Share

Kabanata 317

Natakot si Aino kaya tumakbo siya nang diretso kay Sebastian.

Kahit na yakap yakap na siya ng papa niya, hindi niya nakalimutang pagbintangan ang iba. "Si...Si...Si... Auntie Frost ang nag utos sakin na ilagay ang sumbrero sayo. Sabi niya paborito mo daw ang kulay green at magandang pangalan daw ang manloloko. Siya ang bumili ng mga krayola para sakin. Belat..."

Pagkasabi niya nito, nagsimula ng umiyak si Aino.

Pero sa loob loob niya, tumatawa talaga siya.

Hindi niya na nga ito napigilan at tumawa na siya nang malakas!

Hindi siya makakahinga kung hindi niya ginawa yun.

Para kay Aino, kahit na masama ang papa niya, nawala na rin nang paunti-unti ang pagkamuhi niya sa kanya. At dahil dito, siguradong hindi na siya papayag na maagaw ang papa niya ng kahit sinong babae para ilayo ito sa mama niya.

Kahit na minsan ay parang nagtuturingan na magkaaway ang papa at mama niya, at kahit hanggang ngayon ganun pa din sila, ayaw ni Aino na magkaroon ng ibang taong mamamagitan sa kanila.

Gag
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status