Tumingin si Sabrina kay Sebastian na may nalilitong ekspresyon. "Hmm? Anong... Anong ibig mong sabihin?"Nagbuntong hininga muna si Sebastian bago inulit ang sinabi niya. "Sinabi ko na yan sayo nung nakaraang araw na nakalipas. Gusto kong imbitahin mo ang mga matalik mong kaibigan sa bahay."Parang natulala si Sabrina sa mga sinabi niya.Oo, tama nga siya, sinabi niya talaga yun. Pero, hindi niya naisip na seryoso siya nung oras na yun, kaya si Sabrina ay para bang nabingi sa mga salita niya at hindi ito masyadong inisip matapos niya itong sabihin.Matapos ang ilang saglit, tumalikod siya at tumingin kay Sebastian nang tahimik. Totoo ngang nagbago siya nang husto. Sa ilang kadahilanan, mas naging maalalahanin pa nga siya sa mga matalik niyang kaibigan."Parang kakaiba ang mga kilos mo ngayon." biglang sabi ni Sabrina.Hindi katulad nung isang araw, nung dinala siya ni Sebastian sa labas para magsukat ng mga mamahaling damit, hindi na siya takot na sabihin kung ano ang nasa isip
Pero, alam niya rin na may walumpung porsyentong tyansa na hindi papayag si Sebastian.Sa pagkagulat niya, pumayag talaga siya at sinabi pa nga sa munting bata, "Aino, sundan mo muna si Daddy. Gustong makipag-usap ng Mommy mo kay Uncle Kingston saglit."Habang lumulundag sa bawat hakbang, agad na umakyat si Aino kasama ni Sebastian.Samantala, si Sabrina ay nakatitig lang nang tulala sa likod ng mag-ama.Nang makita na walang sinasabi ang madam, agad siya tinanong ni Kingston na may malaking ngiti, "Madam, naalala niyo po ba ang sinabi ko sa inyo nung anim na taong nakalipas?"Nang makabalik siya sa sarili niya, tinanong ni Sabrina, "Hmm?"Nagpatuloy si Kingston. "Minsan ko pong sinabi sa inyo na si Master Sebastian ay isa talagang masiglang tao. Dahil lang sa mga kakila-kilabot niyang mga karanasan dati kaya siya naging malamig at walang awa. Pero, hindi talaga yun ang totoo niyang pagkatao. Sa likod ng malayo niyang panlabas, siya ay isang mabuting asawa at ama."Tumungo si Sa
Nang makita niya kung gaano kagulat ang itsura ni Kingston, agad na napagtanto ni Sabrina na mali ang pag-aakusa niya kay Sebastian sa maraming taong nakalipas.Dati kasi, yung mga tao na sinubukan sila patayin ni Zayn ay ginamit ang pangalan ni Sebastian para magpanggap.Kung hindi siya, edi sino pala ang mga taong galit na galit kay Sabrina...."Ang Lynn Family!""Ang Lynn Family nga! Madam, siguro kagagawan ito ng Lynn family!"Sabay sinabi ni Sabrina at Kingston ang mga salitang ito.Kahit na magkapareho ang mga salita nila, ang tono ni Sabrina ay kalmado, habang si Kingston naman ay parang galit na galit."Madam, kapag may kailangan akong gawin para sa inyo, sabihan niyo lang ako. Pati na rin kay Yvonne. Nakita ko rin naman kasi siyang lumaki, at sinisigurado ko na wala siyang sama ng loob laban sa inyo. Madam, pwede niyo siyang maging katiwala hanggat gusto niyo. Kapag nagkaroon ng emergency, pwede siyang makatulong sa inyo," seryosong sinabi ni Kingston."Alam ko. Mabuti
"Magsalita ka! Maganda ba o hindi?" makulit na tanong ni Sabrina, para bang sila ay matagal nang mag-asawa.Ang mga maliliit na mata ni Aino ay mukhang dismayado habang nakatingin siya nang masama kay Sebastian. "Hindi tayo pinupuri ni Daddy, ibig sabihin hindi ito maganda."Hinila ni Sabrina ang braso ni Aino. "Ang daddy mo ay isang lalaki. Hindi niya masyadong naiintindihan ang mga ganitong bagay."Si Sebastian naman, na parang nawala sa sarili niya, ay agad na nagising at sinabi, "Sa tingin ko pareho kayong maganda sa damit na yan."Si Aino ang unang nagkareaksyon. Habang nakangiti nang maliwanag, sinabi niya, "Yay! Sabi ko na magugustuhan 'to ni Daddy. Ito na po ang paborito kong mother-daughter outfit."Ngumiti rin si Sabrina. "Mmm, sa tingin ko mas magiging maayos ang itsura niyan kung tatlo tayong magsusuot ng ternong damit na ito, ano sa tingin mo Sebastian?"Tinawag siya nitong Sebastian.Ito ang unang beses na tinawag siya nito sa pangalan niya nang ganto.At nalula n
Napabangon ang lalaki sa gulat niya.Nung oras na yun, napagtanto niya na ang rason kung bakit kakaiba ang kilos ni Sabrina ngayon ay dahil plano nitong makipag-divorce sa kanya."Hindi!" sumagot ang lalaki na may malamig na ekspresyon.Sinubukan ni Sabrina na ipaliwanag ang sarili niya, "Alam ko nang hindi ikaw ang nagpadala ng mga tao para sundan ako. At ginugol mo lang ang nakaraang anim na taon para hanapin kami ni Aino."Dahil dito, kasalanan ko na nasayang ang napakahalaga mong oras."Narinig ko na may plano kang sakupin ang isla sa southeast region pero napilitan kang ipagpaliban ito sa loob ng anim na taon nang dahil sakin."Yung mga kalaban na sinaktan si Aunt Grace, ay hindi, si Mama pala, at pinatay ang buong pamilya niya, ay nandun pa rin, tama ba?"Hindi inakala ni Sebastian na maraming alam si Sabrina tungkol sa plano niyang pananakop.Sinanay niya ang sarili na hindi ito banggitin sa harap niya, dahil hindi niya na gusto pang madamay si Sabrina sa pagdanak ng dug
Hindi pala ito tama.Siya ay dapat palang tawagin na malakas na babae?Hindi rin ba yun tama?Hindi mahanap ni Sebastian ang tamang salita para ilarawan siya sa oras na 'to."Tulog na!" Pinulupot ni Sebastian ang isa niyang braso kay Sabrina at tinaas naman ang isa para patayin ang ilaw sa dingding.Gusto pa rin sanang makipag-usap ni Sabrina nang ilang sandali pa, pero tinakpan na niya ang labi nito.Napilit niya ito agad. Matapos ang kalahating oras, nakatulog na rin sa wakas si Sabrina.Nung sumunod na araw.Ang dalawa sa tatlong miyembro ng pamilya ay tanghali na nang nagising.Si Aino ay mas naging maintindihin. Kinain niya ang sandwich at gatas niya nang mag-isa sa dining room. Nang marinig niya ang mga yapak ng mga katulong na malakas habang naglalakad ang mga ito, pinaalalahanan sila ni Aino."Aunt Lewis at Aunt Tianna, kailangan niyo po maglakad nang mas tahimik. Natutulog pa po ang mommy at daddy ko, at gusto ko na din po ng nakababatang kapatid. Hayaan niyo po sila
Nang lumingon ang tatlong babae nang sabay sabay, nakita nila si Selene, na arogante at may mabangis na ekspresyon."Sinubukan mo pala ulit pumunta dito," kalmadong sinabi ni Sabrina. "Ha!" Talagang kinalimutan na ni Selene kung paano siya nawalan ng hiya at dignidad nung pumunta siya dito para magmakaawa kay Sabrina dati. Sa oras na ito, bumalik na siya sa napaka arogante at mapagkunwari niyang pagkatao."Sabrina!" Maangas siyang sumigaw, "Dahil sinubukan kong pumunta dito ngayon, ibig sabihin ay handa talaga ako. Hindi ako makikipaglaban nang walang kasiguraduhan!"Kalmado at mahinahon pa rin si Sabrina. "So, ano bang ibig mong sabihin? Anong klaseng giyera ba ang gusto mong labanan?"Napag-isipan na ito agad ni Sabrina. Kung si Selene ay magsisimula ng away ngayon, gusto nang wakasan ni Sabrina ang buhay ni Selene, kahit na dumating sa punto na kagatin niya ito. Kinamuhian ni Sabrina ang Lynn family sa nakaraan. Kinamuhian niya na ipinakulong siya ng mga ito, hindi siya pinaya
Nakita nila si Ryan na dahan- dahang naglalakad na may paninindigan na nagpapahiwatig na gusto niyang manood ng magandang drama. Dahan dahan pa niyang nilagay ang mga kamay sa bulsa Hindi napigilan ni Sabrina ang bahagyang pagkayamot, “Director Poole, ang mga amo ng ibang tao ay magiging lubhang nag- aatubili na magkaroon ng ganitong mga argumento na nangyayari sa kanilang kumpanya. Gayunpaman, hindi ka katulad nila noong nakita mo kaming nagtatalo. Bakit ka naging masaya?" Naguguluhan si Sabrina. Labis siyang nag- aatubili na makipagtalo sa iba sa kumpanya. Pagkatapos ng lahat, ang kumpanya ay isang lugar upang magtrabaho. Gayunpaman, hindi niya mapigilan na paulit- ulit na dumating si Selene upang makipag- away sa kanya. Sa sandaling ito, biglang sumandal si Ryan sa tenga ni Sabrina at bumulong, “Tita Sabrina, talagang inakusahan mo ako. Hindi mo ba naisip na ang lahat ng ito ay ikaw ang dahilan? Sa totoo lang Tita Sabrina, bago ka pumasok sa kumpanya, walang madal