Tumambad sa pintuan ang umiiyak na Aino, kasama ni Sebastian. Agad-agad itong tumakbo papalapit kay Zayn at niyakap ito ng mahigpit. “Uncle Zay, sorry…’Napakamot na lang si ng kanyang Zayn. Noong sandali ding iyon, lumapit si Sebastian kay Zayn. "Alam ko na.""Anong alam mo?" tanong ni Zayn."Kanina, dumating si Tessa sa office para mag submit ng kanyang resignation. Sa sobrang pagmamadali niya, hindi na niya nahintay ang sahod niya para sa buwan na ‘to. Tinanong siya ni Kingston kung may kinalaman ba ito sa iyo at kung iniwan mo ba siya pweo laking gulat daw niya noong tumawa si Tessa at sinabi. 'Kahit na isang bundok pa ng ginto at pilak ang ilagay sa harapan ko, hindi ako magiging isang masayang babae kung baog ang mapapangasawa ko!”Nang makita ni Sebastian na medyo nailang si Zayn, sinubukan niyang mas maging mahinahon, "Ano bang sinabi ng doktor sa iyo? Hindi na daw ba kayang gamutin?”Nang makita ni Zayn na sabay-sabay na nakatitig sina Sebastian, Aino at Sabrina sakanya,
Balak din sanang bigyan ni Zayn ang kapatid niya, pero medyo nag alangan siya. Paano kung marami pala ang maging mga anak ng kapatid niya? Paano kapag nadagdagan pa ang mga anak ni Sabrina? Syempre hindi niya naman pwedeng hindi mabigyan ang iba niya pang mga pamangkin. Habang nasa kalagitnaan ng pagmumuni-muni kung kani-kanino niya hahatiin ang kanyang mga ari-arian, hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya. Maaga siyang nagising kinabukasan. Maganda ang gising niya kaya kumpara kahapon, hindi hamak na mas masigla siya ngayon. Pagkatapos niyang bumangon, nagtoothbrush, nag hilamos at kumain ng mabilisan bago siya bumalik sa ospital Sa hindi inaasahang pagkakataon, wala siyang nadatnan na pasyente sa ward na dinadalaw niya nitong mga nakaraang araw kaya nagpapanic niyang tinawag ang nurse, at kagaya niya, sobrang nagulat din ito. Nasaan ang pasyente?! Bakit nawawala ang pasyente?! Nang sandaling yun, sakto ring nakita ni Zayn si Cecilia na naglalakad papunta sakanya at u
Sa sobrang sakit ng pagkakasampal niya, pati Tessa ay sumakit din ang kamay. Tinignan niya si Hana mula ulo hanggang paa na para bang diring-diri siya rito. Hindi alintana ni Hana ang maraming tao at malutong siyang nagmura, “Hana Sharpe! Walang hiya kang babae ka! Hanggang kailan ka ba magpapanggap? Pasalamat ka at sampal lang angt inabot mo sa akin. Dapat lang yan sayo! Para maalala mo kung gaano kakapal ang mukha mo. Makinig ka! Hindi kita nanay at kahit kailan, hinding hindi kita kikilalanin bilang nanay! At ano yang pinuputok ng busti mo? Gusto mong ibalik ko sa lalaking yun ang pera niya? Bakit? May relasyon ba kayo? Ha ha! Siya nga mismo hindi ako sinisingil tapos heto ikaw? Gumagawa ng eksena para pilitin akong ibalik ang pera buong puso namang binigay sa akin?!” Galit na galit si Tessa. “Hana Sharpe, ano ba ang relasyon niyo ng lalaking yun? At sino ka ba sa inaakala mo para utos-utusan ako? Tama si Daddy! Isa kang malanding babae! P*kp*k! Baka nakalimutan mo na kung paano
Yumuko si Hana sa sobrang hiya. “Pasensya ka na, Mr. Smith. Pumunta ako dito para sabihan ang anak ko na ibalik sayo ang mga pera mo. Nakakahiya lang na hiwalay na kayo pero ang dami niya pa ring kinuha sayo.” Ramdam sa tono ng boses ni Hana ang sobra sobrang hiya. “Pasensya na po talaga.” Pagkatapos, tahimik siyang tumalikod at naglakad papalayo.” "Saan ka pupunta?" tanong ni Zayn.Hindi makapaniwala si Tessa sa eksenang nakikita niya. Maging si Hector ay gulat na gulat rin. “Hindi na ako babalik dito. Mula ngayon, hindi ko na hahabulin si Tessa at kakalimutan ko na rin na anak ko siya. Kahit pa magkasalubong kami balang araw, hindi ko na siya papansinin at kahit hanggang sa mga huli kong sandali, hinding hindi ako lalapit sakanya.” Sobrang bigat ng puso ni Hana. Dalawampu’t dalawnang taon niyang minahal si Tessa. Maiintindihan niya kung may sama ito ng loob sakanya pero ang hindi niya matanggap ay ang umabot pa sa punto na walang awa siyang sinampal at sinumpa nito na para bang
Hindi lang si Hana ang nagulat sa sinabi ni Zayn. Maging ang mga kapitbahay na nakikiusyoso ay hindi rin makapaniwala. Gulat na gulat sina Tessa at Hector. Naunang mahimasmasan si Tessa at galit na galit niyang sinabi, “Zayn Smith! Anong pinagsasabi mo jan! Bakit gusto mo siyang pakasalan?! Hindi mo siya pwedeng pakasalan! Hindi!”Tumingin si Zayn kay Tessa. “Miss Caven, sinong nagbigay sayo ng karapatan na utusan ang sinuman? Hindi rin tama na dinuduro-duro mo ang sarili mong ina. Isa pa, labas ka na sa magiging desisyon niya!”Hindi nakapagsalita si Tessa. Si Zayn ay si Zayn at kahit kailanman ay hindi siya pwedeng diktahan ni Tessa kaya walang anu-ano siyang nagdesisyon na pakasalan si Hana. Kahit siya, hindi niya rin maintindihan kung bakit pakiramdam niya ay sobrang konektado nilang dalawa na para bang ito na talaga ang babaeng matagal niya ng hinahanap. Tumingin si Zayn ng diretso sa mga mata ni Hana. “Miss Sharpe, payag ka bang pakasalan ako? Hindi kita mabibigyan ng ana
Siguro isa nalang yung pangarap na kahit kailan ay imposible ng matupad… Mula noong ipinanganak niya si Tessa, dito na umikot ang mundo niya kaya sa tuwing may haharapin siyang problema ay wala siyang ibang iniisip kundi ang araw na magkakasama na sila ulit. Pero anong napala niya? Sampal at panlalait, na kung saan wala naman siyang ibang hiniling kundi ang kilalanin lang siya bilang ina nito… Kaya mas mabuti pa nga siguro na isipin niyang wala nalang siyang anak…Tumatanda na siya at hindi niya ikinakaila na kailangan niya ng taong makakaagapay sa buhay at isang lugar na pwede niyang uwian. Nagkataon na parehas sila ni Zayn ng hinahanap kaya sobrang saya niya na sa wakas ay nakita niya na rin ang taong pinipili siya at gusto siyang makasama. “Zayn, hindi ba parang sobrang tanda ko naman na ata para sayo? Forty years old na ako…”“Ang ganda mo,” sabi ni Zayn.“Pero…” nag aalangang sagot ni Hana.“Alam ko. Hindi ako makakabuo ng bata pero pwede naman tayong mag ampon. Ilan ang gu
Nagulat si Hector at pautal-utal na sumagot, “A-anong ibig mong sabihin?”Gusto ko lang makita ang marriage certificate niyo kung talaga bang kasal kayo ni Hana. Sagot ni Zayn. Hindi naka imik si Hector.“Kung tama ang pagkakalala ko sa kwento mo, sinabi mo sa akin noon na menor de edad pa siya noong nagkakilala kayo, tama? Hindi nagtagal, nabuntis mo siya talong buwan bago siya mag eighteen kaya dahil doon, hindi kayo pwedeng maikasal. Dahil tinatakot mo siya na kakasuhan mo siya, gusto kong malaman kung saan yan nanggagaling. May maipapakita ka bang marriage certificate?” Hindi naka sagot si Hector. Hindi niya inaasahan na ganun kalawak ang nalalaman ni Zayn. “Pa…paano mo nalaman ang tungkol jan? Pi…pinaimbestigahan mo ba ako?” Hindi pinansin ni Zayn si Hector, bagkus ay tumingin siya kay Tessa, “Tessa, pinaimbestigahan ko ang nanay mo noon sa kagustuhan ko na magkasundo kayo.“Isa pa… Hindi ba nakipag hiwalay ka sa akin dahil gusto mong maging isang ina? Ito lang ang tatand
”Wala tayo sa posisyon para husgahan kung sino ang tama at kung sino ang mali.”“Sa tingin ko mabait naman talaga si Mister Caven. Sampung taon na rin ang business niya at ang masasabi ko lang ay sobrang bait at magalang niya.” “Tama ka. Pati yung anak, ang pagkakaalam ko ay matalino, mabait at masipag na bata yun kaya sa tingin ko ay yung nanay niya talaga ang may kasalanan.”“Infairness sa nanay, kakaiba siya ah!” “Nasikmura niya talagang pumatol sa ex ng anak niya at talagang dito pa sa harap ng bahay nila ha!” “Wala talagang perpekto sa mundong to…”“At ang masaklap pa dun ay mas marami ang mga walang hiya!” Marami ang naawa sa mag ama kaya nang mapansin yun ni Hector ay malakas siyang humagulgol, “Anak, pasensya ka na kung ngaing miserable ang buhay mo nang dahil sa sarili mo nanay. Wag kang mag alala… kahit na paulit-ulit ka niyang iwanan, nandito lang si Daddy, okay?” “Daddy… Mula ngayon, hindi na natin kilala ang babaeng yun at sinusumpa ko na hinding hindi ko siya