Bigla namang sinabi ni Sabrina, "Alam ko po tumugtog ng piano."Ang pagtugtog ng piano ay isang bagay na tinuro sa kanya ng nanay niya.Sa dami ng insulto at pang-aapi na natanggap nila sa lahat ng tao sa village na yun, walang ni isa ang nakaalam na si Sabrina pala ay marunong mag-piano. Ang pagtugtog ng piano ay ang paboritong bagay ni Sabrina sa buhay niya.Wala silang piano sa bahay nila.Pero, may kakilala ang nanay niya na mahilig sa musika. Nag-drawing ng nanay niya ng piano sa isang piraso ng papel para kay Sabrina at hinayaan niya itong magsanay dito.Si Sabrina ay napakatalino. Kahit na ito ay hindi totoong pagsasanay, sineryoso at tinutukan pa rin ito ni Sabrina.Tuwing weekend, nagsusuot ang nanay ni Sabrina ng damit na pwede nilang maisuot ng isang beses lang sa isang linggo at dadalhin niya si Sabrina sa siyudad. Hahanapin nila ang nag-iisang simbahan sa probinsya, at pagkatapos na puriin ang lahat tao sa choir, pinayagan nila si Sabrina at ang nanay niya na magsa
Ang labindalawang taong gulang na bata ay namilipit sa sahig matapos na sipain, at tumutulo ang sariwang dugo galing sa bibig niya.Hindi niya alam kung ano ang problema nila Mr. at Mrs. Smith.Masyado ba niyang ginalingan ang pagtugtog?"Lumayas ka! Ikaw hampaslupa ka! Lumayas ka! Umalis ka na ngayon sa bahay ko!" Nung gabing yun, isang labindalawang taong gulang na babae ang pinalayas palabas ng bahay ng mga Smith.Naglakad nang mag-isa si Sabrina pabalik sa bahay nila. Alas dose na ng gabi nung makarating siya sa bahay nila.Ang tatay niya, na nakahiga sa kama, at ang nanay niya, na nagtatrabaho pa sa malayo, ay tumingin nang umuwi ang anak nila ng dis oras ng gabi. Ang maliit niyang mukha ay maputla na may bakas pa ng dugo sa labi niya. Kumirot ang mga puso nila habang naninikip ang dibdib.Ang tatay niya biglang bumangon sa kama."Anak ko! Anak ko! Sino ang nagtangkang apihin ang anak ko?!" Sinuntok ng tatay niya ang kamao niya sa sahig, at ang balat niya ay nasugatan hab
Hindi man lang siya umiyak kahit isang patak nung siya ay binugbog, tinapakan, at pinagalitan.Gusto niya lang na magmadali na yung mga tao yun at umalis. Gusto niyang maligo sa ilog, para linisin ang sarili niya para hindi ito malaman ng tatay niya.Masyadong malala ang sakit ng tatay niya. Kapag nalaman niyang inapi siya sa labas, hindi ito kakayanin ng tatay niya.Hindi niya sana gustong sabihin sa tatay niya, pero may ibang taong nagsabi sa kanya.Matapos na hugasan ni Sabrina ang dumi sa mukha at ulo niya, umuwi siya sa mga miserableng iyak ng nanay niya.Nagulat si Sabrina at tumakbo papasok ng bahay.Nung nakapasok na siya, ang tatay niya ay humihinga na lang paloob. Tumigil na siyang huminga palabas.Nung pumasok si Sabrina sa bahay, binuksan ng tatay niya ang mga mata nito at hinang-hinang sinabi, "Sabbie... Sabbie... Pa... pasensya na. Hindi kita nabigyan ng magandang buhay, at naging pabigat pa nga ako sa inyong dalawa ng nanay mo... Makinig ka sakin, pag namatay na a
Kinilabutan si Mary nung nakita niya na nagsharpen ang expression ni Sabrina.Pagkatapos nito, nanghahamak niyang nginitian si Sabrina, “Sabi ng pinsan mo ay nakabalik ka na, at iniisip ko na fake news ito. Sabi pa niya sakin bumalik ka dito para simulan ang ganung business at kaya mo ang ilang dosenang lalaki sa isang gabi. Ayoko paniwalaan ito.”“Pero, ngayon, naniniwala na ako. Mukhang okay ang business mo na wala ka ng oras para magpalit ng damit. Ginagawa mo ba ang business mo ng nakasuot ng pajamas?”“Nakasuot ka na ba sa loob nito?”Kalmado si Sabrina nung tinanong niya, “Mary, may sama ba tayo ng loob sa isa’t isa?”Sa puso ni Sabrina, wala siyang sama ng loob para kay Mary.Pero, sa ngayon lang yun.Kahit na ang pagkamatay ng tatay nito ay dahil sa Smith family dati, alam ni Sabrina na ang kondisyon ng tatay nito ay imposible ng magamot. Ang tatay niya ay hindi tatagal ng kalahating taon kahit wala pa ang mga Smiths.Dagdag pa dito, walang sama ng loob si Sabrina sa Sm
Pero, may mga maganda siyang connections.Kahit na siya ay isang middle school graduate, nakahanap siya ng paraan para makahanap ng magandang trabaho sa county. Dagdag pa dito, ikinasal siya sa isang university graduate.Siya ay isang noble pa rin sa county.Siya ay may talented na asawa na umuusbong ang career at may cute din siyang anak. Ang anak niya ay inaalagaan ng retired niyang mga magulang, kaya naman ay silang mag-asawa ay araw araw na namumuhay ng passionate at sweet.Ang asawa niya rin ay napromote. Kaagad itong naging head ng area, kaya naman ang posisyon ni Mary ay nasolidified na sa county.Marami sa kanyang dating mga classmate ang umattend sa university bago magtrabaho, pero hindi ganun kaganda ang marriage, o walang posisyon ng katulad sa kanya.Dahil dito, sanay na si Mary na maging mapagmataas.May babae siyang kaklase na isang teacher sa isang high school sa county. Lagi niyang pinagsasabihan na hindi ito parang isang teacher at mas parang prostitute ito. Isa
Sagot ni Sabrina, “Ano naman ang plano mo?”Ayaw niyang may masaktan na kahit sino.Ang tanging alam niya lang ay ang pasensya ng asawa niya sa county na ito.Hindi nagpapakita ng emosyon ang asawa niya. Ang desisyon nito na pumatay ng tao ay desisyon nito talaga at hindi ito ipinapakita palabas. Si Sabrina lang ang nakakaalam ng walang awa nitong personality.Kaya naman, kalmadong tiningnan ni Sabrina si Mary nung mga sandaling yun.Ayaw niyang may masaktan na iba. Pero, ang kaya niya lang gawin ay magkibit balikat kapag may mukhang mamamatay.Gusto ni Mary maghiganti, at kailangan din ni Sabrina maghiganti.Siya ay nabugbog nung bata pa siya, at ang tatay niya ay namatay sa kahihiyan at galit. Ang nanay naman niya ay dinala siya paalis ng city. Pero, ang pinakamalinaw na moments pa rin sa puso ni Sabrina ay ang sampal ng nanay ni Mary at sipa mula sa tatay nito.Hanggang ngayon, sumasakit pa rin ang puso ni Sabrina dahil dito.Ang mayaman at makapangyarihan na lalaki ay sini
Walang ibig sabihin ang bata sa mga sinabi niya, pero ang lahat ng nandoon ay sobrang matatlino, at genius sa kanya-kanya nilang paraan. Mula sa mga sinabi ng bata, masasabi nila kung may babae ba si Sebastian.Kung wala, susubukan nila ang best nila para hanapan ito.Ang king ng South City!Sa isang padyak, halos magdulot siya ng lindol sa South City at Kidon City.Kung sino man ang makakakuha ng pabor ng lalaking ito ay makakaakyat sa tuktok ng ng playing field.Si Sebastian ay nanatiling kalmado at walang emosyon sa obvious na pagpapakita nila ng kabutihang loob.Wala sa kahit isang nadoon ang makahula ng iniisip nito.Lahat sila ay sobrang kinakabahan.Sa kanila, ang pinakakinakabahan ay si Sean Zeller. Ang mga asawa ng iba ay mga nagsidatingan na at sinubukang lapitan na ang little princess maliban sa asawa niya.Ang babaeng yun!Lagi siyang proud na kasama niya ito dahil maganda, matalino, tuso at magaling ito sa kahit anong social settings. Siya ay isang magandang arma
Tinitigan ni Mary si Sebastian, parang nawalan ito ng dila, “Ikaw… Leader… ano ang sinasabi mo?” Narealize niya na umikot ang dila niya sa bibig niya at ayaw nito bumalik sa dati kahit anong gawin niya.Inulit ni Sebastian ang sinabi niya, “Ano ang sinabi mo asawa ko kanina?”“Ako… Ako…” Nautal si Mary at hindi na umimik. Tumingin siya sa asawa niyang si Sean, at nagulat din ito.Ang mga nasa likod ni Sebastian din ay nagulat.Lumingon si Mary at tumingin kay Sabrina, pagkatapos, sinabi niya kay Sebastian, “Ang… ang… babaeng ito…hindi… hindi… ang ibig kong sabihin… hindi ko kilala ang asawa mo… ang ibig ko talagang sabihin ay… ang babawng ito, simula pagkabata…. Siya ay nagnanakawa sa akin simula nung twelve palang siya… at… pagkatapos, tumigil siya magschool at pumunta ng southm siya ay… nagtitinda… nagtitinfa…”“Siya ang asawa ko.” Singit ni Sebastian.Plop! Biglang lumagapak si Mary sa lapag.HIndi niya kilala ang lalaking nasa harap niya, pero nakita niya ang official websit