Share

Kabanata 616

Ang tao sa kabilang linya ng tawag ay para bang kinakabahan. "Miss Scott, mas mabuti siguro kung pumunta na lang po kayo dito para makita niyo."

Agad na sumagot si Sabrina, "Sige."

Meron siyang kutob na may taong gusto na namang makipag-away sa kanya.

Matapos na huminga nang malalim, tumayo siya at lumabas na ng opisina.

At bigla na lang siyang tinawag ng ilang kasamahan sa likod niya.

"Sabrina..."

"Sabrina, mag-ingat ka."

"Sabrina, gusto mo bang samahan kita? Kapag may nagtangka na apihin at awayin ka, nasa likod mo lang ang buong design department para saluhin ka!"

Pagkatapos ng nakaraang linggo, ang mga tao sa design department ay naging maayos na ang pakikisama kay Sabrina.

Napagtanto kasi nila na mas naging masaya sila sa trabaho at nagustuhan nila ang kapaligiran nung nawala ang mapagkunwaring si Linda at iba pang mga maiingay na chismosa.

Bukod dito, nalaman nila na si Sabrina ay napakadali pa lang pakisamahan. Kahit yung mga tao na hindi naman malapit sa kanya ay pwed
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Bae Yeong Jah
kelan Kaia to matatapos?prng antgal nmn Ng ending
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status