”Ang sabi sa akin ng daddy ko, hindi rin naman daw talaga siya inlove kay Hana, pero dahil masyado siyang daw siyang bata, nakonsensya naman ang daddy na baka may mangyari nanaman at sino nalang ang magtatanggol sakanya? Hindi nagtagal, pinanganak ako. Eighteen palang siya noon at kung bibilangin, nasa forty palang siya ngayon. Bata pa rin pero masyado na siyang matanda para sa mga hilig niyang magparty party, tapos anong ambag niya sa amin? Wala, tapos pabigat pa siya na habol ng habol sa mga ari-arian ni daddy.” “Yung negosyo ba ng daddy mo ay nag umpisa pagkatapos ng divorce nila o pagkatapos?” Tanong ni Zayn. Hindi inaasahan ni Zayn ang naging sagot ni Tessa, “Hindi naman talaga sila kinasal. Saktuhan lang talaga ang kita ng daddy ko noon kaya hindi kinaya ni Hana at iniwan niya kami. Pagkatapos, saka nagbukas ng negosyo ang daddy ko kaya nga hindi ko rin alam sa babaeng yun kung bakit ba habol siya ng habol!” Ramdam sa tono ng boses ni Hana ang sobrang galit habang nagsasalita
Muli, gulat na gulat si Zayn sa panibagong rebelasyon ni Tessa. Hindi talaga siya makapaniwala at siguro ngayon lang siya nakaramdam ng inis sa isang taong hindi niya pa nakikita o nakakainteraksyon sa kahit anong paraan. Siguro kung may napaka responsableng nanay na kagaya ni Sabrina, mayroon din talagang mga kabaliktaran na kagaya ni Hana. Kung forty years old si Hana, ibig sabihin, hindi ganun kalayo ang pagitan ng mga edad nila. Ngayong alam niya na ang buong kwento, hindi niya hahayaan si Tessa na harapin itong mag isa dahil mula ngayon, kasama na siya sa laban nito. “Grabe! Anong klaseng babae siya? Sobrang bait nan ga ng daddy mo sakanya pero nagawa niya pang mag loko?” Galit na galit na sagot ni Zayn. Huminga ng malalim si Tessa. “Bago nakilala ng daddy ko si Tessa, may dati siyang asawa. Matagal din daw silang nagsama pero hindi sila magkaanak. Bandang huli, sinisi ng babae ang daddy ko kaya nagdivorce sila. Hindi naman na daw naghanap ng asawa ang daddy ko pagkatapos n
Biglang natigilan si Zayn. Paano niya nagawang masigawan si Aino?Buti nalang at malawak ang pag intindi ni Tessa kaya ngumiti siya kay Aino at mahinahong sumagot, “Pasensya ka na, Aino. Medyo hindi lang kasi maganda ang araw ko kaya siguro ang pangit ng itsura ko ngayon. Pasensya ka na ha.”“Okay.” Walang emosyong sagot ni Aino.Tumingin si Tessa kay Zayn at sinabi, “Sige na, Zayn. Samahan mo na si Aino. Maysadong Malaki ‘tong office kaya baka mahirapan si Director Ford na hanapin siya kapag nawala siya. Babalik na muna ako sa trabaho. Tatawagan nalang kita mamaya.” “Mhm. Pasensya ka na talaga kay Aino ha. Spoiled kasi yan!” Nahihiyang sagot ni Zayn. Ngumiti si Tessa, “Oo naman! Sige na, balik na ako.”Tumango si Zayn. Habang pinagmamasdan si Tessa na naglalakad pabalik sa department nito, bigla niyang naramdaman na may umapak sa paa niya at pag yuko niya, nakita niyang gigil na gigil na inaapakan siya ni Aino. “Aino Scott!” Galit na galit na sigaw ni Zayn. “Diba sinabihan
Halos malaglag ang panga ni Zayn sa sobrang gulat nang makita niya ang babaeng tinuturo ni Aino dahil bukod sa sira-sira ang damit nito, gulo-gulo rin ang buhok nito. Kapansin-pansin din na sobrang payat at maputi na ang buhok nito kaya siguro nasa kawarenta o higit na ang edad nito. ‘Ano ba yang babaeng yan? Taga walis? Pero hindi naman siya naka uniform. Bakit siya nakaupo sa gilid ng kalsada? Pulubi ba siya?’ Tanong ni Zayn sa sarili niya. Mababa ang loob ni Zayn sa mga pulubi dahil may punto sa buhay nil ani Sabrina na halos naging ganun din sila kaya alam niya kung gaano kahirap ang buhay ng mga ito. Pero hindi naman ibig sabihin na pinangarap niyang mag asawa ng isang pulubi! Hindi naman sa pagyayabang pero tagapag mana naman siya ng isang kilalang kumpanya at may itsura rin naman siya. Oo, may edad na siya, pero thirty two years old palang naman siya… Matandang binata na ba yun? Hindi pa naman diba? Kaya mali ba na maghanap siya ng isang maganda at dalagang babae na mapapang
Anim na taon din silang magkakasama at ngayong nagkabalikan na sina Sebastian at Sabrina, siya nalang ang naiwang mag isa. Sa tingin niya, ayaw lang ni Aino na tumanda siyang mag isa kaya hinahanapan siya nito ng magiging girlfriend at nagkataon na magaan ang looob nito sa babaeng pulubi dahil nga naalala ng bata sa babae ang mommy nito. Lumabas-labas na lahat ng masasamang iniisip ni Zayn kay Aino ay imahinasyon niya lang dahil walang ibang gusto ang bata kundi ang mapasaya siya. Umupo si Zayn at niyakap si Aino. “Baby, pasensya ka na kung pinag isipan kita ng mali. Si uncle ang mali at ikaw ang pinaka the best na bata sa buong mundo. Magaling kang mamili at siguro ako na wala kang ibang iniisip kundi ang kapakanan ko, tama?”Inirapan ni Aino si Zayn at muli itong pinagalitan. “Uncle Zayn, sa wakas natauhan ka na rin! Ano? Ang galling kong mamili no?!”Tumango si Zayn. Natatawa siya na naiiyak. “Tama, ang galing galing mo.”‘Mhm okay naman siya, pero hindi ba parang sobrang tan
Inis na inis ang babae. “Ano? Hindi mo ba ako narinig? Kahit pa hindi ka umamin, alam ko naman na nasa trenta mahigit ka na. Bakit ka nakikipag date sa mga bata? Ano ka? Pedophile?” “A…anong pinagsasabi mo? Magkakilala ba tayo?” Pautal-utal na sagot ni Zayn.Noong oras na yun, nakita ni Zayn ang babae ng mas malapitan. Maputi na ang buhok nito kaya masasabi niya na may edad na talaga ito at base sa bakas ng wrinkles nito, mukhang marami-rami na rin itong pinadaanan sa buhay. Sa malayuan, parang pulubi ang babae pero mukhang nagkamali siya! Hindi naman pala gutay-gutay ang damit nito. Medyo kupas at may butas lang sa gilid pero mukha namang malinis ang babae. Kung tindig nito ang pagbabasehan, mukhang hindi basta-basta ang babae. “Ma’am… wag po kayong magalit… gusto ko pa naman po kayo maging kaibigan..” Sa takot ni Aino, nagtago siya sa likod ng kanyang uncle.Nang makita ng babae si Aino, lalo itong nagalit. “Tignan mo! Ang laki laki na pala ng anak mo! Hindi ka na nahiya sa sa
Habang iniisip ang mga posibilidad, galit na galit na kinuha ni Zayn ang kanyang phone para tawagan si Tessa. Sumagot naman ito kaagad at kagaya ng iniisip niya, umiiyak nga ito. “Zayn?” “Tessa, sabihin mo sa akin, hinarass ka ba ulit ng nanay mo?” Walang paligoy-ligoy na tanong ni Zayn. “Hindi, Zayn.” Pagtanggi ni Tessa. “Anong hindi? Eh bakit ka umiiyak?! Magsabi ka sa akin ng totoo, hinarass ka ba niya ulit?” “Hindi, Zayn. Ako yung tumawag sakanya kasi ayoko ng guluhin niya ako ulit. Wag ka ng mag alala kasi okay na ang lahat kaya pwede ka ng bumalik sa office mo. Gusto ko lang munang mapag isa sa ngayon… Iiyak lang ako kapag nagkita tayo… Ayoko na… Marami pa akong kailangang tapusin sa trabaho ko.” Umiiyak na sagot ni Tessa. Tama naman ang mga sinabi ni Tessa… Bago pa man din sila maging magkakilala, matagal na itong ay problema ng girlfriend niya, kaya sigurado siya na kaya nito kung anuman ang mga nangyayari at tama rin ang sinabi nito na hindi nila pwedeng idamay ang m
Hindi inakala ni Zayn na sobrang liit talaga ng mundo. Biruin mo yun? Si Hector Caven pala ang daddy ni Tessa?“Kilala mo ba ang daddy ko?” Gulat na gulat na tanong ni Tessa. Hindi makapag salita si Zayn. Hinding hindi niya makakalimutan si Hector. Dalawang beses na silang nagkita nito at sa parehong pagkakataon ay hindi naging maganda ang engkwentro nila. Noong beses, siguro nasa anim na taong gulang palang siya noon, tahimik siyang naglalaro sa labas nang may biglang nantaboy sakanya at sa buong pamilya niya na grupo ng mga kalalakihan. Si Hector ang lider ng mga yun.Noong panahon na yun, sobrang bata pa ni Hector. Siguro nasa mga twenties palang… May kasama itong anim na lalaki at pwersadong tinaboy ng mga ito ang pamilya niya dahil daw may nakabili na sa tinitirahan nila. Tandang-tanda niya pa na may hawak itong kutsilyo at tinakot sila, “Kung ako sa inyo, wag niyo ng subukang magmatigas pa dahil wala naman kayong laban.”Pero ang hindi inaasahan ni Hector ay sobrang tapang p