‘Haha!’ Si Lily ay napakayabang sa kanyang sarili. Hindi niya itinago ang kanyang kayabangan sa harap ni Sebastian, kaya natural lang na hindi rin niya ito itatago sa harap ng maliit na bata na si Aino.Subalit, sabi ni Aino ng tahasang paraan, “Ah, eh. Ipinapakita lang nito na isa kang mapanlinlang na tao.”“Siyempre naman!”“Kaya't isang masamang plano ang pagpapakidnap kay Uncle Holden sa akin, at pagloko sa aking ina para sundan ito pagkatapos. Ikaw ba ang nag-isip ng plano na ito?” Tanong ni Aino habang nananatiling kalmado.Napalunok si Lily sa gulat. Paano napakatalino ng batang ito? Medyo napikon si Lily. “Anong kalokohan ang pinagsasasabi mo? Napopoot ako kay Uncle Holden mo! Bakit ko siya tutulungan?”Umirap si Aino. Kasama niya ang kanyang ama, at hawak niya ang kamay ng kanyang ama. Sa puntong iyon, wala sa kanilang dalawa ang nagsalita dahil direktang nagtitigan ang kanyang ama at si Rose. Alam ni Aino na sa libing ng kanyang lolo, tanging siya at ang kanyang ama lang
Walang masabi ang babaeng iyon. Tama ang hinala ni Aino sa kanya. Oo, pumunta siya dito para akitin si Sebastian. Hindi! Hindi ito maaring ituring na pag-akit. Si Ginang Ford, si Rose, ang nag-imbita sa kanya na pumunta rito. Nasa South City na siya ng ilang araw. Hindi lang siya inaasahang makakaranas ng biglaang pagkamatay ng Matandang Ginoo Ford.Umirap si Aino. "Wala kang sasabihin? Kung mananahimik ka, aminado ka na ba?""Ikaw!" May kaunting galit sa mukha ng babaeng iyon, pero hindi siya nagwala. Tiningnan niya si Rose ng may bahagyang galit. "Ginang Ford, ito ba ang iyong...apo?"Pagkasabi niyon, tiningnan niya muli si Sebastian. "Ginoo Sebastian, matagal-tagal na rin. Laki na ng anak mo ah?"Napatahimik si Aino. Tiningala niya ang kanyang ama na puno ng pagtataka.Saka lang nagsalita si Sebastian kay Aino, "Aino, huwag kang bastos kay Miss Kemp.""Papa, kilala mo ba itong si Miss Kemp? Matagal na ba kayong magkakilala?" tanong ni Aino. Kung totoo 'yon, iiyak siya sa lugar
Hindi nagalit si Maysun at nanatili siyang nakangiti habang nagsasalita. "Ang ibig kong sabihin ay mataas pa rin ang aking estado ngayon. Mas mataas pa ito kaysa sa Poole family ng Kidon City at Ford family ng South City."Agad na tumango si Aino. "Nakuha ko na. Ang sinasabi mo ay mas mataas ang iyong estado kaysa sa aming Ford family at sa pamilya ng Tito Poole ko, at galing ka sa pinaka-mataas na noble family, ang Kemp family, tama?"Tumango si Maysun. "Iyon ang eksaktong ibig kong sabihin. Kaya't bata, palaging maging magalang at respetado ka kapag kausap mo ako dahil palaging magalang ang iyong mga lolo at lola, pati na ang iyong ama, kapag harap ko."Biglang tumawa si Aino. "Ha!"Hindi nakapag salita si Maysun."Magalang ang mga lolo at lola ko sayo. Kung mataas at marangal ang iyong estado, bakit mo pa naisipang agawin ang asawa ng aking ina at landiin ang aking ama? Maysun Kemp, alam mo ba na may asawa na ang aking ama at ito ay ang aking ina. Marangal ka daw, gusto mo bang
Nang marinig ni Aino ang sinabi ng kanyang daddy na parang aso si Rose, tumawa si Aino ng buong saya. Tinakpan niya ang kanyang bibig habang tumatawa. "Daddy, diba sinabi mo na si lola ay parang asong nalulunod sa desperasyon, at sabi mo pa nga sa straw nalang siya nakahawak? Matanda na siya, wala siyang lakas para humawak sa anuman."Syempre, ang batang bata ay naiintindihan lamang ang mga salitang iyon sa literal na kahulugan.Mahinahon na ipinaliwanag ni Sebastian sa kanyang anak. "Ang ibig kong sabihin, ang matandang babae ay alam na kinamumuhian siya namin, kaya nag-iisip na siya ng paraan para labanan tayo."Tumango si Aino. "Naiintindihan ko, Daddy! Makikilaban ako kasama mo laban sa matandang bruha na 'yon!"Tiningnan ni Sebastian ang kanyang anak, medyo nasasaktan ang kanyang puso. "Natatakot ka ba?"Si Sebastian Ford ay ang Hari ng South City. Kinatatakutan at nirerespeto siya ng lahat maliban sa pamilya Ford. Kahit saan siya sa South City, walang makakapagsalita kung ma
Si Maysun, na ang pinakabatang anak ni Adrian, ay isang eksepsyon. Tulad ng kanyang mga kapatid, pinadala si Maysun sa ibang bansa para mag-aral noong siya ay bata pa. Subalit dahil matanda na si Adrian noong isinilang si Maysun, mas inalagaan siya kaysa sa kanyang mga kapatid. Hindi niya magustuhan ang pagiging nasa ibang bansa, kaya palaging bumabalik siya sa kanilang bansa. Kaya't karamihan ng oras ay napapabayaan niya ang kanyang pag-aaral. Nang dumating ang panahon para siya ay mag-kolehiyo, wala siyang ibang mapasukan eskwelahan kundi yung tumatanggap ng bayad dahil sa kanyang masamang marka. Pagkatapos, ilang taon siyang walang trabaho pagkatapos niyang magtapos sa kolehiyo. Sa kabutihang palad, ang pamilya Kemp ang pinakamataas na maharlikang pamilya sa bansa, kaya kahit hindi siya nagtrabaho kahit isang araw sa buong buhay niya, kayang-kaya pa rin niyang itaguyod ang kanyang lifestyle bilang isang munting prinsesa. Kaya nagpakasasa siya sa ibang bansa.Gayunpaman, habang lumi
Abot tenga ang ngiti ni Rose. "Hindi ba puwede?"Nawalan ng masabi si Sean. Kung hindi lamang siya nasa libing ng kanyang ama, sana ay sinampal niya hanggang kamatayan ang impaktang matandang ito gamit ang kanyang sariling kamay! Siya ito! Ang lahat ng nangyari ay dahil sa kanya! Matatalim na tiningnan ni Sean si Rose. Pagkatapos siyang titigan ng ilang sandali, naalala niya na nandoon pa rin si Lily sa tabi nila."Ninong," tawag ni Lily kay Sean ng may pag-aalangan.Nainis si Sean. "Lily! Hindi ka dapat bumati ng mga bisita rito. Bumalik ka agad sa iyong kwarto!""Opo, Ninong," sagot ni Lily. Malungkot siyang umalis at sina Sean at Rose lamang ang naiwan sa pasukan. Maaga pa noon, kaya ang karamihan sa mga taong darating upang magbigay galang at pakikiramay ay hindi pa dumadating. Sa panahong iyon, walang ibang tao sa paligid kaya nangusap si Sean kay Rose ng walang pag-aalinlangan, "Impaktang matanda! Lahat ay dahil sa'yo! Ngayon, pati si Aino hindi na ako kinikilala bilang kanya
Hindi lang iyon ang lahat! Sa puntong iyon, dalawang anak nalang ang mayroon si Sean. Magkambal sila at may iisang ina, pero dahil sa pang-uudyok ng walang hiyang matandang ito na si Rose, naging magkaaway ang dalawang magkapatid! Kaya paanong hindi magagalit si Sean sakanya? Habang iniisip ni Sean ang lahat ng galit na nararamdaman niya, walang tigil niyang pinagsasampal si Rose sa harap ng maraming tao. "Walang hiya kang matanda ka!! Bakit hindi ikaw ang namatay? Dapat sayo’y mamatay!"Galit na galit si Rose. "Sinampal mo ako?"Hindi nasindak si Sean, bagkus, galit na galit siyang sumagot "Oo, sinampal kita!""Sa harap ng lahat, sa libing ng aking bayaw, sinampal mo ako?" Luha ang dumaloy sa mga mata ni Rose. "Sean Ford! Inaapi mo ba ako dahil una, wala na akong pamilyang magtatanggol sa akin, at pangalawa, wala na akong anak na lalake na magtatanggol sa akin, kaya ako’y nag-iisa na lang? Buhay ko’y ibinigay ko na sa pamilya Ford! Sa huli, ang buhay ng aking tatlong anak ay isin
Si Rose ay labis na nagalit matapos siyang sampalin ni Sean. Kung hindi lamang sila nasa libing ni Old Master Shaw, talagang gusto niyang makipagsabayan ng sampalan kay Sean pero ang pinaka iniisip niya ay yung iisipin ng ibang tao na nanunuod sakanila. Gayunpaman, dinuro niya ni Sean at galit na sinabi, "Sean Ford! Huwag mong isipin na hindi ko alam ang lahat ng maruming bagay na pinagginagawa mo! Ikaw at si Jennie Gibson! Ano ba ang pinaggagagawa ninyong dalawa? Akala mo ba hindi ko ito alam dahil matanda na ako? Sinasabi ko sa 'yo, alam ko ang lahat! Wala lang akong magawa dahil wala akong mga anak o pamilya na magtatanggol sa akin. Kaya kinakaya ko na lang! Kung dumating na tayo sa ganitong sitwasyon, ako'y isang nag-iisang matandang babae na lang, kaya kung ano man ang mangyari sa akin, hindi ko rin kamag-anak. Kasalanan ko 'yun! Pero ikaw? Haha, sinusumpa kita..."Nang makita na ganito kalupit si Rose, biglang nag-atubiling si Sean. Tama yata ang sinasabi ng kanyang asawa. Nguni