Nang sinasabi ng matandang punong Shaw kay Sebastian ang tungkol salahat nang nangyari sa nakaraan, si Selene at ang parehong mga magulangniya ay nakikinig din. Ang saklaw ng ekpresyon nila ay bumalot agad sakanilang mga mukha. Noong una, bago ibunyag ng matandang punong Shawang sikreto, nabalot ang mga mukha nila ng pag-aalala. Lalo na siSelene. Nakita ng kanyang dalawang mga mata kung paano napabagsak niSebastian ang isla ng walang kahirap-hirap. May kakayahan siya atmakapangyarihan. Hindi nilang kayang labanan ito.Kung hindi papaniwalaan ni Sebastian ang matanda, malamang ang tatlo sakanila ay mawawalan ng kaluluwa sa ilalim ng galit ng kanyang baril sasusunod na segundo.Gayunpaman, nang nakinig ang tatlong miyembro ng pamilya Lynn sasinasabing kwento ng matandang punong Shaw sa kung anong nangyari sapagitan ng mga Ford at Payne, kumunot ang kanilang mga noo. Alam nilana may nakatagong barahaang matanda sa kanyang manggas. Sigurado silangayon na hahayaan silang mabu
Ang marka ng palad ng munting bata ay nakita sa pisngi ni Selene.Naghabol ng hininga si Selene. "Ikaw..."Si Aino ay tumatawa nang malakas, ang ulo niya ay pataas at pababa, "Hehe, Selene, dapat pasalamatan mo ako, mas maganda ka na ngayon. Napakapayat mo at ang mukha mo ay puro buto na nalang, at kasama ng mga benda sa ulo mo, sobrang pangit talaga ng itsura mo. Pero ngayon na binigyan kita ng sampal, hindi ka na ganun kapangit, kaya dapat magpasalamat ka sakin, di ba?"Nanginig si Selene. "Ako...Aino Scott, hahampasin kita hanggang sa..."Bago niya pa matapos ang sinasabi niya, nahila na ni Sabrina si Aino sa kanya. Tinaas ni Selene ang kamay niya pero hindi nito tinangkang sampalin ang pisngi ng munting bata. Kahit na alam niya hindi siya susubukang saktan ni Sebastian dahil sa lolo niya, hindi pa rin niya sinubukang ibalik ang sampal ng munting bata.Pero ang Old Master Shaw ay nagalit. Tumingin siya kay Sebastian, at mahigpit itong pinagalitan. "Sebastian! Alam na alam mo ku
"Anong kalokohan naman yan!" Nang marinig ang mga salita ni Sabrina, si Natasha ay napatayo sa galit at tinuro siya nito. Ang mga daliri ni Lincoln ay halos tumusok na sa mukha ni Sabrina. "Ikaw walang hiyang babae ka! Paano ka naging bastos...""Swoosh!"Bigla naman, isang kutsilyo ang nakita sa kamay ni Sebastian. Ito ay isang maikli pero talagang matalim na kutsilyo, pero ito ay nagliwanag nang malamig sa ilaw. Ito ay malinis at tuyo, walang kahit kaunting bahid ng dugo sa talim niya. Pero ang daliri ni Lincoln na halos matusok na ang pisngi ni Sabrina ay nahulog sa lapag matapos na marinig ang tunog ng kutsilyo. Ang mga kilos ni Sebastian ay talagang mabilis. Sobrang bilis na hindi man lang naramdaman ni Lincoln ang sakit kahit na pinutol na ang hintuturo niya.Nung oras na siya ay nakabawi na, si Sebastian ay yakap na si Aino sa braso niya, ang isang kamay ay nakatakip sa mga mata nito at ang isa sa tenga niya, hindi niya ito hinahayaang makita o marinig ang miserableng sitwasy
[Sige! Hindi naman sa hindi ko kayang subukan, hindi ko lang kayang itulak ang sarili ko na gawin yun."[Kaya mahal kong pinsan, mas mabuti nang sabihin mo sa akin kung nasa panganib ba si Sabrina.]Sumagot si Kingston, [Kung ganun nga, ano naman ang plano mong gawin?][Kung sinubukan ng Old Master Shaw na akusahan ng mali at ipahamak ulit si Sabrina, papatayin namin siya ni Ruth! Wala akong pakialam kung kaninong lolo siya!]Si Kingston ay napabuntong hininga sa mensahe ni Yvonne.Nagpatuloy siya. [At, wala tayong nagawang kahit ano sa Lynn family nung sila ay nasa Star Island. Pero ngayon na nakabalik na sila, kahit na wala masyadong magawa sila Sabrina at Sebastian sa kanila, may magagawa kami ni Ruth! Gagawin namin ang lahat ng makakaya namin para magkaroon sila ng karumaldumal na kamatayan!]Sumagot lang si Kingston sa mensahe niya matapos ang ilang sandali.[Wag kang mag-alala, batay lang sa matatag na pagkakaibigan na meron kayo nila Ruth at Sabrina, hindi hahayaan ni Mas
Napabuntong-hininga si Kingston. "Siyamnapu't siyam na porsyento akong sigurado na yun ang katotohanan."Ang anim na taong gulang na bata ay hindi naintindihan kung ano ang ibig sabihin ng siyamnapu't siyam na porsyento, kaya tinanong niya ulit, "Ang matandang yun galing sa Lynn family, ay daddy ng Mommy ko?"Tumango si Kingston. "Oo."Nung oras na sinabi niya yun, ang munting bata ay nagsimulang umiyak. Kani-kanina lang, siya ay parang isang munting mandirigma, nangangakong iligtas ang nanay niya, gustong sabitan ang matanda gamit ang dalawang metal na kawit. Paano nangyaring umiyak na siya matapos lang ang ilang sandali?"Anong problema, munting prinsesa?" Si Kingston ay nagulat.Humagulgol si Aino, "Bakit? Bakit po nangyari ito, Uncle Kingston? Hindi po ba dapat minamahal at inaalagaan ng mga tatay ang anak nila, tulad ng kung gaano ako minamahal ng Daddy ko? Pero bakit si Mommy ay hindi mahal ng Daddy niya? Sa halip, mahal niya ang kaaway ni Mommy! Bakit? Uncle Kingston, sobra
Si Sebastian ay kalmadong naglakad, nang walang paghingi ng tawad, nang walang kahit anong paliwanag, at kalmadong umupo. "Isa ka bang bangkay? Dali, hanapin mo na ang daliri ko!" Si Lincoln ay hindi na nagtanong pa ng kahit ano kay Sebastian. Sa halip, binaba niya ang ulo niya at sumitsit kay Jade na wala pa rin sa sarili niya.Si Jade ay agad naman lumuhod sa sahig at nagsimulang hanapin ang kapiraso ng daliri niya. Sa loob ng isang minuto, nahanap niya ito. Tinaas niya ang namumutla, at walang dugong daliri at sinabi, "Nakita ko na...mahal, nakita ko na.""Itapon mo yan!" Biglang sabi ni Sebastian.Kumurap sa kanya si Jade."Mga sundalo!" Agad na tinawag ni Sebastian. Nung oras na lumabas ang mga salita sa bibig niya, isang malaki at matipunong lalaki ang pumasok. Siya ay isa sa mga inarkilang sundalo na nagbabantay sa Lynn family sa airport."Master Sebastian, may utos po ba kayo, Sir?" buong galang na tinanong ng sundalo."Ang daliri na hawak ni Mrs. Lynn, itapon mo yan sa
Ang old Master Shaw ay tumitig kay Sebastian at walang magawa. "Sebastian, hindi ko naisip na ikaw ay magiging isang tao na hindi tutupad sa sinabi mo!""Kung tatanungin kita, Grandpa Shaw, paano ako eksaktong hindi tumupad sa sinabi ko?" Tanong ni Sebastian.Ang old Master Shaw ay nanatiling tahimik."Ligtas kong naipadala ang tatlong miyembro ng Lynn family pabalik sa South City. Hindi ko rin intensyon na kunin ang buhay nila sa kabila ng ginawa nila sa akin. Lahat ng ito ay walang iba kundi pagpupugay sayo, Grandpa Shaw. Ngayon na nabanggit mo ang nakaraan mo kasama ang nanay ko, mas lalong imposible ngayon na hindi ko respetuhin ang mga kagustuhan mo dito. Pero, hindi ibig sabihin nito na hindi ko poprotektahan ang asawa ko. Kung ang kapalit ng awang binigay ko sa Lynn family ay nagpatiyak sa determinasyon nilang saktan ang asawa ko, lolo, sa tingin mo ba tatayo lang ako basta dito?"Nagbuntong-hininga ang old Master Shaw. "Sebastian, tama ka nga. Pero nagmamakaawa si Grandpa S
"Sa walong taon na yun, siguro naman narinig mo ang tungkol sa nanay ni Selene, tama ba ako?""Old Master Shaw, diretsuhin mo na ako!" Ang pasensya ni Sabrina ay nauubos na. Nagawa niyang panatilihin ang timpla niya para lang sa kapakanan ni Sebastian. Kahit na gaano kasama ang pagtrato sa kanya ni Old Master Shaw o kahit gaano siya nito hindi naunawaan o pinigilan, siya pa din ang taong sumalba kay Aunt Grace at Sebastian. Bukod pa dito, kahit si Holden, na kasama niya lang sa loob ng dalawang araw, ay minsang sinalba ni old Master Shaw. Malaki ang utang na loob ni Sebastian sa matanda at ayaw ni Sabrina na ilagay si Sebastian sa mahirap na sitwasyon. Kaya niyang gawin ang kahit ano para sa asawa niya."Kailan mo pa sinimulan ang pagplano dito?" tanong niya.Kalmadong ngumiti si Sabrina. "Old Master, ako ay isang babae na hindi nakapagtapos ng kolehiyo at nanggaling pa sa kulungan, kaya ang abilidad ko para umintindi ng mga bagay ay kakila-kilabot. Sabihin mo nalang nang diretso, p