Nalito si Sebastian. Nananaginip ba siya na hinuhugasan nito ang pa niya? Hindi niya mapigilan ang tumawa. Paano niya naisip yun! Kumuha siya ng kumot at kinumutan silang dalawa. Tapos, kumuha siya ng magandang litrato nila gamit ang phone niya. Sa isang iglap, ang litrato ay napaskil agad sa opisyal na website ng Ford Group, na may pamagat na, "Goodnight."Ang kaligayahan niya ngayon ay dala ng mag-ina. Ang pagpapasaya kay Sabrina at Aino, yun ang gusto niyang gawin sa buong buhay niya. Sa gabing ito, ang karamihan ng mga puyat ang nakakita sa kaligayahan ng direktor ng Ford Group. Ang ilan sa kanila ay hiniling pa ang kasiyahan nila at ang iba naman ay minura sila.Siguradong minumura sila ngayon ng Lynn family. Hindi sila makakatulog sa gabing ito. Mas tiyak pa dito, sila Lincoln, Jade at Selene ay hindi makatulog matapos sila mapalayas sa mansyon ng Ford."Kayong mga basura! Nung nasa party tayo kanina, nagsimula kayong maawa kay Sabrina, 'no?" Nagalit si Jade kay Lincoln.Tumi
Tumingin sila Lincoln at Jade kay Selene. Nung oras na yun, si Selene ay sobrang kalmado. Ang mata niya ay parang may masamang hangarin. "Daddy, Mum, wala nang tyansa na maligtas tayo kahit ano pang gawin natin. Kung totoo nga yun, bakit pa tayo gagawa ng mas matindi pang gulo?"Kahit nga ang isang aso na nakorner ay tatalon sa dingding. Ganun ang kay Selene. Siya ay sigurado sa gusto niyang gawin. Kapag nagpatuloy siya sa pagtira sa South City, wala siyang tyansa na makasal kay Sebastian, at baka mabawian pa nga siya ng buhay. Wala nang mas mahalaga pa kaysa sa sarili niyang buhay.Sinabi niya ang plano niya kayla Lincoln at Jade at sila ay parehong nagulat matapos na marinig ang plano niya. Nang mahimasmasan, tinanong ni Lincoln, "Sigurado ka ba na gagana ito? Hindi tayo pamilyar sa lugar na ito, at saka...""Daddy, mamamatay din tayo kalaunan kung itutuloy natin ang pagtira dito nang walang ginagawa," pagsabat ni Selene. "O baka ayaw mo lang iwan si Sabrina?"Agad namang pinabul
Naubos na ng matanda ang lahat ng lakas niya matapos ang kahihiyan kahapon. Humiga siya sa kama niya at mukhang nasa kadulo duluhan na siya ng buhay niya."Lolo..." dahan dahang tawag ni Selene. Pinaling ni Old Master Shaw ang ulo niya sa kabilang gilid.Tahimik na bumulong si Selene. "Ang mama ko ay partikular na payat nung ipinanganak niya ako. Narinig ko sa papa ko na sobrang hirap nila nung panahong yun. Ang mama ko ay laging namamalimos ng pagkain kahit pa nung nakilala niya na ang papa ko. Nung oras na yun, ang papa ko ay kakatapos lang mag-aral sa unibersidad nang walang pinagkakakitaan o kahit bahay na titirhan. Hindi nila alam kung kailan sila susunod na kakain, pero ang papa ko ay laging nagtitira ng pagkain para sa mama ko at siguro yun ang dahilan kung bakit sila naging magkasama. Maya-maya lang, nabuo na ako. Pero, dahil sa malnutrisyon, ang mama ko ay sobrang payat at nahirapan siya sa pagpapanganak sa akin. Nawalan siya ng maraming dugo at namatay matapos akong isilang
Si Sabrina naman sa kabilang banda ay para bang hindi nababagabag tungkol sa buong sitwasyon. Binalak talaga ni Sabrina na gumanti sa Lynn family. Pero, hindi siya ganon kasama na gugustuhin niya silang mamatay. Masaya na ang buhay niya ngayon kasama si Sebastian, at baka dumami pa ang anak nila kasunod ni Aino. Ayaw niya nang lumaki ang sama ng loob niya sa dami ng magagandang bagay na inaasahan niya. Naniniwala siya sa karma at darating ang karma sa kanila sa tamang oras.Nagsimula nang magplano ang Lynn family laban sa kanya simula pa nung mapunta siya sa kulungan nung walong taong nakalipas. At tingnan mo kung saan sila nauwi ngayon? Kalaunan, siya ngayon ang kumakain ng mga prutas na tinanim nila. Kung hindi dahil sa kanila, hindi sana siya makukulong at makikilala si Aunt Grace. Kung hindi siya pinadala ni Lincoln para samahan ang lalaking malapit nang mamatay, hindi sana niya isisilang ang anak ni Sebastian. Para bang tinadhana ang lahat ng ito.Sa bandang huli, ang Lynn famil
Ang mga mata niya ay talagang mukhang mapagmahal, na para bang siya ay nagayuma dahil nakita niya ito.Hindi mapigilan ni Sabrina na titigan ang litrato at matulala, nag-aalinlangan na alisin ang tingin dito.“Sabrina! Sabrina!” Sumigaw si Yvonne sa kabilang linya ng tawag.“Okay, okay, okay,” agad namang sumagot si Sabrina.Nagpatuloy si Yvonne, "Lumabas ka na ngayon! Isama mo si Aino at kaming dalawa ni Ruth, kailangan mo magbayad para sa aming tatlo!""Opo, Ma'am!"Mabilis na bumangon si Sabrina ng kama, at nagpalit ng bagong labang damit, naglagay ng kaunting makeup at nagmadali nang bumaba kasama si Aino."Mommy, mukhang sobrang saya niyo po." Kitang kita ni Aino ang pagbabago sa mood ng mommy niya.Wala siyang intensyon na itago ang nararamdaman niya, at masayang sumagot si Sabrina, "Oo naman!""Bakit po ang saya niyo?" tanong ni Aino."Yun ay dahil isasama kita pati ang dalawa kong kaibigan para mamili ngayon. Tayong apat ay mamimili ng mga magagandang damit.""Hindi
Siya ay isang marumi at magulong babae, ang damit niya ay punit at gutay-gutay.Kahit na hindi niya masyadong nakita ang mukha nung babaeng yun, alam ni Sabrina na ang babae ay hindi na talaga bata dahil sa pasuray suray niyang lakad.Sa loob lang ng ilang segundo, ang babae ay nagawang tumakbo patawid sa kabilang kalye at nakatakas sa eksena.Si Sabrina, na nakatayo nang mag-isa sa labas ng kotse niya ngayon, ay nagsimulang makaramdam ng pagkalungkot."Mommy," tinawag naman siya ni Aino.Agad bumalik sa sarili si Sabrina at sumagot, "Baby?""Ano pong problema, Mommy?" tanong ni Aino.Umiling lang si Sabrina.Hindi niya maipaliwanag kung gaano kapamilyar sa kanya ang kakaiba at magulong babae na tumakbo palayo. Siguro nagkamali lang din siya.Inalog naman ni Sabrina ang ulo niya nang matindi, na para bang sinusubukan niyang klaruhin ang mga iniisip niya sa utak niya."Okay lang po ba kayo, Mommy?" Akala ni Aino ay nakaramdam ng pagkabigla ang mama niya.Nang marinig niya ito
Matapos masigurado na si Sabrina ay pumunta sa inidoro, nilingon ni Aino sina Yvonne at Ruth. May problemang ekspresyon, bigla niyang sinabi sa kanilang dalawa, “Tita Yvonne, Tita Ruth, may balak yata na gawin si Mommy."Agad namang sumagot si Yvonne na may seryosong tono, "Anong problema, anak?"“Noong umalis si Mommy sa bahay namin kaninang umaga, hindi sinasadyang nabangga niya ang isang lola na napakarumi at marumi ang suot na damit, pero si lola mismo ang nakabangga sa sasakyan namin. Nang hindi humihingi ng kabayaran kay Mommy ay agad itong tumakbo palayo. Simula nang mangyari iyon, hindi na masigla si Mommy."Ilang beses ko na siyang tinawag habang papunta dito, pero hindi niya ako naririnig."Parehong tahimik sina Yvonne at Ruth.Talagang seryosong isyu ito.Makalipas ang ilang segundo, Sinubukan pakalmahin ni Yvonne si Aino, "Okay lang yan, anak, kung may problemang haharapin ang Mommy mo, talagang tutulungan namin siya ni Tita Ruth. Hahanap kami paraan para maresolbahan
Narinig ni Sabrina ang tunog ng paghinga mula sa kabilang dulo ng tawag, ngunit walang salita ang lumabas.Nagtanong siya, “Hello, pwede ko bang malaman kung sino ang nagsasalita? Hello? Sino ka?"Gayunpaman, nanatiling tahimik ang tumatawag."Hello?" Sinubukan pang magsalita ni Sabrina ng mas malakas, ngunit hindi ito nagtagumpay.Napatingin sa kanya sina Yvonne at Ruth. "Pwedeng wrong number?"Nagkibit balikat si Sabrina. "Pwede."Dahil doon, binaba niya ang tawag.Lingid sa kaalaman ni Sabrina, ang tumawag sa kanya ay si Selene Lynn. Nag-register siya ng isa pang numero para lang tumawag, at kusa siyang tumahimik para malaman niya kung nasaan si Sabrina.Sa paghusga sa ingay sa background, masasabi niyang wala si Sabrina sa bahay. Kung siya nga, tahimik na sana ang paligid niya.Ang pagmamadali at pagmamadalian ng abalang restaurant ay kitang-kita, kahit sa pamamagitan ng telepono.Matapos magpakawala ng nakakatakot na tawa, tumingin siya sa kanyang mga magulang at sinabin