Naaliw sa pakikipag-ugnayan, nagpakawala ng tawa si Kingston. Sinubukan niyang hawakan ito ngunit hindi niya nagawa. Nabulunan siya at nagsimulang umubo ng hysterically, na gumising sa munting prinsesa na mahimbing na natutulog ilang sandali lang ang nakalipas. "Tito Kingston, anong tinatawa -tawa mo?" natatarantang tanong ni Aino. "Hi- hindi ako tumatawa, umuubo lang ako," paliwanag ni Kingston, pilit pa ring hinahabol ang kanyang hininga. "Halatang inuubo ka sa sobrang tawa. May nakakatawa ba? Sabihin mo para matawa din ako." Nanatiling tahimik si Kingston habang nag- iisip ng dahilan. Ngunit determinado ang munting prinsesa. "Mommy, anong tinatawanan ni Uncle Kingston?" Namula si Sabrina ng isang pulang-pula na mas maliwanag kaysa sa kulay na makikita sa tinunaw na metal. Ibinaon niya ang mukha sa leeg ni Sebastian at ayaw sumagot sa tanong. "Fine!" Tinaasan ni Aino ng isang kilay ang kanyang ama na walang salita. Sa wakas, tumango si Sebastian at sumagot, "Sabi ng mam
"Banggitin mo ulit ang pangalan niya sa harap ko at babaliin ko ang mga paa niya at itatapon ko siya sa umaagos na ilog," deadpanned ni Sebastian. Parehong natigilan sina Sabrina at Kingston. Walang magawang tumingin sa likod si Kingston at naisip niya, "Mrs. Ford, ikaw...paano mo kaya...Kanina mo pa kasama si Master Sebastian, alam mong henpecked na lalaki siya, pero paano mo nami-miss ang fact na madali din siyang magselos?" Napanganga si Sabrina sa lalaking katabi niya na hindi makapaniwala. Hindi niya maintindihan ang ipinakita nitong lambing sa kanya ngayon, lalo na nang isuot nito ang takong nito para makita ng lahat. Pakiramdam niya ay naglalakad siya sa mga ulap, iniisip kung paano naging maamo at mapagmalasakit ang isang lalaki. Ngunit sa sandaling ito, parang sinapian siya ng ibang espiritu. Hindi. Ito ang tunay niyang pagkatao! Ang lalaking buong pagmamahal na nagsuot ng kanyang sapatos para sa kanya, na umikot habang ang braso ay nakapulupot sa kanyang baywang at t
Ngayong gabi ay ang oras na pinarusahan niya ito. Pero imbis na ito ay parusa, para bang ito ay naging regalo pa. Sa bandang huli, kahit siya mismo ay hindi alam kung pinarusahan niya ba siya o ang kabaliktaran nito. Siguro nga ito ay pwedeng maging gantimpala?"Gusto mo bang buhatin kita papunta sa banyo para maligo?" malambing niya itong tinanong."Wag! Kakaligo ko lang."Matapos ang ilang segundo, sinabi ni Sebastian. "Sige na, magpakabait ka naman, hindi pa ako naliligo.""Hindi!"Napabuntong hininga si Sebastian. "Nalimutan mo na ba kung ano ang ipinangako mo kay Yvonne at Ruth kaninang umaga? Na isasama mo si Aino sa kanila para mamili. Hindi ka pwedeng sumama sa kanila bukas kung itutuloy mo ang pagpalag. Kaya magpakabait ka."Walang nasabi si Sabrina. Paano niya nasabi yun? Galit na galit siya na gusto niya itong kagatin nang matindi sa balikat niya, pero, nag-aalinlangan siyang kagatin ito nang matindi. Sa bandang huli, bumigay na lang siya at hinayaan niyang buhatin siy
Nalito si Sebastian. Nananaginip ba siya na hinuhugasan nito ang pa niya? Hindi niya mapigilan ang tumawa. Paano niya naisip yun! Kumuha siya ng kumot at kinumutan silang dalawa. Tapos, kumuha siya ng magandang litrato nila gamit ang phone niya. Sa isang iglap, ang litrato ay napaskil agad sa opisyal na website ng Ford Group, na may pamagat na, "Goodnight."Ang kaligayahan niya ngayon ay dala ng mag-ina. Ang pagpapasaya kay Sabrina at Aino, yun ang gusto niyang gawin sa buong buhay niya. Sa gabing ito, ang karamihan ng mga puyat ang nakakita sa kaligayahan ng direktor ng Ford Group. Ang ilan sa kanila ay hiniling pa ang kasiyahan nila at ang iba naman ay minura sila.Siguradong minumura sila ngayon ng Lynn family. Hindi sila makakatulog sa gabing ito. Mas tiyak pa dito, sila Lincoln, Jade at Selene ay hindi makatulog matapos sila mapalayas sa mansyon ng Ford."Kayong mga basura! Nung nasa party tayo kanina, nagsimula kayong maawa kay Sabrina, 'no?" Nagalit si Jade kay Lincoln.Tumi
Tumingin sila Lincoln at Jade kay Selene. Nung oras na yun, si Selene ay sobrang kalmado. Ang mata niya ay parang may masamang hangarin. "Daddy, Mum, wala nang tyansa na maligtas tayo kahit ano pang gawin natin. Kung totoo nga yun, bakit pa tayo gagawa ng mas matindi pang gulo?"Kahit nga ang isang aso na nakorner ay tatalon sa dingding. Ganun ang kay Selene. Siya ay sigurado sa gusto niyang gawin. Kapag nagpatuloy siya sa pagtira sa South City, wala siyang tyansa na makasal kay Sebastian, at baka mabawian pa nga siya ng buhay. Wala nang mas mahalaga pa kaysa sa sarili niyang buhay.Sinabi niya ang plano niya kayla Lincoln at Jade at sila ay parehong nagulat matapos na marinig ang plano niya. Nang mahimasmasan, tinanong ni Lincoln, "Sigurado ka ba na gagana ito? Hindi tayo pamilyar sa lugar na ito, at saka...""Daddy, mamamatay din tayo kalaunan kung itutuloy natin ang pagtira dito nang walang ginagawa," pagsabat ni Selene. "O baka ayaw mo lang iwan si Sabrina?"Agad namang pinabul
Naubos na ng matanda ang lahat ng lakas niya matapos ang kahihiyan kahapon. Humiga siya sa kama niya at mukhang nasa kadulo duluhan na siya ng buhay niya."Lolo..." dahan dahang tawag ni Selene. Pinaling ni Old Master Shaw ang ulo niya sa kabilang gilid.Tahimik na bumulong si Selene. "Ang mama ko ay partikular na payat nung ipinanganak niya ako. Narinig ko sa papa ko na sobrang hirap nila nung panahong yun. Ang mama ko ay laging namamalimos ng pagkain kahit pa nung nakilala niya na ang papa ko. Nung oras na yun, ang papa ko ay kakatapos lang mag-aral sa unibersidad nang walang pinagkakakitaan o kahit bahay na titirhan. Hindi nila alam kung kailan sila susunod na kakain, pero ang papa ko ay laging nagtitira ng pagkain para sa mama ko at siguro yun ang dahilan kung bakit sila naging magkasama. Maya-maya lang, nabuo na ako. Pero, dahil sa malnutrisyon, ang mama ko ay sobrang payat at nahirapan siya sa pagpapanganak sa akin. Nawalan siya ng maraming dugo at namatay matapos akong isilang
Si Sabrina naman sa kabilang banda ay para bang hindi nababagabag tungkol sa buong sitwasyon. Binalak talaga ni Sabrina na gumanti sa Lynn family. Pero, hindi siya ganon kasama na gugustuhin niya silang mamatay. Masaya na ang buhay niya ngayon kasama si Sebastian, at baka dumami pa ang anak nila kasunod ni Aino. Ayaw niya nang lumaki ang sama ng loob niya sa dami ng magagandang bagay na inaasahan niya. Naniniwala siya sa karma at darating ang karma sa kanila sa tamang oras.Nagsimula nang magplano ang Lynn family laban sa kanya simula pa nung mapunta siya sa kulungan nung walong taong nakalipas. At tingnan mo kung saan sila nauwi ngayon? Kalaunan, siya ngayon ang kumakain ng mga prutas na tinanim nila. Kung hindi dahil sa kanila, hindi sana siya makukulong at makikilala si Aunt Grace. Kung hindi siya pinadala ni Lincoln para samahan ang lalaking malapit nang mamatay, hindi sana niya isisilang ang anak ni Sebastian. Para bang tinadhana ang lahat ng ito.Sa bandang huli, ang Lynn famil
Ang mga mata niya ay talagang mukhang mapagmahal, na para bang siya ay nagayuma dahil nakita niya ito.Hindi mapigilan ni Sabrina na titigan ang litrato at matulala, nag-aalinlangan na alisin ang tingin dito.“Sabrina! Sabrina!” Sumigaw si Yvonne sa kabilang linya ng tawag.“Okay, okay, okay,” agad namang sumagot si Sabrina.Nagpatuloy si Yvonne, "Lumabas ka na ngayon! Isama mo si Aino at kaming dalawa ni Ruth, kailangan mo magbayad para sa aming tatlo!""Opo, Ma'am!"Mabilis na bumangon si Sabrina ng kama, at nagpalit ng bagong labang damit, naglagay ng kaunting makeup at nagmadali nang bumaba kasama si Aino."Mommy, mukhang sobrang saya niyo po." Kitang kita ni Aino ang pagbabago sa mood ng mommy niya.Wala siyang intensyon na itago ang nararamdaman niya, at masayang sumagot si Sabrina, "Oo naman!""Bakit po ang saya niyo?" tanong ni Aino."Yun ay dahil isasama kita pati ang dalawa kong kaibigan para mamili ngayon. Tayong apat ay mamimili ng mga magagandang damit.""Hindi