Share

Kabanata 731

Tumango si Sabrina.

Nakatulog nang maigi si Sabrina sa hotel nung hapon na yun.

Gabi na din nung siya ay nagising na.

Nung dinilat niya ang mga mata niya, hindi niya nakita ang asawa o anak niya.

Naisip niya na baka dinala ni Aino si Sebastian sa baba para maglakad lakad sa labas, siguro para bumili ng kung ano man.

Nung oras na yun, tumunog ulit ang telepono niya. Nanginig si Sabrina. Ang tawag na natanggap niya kanina ay galing kay Selene. Si Selene kaya ulit ang tumatawag?

Kung siya man yun, hindi mapapakali si Sabrina.

Kaya nagdesisyon siyang 'wag nang sagutin.

Hindi pinansin ni Sabrina ang tumutunog niyang telepono at hindi niya ito sinagot.

Sa bandang huli, wala pang isang minutong nakalipas, tumunog ulit ang phone niya.

Kinuha niya ang telepono at sinagot ito nang may pagkayamot sa mukha niya, "Hello!"

"Kamusta ka, Sabrina?" Sa kabilang linya ay ang malambing at nag-aalalang boses ni Yvonne.

"Yvonne, ikaw pala yan! Bakit naman bigla mo akong naisipang tawagan sa oras
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status