Bumuntonghininga si Aino. "Ipapakita ko po sa'yo, kung ganoon.""Hindi na! Ibigay mo na lang 'yan sa Tita Yvonne mo. Hindi muna titingnanni Tita Ruth kung ano ito." Malokong ngumiti si Ruth. Halos makalimot siyasa takot at gusto niya ring maranasan ito ni Yvonne.'Hehe! Pasensya ka na, Yvonne, pero kasalanan mo kung bakit hindi kapumunta rito para makita si Sabrina!' isip niya.Tumigil sa pamamadali si Aino sa mga regalo niya dahil sa mga sinabi niRuth. Hindi niya gustong ipakita kay Ruth ang regalo niya kay Yvonne sasimula pa lang, dahil gusto niyang gawing misteryoso ito para sa isangsorpresa.Pagkatapos ibigay ang lahat ng mga regalo, oras na para kina Sabrina, Ainoat Sebastian na umuwi. Nagmaneho si Kingston para ihatid sila sa bahay atang tatlo sa kanila ay nakaupo sa sasakyan, lahat sila ay nalula sapakiramdam na umuwi ng ganoong katagal. Pamilyar na kalye, pamilyar nadaanan, kahit ang mga ilaw sa daan ay parang tahanan na hindi nilang nakitatalaga. Tumitig si Sabr
Hinila ni Sebastian si Sabrina sa kanyang mga braso, mabigat ang puso niya sa pagsisisi. "Mama, miss na miss na po kita. Ikaw po ba talaga 'yan, ma?" walang tumigil na humikbo si Sabrina. "Bakit hindi ka po nagpakita at makita ako? Ma, si Aino, ang papa ni Aino, at ako, miss ka na po namin. Ma, pwede po bang magpakita ka na? Ma..." ang hagulgol niya ay nagsimulang kuhain ang atensyon ng mga dumadaan at kahit si Aino ay nagulat sa kanyang nakita. "Sabrina, tinatakot mo si Aino. Huwag ka nang umiyak." Malamyos na bulong ni Sebastian. Sinubukan ni Sabrina ang buong makakaya niya para ikalma ang sarili at lumingon para hanapin si Aino, na siyang nasa gilid at umiiyak din. "Mama..." naglakad si Aino patungo kay Sabrina at sinabi, "Ma, huwag ka na po umiyak, okay?""Baby..." bulong ni Sabrina. "Sa totoo po, bumili rin ako ng regalo para sa'yo. Gusto ko pong maghintay hanggang sa makauwi tayo para po sorpresahin ka, pero mama, gusto ko na po sabihin na may binili po ako para sa'yo,
Iyon ang nagpaalala kay Sabrina sa kanyang ina ulit. Ang mga matang natagpuan niya sa labas ng kanilang lugar ay nakakatulala, kahit hindi nakita ni Sabrina ang mga mukha niya, sigurado siyang na mga mata iyon ng kanyang ina. Ang isipin kung maayos lang ba ang kanyang ina ang nagsasaksak sa puso niya sa sakit. Lumabas siya sa shower nang may mahinang paghihinagpis, kahit ang pagpapaligo kay Aino ay hindi siya napapasaya. Napansin ni Aino na naghihirap ang kanyang ina kaya nag-desisyon siyang manahimik na lang din. Pagkatapos nilang maligo, pinatulog ni Sabrina si Aino at dahan dahan na ring humiga para matulog pagkatapos ni Aino. Pagod siya, pero mukhang hindi niya mahanap ang kapayapaan sa pagtulog. Si Sebastian din ay pagod pero wala siyang oras magpahinga. Pagkatapos makitang tulog sina Sabrina at Aino, tumungo siya para pag-aralan ang trabaho. Kalahating buwan na rin noong huli siyang nagpakita sa opisina. Lahat ay gumagana tulad ng dati, kasama ang mga dokumento na gagawin pa la
Tumitig si Sebastian kay Sabrina, nanlaki ang mata niya sa gulat. "Anong mayroon, Sabrina?""Huwag mong gawin 'yon, Sebastian. Pakiusap huwag."Hinawakan niya ang mga mukha ni Sabrina gamit ang kanyang mga palad at sinabi, "Sabrina, sa oras na makita ng matandang Master Shaw na kalaban si Selene, hindi na niya susubukang protektahan ito. Bawian mo ang pamilya Lynn sa kahit na anong gusto mo."Umiling siya. Pinilit niya ang isang mapait na ngiti sa kabila ng mga luha sa kanyang mata at sinabi. "Hindi mo pa ba nakukuha, Sebastian? Kinamumuhian ako ng matandang Master Shaw."Bumuntonghininga si Sebastian. "Sagad sa buto ang pagkamuhi niya sa akin," miserableng pagpapatuloy niya. "Sinabi sa akin ni Marcus na para akong tita niya sa unang beses ng pagkikita namin. Kahit si Marcus ay ganoon din ang nakita, sa tingin mo ba ay hindi mapapansin ng matandang Master Shaw iyon? Pero, pinilit pa rin niyang tanggapin si Selene bilang apo niya, dahil kinuha niya ang natural na magustuhan ng gan
Sa kabilang banda, sobrang naging maunawain si Sabrina at niyakap ang lahat ng tungkol sa kanya. Hindi siya kailanman humingi ng kapalit at ang bawat isang bagay na ginagawa niya ay wala sa konsiderasyon niya. Sa pagkakataong iyon, natameme si Sebastian. Ang kaya niya lang gawin ay ang hawakan si Sabrina ng mahigpit sa kanyang mga bisig. Takot na takot siyang mawala si Sabrina. Sa buong tatlumpung taon, mag-isa siya. Palagi. Tinakwil siya ng mga Ford, at pinatapon sa kakaibang lugar, iniwan kasama ang kanyang ina. Hindi siya pinanganak ng ganito, pero ang kapaligiran na kinalakihan niya ang dahilan kung bakit siya naging malupit na lalaki, hanggang sa nakita niya si Sabrina. Naalala pa rin niya ang electronic filter na binigay ni Sabrina sa kanya noong isang gabi, isang creamy lemon pasta na ginawa niya para kay Sebastian. Lahat ng iyon ay ebidensya kung gaano naging malungkot si Sabrina. Malungkot din siya. Nakibahagi rin siya sa pangungulila niya sa tunay na pagmamahal at ngayon, n
Sa sumunod na araw. Maaraw at maliwanag sa labas nang magising si Sabrina. Kahit na pakiramdam niya ay nakalas ang buong katawan niya at halos hindi na madikit ito, pero kahit papaano, masigla at maginhawa ang kanyang pakiramdam. Isang nahihiyang ngiti ang sumilay sa kanyang mukha. Matagal na silang mag-asawa, kaya naging abala sila nang nasa Star Island sila at hindi sila naging madikit ng halos kalahating buwan, pero nang sa wakas ay nakabalik na sila sa kanilang tahanan nang magkasama, pakiramdam niya ay honeymoon nila ito. Mayroon siyang mga paraan sa mga manggas niya at ganoon din siya. Pagkatapos ng ilang tulog, mas umayos na ng sobra ang pakiramdam niya, dahil din sa magandang panahon. Pero hindi niya pa rin nakikita ang kanyang ina. Sigurado siya ng siyamnapu't siyam na porsyento na buhay pa ang ina niya. Hangga't buhay pa siya, mayroon pa ring pag-asawa. Mas mabuting isipin 'yon kaysa isipin na patay na ang ina iya sa halos anim na taon. Ang pagiging buhay niya ang pinakamal
"Sebastian..." hindi niya kailanman naisip na si Sebastian ang unang yuyuko sa kanya. "Sa oras na gumaling si Nigel sa mga galos niya, kukuhain ko siya sa Ford Group at papapirmahin ng kontrata kasama ko. Ang lupaing iyon sa baybay ng South City ay gagawin ng Ford Group kasama ang Conor Group," sabi ni Sebastian. Si Nigel, ang tita niya, at ang tiyuhin niya ay napatigil. "Sebastian..." tinignan siya ni Nigel, pula ang mata. Mapanuya siyang binalingan ni Sebastian. "Kawawang bata!""Tama ka, Sebastian," ani Nigel habang tumatawa. "Dalian mong magpagaling. Kinukulit kami ni Aino, sinasabi na wala na siyang tito na ipapasan siya. Ikaw na dapat iyon simula ngayon!""Tamang tao lang pala ang pinili ng maliit na batang iyon para gawing kabayo niya, kung ganoon," sinabi ni Nigel habang mas lalo pang naging maligaya ang tawa niya. Sa tabi niya, nakangiti rin si Minerva. "Ang makulit na batang 'yon ay gustong-gusto talaga ang pangangabayo."Ang atensyon ni Sebastian ay agad na na
"Oo, mahal kong pamangkin..." sagot ni Gng. Conor nang nasasabik. Sa kabilang banda, nakaramdam ng konting ginhawa si Sabrina. Binaba niya ang tawag pagkatapos ng simpleng pag-uusap sa tita ni Sebastian bago siya bumalik sa kwarto para maligo. Ginising niya si Aino para mag-almusal at, nang ihahatid na niya si Aino sa kindergarten at di-diretso na sa trabaho, tumunog ang phone niya. Kinuha niya ito at ngumisi. Mula ito kay Yvonne at agad niya itong sinagot, "Magandang Yvonne ko, bakit hindi mo kami sinundo kahapon sa airport?""Binabanggit mo talaga ito ngayon? Susunduin ka sana namin ni Ruth sa airport. Ikaw ang nagsabi na kailangan kayong kausapin ng matandang Master Shaw tungkol sa importanteng bagay. Kaya? Kinausap mo na ba siya?" tanong ni Yvonne. Tumango si Sabrina. "Oo, nag-usap na kami.""Sabrina, pinapahirapan ka ng matandang 'yon, 'no?" tanong ni Yvonne, nag-aalala."Yvonne, papakasalan mo ang taong mula sa pamilya Shaw, kaya hindi mo dapat kinamumuhian ang matandang M