Naalala pa ni Holden na nag- iwan siya ng isang milyong dolyar sa kanyang pamangkin bago siya umalis. Iniisip niya kung gaano katagal iyon sa kanya.“Tito Holden, kailangan mong maging maayos. Sinabi ni Miss Minerva na siya ay nagtatrabaho nang husto. Sa hinaharap, susuportahan ka pa niya pagkatapos niyang magtapos ng kolehiyo. Kailangan mong maging maayos, Uncle Holden. Hindi ka makakagawa ng masasamang bagay,” sabi ni Aino kay Holden na parang sinusuyo ang isang maliit na bata.Tumango si Holden. “Mm- hmm. Tiyak na susundin ko ang iyong mga salita, Aino.”“Tito Holden, gabi na. Kailangan kong matulog. Dapat matulog ka na rin, okay?" sabi ulit ni Aino. Inaantok talaga siya.Agad namang tumango si Holden. “Mm- hmm. Okay, Aino. Ang mga maliliit na bata ay dapat matulog nang higit pa, pagkatapos ay maaari silang tumangkad. Matulog ka na dali."“Magandang gabi, Tiyo Holden. Mga matamis na panaginip.” Nagpaalam ang maliit na bata kay Holden."Sige."Inabot ni Aino ang telepono sa ka
Tumango si Sebastian. Base sa ekspresyon ng mukha niya, halatang hindi ito ang unang pagkakataon na narinig niya ang balita kaya gulat na gulat si Alex. “A…alam mor in ang tungkol dito?” “Pinadala siya ng tatay ko sa bahay ni Holden kasi siya mismo ang nagsabi na si Holden ang tatay ng pinagbubuntis niya. Bandang huli, lumabas na hindi naman pala kay Holden ang bata kaya binugbog siya nito,” paliwanag ni Sebastian. “Dapat lang yun sakanya! Wag na wag lang talaga siyang magpapakita sa akin kasi baka mapatay ko lang siya.” Galit na sagot ni Alex. Matagal din silang naging magkarelasyon ni Lily pero sa puntong ito, wala na siyang nararamdamang kahit katiting na pagmamahal at pagaalala para rito. Kahit kailan, hindi niya ito pinagbuhatan ng kamay, pero anong ginawa ng walang hiyang Lily na yun? Nagsinungaling ito sakanya at talagang plinano pa nitong patayin si Jane! Nakaligtas man si Jane, pero si Noah ay walang awa nitong pinatay. Sobrang samang babae!Tumingin si Sebastian kay Alex
Malakas makiramdam si Zayn. Kahit na siya ang director ng Smith Group, alam niya na may mga pag uusapan pa sina Alex at Sebastian kaya hindi na rin siya nagtagal para hindi na niya maistorbo pa ang mga ito. Pagkalabas niya ng office ni Sebastian, dumiretso siya sa pwesto ng girlfriend niya. Noong oras na yun, wala si Tessa sa lamesa nito. Noong nakita siya ng mga katrabaho nitong babae, kinikilig siyang inasar ng mga ito. “At ano nanamang ginagawa ng napaka gwapong Director Zayn dito?” “Baka naman may dala na si Director Zayn para sa min sa pagkakataong ‘to?” “Hindi naman kami naghahangad ng magarbong regalo! Kahit chocolate or mga candy lang. Baka hindi moa lam na ang Tessa naming ang pinaka masipag, mabait at magandang empleyado dito sa department namin kaya hindi kami papayag na makuha mo siya sa amin ng ganun-ganun nalang!” Hindi mapigilan ni Zayn na matawa ng malakas. Naglabas siya ng dalawang box ng imported na liquor-filled chocolate at inilapag sa lamesa kaya hindi napi
Nang makita ni Zayn kung gaano kagalit si Tessa, hindi niya napigilang mag alala, “Tessa, Bakit? Anong nangyari?”Agad-agad na pinutol ni Tessa ang tawag at tumingin kay Zayn. Pinilit niyang ngumiti at nahihiyang sinabi, “Pasensya ka na sa nakita mo, Zayn. A…. hmm… wala. Wala yun.”Muli siyang yumuko at sa puntong yun, hindi niya na napigilan ang tuloy-tuloy na pagbuhos ng kanyang mga luha. Pagkalipas ng ilang Segundo, muli siyang tumingin kay Zayn. “Zayn, tara kumain na tayo.”Hinawakan ni Zayn ang kamay ni Tessa. “Tessa, boyfriend moa ko at magiging asawa mo rin ako balang araw kaya mahalaga sa akin na malaman kung ano ang mga nangyayari sayo. Hindi mo kailangang buhatin yan ng mag isa, nandito ako. Magtiwala ka sa akin. Kaya kitang tulungan.”Muling ngumiti si Tessa at umiling, “Wala lang talaga yun.”“Ano ba kasing nangyari? Gusto mob a akong mamatay sa sobrang pag aalala? Sino yung nanggugulo sayo? Bakit mo siya gustong kasuhan? Sabihin mo sakin.” Nag aalalang pagpupumilit ni
”Ang sabi sa akin ng daddy ko, hindi rin naman daw talaga siya inlove kay Hana, pero dahil masyado siyang daw siyang bata, nakonsensya naman ang daddy na baka may mangyari nanaman at sino nalang ang magtatanggol sakanya? Hindi nagtagal, pinanganak ako. Eighteen palang siya noon at kung bibilangin, nasa forty palang siya ngayon. Bata pa rin pero masyado na siyang matanda para sa mga hilig niyang magparty party, tapos anong ambag niya sa amin? Wala, tapos pabigat pa siya na habol ng habol sa mga ari-arian ni daddy.” “Yung negosyo ba ng daddy mo ay nag umpisa pagkatapos ng divorce nila o pagkatapos?” Tanong ni Zayn. Hindi inaasahan ni Zayn ang naging sagot ni Tessa, “Hindi naman talaga sila kinasal. Saktuhan lang talaga ang kita ng daddy ko noon kaya hindi kinaya ni Hana at iniwan niya kami. Pagkatapos, saka nagbukas ng negosyo ang daddy ko kaya nga hindi ko rin alam sa babaeng yun kung bakit ba habol siya ng habol!” Ramdam sa tono ng boses ni Hana ang sobrang galit habang nagsasalita
Muli, gulat na gulat si Zayn sa panibagong rebelasyon ni Tessa. Hindi talaga siya makapaniwala at siguro ngayon lang siya nakaramdam ng inis sa isang taong hindi niya pa nakikita o nakakainteraksyon sa kahit anong paraan. Siguro kung may napaka responsableng nanay na kagaya ni Sabrina, mayroon din talagang mga kabaliktaran na kagaya ni Hana. Kung forty years old si Hana, ibig sabihin, hindi ganun kalayo ang pagitan ng mga edad nila. Ngayong alam niya na ang buong kwento, hindi niya hahayaan si Tessa na harapin itong mag isa dahil mula ngayon, kasama na siya sa laban nito. “Grabe! Anong klaseng babae siya? Sobrang bait nan ga ng daddy mo sakanya pero nagawa niya pang mag loko?” Galit na galit na sagot ni Zayn. Huminga ng malalim si Tessa. “Bago nakilala ng daddy ko si Tessa, may dati siyang asawa. Matagal din daw silang nagsama pero hindi sila magkaanak. Bandang huli, sinisi ng babae ang daddy ko kaya nagdivorce sila. Hindi naman na daw naghanap ng asawa ang daddy ko pagkatapos n
Biglang natigilan si Zayn. Paano niya nagawang masigawan si Aino?Buti nalang at malawak ang pag intindi ni Tessa kaya ngumiti siya kay Aino at mahinahong sumagot, “Pasensya ka na, Aino. Medyo hindi lang kasi maganda ang araw ko kaya siguro ang pangit ng itsura ko ngayon. Pasensya ka na ha.”“Okay.” Walang emosyong sagot ni Aino.Tumingin si Tessa kay Zayn at sinabi, “Sige na, Zayn. Samahan mo na si Aino. Maysadong Malaki ‘tong office kaya baka mahirapan si Director Ford na hanapin siya kapag nawala siya. Babalik na muna ako sa trabaho. Tatawagan nalang kita mamaya.” “Mhm. Pasensya ka na talaga kay Aino ha. Spoiled kasi yan!” Nahihiyang sagot ni Zayn. Ngumiti si Tessa, “Oo naman! Sige na, balik na ako.”Tumango si Zayn. Habang pinagmamasdan si Tessa na naglalakad pabalik sa department nito, bigla niyang naramdaman na may umapak sa paa niya at pag yuko niya, nakita niyang gigil na gigil na inaapakan siya ni Aino. “Aino Scott!” Galit na galit na sigaw ni Zayn. “Diba sinabihan
Halos malaglag ang panga ni Zayn sa sobrang gulat nang makita niya ang babaeng tinuturo ni Aino dahil bukod sa sira-sira ang damit nito, gulo-gulo rin ang buhok nito. Kapansin-pansin din na sobrang payat at maputi na ang buhok nito kaya siguro nasa kawarenta o higit na ang edad nito. ‘Ano ba yang babaeng yan? Taga walis? Pero hindi naman siya naka uniform. Bakit siya nakaupo sa gilid ng kalsada? Pulubi ba siya?’ Tanong ni Zayn sa sarili niya. Mababa ang loob ni Zayn sa mga pulubi dahil may punto sa buhay nil ani Sabrina na halos naging ganun din sila kaya alam niya kung gaano kahirap ang buhay ng mga ito. Pero hindi naman ibig sabihin na pinangarap niyang mag asawa ng isang pulubi! Hindi naman sa pagyayabang pero tagapag mana naman siya ng isang kilalang kumpanya at may itsura rin naman siya. Oo, may edad na siya, pero thirty two years old palang naman siya… Matandang binata na ba yun? Hindi pa naman diba? Kaya mali ba na maghanap siya ng isang maganda at dalagang babae na mapapang