Share

Kabanata 94

Limang putahe.

Tiningnan ito ni Sabrina, ngumiti siya habang umiiling.

Mygosh! Ang dami namang ulam nito… Paano mauubos ni Sabrina ang mga ito?

Gayunpaman, sabik na sabik na siyang kumain.

Habang kinukuha niya ang pagkain niya, nakangiti siya habang pabalik sa employee cafeteria para kumain. Bago siya pumasok, bumangga siya kay Nigel at ang kaibigan nitong si Zayn.

“Yo! Sobrang busy mo ba nitong mga nakaraang araw, Sabrina?” sabi ni Nigel.

Tumingala siya at ngumiti kay Nigel.

Ang mga ngiti niya ay kumikinang.

Natigilang muli si Nigel.

Pangalawang beses na niyang nakitang ngumiti si Sabrina. Ang unang beses ay noong nakalipas ang tatlong araw habang kumakain siya sa construction site.

“Nigel, dalawang araw na kitang hindi nakikita, busy ka ba?” masama ang tingin ni Sabrina kay Nigel.

Tumango naman si Nigel.

“Kahit gaano ka pa ka-busy, wag mong kalilimutan na kukuhain ko ang sweldo ko sa mga susunod na araw. Sabi ko sa’yo na ililibre kita pagkakuha ko ng sweldo ko at kailanga
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status