"Kumusta, ina ni Aino, sa wakas narito ka na. Akala ko takot kang pumunta."Kinamot ng nanay ni Carol ang bato sa kanyang daliri habang tinitingnan si Sabrina na may isang mapanunuya na ekspresyon.Hindi napagtanto ni Sabrina ang ina ni Carol at ang nalalabi sa nalalapit na paninibugho sa kanya ng mga mayayamang kababaihan.Hindi niya sinagot ang tanong, ngunit tinanong lamang si Aino sa isang banayad na tinig, "Aino, nais mong makipaglaro sa mga batang ito?"Masayang tumango si Aino. "Siyempre, Mommy. Susan, Carol, lahat ng mga bata ay mabait sa akin."Malumanay na ngumiti si Sabrina at sinabi, "Gusto mo ang kindergarten na ito, hindi ba?"Tumango ulit si Aino. "Siyempre Ma, lahat sila ay aking mga kaibigan. Gusto ko ang kindergarten na ito. Pero Ma, kung hindi mo ako gusto dito, hindi ko iniisip ang paglilipat sa ibang paaralan."Nang sabihin niya ang huling pangungusap, ang tono ni Aino ay malinaw na nag-iisa.Inilagay ni Sabrina ang kanyang ulo laban sa ulo ng kanyang anak na
NIlakihan ni Sabrina ang kanyang mga mata sa malambot at kulay berdeng bagay na may black prints sa kamay ng nanay ni Carol. Malinaw na ito ay isang ahas. Sumigaw ang nanay ni Carol, nanginginig ang kanyang mga kamay at tinapon ang ahas sa sahig, ang maliit na ahas ay tumiklop at nahulog sakanyang mga paa. Umiyak nang malakas ang nanay ni Carol, nanginginig ang kanyang mga binti at muntik na siyang maihi sakanyang pantalon. “Hee hee hee, ha ha. Tita, matatakutin ka talaga, tingnan mo ako, tingnan mo ako.” Yumuko si Aino nang nakangiti, kinuha niya ang ahas at pinaglaruan ito sakanyang mga kamay. Sa likod niya ay may grupo ng mga bata na tumatawa rin. Kahit na si Carol ay tinawanan ang sarili niyang nanay. “Ma! Bakit ka takot na takot? Wala tayong kinakatakutan! Hindi naman ‘yan totoong ahas, laruan lang ‘yan! Haha, Ma, tignan mo nga ‘yang sarili mo, nakakatawa ‘yong itsura mo.” Ang nanay ni Carol at ang iba pang mga babae ay natulala. Lahat sila ay takot na takot at naging ku
“Susan, halika na rin dito!” “Sydney, pumunta ka na rito!” “Ken!” Sumunod naman ang ibang mayayamang magulang, binalaan ang kanilang mga anak na wag na makipaglaro kay Aino kahit kailan. Pero, iba ang naiisip ng mga bata. “Mommy, hindi naman si Aino ang may dala ng ahas dito eh. Kay Carol ‘yon.” Sabi ni Mia. Tumango rin si Carol. “Ma, sakin ‘yong laruan na ‘yon. Gustong gusto ko ‘tong laruan na ahas! May nakasalubong akong bata kanina at nakipagpalit ako ng laruan para rito. Lahat ng bata sa klase ko ay nagustuhan din ito. Ang saya!” “Carol Long!” sumigaw nang malakas ang kanyang nanay, gusto niya itong sampalin. “Hindi ka naman ganyan dati! Naging ganyan ka lang matapos mong makipaglaro kay Aino! Itapon mo ‘yang ahas na ‘yan!” Umiyak si Carol. Nakatayo si Aino sa tabi ng nanay niya, tumungo at tumingin kay Sabrina. “Mommy, gusto ko nang umuwi.” Magaling mag obserba si Aino, alam niya kapag ayaw sakanya ng isang tao. “Dahil nandito ka na, hindi ka pwedeng umalis na wala
Mukhang kanina pa sila hinihintay ng lalaki. Tindig palang, halatang malakas na ito kaya hindi naiwasan ni Sabrina na mapataatras. Mabuti nalang, maliit at maliksi si Aino kaya nakaiwas ito kaagad. Sa lakas ng impact, napaatras si Sabina ng mga 170 centimeters at muntik ng mawalan ng balanse. “Madam, ayos lang po ba kayo?” Dali-daling sinalo ng lalaki ang kamay at baywang ni Sabrina kaya imbes na sa sahig ay sa matikas nitong braso siya nalaglag. Pero ang hindi nila alam ay mula sa hindi kalayuan, sunod-sunod ang pag click ng shutter ng isang paparazzi…. “Ang ganda ng anggulong ‘to!” Nang sandali ring yun, tinignan ni Sabrina ang mukha ng lalaking. Hindi siya makapaniwala kasi mukhang peke ang mukha nito dahil sa sobrang kapal ng make up. Nang magtagpo ang kanilang mga mata, bigla siyang nahiya at dali-daling umayos ng tayo. "Pasensya ka na nabangga kita!" "Isang karangalan na mabangga ng isang magandang babaeng kagaya mo." Nakangiting sagot ng lalaki. "Mabuti naman at
Umirap siya na para bang wala siyang respeto sa grupo ng mga manhid na babae sa harap niya, "Wala nang nakikipaglaro nang ganito ngayon. Sa tingin niyo ba talagang bigla na lang kayo naging parte ng mayayaman ngayon dahil lang ilang sampung milyon ang halaga niyo at meron kayong ilang pag-aari? Tumingin nga kayo ulit sa salamin."Walang nasabi ang mga mayayamang babae.Pagpapatuloy ni Emma, "Ang grupo ng mga probinsyanang katulad niyo, gumagawa ng walang katuturan. Nirentahan niyo pa nga ang pinaka malaking kwarto sa hotel na to na pag-aari ng pamilya ko at 600,000 lang ang siningil namin sa inyo para sa lahat, kaya ba naisip niyo na nasa mumurahing motel lang kayo?!"Ang mama ni Carol ang unang sumagot. Sa kabila ng lahat, ang Long family ay nagmamay-ari ng ilang daang milyon na halaga ng ari-arian sa South City. Agad niyang sinubukang ngumiti na para bang humihingi ito ng tawad, "Uhm...Miss Poole, salamat sa payo mo, sa tingin ko... natuto na kami dito.""Natuto? Ano namang natut
Tiningnan ni Yasmine si Emma na para bang gusto nitong ipagtanggol ang sarili. "Miss Poole, paano niyo nakuha ang marurumi niyang litrato?"Nagpaliwanag si Emma, "Nagkaroon siya ng kaugnayan sa boyfriend ko dati. Pagkatapos kong ungkatin ang nakaraan niya, nalaman ko na nagkaroon din siya ng kaugnayan sa iba pang mga lalaki. Dahil lang sa sandatang ito kaya ko siya nagawang paalisin. Nang malaman ni Sabrina na meron akong kopya ng mga litratong ito, hindi na siya nagtangka pang akitin ang boyfriend ko. Mukhang bumaba na rin ang standard niya ngayon at ang punterya niya na ay ang mga taong tulad mo."Pagkatapos na pakinggan ang mga salita ni Emma, lalo pang nagalit ang mama ni Carol. "Sabrina! Ang asawa ko ay hindi man ang pinaka mayaman at makapangyarihang tao sa siyudad, pero hindi ko papayagan na akitin mo siya. Miss Poole, pakibigay na po sa akin ang mga litrato. Gagamitin ko ang mga ito para sirain siya at para ipaghiganti ka rin! Wag kang mag-alala Miss Poole, alam kong importan
Patuloy siyang binalaan ni Autumn, "Emma, hindi man ito alam ng ibang tao, pero alam natin. Ang posisyon ni Papa ay napakahina ngayon, kaya si Alex ang pinaka makapangyarihan ngayon sa pamilya natin. Pero, wala siya sa panig natin, at alam mo kung gaano siya kalapit kay Sebastian. Hindi mo siguro maintindihan dahil hindi ka naman nakatira dito sa South City, pero alam namin ni Zach pareho. Hindi namin malapitan si Sebastian kahit na gustuhin namin, tapos ngayon gusto mo pang gumawa ng gulo sa babaeng ito?"Kita ang panggigil sa mga ngipin niya nang magsalita si Emma, "Autumn, hindi mo ba alam na baka hindi naman talaga binalik ni Sebastian si Sabrina Scott dito para parusahan? Natatakot ako na baka meron siyang totoong nararamdaman para sa kanya!"Sumagot si Autumn sa parehong nag-aalalang tono, "Kaya nga pinagsasabihan kitang itigil na yan. Nahihirapan na nga si Papa na pakisamahan si Alex sa Kidon City. Kung dumagdag pa sa gulo si Sebastian, hindi lang kayo ni Papa ang magiging bik
"Nasa Poole residence ka ba?" nagsimulang magtanong si Sabrina.Hindi siya sinagot nito, at nagtanong pabalik si Sebastian, "Nasaan si Aino?""Kakatulog niya lang," sagot ni Sabrina.Pagpapatuloy niya, "Alagaan mong mabuti si Aino, babalik ako sa lalong madaling panahon. Sabihin mo sa kanya na pasasalubungan siya ng Daddy niya ng isang truck ng laruan!""Sige.""Okay...okay ka lang ba?" biglang nagtanong si Sebastian.Bakit niya tinawagan si Sebastian ng dis oras ng gabi?Isang minuto lang ang nakalipas, pinapanuod niya ang surveillance recording para makita ang sitwasyon sa bahay.Nakita niya na napaka masunurin ni Aino, bigla bigla na lang siya nagtatanong sa mama niya. Nagdala ng ngiti sa mukha niya ang pagnuod niya sa mga lente kay Aino na kung umasta ay matanda na.Naisip ni Sebastian sa sarili niya na ang pagkakapareho ng personalidad nila ay kataka-taka.Tapos, nung makita niya na sinusubukan nang patulugin ni Sabrina si Aino, pinatay niya na ang video.Gusto niya san