telepono, maririnig ang mahinang tawa ni Nancy."Ang tanga mo talaga! Hindi mo pa ba nakukuha ang ibig kong sabihin? Ang may gawa sayo ng nangyayari ngayon at ang lalaking kinaiinisan ko ay iisa lang.” aniya, puno ng panunuya."Magsalita ka! Sino?! " sigaw ni Aljur, halos sumabog sa galit. "Papatayin ko ang hayop na yun! Sisiguraduhin kong makakaganti ako sa kaniya! At siya pa ang may kakapalan ng mukha na pa imbestigahan ako?!” Pero walang pakielam si Nancy sa kung anong galit ni Aljur, isa lang ang gusto niyang mangyari mapasunod niya si Aljur "Aljur, hay naku walang akong oras sa mga kakaganyan mo! Puro ka salita
Bahagyang tumango si Arthur. Hindi lingid sa kanya na may kakayahan siyang humusga ng pagkatao sa unang tingin, at sa tingin niya, si Mia ay isang taong may malinis na intensyon. Walang kasakiman o lihim na agenda sa likod ng kanyang mga salita.At iyon ay isang bagay na bihira niyang makita sa mundo ng mga taong may kapangyarihan."Kilala mo naman na si Frank, hindi ba?”Hindi man lang nag-abala si Mia na itigil ang pagkain at walang pakialam na tumugon."Oo , sus dati ko pa yan nakikita si kuya frank pag pumupunta ako kila frances pero palagi siyang busy ."Isang palaisipan kay Frances kung bakit biglang pinagpapareha din ni Arthur sina Mia at ang Kuya Frank niya. “Well Mia, alam mo namang gwapo si Kuya diba? Bakit kaya hindi na lang kayo ang maging mag dyowa? Para naman maging kapatid na talaga kita. Single na yan. Hahaha. Kuya ligawan mo na si Mia” pangungulit ni Frances sa kapatid niya at sa kaniyang kaibigan.“Hayst Frances—”“Sige na Kuya. Aba para naman lagi tayong double dib
FRANCES’ POV Pagdating ng Sabado, maaga akong nagbihis ng komportableng damit at tumungo sa tagpuan kung saan ko sasalubungin ang mga kasama ko sa trabaho. Isa-isa na silang dumating, at agad akong binati ng ilan sa kanila. “Congratulations sa promotion mo, girl!” sigaw ni Mary, sabay tapik sa balikat ko. Ngumiti ako at isa-isang nagpasalamat. Habang naghihintay pa sa iba, naisipan kong bumili ng maiinom sa mini-store sa kanto. Tahimik lang ang paligid nang biglang dumating si Kristal, ang babaeng kilalang mahilig mambara at laging may masasabi tungkol sa iba. “Oh, dito ba ‘yung inyo?” tanong niya, sabay irap sa mumurahing apartment sa harapan namin. “Anong apartment number ‘yung bahay niyo?” Bago pa ako makasagot, sumabat na ang isa pang kasamahan namin na malapit kay Kristal. “Oo nga, Ma’am! Dapat sa susunod lumipat ka na ng mas magandang apartment. Hindi bagay sa isang aviation manager ang nakatira sa ganitong klaseng bahay!” Napataas ang kilay ko at napatingin kay Ella. Hin
[Gusto ko lang magtanong, may boyfriend na nga ba talaga si Miss Frances?] Matapos ang maanghang na akusasyon laban kay Frances , ngayon lahat ay pumabor sa kaniya. Napapangiti naman si Mr. Rivera sa kaniya.Kagaya ng orihinal na dahilan kung bakit nagpunta si Frances sa restaurant ay nagsimula ang kanilang meeting. Ilang discussiona ng naganap sa pagitan nila at hindi din nagtagal ang meeting na iyon. Bumalik siya sa opisina. Nagulat siya ng salubungin siya ng kaniyang mga kasamahan.“Frances, congratulations!”“Frances, treat mo kami this time!”“Tama, Frances, weekends naman sa susunod na araw, mas okay siguro kung sa bahay niyo tayo mag-celebrate. Para makatipid at double celebration na din tayo. Ang pagkaka promote sayo officially at ang kasal mo.”Hindi naman kaagad nakasagot si Frances. Sa kalagitnaan ng pangungulit ng mga kasamahan niya ay biglang tumunog ang kaniyang cellphone. “Hello!”“Love, mukhang pagod ka? Hindi mo ata hiyang ang magpanggabi. Dibale malapit na din n
Pagkatapos sabihin ni Mr. Rivera ay naglakad na sila pabalik sa loob ng restaurant. Ngunit napansin ni Frances na mula sa di kalayuan ay may nagkakagulong mga tao at kumakapal na kamera na nagmumula sa mga vloggers, isang babae ang napansin nilang nagpunta sa isang sulok. Halata ang pagkabalisa sa kanyang mukha, at tila gusto niyang maglaho na lang sa hangin.Pero hindi nagtagal, agad siyang pinalibutan ng mga vloggers."Ikaw ang may pakana ng lahat ng ito! Sabi mo may relasyon si Mr. Rivera at Frances! Ng dahil sayo muntik pa akong makasuhan" singhal ng isang lalaki habang nakatutok ang camera sa kanya.“Oo nga, hayop ka. Mali-mali ang mga impormasyong sinasabi mo samin!”“Kaya nga pahamak ka!” "Ano ang masasabi mo na nalantad na ang totoo?" sigaw naman ng isa pa.Napayuko ang babae at hindi niya alam kung paano ipagtanggol ang kaniyang sarili. Pero wala na siyang lusot. Nalantad na ang katotohanan, ang mga maling ipinakakalat niya dahil sa galit kay Frances ay nalantad na. Si Al
“Nakakatawa ka naman, hindi mo pa rin alam ang bigat ng kasong kakaharapin mo ng dahil sa pambibintang mo?” mahinahong sabi ni Mr. Rivera.Lingid sa kaalaman nila na sa mga oras na yun, ay grabe na ang pag-aatake ng mga inggiterang kababaihan laban kay Frances online. [naku naman napakalandi][ano? Ayan na yung babaeng napili ni Mr. Rivera!][grabe naman hindi naman pala maganda si ate girl!][Patawarin nawa ang mga babaeng gagawin ang lahat alang-alang sa posisyon!]Lalong dumami ang mga mini vlogger na dumating sa lugar at nagsimulang mag-live broadcast sa sitwasyon. Nahirapan na din sila Frances basta maka-alis dahil napalibutan na sila ng mga ito. Ayaw naman nilang ipagtabuyana ng mga ito dahil baka lalo lang lumala ang sitwasyon.“Anong klaseng babae ang basta na lamang kakapit sa patalim para lang makuha ang gusto niyang posisyon sa kompanya? Ako si Maris, wag niyong kalimutan i hit ang like, share , comment at i click niyo ang notification bell para updated kayo sa mga latest
Agad siyang sumakay sa isang taxi na nakaparada sa gilid ng kalsada. Ngunit bago pa siya tuluyang makapasok sa sasakyan, napansin siya ng ilang tao mula sa mga grupo ng vloggers na nag-re-repost ng mga videos na kumakalat."Tingnan niyo! Hindi ba siya yung babaeng kasama ni Mr. Rivera?""Oo, siya nga yun!"Agad na lumapit ang ilang vloggers na may hawak na kanilang mga cellphone, parang nakakita ng pagkakataong makakuha ng daan-daang libong views. Nakakairita ang pangungulit ng mga ito para kay Frances."Miss Frances, saan ka papunta ngayon?""Miss Frances, nakita mo na ba yung video na kumakalat?""May kumakalat na balita online na sinadya mo daw lapitan si Mr. rivera para sa posisyon!""Hindi ka ba nahihiyang kaya mo makukuha ang posisyon mo ay dahil sa ginawa mong pang-aakit kay Mr. Rivera?""Alam na ba ito ng boyfriend mo?"Walang pakielam na sunod-sunod na nagtaning kay Frances ng matitinding katanungan ang mga social media influences na ito. Hindi na rin alintana ng mga ito na
Nagpatuloy ito sa pang-aasar. "Haist ewan ko ba naman kasi sayo! Gwapo ka! Mayaman! Edukado! Mula sa kinikilalang pamilya!Kung hindi mo lang sana binaliwala ang anak ko? Hindi naman tayo aabot sa ganito! Isa pa haharang-harang ka sa dadaanan ko!Kailangan mawala ni Frances hindi lang sa landas ko, kundi pati sa landas mo!” Bago pa nito matapos ang sinasabi ay humalakhak na si Arthur!."Too soon para magdiwang!Hindi ko kasalanan kung walang magkagusto sa anak mo!Tumawag lang ako para ipaalam sayo, ang tungkol sa Jackson Pyramiding?”Biglang natigilan si Nancy. Hindi siya nakaimik at nagngitngit sa galit. Ang pyramiding company na iyon ay ang lihim na negosyo ng kaniyang pamilya. Maraming nahikayat ang kumpanyang ito para mag invest pero pagdating sa itaaas ay wala ng nakakarating hanggang sa makapag pay out sila. Dahil dito naging maugong ang balita na mabilis ding napapatay ng kaniyang pamilya ang issue dahil sa pagbabayad ng ibang tao. Hindi maitatagong kinabahan si Nancy dahi
[nakita niyo ba yung vidoe? Nakakadiri noh? Talagang siya pa ang dumidikit kay boss?][tama! Alam mo na kapit sa patalim si ateng! hahaha][Nakakasuka! Hindi dapat yana ng naging aviation manager, mabuti pang si Kristal na lang][Tama! Dapat yun na lang! Yung kapatid ng sekretary][Hayop na babae yan! Mamatay na sana ang malalandi sa mundo!]Malalim na huminga si Frances upang pakalmahin ang sarili. Alam niyang malulupit magsalita ang mga tao, pero hindi niya inaasahan na ganito ito kasama!Kahit pa sabihan siya ng kaniyang mga kaibigan na kung gusto niya ay lumipat na lang siya ng kumpanya tutal ay may ibang offer pa naman siya ay hindi siya nagpatinag. Para sa kaniya hindi dapat tinatakbuhan ang ganuong klaseng iskandalo dahil parang pinapatunayan na lang niya na tama ang mga ito sa kanilang iniisip tungkol sa kaniya. Ang pinakamagandang tugon ay manahimik at hayaan na lang ito sa kamay ng kaniyang asawa. Napasandal na lang si Frances, nagulat siya ng tumunog na naman ang cellpho
Saglit niyang pinasok ang kaniyang daliri sa loob ng manipis na underwear ni Frances at nilaro ang basang-basa nitong pagkababae. Agad ding hinugot ni Arthur ang daliri niya sa loob nito at iniharap si Frances sa kaniya. Sinubo ni Arthur ang daliri niya at tinignan ng mapang-akit si Frances.“Sige na. Ipapahatid na kita sa driver may tatapusin lang kami ni Frank ngayon at uuwi na din ako kaagad pagkatapos namin. Ihanda mo sarili mo mamaya.” pagkasabi noon ay isang matamis ng halik ang binigay sa kanya ni ARthur at pagtalikod niya ay marahan pang hinampas ni Arthur ang kaniyang puwet.”Halos mapatalon naman si Frances ng biglang pumasok ang kaniyang kuya Frank. Halos hindi siya makatingin dito ng maisip niya paano kung biglang pumasok ito kanina at naabutan siya sa ganuong posisyon.“Mauna na ako kuya!” nakayukong sabi ni Frances. Napatingin siya kay Arthur at nagtaas lang ng balikat si ARthur at ngumiti.Nang nakapaglabas na ng sama ng loob si Frances sa kaniyang asawa ay napaisip siy
Mariing umiling si Frances sa kaniyang asawa at mabilis na nagpaliwanag “Pero hindi totoo yun kaya nga ako galit na galit dahil pinaghirapan ko kung bakit ko nakuha ang posisyon na iyon.”Tumango si Arthur at ngumiti kay Frances “wala kang dapat na ipaliwanag sa akin Frances, mula noon ay kilala na kita at alam ko ang kaya at hindi mo kayang gawin. Naniniwala ako sayo. Pag sinabi mong wala edi wala pero kung sinabi mong meron edi meron. At huwag kang makikinig sa mga taong gusto kang siraan. Ginagawa nila yan para mawala ang focus mo sa trabaho at magkamali ka ng sa gayun ay makahanap sila ng dahilan para pabagsakin ka. Nakukuha mo ba ibig kong sabihin?”“Oo naiintindihan ko. Gets ko kung bakit sila ganyan sa akin. Salamat ah.. Ngayon okay na ako” nakangiting sabi ni Frances.“Pasensya na kung biglaan ang pagpunta ko dito, ayoko sanang maka-istorbo sobrang sama lang talaga ng loob ko kaya naisipan kong tumakbo papunta sayo para pagaanin ang nararamdaman ko! Hayaan mo sa susunod tataw