Anim na taon din silang magkakasama at ngayong nagkabalikan na sina Sebastian at Sabrina, siya nalang ang naiwang mag isa. Sa tingin niya, ayaw lang ni Aino na tumanda siyang mag isa kaya hinahanapan siya nito ng magiging girlfriend at nagkataon na magaan ang looob nito sa babaeng pulubi dahil nga naalala ng bata sa babae ang mommy nito. Lumabas-labas na lahat ng masasamang iniisip ni Zayn kay Aino ay imahinasyon niya lang dahil walang ibang gusto ang bata kundi ang mapasaya siya. Umupo si Zayn at niyakap si Aino. “Baby, pasensya ka na kung pinag isipan kita ng mali. Si uncle ang mali at ikaw ang pinaka the best na bata sa buong mundo. Magaling kang mamili at siguro ako na wala kang ibang iniisip kundi ang kapakanan ko, tama?”Inirapan ni Aino si Zayn at muli itong pinagalitan. “Uncle Zayn, sa wakas natauhan ka na rin! Ano? Ang galling kong mamili no?!”Tumango si Zayn. Natatawa siya na naiiyak. “Tama, ang galing galing mo.”‘Mhm okay naman siya, pero hindi ba parang sobrang tan
Inis na inis ang babae. “Ano? Hindi mo ba ako narinig? Kahit pa hindi ka umamin, alam ko naman na nasa trenta mahigit ka na. Bakit ka nakikipag date sa mga bata? Ano ka? Pedophile?” “A…anong pinagsasabi mo? Magkakilala ba tayo?” Pautal-utal na sagot ni Zayn.Noong oras na yun, nakita ni Zayn ang babae ng mas malapitan. Maputi na ang buhok nito kaya masasabi niya na may edad na talaga ito at base sa bakas ng wrinkles nito, mukhang marami-rami na rin itong pinadaanan sa buhay. Sa malayuan, parang pulubi ang babae pero mukhang nagkamali siya! Hindi naman pala gutay-gutay ang damit nito. Medyo kupas at may butas lang sa gilid pero mukha namang malinis ang babae. Kung tindig nito ang pagbabasehan, mukhang hindi basta-basta ang babae. “Ma’am… wag po kayong magalit… gusto ko pa naman po kayo maging kaibigan..” Sa takot ni Aino, nagtago siya sa likod ng kanyang uncle.Nang makita ng babae si Aino, lalo itong nagalit. “Tignan mo! Ang laki laki na pala ng anak mo! Hindi ka na nahiya sa sa
Habang iniisip ang mga posibilidad, galit na galit na kinuha ni Zayn ang kanyang phone para tawagan si Tessa. Sumagot naman ito kaagad at kagaya ng iniisip niya, umiiyak nga ito. “Zayn?” “Tessa, sabihin mo sa akin, hinarass ka ba ulit ng nanay mo?” Walang paligoy-ligoy na tanong ni Zayn. “Hindi, Zayn.” Pagtanggi ni Tessa. “Anong hindi? Eh bakit ka umiiyak?! Magsabi ka sa akin ng totoo, hinarass ka ba niya ulit?” “Hindi, Zayn. Ako yung tumawag sakanya kasi ayoko ng guluhin niya ako ulit. Wag ka ng mag alala kasi okay na ang lahat kaya pwede ka ng bumalik sa office mo. Gusto ko lang munang mapag isa sa ngayon… Iiyak lang ako kapag nagkita tayo… Ayoko na… Marami pa akong kailangang tapusin sa trabaho ko.” Umiiyak na sagot ni Tessa. Tama naman ang mga sinabi ni Tessa… Bago pa man din sila maging magkakilala, matagal na itong ay problema ng girlfriend niya, kaya sigurado siya na kaya nito kung anuman ang mga nangyayari at tama rin ang sinabi nito na hindi nila pwedeng idamay ang m
Hindi inakala ni Zayn na sobrang liit talaga ng mundo. Biruin mo yun? Si Hector Caven pala ang daddy ni Tessa?“Kilala mo ba ang daddy ko?” Gulat na gulat na tanong ni Tessa. Hindi makapag salita si Zayn. Hinding hindi niya makakalimutan si Hector. Dalawang beses na silang nagkita nito at sa parehong pagkakataon ay hindi naging maganda ang engkwentro nila. Noong beses, siguro nasa anim na taong gulang palang siya noon, tahimik siyang naglalaro sa labas nang may biglang nantaboy sakanya at sa buong pamilya niya na grupo ng mga kalalakihan. Si Hector ang lider ng mga yun.Noong panahon na yun, sobrang bata pa ni Hector. Siguro nasa mga twenties palang… May kasama itong anim na lalaki at pwersadong tinaboy ng mga ito ang pamilya niya dahil daw may nakabili na sa tinitirahan nila. Tandang-tanda niya pa na may hawak itong kutsilyo at tinakot sila, “Kung ako sa inyo, wag niyo ng subukang magmatigas pa dahil wala naman kayong laban.”Pero ang hindi inaasahan ni Hector ay sobrang tapang p
Pero hindi kinaya ni Hector. Dahil nagmakaawa ng sobra si Hector, binigyan siya ng isang milyon ng tatay ni Zayn at bilang pasasalamat na rin na hindi niya ito pinatay, sinigurado din nito na nahuli ang grupo ng sindikato na kwinento niya noong gabing yun mismo para hindi na rin siya matakot kung sakali man na balikan siya ng mga ito. Doon napag alamanan ng tatay ni Zayn na sarili pala nitong kapatid mismo ang nagpapapatay dito at nasaktuhan naman na sobrang nangangailangan ni Hector noong panahon na yun. Pinagsabihan ng tatay ni Zayn si Hector na tumigil na sa pagsusugal para hindi na maulit ang nangyari, na ginawa naman niya. Pero dahil hindi naman maganda ang naging pagtatagpo ng dalawang partido, nagdesisyon na rin ang pamilya ni Zayn na putulin ang kahit anong koneksyon sakanya. Pagkalipas ng halos anim na taon, muling nagkita sina Zayn at Hector. Noong panahong yun, di hamak na mas disente na ang itsura ni Hector kumpara sa naging pagkakakilala rito ng batang Zayn. Isang ar
Nagulat din si Hector, pero bandang huli ay ngumiti nalang din siya kay Zayn, “Iho, kilala mo ba ako? Ah alam ko na! Siguro isa ka sa mga naging suki ko no? Hindi ko akalain na ikaw ang magiging son-in-law ko, pero isa lang ang masasabi ko, ang galing mong pumili ah! Marami talagang nagkakagusto dito sa anak ko dahil bukod sa napaka ganda na, grumaduate din siya sa isang magandang university at ngayon naman ay nagtatrabaho na siya sa pinaka malaking company sa South City!” “Mister Caven, ako po si Zayn Smith, ang director ng Smith Group. Sigurado po ako na narinig niyo na ang company naming, tama?” Kalmadong tanong ni Zayn. Kasalukuyang nagbabalat ng sibuyas si Hector at nang sandaling marinig niya ang sinabi ni Zayn, bigla niyang nabitawan ang hawak niyang sibuyas. Napalunok siya habang gulat na gulat na nakatingin kay Zayn, at nahihiyang ngumiti kay Tessa. “Ikaw talagang bata ka, bakit naman hindi mo sa akin sinabi na…na sobrang yaman pala ng boyfriend mo! Sobrang ginulat mo nama
Hindi alam ni Zayn kung anong sasabihin niya. Sa sobrang galit niya, gusto niya nalang matawa. ‘Ano bang ginagawa ng lalaking ‘to?’“Tumayo ka nga diyan.”Pero walang plano si Hector na tumayo, “Director Zayn, gusto ko po kayong makausap dahil gusto kong sabihin sainyo na sobrang pinagsisihan ko po talaga ang nangyari noon. Sa totoo lang, sa tingin ko po ay nakarma ako ng sobra noong nagkasakit ako ng malala at para turuan ang sarili ko ng leksyon, pinutol ko po ang hinliliit ko para palagi kong maalala ang nangyari. Itininaas ni Hector ang kanyang kamay at ipinakita kay Zayn. Totoo ang sinabi nito… talaga ngang pinutol nito ang hinliliit nito pero hindi nag’react si Zayn.Nagpatuloy si Hector, “Mula nun, sinubukan ko talagang maging isang mabuting tao at itinuon ko nalang ang pansin ko sa nanay at sa anak ko. Sakanila na umikot ang mundo ko. Wala akong ginawang kahit anong ilgal at kung hindi ka naniniwala sa akin, handa akong samahan ka sa pulis para icheck ang police record ko.
Muling huminga ng malalim si Hector, “Hindi ko alam. Kung saan saan na siya nakapunta kasi wala naman siyang permanenting trabaho at tinutuluyan. Isa siyang tipo ng babae na sobrang walang pangarap, kaya hindi talaga siya karapat-dapat na maging isang ina. Habang sinsabi yun ni Zayn, naalala niya yung babaeng nakita niya kanina sa labas ng Ford Group. Sobrang putla ng mukha nito, pero wala naman sa awra nito na mahilig magpasarap… Pero sa totoo lang, pinipigilan niya ring magsalita dahil hindi naman talaga siya sigurado kung yun ba talaga ang nanay ni Tessa. “Paano ba kayo nagkakilala ng nanay ni Tessa?”Gulat na gulat si Hector. “Ba-bakit mo kailangang tanungin ang mga bagay na ‘to?” Ramdam sa boses ni Hector na sobrang kinakabahan siya. Bahagyang ngumiti si Zayn, at walang padalos-dalos na sinabi, “Sa totoo lang, nabalitaan ko na hinaharass si Tessa. Sa tingin ko nanay niya yung may gawa. “Ano? Wag na wag lang siyang magpapakita sa akin dahil baka mapatay ko siya!” Galit na