Bahagyang tumango si Arthur. Hindi lingid sa kanya na may kakayahan siyang humusga ng pagkatao sa unang tingin, at sa tingin niya, si Mia ay isang taong may malinis na intensyon. Walang kasakiman o lihim na agenda sa likod ng kanyang mga salita.At iyon ay isang bagay na bihira niyang makita sa mundo ng mga taong may kapangyarihan."Kilala mo naman na si Frank, hindi ba?”Hindi man lang nag-abala si Mia na itigil ang pagkain at walang pakialam na tumugon."Oo , sus dati ko pa yan nakikita si kuya frank pag pumupunta ako kila frances pero palagi siyang busy ."Isang palaisipan kay Frances kung bakit biglang pinagpapareha din ni Arthur sina Mia at ang Kuya Frank niya. “Well Mia, alam mo namang gwapo si Kuya diba? Bakit kaya hindi na lang kayo ang maging mag dyowa? Para naman maging kapatid na talaga kita. Single na yan. Hahaha. Kuya ligawan mo na si Mia” pangungulit ni Frances sa kapatid niya at sa kaniyang kaibigan.“Hayst Frances—”“Sige na Kuya. Aba para naman lagi tayong double dib
After a weekMaagang gumising si Arthur upang maghanda para sa kanyang flight patungong US. Ilang buwan siyang mawawala para sa isang mahalagang training program na kailangan niyang tapusin para sa kanyang trabaho kasama rin niya si Frank sa byahe na ito. Habang tahimik niyang isinusuksok ang kanyang mga gamit sa maleta, lumingon siya sa natutulog na si Frances. Mahimbing ang tulog nito, ngunit hindi maikakaila ang bahagyang kunot sa noo nito, tanda ng pagod mula sa trabaho. Nitong mga nakaraang araw nakikita niya ang dedikasyon ng kaniyang asawa sa trabaho at masaya siya as long as masaya ang asawa niya sa kaniyang ginagawa. Marahang lumapit si Arthur sa kanya at hinaplos ang pisngi nito. Alam niyang mahirap para kay Frances ang mga susunod na buwan, lalo na’t sanay na silang laging magkasama. Pero kailangan niya itong gawin. “Frances,” mahina niyang bulong habang hinahalikan ang noo nito.Dahan-dahang dumilat ang asawa at bahagyang nagulat ngunit agad siyang tinignan. “Anong oras
Nagpatuloy pa sa pagsasalita si Mr. Rivera. “Alam kong biglaan ito, at bibigyan kita ngayong araw upang pag-isipan ang inaalok ko. Ngunit nais kong ipaalala sa’yo na ang ganitong pagkakataon ay hindi palaging dumarating. You have the talent and the experience. I believe in you, Frances.”Tumango siya, ngunit nanatiling tahimik. Naramdaman niyang nakatitig sa kanya ang CEO marahil hinihintay ang kanyang sagot, ngunit kailangan niyang mag-isip.Huminga siya nang malalim at marahang ngumiti. “Maraming salamat po sa tiwalang ibinigay ninyo sa akin Sir. Hindi ko po kayo bibiguin. Pag-iisipan ko po ito ng maiigi.”Sa sandaling iyon, alam niyang isa itong bagong kabanata sa kanyang buhay kung tatanggapin niya, isang hamon na kailangan niyang harapin, kasama man o wala si Arthur sa kanyang tabi.Pagkatapos ng meeting kay Mr. Sandro Rivera, bumalik si Frances sa kanyang opisina na may halong kaba at pananabik. Hindi niya lubos akalain na isang malaking pagbabago ang darating sa kanyang buhay s
Masayang lumabas si Frances sa opisina ng kanilang CEO. Malaki ang kaniyang ngiti ng bumalik siya sa kaniyang table. Dahil sa isang bihirang pagkakataon kung saan pakiramdam niya ay unti-unting nagbubukas ang mas magandang oportunidad para sa kanya. Ngunit hindi nagtagal ang kasiyahang iyon dahil sa loob lamang ng ilang oras matapos niyang matanggap ang promosyon bilang Aviation Manager, bumaha na ang usap-usapan sa buong opisina.At kasabay ng balita, sumunod ang inggit, bulung-bulungan, at matatalas na tingin ng mga taong hindi matanggap ang kanyang tagumpay.Sa pantry nila , isang grupo ng empleyado ang nagkukumpulan at mahigpit na nakayuko habang nagbubulungan."Seryoso? Siya ang napili? Paanong nangyari ‘yun?""Halata naman. Malakas siya kay Mr. Rivera. Ano ba kayo? Palagi nga siyang tinatawag sa opisina tapos palagi siyang kasama sa meetings napansin niyo ba yun?. Halata mang may special treatment siya, kaya siya na-promote!""Alam mo na. Kailangan lang sigurong maging malambing
Biglang bumigat ang kanyang dibdib.“Mahal na mahal ko po ang trabaho ko, Mr. Rivera,” mariin niyang sabi. “Lahat ng narating ko ay dahil sa sipag at tiyaga ko. Hindi ko kailanman ginamit ang kahit anong bagay maliban sa sarili kong kakayahan.”Tahimik si Mr. Rivera, nakatitig sa kanya na para bang sinusuri ang bawat galaw niya.Maya-maya, tumango ito. “Alam ko. At ‘yan mismo ang dahilan kung bakit ikaw ang napili ko para sa promosyon. Hindi ko kailangang ipaliwanag ‘yan sa kahit sino. Pero gusto kong malaman mo na habang tumataas ang posisyon mo, mas lalong dadami ang susubok na pabagsakin ka.”Alam ni Frances na totoo iyon.“Sinasabi mo bang hindi kayo magbibigay ng pahayag para linisin ang pangalan ko?” diretsong tanong niya.Ngumiti si Mr. Rivera, isang tipid na ngiti na tila may ibig sabihin. “Frances, minsan, ang pinakamagandang sagot sa mga tsismis ay tagumpay. Huwag mong hayaan na ang mga gumagawa ng balita laban sayo ay mas magagalit kung tahimik ka lang.” Napaisip si France
"Ay sorry po, nasa cr po kasi si Kuya ANdrew, nakita kong tumatawag kayo kaya sinagot ko na. AKo po si Sherry yung kasamahan niya sa work. Kayo po si Frances diba? Kung may gusto po kayong sabihin, ako na lang ang magsasabi sa kanya sabihin ko mamaya mag return call siya sayo!” "Hahaha… hindi na kailangan , na wrong press lang ako! “ Malakas na tumawa si Ella kay Frances “Ahahaha.. Naku girl mukhang hindi mo na kailangang makunsensya sa ginawa mo, mukhang nag-eenjoy naman si Andrew kasama ang bruhang Sherry na yun. Hahaha kaya naman pala biglaaang umalis ang mokong, kasama pala ang bruha. ALam mo bang kasama niya ang babaeng yun?” pang-aasar na sabi ni EllaSumandal ng buong kumpyansa si Frances at nakangiting sumandal sa upuan, “well, hindi niya sinabi sa akin. Atleast ngayon nabawasan ang guiltness na nararamadan ko. Grabe isa pa naman yun sa problema ko.” sagot niya sa kaibigan.MAKALIPAS ANG ILANG ARAW NG MAKABALIK NA SI ARTHUR AT FRANK MULA SA KANILANG SEMINAR.Dahil sa sobr
Sa kabilang panig, nagmamadaling lumapit si Frances kay Arthur at galit na tinignan si Miller.“Okay ka lang ba?!” nag-aalalang tanong ni Frances sa asawa. “Sorry sir ah, hindi kita kilala kung sino ka man. At tama bang ibintang sa piloto ang pagnanakaw ng isang pasahero? Kamay ba ng asawa ko ang naging malikot?” galit na singhal ni Frances habang nakakapit kay Arthur. “Hindi ba dapat pulis ang tinatawag mo?”“A—e— oo nga tama ka nga.” sagot ni Miller sa kaniya.Pagpasok ni Frank ay hindi na siya nag-atubili. Lumapit si Frances sa kaniya at bumubulong na umangal sa ginawa ni Miller.“Kuya , tulungan mo si Arthur. Itong bwisit na to, si Arthur ang sinisisi sa pagnanakaw nitong hayop na to. Nakakainis”Tumaas ang gilid ng labi ni Frank at tila naaliw sa biglang pananahimik ni Arthur “oo sige, ang Kuya mo na ang bahala” “Mr. Miller, naiintindihan ko naman na nangyari ang insidente sa eroplano kung saan kami naka-assign , hindi ba dapat pulis ang tawagin niyo dahil hindi na kasalanan ni
Mariing umiling si Frances sa kaniyang asawa at mabilis na nagpaliwanag “Pero hindi totoo yun kaya nga ako galit na galit dahil pinaghirapan ko kung bakit ko nakuha ang posisyon na iyon.”Tumango si Arthur at ngumiti kay Frances “wala kang dapat na ipaliwanag sa akin Frances, mula noon ay kilala na kita at alam ko ang kaya at hindi mo kayang gawin. Naniniwala ako sayo. Pag sinabi mong wala edi wala pero kung sinabi mong meron edi meron. At huwag kang makikinig sa mga taong gusto kang siraan. Ginagawa nila yan para mawala ang focus mo sa trabaho at magkamali ka ng sa gayun ay makahanap sila ng dahilan para pabagsakin ka. Nakukuha mo ba ibig kong sabihin?”“Oo naiintindihan ko. Gets ko kung bakit sila ganyan sa akin. Salamat ah.. Ngayon okay na ako” nakangiting sabi ni Frances.“Pasensya na kung biglaan ang pagpunta ko dito, ayoko sanang maka-istorbo sobrang sama lang talaga ng loob ko kaya naisipan kong tumakbo papunta sayo para pagaanin ang nararamdaman ko! Hayaan mo sa susunod tataw
Ito pala ang plano ni Andrew mula pa noong una, balak pala niyang mag-propose sa akin sa mismong birthday ko.Hayop ka Jackie!, alam mo pala ang plano ng anak mong mag-pakasal sa akin sa pagbabalik niya mula sa business trip niyang ito. Kaya pala ganoon na lang ang pagmamadali niyong mag ina na itulak ako sa kama ng ibang lalaki! Sinong mag aakala na papalpak ang plano niyo at kay Arthur ako mapupunta!“napaka dimonyo mong ina!” Galit na galit ako!Sobrang galit na galit ako kay Jackie!Nagagalit ako dahil pinapatay ako ng kunsensya dahil sa biglaang pagtalikod ko kay Andrew. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko kahit magalit pa ako?Tapos na ang lahat. Hindi ko na maaaring balikan ang nakaraan namin ni Andrew.Sunod-sunod ang pagtawag ni Andrew sa akin.Paulit-ulit kong kinakansel iyon, hanggang sa tuluyan ko ng patayin ang telepono ko at naupo nang mag-isa sa tabi ng park.Tahimik akong nakaupo roon, nakatulala nang matagal, bago ko muling binuksan ang telepono ko at tinawagan ko s
Ang buong restaurant ay napuno ng mga paborito kong bulaklak. Bago pumasok sa loob ng resto, ang mga puno ng sycamore sa magkabilang gilid ay nakasabit ang mga makukulay na ilaw at iba't ibang "birthday wishes" at "love" na mga card. Ang mga makukulay na ilaw ay kumikislap, ang simoy ng hangin sa gabi ay humahaplos sa aking katawan, at ang paligid ay puno ng isang romantikong atmospera. Sumunod ako sa kasamahan ni Andrew papasok sa looban ng resto nang medyo malabo ang iniisip. Hindi ko kagad nagets ang mga nangyayari pero na wiwirduhan ako. Nakita ko ang mga kasamahan ni Andrew sa kaniyang trabaho na may hawak na mga heart-shaped balloons ng iba't ibang kulay, na kusang bumubuo ng isang bilog, na may ngiting may pagpapala sa kanilang mga mukha. Sa gitna ng resto ay may malaking projection screen na kasing taas ng isang tao. Matapos ang dalawang malalakas na tunog, lumitaw ang imahe ni Andrew sa screen. Naka-Formal attite siya, may suot na pulang bow tie, may hawak na isang bu
SA OPISINANakahinga ng maluwag si Ella nang matiyak niyang alam ni Arthur na ngayong araw ay birthday ni Frances. Pagdating ng oras ng tanghalian, hinanap niya si Frances para mag-lunch.FRANCES POVBinuksan ko ang cellphone ko at tiningnan ito, at naalala ko na iniiwasan ako ni Arthur kaninang umaga kahit pa alam kong mag flight siya ngayon, kaya't bigla akong tumango ng malungkot.Pero dahil kilala ako ni Ella, alam niyang may hindi okay na nangyayari sa akin. Kinuha niya ang cellphone ko at tinignan ang mga message ko.Sa huli, nagbiro na lang si Ella sa akin "Baka gusto ka niyang sorpresahin ka. Pinipigilan niya lang ngayon at hindi ka pinapansin, tapos bibigyan ka ng sorpresa pagkatapos ng trabaho. Para maging emosyonal ka at ma touch ka!” Tumingin ako kay Ella at ngumiti "Saan mo na naman natutunan lahat ng 'yan?"Itinaas ni Ella ang kanyang baba nang may kumpiyansa, "Maghintay ka lang!"Pagdating namin sa canteen, tinawagan ko iba pa naming mga kasamahan at trineat ko sila
FRANCES POVKinabukasan, nagising ako ng maaga para magluto ng almusal, gusto ko sanang magka-ayos kami ng aking asawa sa aming alitan nitong nakaraang gabi. Halos hindi kasi niya ako pinapansin, sa di ko malamang dahilan. Masaya naman kami noong nakaraang araw pero biglang nagbago ang mood niya kagabi.Marahan akong kumatok sa pinto ng guest room pero walang Arthur na sumagot mula sa kabilang bahagi ng kwarto kaya naman nagdesisyon na akong pumasok na.Habang naglalakad, hindi maipinta ang mukha ko, kakaibang kalungkutan ang bumabalot sa aking katauhan.Pagdating ko sa pintuan ng Office ko ay biglang nanakbo si , Ella papunta sa akin at sinadya akong banggain, kinuha niya ang isang regalo at inabot sa akin . "Frances, Happy Birthday!"Sandali akong napatigil, at saka ko lang naalala na birthday ko pala ngayong araw. Magmula naman kasi ng mamatay si Mama, kinalimutan ko ng mag celebrate ng birthday. Para sakin ang araw sa buong taon ay normal lang. Kinuha ko ang regalo at walang gan
Sa totoo lang nainis ako sa mga sinabi niya kaya sinagot ko din sila ng nararapat na sagot.“Teka lang huh…Una sa lahat ang obligasyon namin si Papa, at FYI nagbibigay kami ng pang gastos ni Papa.Pangalawa, hindi niyo nga ako tinuring na anak niyo, ngayon kung maka-asta ka akala mo ay talagang ulirang ina ka?At pangatlo, bakit hindi niyo pag-trabahuhin yang si Ate Leonor. Hindi yung aasa lang siya sa binibigay namin kay Papa. Kung tutuusin siya ang pinaka-matanda sa amin pero siya ang pinaka-walang pinagka-katandaan.” agad na napa-ismid si Tita Mylene pero nagmatigas siyang umalis ng kusa.Napaisip ako, ngayon lang ako nakakita na niyawyawan ng kaniyang mapang-aping madrasta sa sarili nitong bahay, pagka bukas na pagkabukas pa lang ng pinto. ANo pa nga bang magagawa ko, kung palalayasin ko sila malamang na gagawan nila ito ng malaking issue kaya naman hinayaan ko na lang silang pumasok. Inalok ko na lang sila ng juice. Alam kong may naglalaro na naman sa isip ng mga ito kaya nand
Kagaya ng hindi ko pagyayabang, bumungad sa kanila ang isang mala mansyong bahay na tinitirahan namin ni Arthur. Hindi ko kailanman flinex sa aking social media account ang aming bahay dahil hindi naman ito sa akin. “Tang in*! Frances, ito ang bahay niyo?!” sigaw ng kasamahan kong bakla na halos ikahulog ko na sa golf cart sa sobrang pagkagulat.Napakamot ako ng ulo at napabuntong-hininga. “Bwisit ka bakla, gulat na gulat ako sayo!, oo ito yung bahay namin.” Ngunit hindi agad sila gumalaw. Nakabuka ang mga bibig nila, tila hindi pa rin makapaniwala sa nakikita nila sa kanilang harapan. Si Kristal, na kanina ay puro kayabangan ngayon ay halatang hindi makasabay sa pangyayari. Kahit na inaatake siya ng pride niya dahil sa dami ng paninirang sinasabi niya sa akin sa opisina ay hindi rin maipagkailang namangha din siya sa bahay na tinutuluyan namin ni Arthur. “Frances… ito ba talaga ang bahay mo?” tanong ng isa na hindi pa rin makapaniwala.“Hindi. Trip ko lang pumasok para sa staycat
FRANCES’ POV Pagdating ng Sabado, maaga akong nagbihis ng komportableng damit at tumungo sa tagpuan kung saan ko sasalubungin ang mga kasama ko sa trabaho. Isa-isa na silang dumating, at agad akong binati ng ilan sa kanila. “Congratulations sa promotion mo, girl!” sigaw ni Mary, sabay tapik sa balikat ko. Ngumiti ako at isa-isang nagpasalamat. Habang naghihintay pa sa iba, naisipan kong bumili ng maiinom sa mini-store sa kanto. Tahimik lang ang paligid nang biglang dumating si Kristal, ang babaeng kilalang mahilig mambara at laging may masasabi tungkol sa iba. “Oh, dito ba ‘yung inyo?” tanong niya, sabay irap sa mumurahing apartment sa harapan namin. “Anong apartment number ‘yung bahay niyo?” Bago pa ako makasagot, sumabat na ang isa pang kasamahan namin na malapit kay Kristal. “Oo nga, Ma’am! Dapat sa susunod lumipat ka na ng mas magandang apartment. Hindi bagay sa isang aviation manager ang nakatira sa ganitong klaseng bahay!” Napataas ang kilay ko at napatingin kay Ella. Hin
[Gusto ko lang magtanong, may boyfriend na nga ba talaga si Miss Frances?] Matapos ang maanghang na akusasyon laban kay Frances , ngayon lahat ay pumabor sa kaniya. Napapangiti naman si Mr. Rivera sa kaniya.Kagaya ng orihinal na dahilan kung bakit nagpunta si Frances sa restaurant ay nagsimula ang kanilang meeting. Ilang discussiona ng naganap sa pagitan nila at hindi din nagtagal ang meeting na iyon. Bumalik siya sa opisina. Nagulat siya ng salubungin siya ng kaniyang mga kasamahan.“Frances, congratulations!”“Frances, treat mo kami this time!”“Tama, Frances, weekends naman sa susunod na araw, mas okay siguro kung sa bahay niyo tayo mag-celebrate. Para makatipid at double celebration na din tayo. Ang pagkaka promote sayo officially at ang kasal mo.”Hindi naman kaagad nakasagot si Frances. Sa kalagitnaan ng pangungulit ng mga kasamahan niya ay biglang tumunog ang kaniyang cellphone. “Hello!”“Love, mukhang pagod ka? Hindi mo ata hiyang ang magpanggabi. Dibale malapit na din n
Pagkatapos sabihin ni Mr. Rivera ay naglakad na sila pabalik sa loob ng restaurant. Ngunit napansin ni Frances na mula sa di kalayuan ay may nagkakagulong mga tao at kumakapal na kamera na nagmumula sa mga vloggers, isang babae ang napansin nilang nagpunta sa isang sulok. Halata ang pagkabalisa sa kanyang mukha, at tila gusto niyang maglaho na lang sa hangin.Pero hindi nagtagal, agad siyang pinalibutan ng mga vloggers."Ikaw ang may pakana ng lahat ng ito! Sabi mo may relasyon si Mr. Rivera at Frances! Ng dahil sayo muntik pa akong makasuhan" singhal ng isang lalaki habang nakatutok ang camera sa kanya.“Oo nga, hayop ka. Mali-mali ang mga impormasyong sinasabi mo samin!”“Kaya nga pahamak ka!” "Ano ang masasabi mo na nalantad na ang totoo?" sigaw naman ng isa pa.Napayuko ang babae at hindi niya alam kung paano ipagtanggol ang kaniyang sarili. Pero wala na siyang lusot. Nalantad na ang katotohanan, ang mga maling ipinakakalat niya dahil sa galit kay Frances ay nalantad na. Si Al