‘Ako ay… hindi talaga madalas umiyak, tama? Kailanman ay hindi pa ako umiiyak ng ganito kalala at katagal simula nung bata ako! Ang sama niya!’ Iniisip ni Sabrina pero hindi siya nagsalita.Tumahimik siya at tumingin sa mga tao ng may proper manners. “I’m sorry kung kailangan niyo pang makita yun.”Pagkatapos niya sabihin ito, nagbow siya sa mga executives. Siya ay sobrang well-mannered. Kahit na umiiyak siya, namaintain pa rin nito ang pagiging sensible niya. Mas lalo tuloy nilang nagustuhan si Sabrina at lahat sila ay sincere na ngumiti.Ang mga ngiti nila at nagparelax kay Sabrina. Tumingin siya kay Sebastian. “Sebastian, huwag kang magsinungaling sa akin… talaga bang magiging okay ka lang sa pagpunta mo sa Star Island this time?”Ngumisi si Sebastian. “Ano bang iniisip mo? Minamaliit mo ba ang asawa mo? Ano ang isang Star Islan sa akin? Minsan ko ng isinaalang-alang ang buhay ko, pero fifteen taon ng nakakalipas yun at twenty na ako ngayon. Meron na rin akong asawa at anak. Hin
"Hoy!" Si Sabrina ay tinatawag pa din si Kingston. Naging komportable na siya sa kanya na pakiramdam niya ay hindi na niya kailangan maging pormal dito. "Assistant Yates, magsalita ka nga. Wag mong sabihin sa akin na pati ikaw, ang propesyonal na pribadong bodyguard ni Master Sebastian na kilala sa kasanayan mo sa pagtira, ay hindi kayang makakuha ng resulta na kasing ganda ng sakin. Wag mong sabihin sakin na nakatira ako ng siyam sa sampung yun!"Si Kingston ay nanatiling tahimik."Hindi mo na kailangan mahiya, Assistant Yates. Sinabi ko sayo na magaling ako dito. Talagang biniyayaan lang ako ng talento sa pagtira, ang pagkatalo sakin ay hindi dapat ikinakahiya..."Matagal nang kilala ni Kingston si Mrs. Ford, sa loob ng anim na taon! Noon pa man ay maganda na ang impresyon nito sa kanya simula nung una niya itong nakilala. Para sa kanya, siya ay isang makatotohanang tao na may katahimikan, pero hindi niya napagtanto kung gaano siya kakaiba hanggang ngayon."Mrs. Ford!" sigaw niya
Natuwa si Alex sa kung paano nahihirapan ang babae niya. Ang mga labi niya ay bumaluktot na para bang may masamang pagngisi sa likod niya. Sa kabutihang palad, si Jane ay isa talagang mabait na babae at nagtagumpay siya sa pananatili ng kanyang ngiti habang nakatingin kay Sabrina.Sa kabilang banda naman, si Sabrina ay tumatawa habang ang ulo niya ay nakasubsob sa braso ni Sebastian. Pinadyak niya ang mga paa niya dahil sa hiya. "Paano nangyari ito?? Paano nangyari?? Sobra akong napahiya. Paano... Paanong hindi ko natamaan ang lahat ng mga target? Oh..."Hindi siya nagyabang sa kahit kanino dati. Noon pa man ay isang mature na tao na si Sabrina na kahit kailan ay hindi siya magsasalita tungkol sa isang bagay na hindi siya sigurado. Ngayon, siya ay napuno ng saya dahil nalaman niya kung paano siya pinapahalagahan ni Sebastian, sapat na para ihanda sila ni Aino sa hinaharap at pinapunta niya pa nga ang lahat ng mga taong nasa high management para ipakilala siya sa kanila. Kahit na umiy
Nagdilim ang ekspresyon ni Alex. "Hindi ka pa nga gumagaling pero sobra na ang pagnanasa ko para sayo! Tangina talaga!"Naantig siya at napatawa si Jane. "Okay lang, Alex, mahigit dalawampung araw na naman ang nakalipas. Hindi naman na ito kasing lala tulad ng iniisip mo. At saka, lagi mo akong pinapakain ng ginseng at lahat ng klase ng mga gamot, matagal nang gumaling ang katawan ko bago pa nangyari ito."Nanliit ang mga mata ni Alex. "Kung ganon bakit sinabi mo sakin na hindi ka komportable sa hapit na sportswear ngayon lang?"Biglang napatingin si Jane kayla Sebastian at Sabrina nang hindi sinasadya sa pagbanggit nito sa hapit na sportswear. Ang maluwag na sportswear na suot ni Sabrina ay talagang maganda. Walang kahit anong aksesorya pero nagmukha pa ring maganda si Sabrina dito.Tinikom niya ang bibig niya at nagpaliwanag, "Alex, medyo... medyo naiinggit kasi ako kay Sabrina. May mapagmalaki siyang kaluluwa at nung hindi pa sila maayos ni Master Sebastian, wala siyang pakialam
Matapos na ihinto ang kotse, binuksan ng driver ang pinto at lumabas na, umiwas na siya sa gulo. Wala ni isang tao ang nakita sa malaking mansyon. Lumabas ng kotse si Alex, bago niya nilabas ang trench coat niya at sumandal sa kotse para buhatin ang isang nakahubad na babae na nakabaluktot sa mga braso niya. Tinakpan niya ito ng trench coat niya at naglakad na papunta sa mansyon. Pinigilan ng babae ang hininga niya at sinubsob ang ulo sa suit nito, na para bang walang makakita sa kanya sa ganung lagay. At yun nga, wala nang isa pang kaluluwa sa mansyon, kahit ang dalawang katulong ay umalis ng kwarto nung oras na pumasok sila.Nagpatuloy na siya para dalhin ito sa taas, at sa buong oras ay inaasar niya ito nang may paos na boses. "Tingnan mo lang kung gaano ka kahiya para matakot ng ganito! Bakit mo susubukang maghubad kung matatakot ka lang din sa bandang huli?"Hindi siya sumagot nang diretso sa tanong o tumingin sa kanya, sinuntok niya lang ito sa dibdib at sinabi, "Gago!"Habang
"Hiniling mo 'to diba!" Ngumisi siya at hinalikan ang mga labi niya. Nung gabing yun, natapos si Jane nang may pamamaga sa buong katawan niya. Sa kalagitnaan ng gabi, bumangon siya at nagpunta sa banyo. Sumunod naman ito at hinawakan siya galing sa likod, bago ito bumulong sa tenga niya, "Ikaw babae, magpakabait ka at siguraduhin mong malinis ka. Ayokong dalhin ka na naman sa ospital, hindi yan maganda sa katawan mo."Sumandal si Jane sa dibdib nito nang may pagngiti. "Nakuha ko." Tapos ay tumalikod siya at tinaas ang baba niya para tingnan ito. "Wag kang mag-alala, Alex, magiging maayos ako."Nilagay niya ang mga braso niya sa leeg nito at nagsimulang tumalon ng pataas at pababa ng mga isang daang beses sa limitadong espasyo ng banyo, hanggang siya ay basang basa na ng pawis.Nang makuntento, tinapik ng lalaki ang makurbada niyang bewang. "Tama na yan, hindi mo na kailangan tumalon.""Sige." Tumingin siya nang dahan dahan sa kanya. "Matulog ka na, Alex, maliligo lang ako at babali
Kahit kailan ay hindi nila pinabayaan si Jane pagdating sa mga pangunahing pangangailangan, tulad ng pagkain at mga damit. Pero sa tuwing titingin ang mga magulang niya sa apat na pares ng kambal, noon pa man ay 'mga baby' na ang tawag sa kanila at sinasabi nito sa kanila kung gaano sila kaganda at kagwapo. Pero, kapag tumitingin sila kay Jane, para bang sila ay nakatingin na sa isang estranghero. Hindi siya nakatanggap kahit kailan ng papuri galing sa kanila. Minsan pa nga, si Jane ay kumapit sa paa ng tatay niya at tumingala sa lalaki nang may pag-asa, umaasa na kukunin siya nito, bubuhatin sa mga braso niya at hahalikan siya. Pero ang tatay niya ay sumagot lang nang walang pasensya, "Sige na maglaro ka mag-isa mo!"Si Jane ay madalas na nagtatago sa sulok nang mag-isa at pinapanood ang mga kapatid niya. Bawat isa sa kanila ay may kapartner na nakasuot ng magkaparehong damit. Silang lahat ay maganda at puno ng saya, humihingi ng atensyon sa mga magulang nila kung kailan nila gustuhi
Natigilan si Jane. "Ma, ano...anong pinagsasabi mo?"Tiningnan siya ng nanay niya nang malambing. "Malaki na nga talaga ang Jane namin. Tingnan mo ang magagandang itim na tirintas at malaking dibdib. Mas tumangkad ka na din ngayon. Ang mukha mo ay medyo payat at maliit, pero tama lang yan. Jane, anak ko, malaki ka na ngayon at oras na para mag-asawa ka. Si Mama ay nag-utos sa isang tao para hanapan ka ng babagay sayo at ang mapapangasawa mo ay galing sa isang mayamang pamilya na nagmamay-ari ng mga ari-arian na nagkakahalaga ng milyon-milyong dolyar. Sila ay medyo kilalang mga tao sa bayan na ito kaya siguradong mabubuhay ka nang masaya habang buhay pagkatapos mo siyang pakasalan.""Ma, ayoko pong magpakasal," sabi niya, umiiling siya nang may pag-aalala. "Nag-aaral ako nang mag-isa para sa test, isang taon na lang mula ngayon at makakapasok na ako sa unibersidad. Hindi mo na kailangan bayaran ang matrikula ko, Ma. Kaya kong magtrabaho ng part-time habang nag-aaral. Ma, pakiusap wag