Mukhang kanina pa sila hinihintay ng lalaki. Tindig palang, halatang malakas na ito kaya hindi naiwasan ni Sabrina na mapataatras. Mabuti nalang, maliit at maliksi si Aino kaya nakaiwas ito kaagad. Sa lakas ng impact, napaatras si Sabina ng mga 170 centimeters at muntik ng mawalan ng balanse. “Madam, ayos lang po ba kayo?” Dali-daling sinalo ng lalaki ang kamay at baywang ni Sabrina kaya imbes na sa sahig ay sa matikas nitong braso siya nalaglag. Pero ang hindi nila alam ay mula sa hindi kalayuan, sunod-sunod ang pag click ng shutter ng isang paparazzi…. “Ang ganda ng anggulong ‘to!” Nang sandali ring yun, tinignan ni Sabrina ang mukha ng lalaking. Hindi siya makapaniwala kasi mukhang peke ang mukha nito dahil sa sobrang kapal ng make up. Nang magtagpo ang kanilang mga mata, bigla siyang nahiya at dali-daling umayos ng tayo. "Pasensya ka na nabangga kita!" "Isang karangalan na mabangga ng isang magandang babaeng kagaya mo." Nakangiting sagot ng lalaki. "Mabuti naman at
Umirap siya na para bang wala siyang respeto sa grupo ng mga manhid na babae sa harap niya, "Wala nang nakikipaglaro nang ganito ngayon. Sa tingin niyo ba talagang bigla na lang kayo naging parte ng mayayaman ngayon dahil lang ilang sampung milyon ang halaga niyo at meron kayong ilang pag-aari? Tumingin nga kayo ulit sa salamin."Walang nasabi ang mga mayayamang babae.Pagpapatuloy ni Emma, "Ang grupo ng mga probinsyanang katulad niyo, gumagawa ng walang katuturan. Nirentahan niyo pa nga ang pinaka malaking kwarto sa hotel na to na pag-aari ng pamilya ko at 600,000 lang ang siningil namin sa inyo para sa lahat, kaya ba naisip niyo na nasa mumurahing motel lang kayo?!"Ang mama ni Carol ang unang sumagot. Sa kabila ng lahat, ang Long family ay nagmamay-ari ng ilang daang milyon na halaga ng ari-arian sa South City. Agad niyang sinubukang ngumiti na para bang humihingi ito ng tawad, "Uhm...Miss Poole, salamat sa payo mo, sa tingin ko... natuto na kami dito.""Natuto? Ano namang natut
Tiningnan ni Yasmine si Emma na para bang gusto nitong ipagtanggol ang sarili. "Miss Poole, paano niyo nakuha ang marurumi niyang litrato?"Nagpaliwanag si Emma, "Nagkaroon siya ng kaugnayan sa boyfriend ko dati. Pagkatapos kong ungkatin ang nakaraan niya, nalaman ko na nagkaroon din siya ng kaugnayan sa iba pang mga lalaki. Dahil lang sa sandatang ito kaya ko siya nagawang paalisin. Nang malaman ni Sabrina na meron akong kopya ng mga litratong ito, hindi na siya nagtangka pang akitin ang boyfriend ko. Mukhang bumaba na rin ang standard niya ngayon at ang punterya niya na ay ang mga taong tulad mo."Pagkatapos na pakinggan ang mga salita ni Emma, lalo pang nagalit ang mama ni Carol. "Sabrina! Ang asawa ko ay hindi man ang pinaka mayaman at makapangyarihang tao sa siyudad, pero hindi ko papayagan na akitin mo siya. Miss Poole, pakibigay na po sa akin ang mga litrato. Gagamitin ko ang mga ito para sirain siya at para ipaghiganti ka rin! Wag kang mag-alala Miss Poole, alam kong importan
Patuloy siyang binalaan ni Autumn, "Emma, hindi man ito alam ng ibang tao, pero alam natin. Ang posisyon ni Papa ay napakahina ngayon, kaya si Alex ang pinaka makapangyarihan ngayon sa pamilya natin. Pero, wala siya sa panig natin, at alam mo kung gaano siya kalapit kay Sebastian. Hindi mo siguro maintindihan dahil hindi ka naman nakatira dito sa South City, pero alam namin ni Zach pareho. Hindi namin malapitan si Sebastian kahit na gustuhin namin, tapos ngayon gusto mo pang gumawa ng gulo sa babaeng ito?"Kita ang panggigil sa mga ngipin niya nang magsalita si Emma, "Autumn, hindi mo ba alam na baka hindi naman talaga binalik ni Sebastian si Sabrina Scott dito para parusahan? Natatakot ako na baka meron siyang totoong nararamdaman para sa kanya!"Sumagot si Autumn sa parehong nag-aalalang tono, "Kaya nga pinagsasabihan kitang itigil na yan. Nahihirapan na nga si Papa na pakisamahan si Alex sa Kidon City. Kung dumagdag pa sa gulo si Sebastian, hindi lang kayo ni Papa ang magiging bik
"Nasa Poole residence ka ba?" nagsimulang magtanong si Sabrina.Hindi siya sinagot nito, at nagtanong pabalik si Sebastian, "Nasaan si Aino?""Kakatulog niya lang," sagot ni Sabrina.Pagpapatuloy niya, "Alagaan mong mabuti si Aino, babalik ako sa lalong madaling panahon. Sabihin mo sa kanya na pasasalubungan siya ng Daddy niya ng isang truck ng laruan!""Sige.""Okay...okay ka lang ba?" biglang nagtanong si Sebastian.Bakit niya tinawagan si Sebastian ng dis oras ng gabi?Isang minuto lang ang nakalipas, pinapanuod niya ang surveillance recording para makita ang sitwasyon sa bahay.Nakita niya na napaka masunurin ni Aino, bigla bigla na lang siya nagtatanong sa mama niya. Nagdala ng ngiti sa mukha niya ang pagnuod niya sa mga lente kay Aino na kung umasta ay matanda na.Naisip ni Sebastian sa sarili niya na ang pagkakapareho ng personalidad nila ay kataka-taka.Tapos, nung makita niya na sinusubukan nang patulugin ni Sabrina si Aino, pinatay niya na ang video.Gusto niya san
'Pero sa mga mata niya, ikaw ay isa lang laruan, isang alipin na binihag niya.'Wala nang iba pang sinabi si Sabrina at ibinaba niya na ang tawag.Nang marinig niya na binaba na ang tawag, biglang nakaramdam si Sebastian na parang may itinatago ito sa kanya.Anong nangyari sa kanya?May mali ba akong nagawa?Nung oras na tatawag na sana ulit siya para magtanong, napansin niya na may ilang doktor na tumatakbo papunta sa ward ni Old Master Shaw.Parang tumalon ang puso niya, at nagmadali agad siya bumalik papunta sa ward na nasa likod nila. Nang dumating si Sebastian, nakita niya ang matanda na nakahiga habang dilat na dilat ang mata at bumubula ang gilid ng bibig, tila ba hirap na hirap itong huminga. Pagkalipas ng ilang saglit, pinainom siya ng gamot ng doktor bago siya dalhin sa loob ng operation room. Habang ginagamot si Old Master Shaw, si Sebastian ay tumawag kay ulit kay Sabrina sa kagustuhang malaman kung anong bang mali kanina sa usapan nila.Bago siya tumawag, pinanuod
Ang aroganteng boses ni Emma na tila wala ring pag-aalala ay narinig sa kabilang linya. "Sabrina, nakakain ka na ba?"Binaba ni Sabrina nang saglit ang phone niya at tumingin sa anak niya na kakatapos lang inumin ang isang baso niyang gatas. Mahina niyang sinabi, "Aino, kailangan ko lang sagutin ang tawag na 'to, pumunta ka muna sa damitan at pumili ka ng jacket na gusto mo. Ipakita mo sa akin pagkasuot mo. Okay baby?""Okay po! Kaya ko naman yan gawin nang mag-isa." Nung wala sa bahay ang papa niya, pwede nang iwanan si Aino, na parang isang maliit na matanda. Walang dapat alalahanin ang mama niya sa kanya.Pagkatapos na panoorin ang anak niyang tumatalon talon papunta sa damitan, kinuha ulit ni Sabrina ang phone at nagpatuloy sa tawag. "Emma, nakaisip ka siguro ng mas magandang paraan para guluhin ako, tama ba?"Sumagot si Emma nang nakangiti, "Matalino ka ngang babae."Nagpatuloy si Sabrina, "Gusto mo ba si Sebastian?""Anong bang sinasabi mo dyan?!" biglang nagalit nang sobra
Habang nakatayo sa tabi niya, ang nakakatandang kapatid ni Emma na si Autumn ay kinuha ang phone sa lapad at nag-aalalang nagtanong, "Anong meron? Bakit galit na galit ka?""Ang babaeng yun, paano niya nagawang magmatigas pa din kahit na alam niyang kinakatok na siya ng kamatayan?!" Nag-iiba na ang itsura ni Emma dahil sa galit niya.Sa kinakabahang tono, sinabi ni Autumn, "Kinalaban siya ni Ruth Mann pero nabigo ito. Ginawa rin ito ni Mindy Mann pero nabigo din siya. Narinig ko na marami din naging problema si Selene sa kanya. Kahit si Aire ay hindi na maisalba ang karera niya pagkatapos siyang kalabanin. Emma, kailangan mong mag-ingat sa babaeng ito.""Hah!"Nagsimulang tumawa si Emma. "Si Ruth at Mindy Mann, ang dalawang bobo! Kinikilabutan na ako sa pag-iisip pa lang sa kanila!"Ang dalawang magkapatid na yun ay katumbas lang ng isang grupo ng mahirap na tanga!""Ni wala ngang lakas ng loob si Mindy para harapin si Sabrina, at kinailangan niya pang magmakaawa kay Selene na ga