Share

Kabanata 495

Author: Suzie
last update Last Updated: 2021-12-18 11:20:00
'Pero sa mga mata niya, ikaw ay isa lang laruan, isang alipin na binihag niya.'

Wala nang iba pang sinabi si Sabrina at ibinaba niya na ang tawag.

Nang marinig niya na binaba na ang tawag, biglang nakaramdam si Sebastian na parang may itinatago ito sa kanya.

Anong nangyari sa kanya?

May mali ba akong nagawa?

Nung oras na tatawag na sana ulit siya para magtanong, napansin niya na may ilang doktor na tumatakbo papunta sa ward ni Old Master Shaw.

Parang tumalon ang puso niya, at nagmadali agad siya bumalik papunta sa ward na nasa likod nila. Nang dumating si Sebastian, nakita niya ang matanda na nakahiga habang dilat na dilat ang mata at bumubula ang gilid ng bibig, tila ba hirap na hirap itong huminga. Pagkalipas ng ilang saglit, pinainom siya ng gamot ng doktor bago siya dalhin sa loob ng operation room.

Habang ginagamot si Old Master Shaw, si Sebastian ay tumawag kay ulit kay Sabrina sa kagustuhang malaman kung anong bang mali kanina sa usapan nila.

Bago siya tumawag, pinanuod
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 496

    Ang aroganteng boses ni Emma na tila wala ring pag-aalala ay narinig sa kabilang linya. "Sabrina, nakakain ka na ba?"Binaba ni Sabrina nang saglit ang phone niya at tumingin sa anak niya na kakatapos lang inumin ang isang baso niyang gatas. Mahina niyang sinabi, "Aino, kailangan ko lang sagutin ang tawag na 'to, pumunta ka muna sa damitan at pumili ka ng jacket na gusto mo. Ipakita mo sa akin pagkasuot mo. Okay baby?""Okay po! Kaya ko naman yan gawin nang mag-isa." Nung wala sa bahay ang papa niya, pwede nang iwanan si Aino, na parang isang maliit na matanda. Walang dapat alalahanin ang mama niya sa kanya.Pagkatapos na panoorin ang anak niyang tumatalon talon papunta sa damitan, kinuha ulit ni Sabrina ang phone at nagpatuloy sa tawag. "Emma, nakaisip ka siguro ng mas magandang paraan para guluhin ako, tama ba?"Sumagot si Emma nang nakangiti, "Matalino ka ngang babae."Nagpatuloy si Sabrina, "Gusto mo ba si Sebastian?""Anong bang sinasabi mo dyan?!" biglang nagalit nang sobra

    Last Updated : 2021-12-18
  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 497

    Habang nakatayo sa tabi niya, ang nakakatandang kapatid ni Emma na si Autumn ay kinuha ang phone sa lapad at nag-aalalang nagtanong, "Anong meron? Bakit galit na galit ka?""Ang babaeng yun, paano niya nagawang magmatigas pa din kahit na alam niyang kinakatok na siya ng kamatayan?!" Nag-iiba na ang itsura ni Emma dahil sa galit niya.Sa kinakabahang tono, sinabi ni Autumn, "Kinalaban siya ni Ruth Mann pero nabigo ito. Ginawa rin ito ni Mindy Mann pero nabigo din siya. Narinig ko na marami din naging problema si Selene sa kanya. Kahit si Aire ay hindi na maisalba ang karera niya pagkatapos siyang kalabanin. Emma, kailangan mong mag-ingat sa babaeng ito.""Hah!"Nagsimulang tumawa si Emma. "Si Ruth at Mindy Mann, ang dalawang bobo! Kinikilabutan na ako sa pag-iisip pa lang sa kanila!"Ang dalawang magkapatid na yun ay katumbas lang ng isang grupo ng mahirap na tanga!""Ni wala ngang lakas ng loob si Mindy para harapin si Sabrina, at kinailangan niya pang magmakaawa kay Selene na ga

    Last Updated : 2021-12-18
  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 498

    Sinulyapan ni Sabrina ang babae sa kanyang harapan at tinanong, “Ano pong problema, Tiya Lewis?”Si Tiya Lewis, na mukhang sobrang sumalangsang, ay agad na nabalisa, “Ang pahayagan na ito, paano nila nababalita ang anumang bagay na walang katotohanan?! Paninirang-puri ito!”Agad na inabot ni Sabrina ang dyaryo sa kamay ni Tiya Lewis at mabilis na pinagmasdan ito. Nang nakita niya ang sinasabi ni Tiya Lewis, napatigil si Sabrina. Samantala, sa ospital ng syudad Kidon, kakatakas lamang sa kamatayan ng matandang punong Shaw. Mula sa pagsisikap ng mga doktor, mabuti na ang kalagayan ng matandang lalaki ngayon. Sa katotohanan, inatake lamang siya sa puso kagabi pagkatapos niyang marinig ang tawag sa telepeno ni Sebastian kay Sabrina, na siyang kinagalit niya. Gamit ang masulong na medisinang pasilidad ng Kiddo City Military Regional Hospital, ilang oras lamang bago gumaling ang matanda at nagsimulang kumain ng maayos. Gayunpaman, sa mga oras na iyon, maraming mga tao ang nagtipon-

    Last Updated : 2021-12-19
  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 499

    Nakapalibot sa baywang ng babae ang mga kamay ng lalaki sa bidyo. Parehas silang walang damit. Pero ang mukha ng lalaki ay taliwas sa kamera, ang malinaw na mukha ng babae ay wala nang mas maililinaw pa. Ito ay si Sabrina. Ang bidyo niyang ito na hinahawakan ng isang estranghero ay naka-post sa YouTube. Pagkapos nitong kumalat, maraming iba’t-ibang mga gumagamit ay nagsimuulang ipakalat pa ang bidyo sa paligid. Maliban pa ‘ron, kahit ang sikat na YouTuber na may milyon-milyong tagahanga ay pinakalat din ito. Nang pinanood niya ang eskandalosong bidyo, ang mga kamao ni Sebastian ay nagsisimulang kumuyom. Bago lamang ang gabing iyon, mayroon na siyang nararamdaman na may kung ano sa isip ni Sabrina nang tinawag niya ito, at sakto kinabukasan, ang bidyo na ito ay nai-post. Maya-maya, ang lahat ng tao sa silid ay nararamdaman na ang nakakamatay na hangarin na bumabalot kay Sebastian. Pinipisil niya pa rin ang mga labi ni Selene gamit ang kabilang kamay niya upamg pigilan siyang

    Last Updated : 2021-12-19
  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 500

    Naka-silent ang phone ni Sabrina. Sa mga oras na iyon ay mayroon siyang pribadong usapan kasama ang tagapangulo ng kindergarten sa kanyang opisina. Tanaw ang tahimik pero mukhang taimtim na babae sa kanyang harapan, ang tagapangulo ay hindi naglakas loob na magsabi ng salita. Gayunpaman, nagdesisyon na siya na hilingin kay Sabrina na ilipat ang kanyang anak sa ibang kindergarten kahit bago sila magkita sa opisina. Tsaka, ang bidyo niya na nakahubad sa bisig ng lalaki ay mag-iiwan lamang din ng bakas sa reputasyon ng paaralan. Pero, bago siya makapagsalita, inunahan siya ni Sabrina. “Tagapangulo! Gusto kong magkaroon ng isang salita sa iyo!”“Oh!” ngumiti ng sarkastiko ang tagapangulo. “Ina ni Aino, gusto mo bang ilipat ang anak mo sa ibang kindergarten?”“Hindi!” maikling tugon niya. Napaatras ang tagapangulo sa kanyang sagot. Matapos niyang ikolekta ang kanyang iniisip, prangka niyang sinabi, “Wala na dapat tayong pag-usapan. Ina ni Aino, walang karapatan ang eskwelaha

    Last Updated : 2021-12-19
  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 501

    Mapait na sumagot ang tagapangulo, “Hindi rin namin ginusto na maging ganito ang lahat, pero ang ilang mga magulang sa eksklusibong grupong ay ang aming mga sponsor. Kailangan naming pakinggan ang mga kahilingan nila, lalo na ang mga mula sa pamilyang Long, na siyang nagbigay ng pinakamalaking pera sa kindergarten na ito. Kasama ang daan-daang libo ng sponsorship fee na nagmumula sa mga magulang na ito kada taon, paano namin babalewalain lang ang lahat ng mga opinyon nila?”Nagsimulang magsalita ulit si Sabrina. “Maari kong ipadala ang anak ko sa isang kindergarten na hindi gaanong mataas na klase o eksklusibo, hangga’t maaliwalas ang kapaligiran para matuto siya ng maayos. “Kaysa naman sa kindergarten mo na interesado lamang na kumita ng mas maraming pera, bakit hindi ka magdesisyon para sa sarili mo o baka gusto mong masira?!Matapos sabihin iyon, tumayo si Sabrina upang umalis. Ang tagapangulo sa kanyang likuran ay nagmakaawa, “Ina ni Aino, pipilitin ko na huwag mangialam ang

    Last Updated : 2021-12-20
  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 502

    Sa buong buong biyahe ng bus, sinakop ni Lynn ang buong isipan ni Sabrina. Simula pa noong siya ay labing-dalawa, si Lincoln ang siyang nagbabayad para sa kanyang pagkain, panuluyan at edukasyon. Kahit na hindi niya ito pinatawad ng isang ngiti o binigyan siya ng higit pang allowance kaysa sa kinakailangan, si Sabrina ay nanabik pa rin sa kanyang pag-ibig at pagmamahal.Kahit katiting ay sapat na.Tsaka, ang bagay na pinaka-kulang niya sa buhay ay ang pagmamahal sa pamilya.Gayunpaman, hindi siya pinatawad ni Lincoln.Ngayon, hindi na kailangan ni Sabrina ang kanyang pag-ibig at pagmamahal. Sa halip, ang poot na itinayo niya patungo sa pamilyang Lynn sa mga nakaraang taon ay nagsisimula nang umapaw. Kahit na hindi siya makaganti ngayon, papahirapan pa rin ni Sabrina ang mga buhay nila pagkatapos nito. Habang gumagalaw ang bus, kinuha ni Sabrina ang kanyang phone upang tingnan ang oras. Nagkataon, isang tawag ang dumating sa sandaling iyon.Tiningnan niya ito at nakita na ito

    Last Updated : 2021-12-20
  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 503

    "Huwag mong hayaan na ulitin ko! Nasaan si Sabrina?!" Masigasig na tanong ni Marcus.Nahihirapang humanap ng sagot ang HR Manage. "Si binibining Scott, siya ay..."Habang nakikipag-usap siya kay Marcus, naalala ng manager kung paano siya inutusan ni Emma na huwag sabihin ang isang solong salita sa sinumang mayaman at makapangyarihan ng Timog na syudad sa sino mang tatawag upang magtanong tungkol kay Sabrina.Narinig pa niya mula kay Emma na si Sabrina ay isang pokpok na babae, anim na taon na ang nakalilipas, ay matagumpay na inakit ang isang mayaman at makapangyarihang tao sa Timog na syudad.Dahil dito, kahit alam ng manager ng HR na si Punong Shaw ang isa sa pangunahing shareholder ng kompanya, hindi pa rin niyang kayang hamakin na saktan si Emma. Habang sinusubukan niyang mag-isip ng sagot, biglang naalala ng manager si Linda na na-lock sa isang detensyon sa nakaraang dalawang araw.Mabilis na pinunasan ng manager ng HR ang pawis mula sa kanyang noo at nautal, "Ito ang nangy

    Last Updated : 2021-12-20

Latest chapter

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 2077

    "Lahat kayo ay inakusahan ako! Ako, at si Ryan Poole, at iiyak na lang dito!"Sa sandaling iyon, wala kang mapapansing bahid ng pagkapiyok sa tinig ni Ryan. Alam ni Sabrina na nagmamalaki lang siya. Siya'y lubos na nagmamalaki."Dalhin mo kami agad kay Ruth! Kung hindi mo kami ipapakita ang daan, bubugbugin kita ng husto!" sabi ni Sabrina na puno ng inis."Sige ba! Aunt Sabrina!" Tumalikod si Ryan at tumungo papunta sa ward."Sandali, Ryan. Sandali!" Tawag muli ni Sabrina. Lumingon si Ryan at tumingin kay Sabrina. "Anong mayroon?""Sabihin mo muna sa akin, mayroon ka bang mga lalaki, babae, o kambal?""Hindi ko sasabihin! Hindi ko muna sasabihin! Hindi ko lang sasabihin sa iyo!" Sinabi ni Ryan na may walang katulad na bastos na ekspresyon.Napakayabang ni Ryan na nagawa pa niyang humini sa tono. Nainis doon si Sabrina at kahit ang grupo ng tao sa likod niya ay sobra rin nakaramdam ng galit at gulat. Gayunpaman, nang makitang naging ama lang si Ryan noong araw na iyon, hindi ni

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 2076

    Nakatayo mag-isa si Ryan sa labas ng delivery room at kakaiba ang kanyang ekspresyon. Takot na takot si Sabrina at sobra ang kalabog ng kanyang puso. Hinawakan niya si Ryan at nagtanong, "Nasaan si Ruth? Bakit hindi ko naririnig ang sigaw niya? Sabihin mo sa akin, kumusta si Ruth?"Tinaas ni Ryan ang mga kilay niya at tumingin kay Sabrina. "Alam mo ba, Aunt Sabrina?""Ano?" tanong ni Sabrina. "Si Ruth... pagkatapos niyang madala sa delivery room, inabot ng hindi aabot... hindi aabot ng isang oras at pinanganak niya ang dalawang bata!"Hindi nakapagsalita si Sabrina. Napatigil din si Sebastian."Walang sakit na naramdaman si Ruth, alam mo ba 'yon? Hindi pa ako kailanman nakakita nang ganoong kabilis na pagpapanganak, Aunt Sabrina. Talagang nirerespeto ko noon noong ikaw, si Aunt Jane, at ang asawa ni Zayn na si Hana, noong nanganak, lahat kayo ang pineke ang mahirap na proseso. Hahaha..."Walang masabi si Sabrina. Pagkatapos ng mahabang panahon, tinaas niya ang kanyang kamay at

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 2075

    Bago pa malaman ng kahit na sina, agad binuhat ni Ryan ang asawa niya at nagmadali palabas nang nagmamadali. Ang lahat sa kasal at masasabi na agad kung anong nangyayari. Tumabi sila nang sa dalawang grupo kasama ang isang grupo na umatras sa kasal ni Yvonne at ang iba ay sinundan si Ryan sa kasal. Doble ang saya ni Yvonne sa araw na iyon. Hindi dahil sa kasal niya lang, pero pati na rin dahil manganganak na ang kaibigan niya. Nadala pa rin ang kasal sa isang sobrang buhay kasiyahan. Pagkatapos matapos ang kasal at hinatid na nila si Yvonne at Marcus paalis para matapos na nila ang kasal pagkatapos ay si Sabrina at ang iba pang mga tao ay pumunta sa hospital. Hindi maikukumpara ang pag-alala ni Sabrina sa buong biyahe niya papuntang hospital. Dahil iyon din ang unang pagkakataon na manganganak si Ruth at kambal pa ito, hindi lang alam ni Sabrina kung magiging maayos ang magiging delivery ito at kung cesarean na seksyon ba ang kailangan. Sa buong paglalakbay, pinipilit ni Sabrina si

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 2074

    Hindi makapaniwalang tumingin si Old Master Shaw kay Yvonne. "Anak ko, pinag-isipan mo na ba ito nang mabuti? Hindi ka na ba... natatakot sa akin? Hindi ka na ba... galit sa akin?"Nakaramdam ng hiya si Yvonne. "Alam mo po 'yon?""Siyamnapung taon na ako. Magiging matandang halimaw na ako. Ano pa ba ang hindi ko malalaman? Inisip ko na ito. Kung ayaw mo sa akin, pupunta ako sa nursing na pabahay pagkatapos niyang makasal ni Marcus..." sabi ni Old Master Shaw. "Hindi..." Hindi ganoo'ng kawalang puso si Yvonne. "Pasensya na. Malapit ako kay Sabrina at natuklasan ko ang maraming tao na abusuhin at pahiyain siya. Mula nung mga impostora mo pong mga apo na patuloy siyang sini-set up para paulit-ulit na abusuhin si Sabrina. Talagang galit ako sayo nang sobra mula noon. Hindi mo maiisip kung paano tumakas si Sabrina at ang kanyang ina nang may ngipin sa mga balat nila. Sobrang nakakaawa sila. Kaya, sa mahabang panahon, natatakot po ako sa'yo dahil...""Simula ngayon, nag-iba na ang opinyon

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 2073

    Kahit na takot si Yvonne magpakasal, siya ang pinakamasaya sa lahat ng mga babae. Simula pagkabata, Parehas na minahal si Yvonne ng kanyang mama at papa, at kahit ang kanyang tito, tita, at pinsan ay minahal din siya ng sobra. Hindi kailanman nagdusa ng kahit anong paghihirap at pagdurusa si Yvonne sa paglaki niya. Lumaki siyang malambing na babae sa pamilya.Ang relasyon niya kay Marcus ang tanging nagparamdam sa kanya ng pagkagipit. Tulad ng naramdaman niya mula kay Old Master Shaw. Ito ay dahil nasaksihan niya kung paano malupit na tratuhin ni Old Master Shaw si Sabrina na siyang sobrang nakaramdam ng takot si Yvonne kay Old Master Shaw. Habang lumilipas ang panahon, kahit si Old Master Shaw ay naramdaman ang takot niya sa kanya. Sa isang pagkakataon, kumuha na ng inisyatibo si Old Master Shaw na tanungin si Yvonne, "Anak ko, para kang isang takot na maliit na uwak. Bakit sa tuwing nakikita mo ako ay lilingon ka sa iba at hindi makapagsalita kahit na isang katiting na salita sa a

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 2072

    Nagulat ang lahat sa sinabi ni Ryan.“Sa kasalukyan, buntis ang aking pinakamamahal na asawa ng kambal! Isipin niyo yun! Nabuo ang kambal namin habang sobrang abala siya sa pagdadraft ng architectural design! Ang galing ng asawa ko diba?” Masayang sabi ni Ryan. Dahil dito, biglang namula si Ruth. Siya ang bride kaya kung siya ang papapiliin, ayaw niya muna sanang iaannounce na buntis siya! Pero huli na ang lahat dahil saktong sakto ang sinabi ni Ryan para sindakin ang mga mayayabang na babaeng pinagtatawanan siya kanina. Sobrang laki ng benepisyo ng ginawa ni Ryan dahil may tradisyon sa KIdon City na sa araw ng kasal, ipapahiya ng mga bisita ang bride. Pero ngayong sinabi na ni Ryan na buntis siya, wala ng naglakas ng loob na gawin yun!Sobrang engrande ng kasal nina Ruth at Ryan, kaya sobrang nakatulong ito sa confidence ni Ruth. Alam niya na kumpara sa asawa nina Jane at Sabrina, hindi hamak na mas mababa si Ryan, pero dahil hindi naman nagkaroon ng engrandeng kasal ang mga ito

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 2071

    ”Tamaaa! Pero ano pa nga bang magagawa natin. Siya ang type ng young prince kaya kahit na sumalampak pa tayo dito, wala na tayong magagawa.” “May naisip ako! Bakit kaya hindi natin batiin ng bagong kasal ng Spanish mamaya? Tignan natin kung anong magiging reaksyon niya.” “Uy, gusto ko yang ideya na yan.”“Haha! Gusto ko siyang makita na mamula sa kahihiyan.” “Eto nga… balita ko napaka baba daw ng self esteem niya.”“Haha! Tara batiin na natin siya..”Galing sa mga prominenteng pamilya ang grupo ng mga babae. Hindi sila maawat sa paguusap at pagtatawanan habang naglalakad papunta sa direksyon ni Ruth. Nang oras na yun, kasalukuyang nakikipag usap si Ruth sa mga Poole. Hindi naman siya nakakaramndam ng anumang kaba at takot dahil kagaya nga ng sinabi ni Sabrina, wedding niya yun at siya ang host kaya tama lang na kausapin niya ang mga bisita nila.Noong malapit na ang grupo ng mga magagandang babae kay Ruth, sakto namang may dumating na isang napaka gwapong foreigner na nakas

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 2070

    Ika-labing-apat ng Pebrero noon at malamig ang panahon. Subalit para sa Grand Enigma Hotel, ito ay tila nasa kalagitnaan ng tagsibol. Maraming magagandang babae at mga marilag na babae mula sa iba't ibang panig ng bansa ang nagtipon sa marilag na hotel na iyon. Ngunit ang pinakamagandang babae sa araw na iyon ay ang bungang-bisig na si Ruth.Normal na sobrang lamig tuwing February 14, pero pinainit ng mga nagagandahan at eleganteng kababaihan ang Grand Enigma Hotel. Siyempre, ang pinaka maganda sa lahat ay walang iba kundi ang bride na si Ruth. Ang wedding dress na suot niya ay nagkakahalaga ng mahigit one million dollar na personal na dinesign at pinatahi ni Sabrina sa ibang bansa. Sahill hindi nakasuot ng magandang wedding dress, gusto niyang maranasan ito ni Ruth. Habang nakaupo sa dressing room, hindi napigilan ni Ruth na humagulgol. “Sabrina, sobrang swerte ko talaga na nkilala ko kayo. Maaga akong nawalan ng mga magulang at pamilya kaya kung hindi dahil sainyo ni Yvonne, bak

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 2069

    Noong nine years old ako, sobrang hirap ng pamilya namin na hindi kami makabili ng sapatos. Nagkataon, isang araw nakita ko nag nagtapon ka ng sapatos sa basurahan. Hinintay kitang umalis bago ako lumapit, pero bumalik ka at kinuha mo sa akin yung sapatos. Ginawa mo akong katatawanan. Ang sabi mo sa akin, kumahol ako na parang aso, pagkatapos, naaliw ka at marami ka pang ibang pinagawa sa akin. Siyempre, bata pa ako nun at gustong gusto ko na magkaroon ng bagong sapatos kaya ginawa ko lahat ng mga pinagawa mo.”Hindi nakapag salita si Lily. Naalala niya yun. Noong mga panahon na yun, bilang anak ng isang mayamang pamilya, hindi niya naman kailangang personal na magtapon sa basurahan, pero nang makita niyang may nagkakalkal ng basura na kaedaran niya, naisip niya na mukhang masayang pag tripan ito kaya kumuha siya ng isang pares ng luma niyang sapatos bilang pain. Hindi naman ikinakaila ni Lily na sobrang natuwa siya sa ginawa niya at para sakanya wala lang yun. Sa totoo lang, ang bu

DMCA.com Protection Status