EDWARD MURPHY POV
Hindi pa rin kami makawala sa init ng sandaling iyon, habang nahiga kami at magkadikit ang aming mga katawan ay sinimulan naming pag-usapan ang plano kay para Christy, ang kaisa-isang bagay na hinihiling ni Claire sa akin, kaya siya pumayag sa kasal na ito ay dahil doon. "wag kang mag-alala baby magiging maayos din si Christy. Gagawin natin ang lahat ng nararapat na gamutan para maging maayos na siya." sabi ko sa kaniya. Pagdating sa topic tungkol kay Christy ay mabilis na lumaglag ang luha ni Claire. "Salamat Edward. Wag kang mag-alala kahit mapaaga ang pagiging maayos ni Ate susundin ko pa rin ang kasunduan natin. Hindi ako babale." sabi niya sa akin."shhhhhh wag mo munang intindihin yun." sa isip isip ko ay ayoko ng magkaruon ng kontrata sa pagitan naming dalawa. "okay sige" yumakap siya ng mahigpit sa akin habang kami ay nakahiga. "So, ayos na tayo ha? Tapos na bangayan natin?" bulong ko sa kanya, sabay hagMakaraan ang ilang araw matapos ang aming pagbisita kay Ate Christy, naging abala kami ni Edward sa pagsasaayos ng lahat ng papeles para sa kanyang pagpapagamot. Sa tuwing naiisip ko ang sakripisyo at tulong ni Edward, napapangiti ako kahit pa may pangamba sa puso ko. Alam kong napakalaki ng pinasok naming laban, pero sa tuwing nakikita ko si Edward, nararamdaman kong kaya ko lahat.Isang umaga, habang nag-aayos kami sa sala, lumapit si Edward na may dalang dokumento. "Claire, may isa pang kailangan nating asikasuhin," sabi niya habang nakatingin sa akin nang seryoso."Anong kailangan, Edward?" tanong ko, ramdam ang kaba sa boses ko."May kailangan tayong kumpirmahin para sa kaso. Kailangan nating makita ang dating mga doktor ni Ate Christy para makuha ang mga dokumento at eksaminasyon noon pa man ,mga record na maaaring makatulong sa pagdinig sa kaso," paliwanag niya.Tumango ako, alam kong magiging mahirap ang proseso, pero alam kong tam
Edward POVHabang nagmamaneho ako pauwi mula sa ospital, tahimik lang si Claire sa tabi ko, ngunit ramdam ko ang pasasalamat niya. Paulit-ulit siyang humihinga nang malalim, at sa bawat sandali ay naririnig ko ang kanyang mga bulong ng “Salamat, Edward.” Hindi niya matigil ang pasasalamat sa akin, at sa tuwing naririnig ko ito, napapaisip ako kung paano niya napagtitiisan ang lahat ng sakit at bigat na dinadala niya para kay Ate Christy. Ang tagal ng panahon na pinagtiisan niya ang ganuong sitwasyon. Napailing na lang ako sa aking sarili.Hindi ko rin akalain na ganuon pala kalala ang pinagdaanan ni Christy. Hindi ko inisip na magkakaroon siya ng ganitong klaseng pagsubok sa buhay. Hinawakan ko ang kamay ni Claire habang patuloy akong nagmamaneho, pinaparamdam ko sa kanya na hindi siya nag-iisa. “Claire, nandito lang ako para sa’yo, para kay Christy. Huwag kang mag-alala, hindi kita iiwan sa laban na ‘to,” bulong ko sa kanya.
Natahimik kami ni Edward, at sa mga sandaling iyon, tila nawala ang buong mundo sa paligid. Humalik siya sa akin at ilang minuto pa kaming nagmuni muni. Nakaupo pa rin ako sa kanyang kandungan, at kahit walang salitang lumalabas sa aming mga labi, alam kong pareho kaming nakadarama ng isang bagay na higit pa sa anumang pwedeng ilarawan ng mga salita. Tinitigan ko siya, at sa mga mata niya, nakita ko ang lalim ng kanyang pagmamahal, ang pangakong hinding-hindi siya bibitaw. Hinaplos niya ang buhok ko, pinalapit ako nang bahagya, at sa malamig na opisina, naramdaman ko ang init ng kanyang pagyakap. "Claire…"bulong niya, boses na puno ng damdaming hindi ko mawari. "Hmm?" tugon ko, nakatitig pa rin sa kanya, ninanamnam ang sandaling iyon. Ngumiti siya, isang ngiti na parang nagsasabing sa kabila ng lahat ng pagsubok, andito siya para sa akin. "Hindi ko maipaliwanag… pero alam mo bang ikaw ang nagbibigay ng direksyon sa lahat ng ginagawa ko? Alam mo bang lately nagiging stress relie
CLAIRE POV Habang papalapit kami sa bahay ng mga magulang ni Edward, naramdaman ko ang kakaibang kaba sa dibdib ko. Parang ang bilis ng tibok ng puso ko, at hindi ko maiwasang kabahan sa pagharap sa kanila. Alam kong nakilala na nila ako noon pa, noong bata pa kami ni Edward. Pero ngayon ay ibang kwento na dati’y magkababata kami; ngayon ay asawa na ako ng anak nila. Huminga ako nang malalim at sinubukang kalmahin ang sarili. Hinawakan ni Edward ang kamay ko, at nagbigay siya ng isang mapanatag na ngiti. “Andito lang ako, Claire,” bulong niya sa akin, at kahit papaano’y gumaan ang pakiramdam ko. Pagdating namin sa loob ng bahay, sinalubong kami ng mga magulang niya, parehong nakangiti. Agad akong pinakilala ni Edward, hawak pa rin ang kamay ko, “Mom, Dad, gusto kong ipakilala sa inyo ang asawa ko—si Claire. Kilala niyo naman po siya yung kababata ko nuon sa Nueva Ecija?! Nung nakatira pa tayo sa farm” sabi ni Edward na walang pag aalinlangan sa kaniyang mga magulang Naramdaman
Habang kumakain, panay ang tanong sa amin ng daddy ni Edward tungkol sa aming buhay mag-asawa. “So, kamusta naman ang buhay niyong dalawa?” tanong niya, may konting kilig sa kanyang boses. Napatingin ako kay Edward at sabay kaming napangiti. “Masaya naman po,” sagot ko, “Medyo naninibago pa rin pero… masaya.” “Masaya lang?” biro ni Edward, kunwaring may tampo. “Ang sabi mo kanina, ako raw ang nagpapasaya sa’yo araw-araw!” Nagtawanan silang lahat, medyo nahiya ako sa kalokohan ni Edward. “Ewan ko sa’yo,” biro ko pabalik, tapos ay kinurot ko siya sa braso. Nakangiti ang Mommy ni Edward habang pinagmamasdan kami. “Alam niyo, natutuwa akong makita kayong dalawa. Hindi ko akalaing ang mga biruan ninyo noon ay magiging pagmamahalan ngayon. Claire, kung gaano ka kabait noon, nakita kong hindi ka nagbago.” Nagkatinginan kami ni Edward, at napangiti ako nang magaan. “Maraming salamat po, tita—ah, mommy,” sagot ko, natutuwang nasanay na rin sa bagong tawag ko para sa kaniya. “Basta’t tand
Hindi ko alam ang sasabihin. Wala akong ideya na alam ni Mommy ang tunay na sitwasyon. Gusto kong magpaliwanag, pero parang kinain ako ng hiya. Napansin niya siguro ang pagkabigla sa mukha ko, kaya’t tinapik niya ang kamay ko nang may pagmamahal. “Claire, gusto kong ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mong pagpa-panggap,” mahinahon niyang sinabi. “Nakikita ko ang pagmamahal mo sa anak ko… at ganun din siya sa’yo. Salamat, anak. Sana, sa kalaunan, mauwi kayo sa totohanan.” Napalunok ako at napatingin sa kanya, hindi makapaniwala sa mga narinig ko. Hindi ko inaasahang ganito ang magiging reaksyon ni Mommy, na hindi niya kami huhusgahan, bagkus ay susuportahan pa. Para bang hinayaan niyang sundin namin ang agos ng sitwasyon, kahit alam niyang may mga aspeto nito na hindi perpekto. “Mommy…” mahina kong tugon, hirap makahanap ng tamang mga salita. “Hindi ko alam na alam niyo po… Pero… salamat po. Mahalaga po sa akin si Edward… at totoo po lahat ng nararamdaman ko para sa kanya.” Ngumiti s
AT THE OFFICE EDWARD MURPHY POV Isang tahimik na araw para sa akin. Mula pa sa labas ay natanaw ko na si Ricky na may kakaibang ngiti ng mapadaan kay Claire. Ngiting may pang-aasar. Napapailing lang ako habang pinagmamasdan itong papalapit sa aking opisina. Pagpasok pa lang ni Ricky ay sinimulan ako kaagad nito ng isang intrigang tanong "Edward I heard rumors about you and Claire?!, lagi daw kayong magkasama? totoo ba?!" tanong sa akin ni Ricky na nakangiti "ofcourse, asawa ko siya bakit hindi ko siya makakasama palagi" casual na sagot ko kay Ricky habang nakasandal sa swivel chair, may pilyong ngiti sa aking mga labi. Gulat na gulat si Ricky sa aking sinabi. "Oh come on! kelan pa pumasok sa idea mo ang idea na pagpapakasal" sabi ni Ricky ng aasar Inangat ko ang aking daliri at pinakita ang singsing as sign of marriage. "the fvck totohanan na ba yan?, bro hindi biro ang pinasok mo" sabi niya sa akin. Natawa lang ako sa kaniya "baka naman ginagawa mo ito dahil pabalik na si Le
“Oo nga, halata naman,” sabat ni Ricky. “Bro, kitang-kita naman kung paano ka naapektuhan sa bawat ngiti niya, kung paano nag-iiba ang aura mo kapag kasama siya. Pero… kaya mo bang bitawan lahat ng ito? pero ang tanong: handa ka bang lumayo kapag oras na?” Napaisip ako nang malalim. Sa simula, madaling sabihing kaya kong bumitaw kapag tapos na ang usapan. Pero ngayon, sa bawat araw na kasama ko si Claire, sa bawat ngiti at alitan, sa bawat palihim na sulyap niya na akala niyang hindi ko napapansin parang hindi ko na kayang isipin ang buhay ko nang wala siya. “Hirap naman niyan, Ricky,” sabi ko, pilit na tumawa para pagaanin ang usapan. “Parang ang hirap palang iwan ang isang taong nagawang pasayahin ang araw-araw ko. Pero natatakot din ako—baka sa huli, hindi ko rin siya mapanghawakan.” “Well, bro, minsan kailangan mo ring maging totoo sa sarili mo,” sabi ni Ricky, seryoso ang tono. “Ano ba talagang plano mo? Aasa ka lang ba na hindi siya mawawala? Kung si Claire talaga ang mahalag
Nag-aalimpuyo ang galit ko. Ang tindi ng init ng katawan ko habang tinitingnan ko siya. Alam ko na hindi ko siya dapat tinatanggap sa ganitong paraan, pero parang may lakas na humihila sa akin patungo sa kanya.Hindi ko na kayang kontrolin pa. Ang mga kamay ko, na hindi ko alam kung paano umabot sa kanyang katawan, ay biglang naglakbay sa kanyang leeg. Ang init ng pakiramdam ko ay parang napuno ng pagkamuhi sa sarili ko. Bakit ko ba ginagawa ito?"ito ba ang gusto mo?" tanong ko sa kaniya. Hinila ko siya at pinatuwad sa akin. Hinawakan ko ang kaniyang leeg at sinubsob ito sa aking computer table. Winasak ko ang kaniyang pang ibabang saplot at walang habas ang ginawa kong pagkadyot mula sa kaniyang likudan. Mabilis at mariin ko siyang tinira sa kaniyang puwetan. Wala akong pakiealam kung nasasaktan man siya hinawakan ko ang kaniyang sus* ang mahigpit itong nilamas. "ito ang gusto mo diba" gigil kong bulong sa kaniyang tainga. "hahaha" malakas siyang tumawa " sige pa Edward ganyan nga.
EDWARD POV Ang araw na to ay puno ng kabiguan, galit, at mga alaalang hindi ko kayang kalimutan. Hindi ko pa rin matanggap na si Claire na palaging nandiyan para sa akin ay bigla na lang umalis at iniwan ako. Ang mas masakit dun ay nang makita ko ang mga litrato ni Claire at ng lalaking iyon, parang nawala na ang huling pag-asa sa puso ko. Hindi ako nagpakita ng kahinaaan sa harapan ni Lexie pero hindi ko din kayang itago ang matinding galit na nararamdaman ko. Nagtagal ako sa opisina kahit na nakauwi na ang lahat ng mga tauhan habang hawak-hawak ko ang mga litrato ni Claire na ipinakita sa akin ni Lexie. Pero kahit na anong tago ko ay naningkit ako sa galit habang pinagmamasdan ang mga litratong ito. Si Claire ay masayang kasama ang lalaking iyon at nakangiti na tila walang inaalala. Ilang panahon na din magmula ng huli ko siyang nakita. Wala na ang dating Claire na iniisip kong hindi kayang mabuhay ng wala ako. Hindi ko na siya kilala. “Alam mo ba kung anong klaseng tao siya?”
Bumalik ako sa veranda at tumitig sa mga ulap sa malayo. Ramdam ko ang pag-aalangan nila, pero mas matindi ang tanong sa puso ko. “Sabihin n’yo na,” bulong ko, kahit na alam kong mahirap ang sagot. Tahimik pa rin sila. Ang tanging narinig ko lang ay ang tunog ng hangin na dumadampi sa paligid. Tahimik kaming nakaupo sa veranda, pero ramdam ko ang bigat ng bawat segundo. Kita ko ang kaba sa mukha nina Janice, Lander, at Dok Marco. Wala na silang kawala. Alam kong may itinatago sila, at sa wakas, napagdesisyunan nilang aminin na ang totoo. “Claire…” nagsimula si Janice, hawak-hawak ang kamay ko. “May kailangan kaming sabihin sa’yo, pero sana maintindihan mo na ginawa namin ito para sa’yo.” Tumingin ako kay Marco at Lander. Tumango si Marco, parang binibigyan si Janice ng pahintulot na magpatuloy. “Claire,” sabi ni Lander, malalim ang buntong-hininga. “May sakit ka sa puso. Nalaman namin ito nung naaksidente ka. Napansin ng doktor na may irregularity sa tibok ng puso mo, at l
Sa wakas, nagising siya sa katotohanan. Nanginginig ang kamay niyang kinuha ang bag niya mula sa mesa. “Edward… hindi mo ako kailangang itaboy ng ganito,” mahina niyang sabi, pero hindi ko siya sinagot. Tumalikod ako sa kanya at muling tumingin sa mga papeles sa mesa. “Kung ayaw mong mapahiya pa, umalis ka na,” malamig kong sabi. "tandaan mo ito Edward, ako lang ang para sayo! walang kahit na sino ang makakapalit sakin sa buhay mo Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. Sa wakas, tahimik na ulit. Bumalik ako sa pagkakaupo at isinubsob ang mukha sa mga kamay ko. “Claire, nasaan ka…” bulong ko sa sarili, habang iniisip kung paano ko haharapin ang gulo ng buhay ko. Wala na akong ibang iniisip kundi ang mahanap siya at ayusin ang lahat. CLAIRE POV Parang lahat ng nangyari sa akin ay isang bangungot na hindi ko kayang matakasan. Isang linggong pagkakaratay, paulit-ulit na bumabalik sa akin ang alaala ng aksidente ang malakas na sigaw ni Janice at Lander, ang pagharurot ng
Bahagyang natahimik kami, at unti-unting bumalik ang sakit na pilit kong kinukubli. “Sinubukan kong kalimutan siya, Ricky. Ginawa ko ang lahat para mawala ang alaala niya, pero wala, hindi ko magawa. Kahit ilang oras akong magtrabaho, kahit ilang gabi akong magpakalunod sa alak, palaging may bakas siya sa bawat galaw ko.” Tumango si Ricky, napapangiti nang may halong simpatiya. “Alam mo, Edward, minsan ang kailangan lang natin ay ang tanggapin ang pagkakamali natin. Hindi lahat ng sugat gumagaling nang mabilisan. May mga sakit na kailangan talagang maramdaman para matutunan natin ang aral na dala nito.” Nagpabuntong-hininga ako, ramdam ang kaluwagan sa pag-share ko ng sakit na nararamdaman ko sa isang taong hindi humuhusga. “Oo, Ricky, may mga gabing binabalikan ko ang bawat sandali na kasama siya. Lahat ng oras na tawa siya nang tawa, lahat ng sandaling naramdaman ko ang pagmamahal niya. Pero wala na iyon ngayon. Ako lang ang may kasalanan kung bakit siya nawala.” Pinalakas ni
EDWARD POVPagkatapos ng lahat ng nangyari sa amin ni Claire, wala na akong ibang pagpipilian kundi magpatuloy. Pero sa kabila ng pagpapanggap na okay lang ako, araw-araw ay parang binabato ako ng alaala niya lalo na sa opisina, naisipan kong bumalik sa aking opisina para naman kahti papano ay makalimot ako. Buryong buryo na ako sa bahay kakamukmok. Pero hindi ko maiwasan ang sarili ko. Palagi kong tinitingnan ang desk niya, umaasang kahit papaano ay makita ko siyang nakaupo roon muli at abala sa mga trabaho niya. Pero wala na siya, at ang pamilyar na puwang ay napalitan ng ibang tao. Ang pag-alis niya ay nag-iwan ng kakulangan sa buhay ko na hindi ko na maitama. Ano bang nagawa kong mali para basta na lang niya ako iwan ng ganito?! Kaya naman nagpaka subsob ako sa trabaho, tinatambakan ko ang sarili ko ng mga gawain sa pag-asang makakalimutan ko ang sakit ng pagkawala niya. Ngunit kahit ilang oras ang ibuhos ko sa trabaho, palagi pa rin siyang sumasagi sa isip ko. Ang bawat sulok ng
Hindi ko alam kung saan pupunta si Claire, pero isang bagay ang sigurado: hindi ko siya kayang mawala. Kailangan kong makita siya, humingi ng tawad, at patunayan sa kanya na handa akong baguhin ang lahat para sa kanya. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan siya. Isa, dalawa, tatlong beses pero wala akong makuhang response dahil puro promt voice message ang sinasabi. “The number you dialed is currently unreachable.” “F**k!” Napasigaw ako at halos ihagis ang cellphone sa sahig. Nanginginig kong tinawagan si Janice pero hindi siya sumagot. Alam kong kasama ni Claire si Janice. Kung hindi man ay tatawagan ko rin si Lander. Anong oras na hindi pa rin kumokontak sakin si Claire. Hindi niya ito usual na ugali. Madalas pag nagtatampo siya ay umuuwi din siya kagaad. Pero bago ang lahat, kailangang ayusin ko ang sarili ko. Simula ngayon, tatapusin ko na ang mga gulo sa buhay ko. Si Claire lang ang mahalaga sa akin, at hinding-hindi ko hahayaan na tuluyang masira ang relasyon namin
EDWARD POV Pagmulat ng mga mata ko, agad akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib. Agad na inikot ng mata ko ang paligid ng kwartong iyon. Hindi ito ang bahay namin ni Claire. Nilingon ko ang gilid ng kama, at doon ko nakita si Lexie. Nakahiga siya sa tabi ko, nakangiti na para bang alam niyang naipit ako sa isang sitwasyon na hindi ko matatakasan. Tinignan ko ang sarili ko. Wala akong saplot. Mabilis akong tumayo at dinampot ang mga gamit ko sa sahig. “Good morning, Edward,” malandi niyang bati habang iniunat ang katawan niya sa kama, parang sinasadya niyang ipakita ang hubad niyang katawan. “Anong ginawa mo, Lexie?” sigaw ko habang nagmamadaling isuot ang aking pantalon. “Ano’ng nangyari kagabi?!” Napangisi siya, parang aliw na aliw sa kalituhan ko. “Ano pa nga ba? It was a great night, Edward. You were amazing,” malandi niyang sagot. “Huwag mo akong gawing tanga, Lexie!” Galit kong sigaw habang kinuha ko ang natitirang sapatos ko. “Nilagyan mo ng drugged ang inumin ko kagabi?
“Doon sa rest house mo,” mabilis kong sagot. “Gamitin natin ang private plane mo para madala siya roon nang walang makakaalam.” Napaisip si Lander bago tumango. “Tama ka. Ligtas siya roon. Ako na ang bahala sa transportasyon at lahat ng kailangan niya.” Habang pinapanood ko si Claire sa loob ng kwarto niya, hindi ko mapigilan ang galit at lungkot na nararamdaman ko. Wala siyang kamalay-malay sa lahat ng ngyayari sa kaniya, nakaratay siya roon, mahina, buntis, at nasa bingit ng panganib ang buhay. Napakabait niyang tao. Lahat na ng sakripisyo ginawa niya para sa ibang tao, lalo na para kay Edward, pero ito ang igaganti sa kanya? Napakalaki ng utang na loob ko sa kaniya dahil sa ginawa niyang pagtulong sa akin nung panahong walang wala ako. Lumingon ako kay Lander at ang mga kamay ko ay mahigpit na nakatikom. “Lander, hinding-hindi ko mapapatawad si Edward sa ginawa niya sa kaibigan natin. Alam kong wala tayo sa posisyon para pigilan o itago natin si Claire dahil sa huli desisyon pa