Kalmado ang ekspresyon ni Sebastian, at higit pa ang tono niya nang sinabi niya, "Hm! Sana manatili kang masaya magpakailanman."Si Aino, na nakikipag-kamay sa kanyang ama, ay nagsimulang mapagtanto na may mali. "Bakit ka nandito??" Tumingin siya kay Lori at nagtanong nang husto.Binigyan siya ni Lori ng banayad na ngiti. "Kumusta, maliit na prinsesang Aino, ako ... ako ang iyong kamag-anak.""Isang kamag-anak sa side ng aking ina o sa side ng aking ama?""Hm ... Kung susubaybayan natin ito, malamang ako ay kamag-anak sa side ng iyong ina.""Kung ganon bakit mo muna nakausap ang aking ama bago makipag-usap sa aking ina?" Agad na sumagot si Aino.“ ... ”"Sinasadya mo ito.""Ha-- Ano ang ibig mong sabihin?" Natigil si Lori. Nagulat siya sa interogasyon mula sa anim na taong gulang na maliit na batang babae."Sa oras na iyon na nabunggo mo ako at ang aking ina, sinasadya mo rin iyon, hindi ba? Gayundin, ipinadala mo ang iyong anak na babae na si Jennifer sa parehong kindergarten
"Kumusta, Tiya Rose?" Magalang na bumati si Lori mula sa likuran nila."Oh, ang sweet mo namang bata. Narinig ko mula sa mga tao sa Ford Group na naka-pirma ka ng isang kontrata kay Sebastian, kaya kayong dalawa ay mag kasosyo sa negosyo ngayon. Magaling iyon," sabi ni Rose, na nagpaparinig kay Sabrina.Si Sabrina at ang kanyang ina na si Gloria ay nakaramdam ng labis na pagka-awkward, ngunit bukod doon, naramdaman ni Sabrina na okay lang siya. Namatay ang kanyang puso, alam niya na napunta siya rito ngayon upang pahirapan at pag-laruan.‘Ano naman? Parang hindi naman nila ako ginanito dati. Hangga't okay sina Aino at Nanay, okay lang din ako, yun lang ako gusto ko.’ naisip niya. Kapag binababaan ni Sabrina ang kanyang expectations, kaya niya kahit papaanong mag-relaks at kahit na magbiro sa paligid kasama si Sebastian sa isang kaswal na tono. "Wala akong pakialam kung gusto mong puntahan at makipag-holding hands kay Lori ngayon, Master Sebastian, wala akong pakialam. Kapag hindi mo
"Ikaw ang bastos! Hindi ko gusto ang isang Lolo na katulad mo! Galit ako sa iyo, Lolo!" Sigaw ni Aino matapos pagalitan ni Sean.Si Sabrina, na madalas ay naka-compose, ay hindi napigilan ang kanyang sarili na makita ang kanyang anak na malungkot at galit, umupo siya at niyakap si Aino habang umiiyak ito."Sabrina!" Sumigaw si Sean. "Paano mo pinahihintulutan ang iyong sariling anak na babae na magdulot ng napakaraming drama sa labas ng pintuan ng lumang tirahan ng mga Ford? Masasabi ko na naubusan ka ng mga trick at nagsimulang gumamit ng isang bata upang subukan at manipulahin kami! Alam mo na mayroon akong leverage sa iyo at imposible kang makatakas, kaya ngayon ginagamit mo si Aino laban sa amin?"Biglang tumayo si Sabrina at tinitigan si Sean sa mga mata. "Sean Ford, gawin mo ang gusto mo sa akin, ngunit hindi ko hahayaan na saktan mo ang aking anak! Narito na ako, kaya syempre susundan kita, ngunit mayroon akong kondisyon.""Sige, isa-isahin mo!""Hayaan mong ilayo ng aking
Gayunpaman, sinabi ng kanyang ina, "Anak ko, alam kong mahirap ito para sa iyo. Gusto ko lang manatili, kahit na gusto nilang pabagsakin hanggang sa mawalan ka, maaari ko pa ring hawakan ka sa aking mga bisig upang hindi ka masyadong mapahiya, hindi ba iyon tama, anak ko?"Agad na bumagsak ang luha ni Sabrina. "Nanay...""Halika, sasamahan ka ni Mommy. Kahit anong mangyari narito ako, sasamahan ka upang harapin ito." Tiningnan ni Gloria si Sabrina na may determinasyon sa kanyang mga mata.Nagpasya si Sabrina na huwag nang sabihin pa. Lumingon siya upang tumingin kay Sebastian, na tahimik sa buong oras, maputla ang kanyang mukha."Hindi kita sinama rito para maglakad ka nang pabalik balik," sabi niya.Tumawa ng mapait si Sabrina. "Halika na, pagkatapos, pumasok na tayo!"Wala siyang ibang kinatakutan ngayon. Ano ang pinakamasama na maaaring mangyari? Hilahin siya sa kalye nang nakahubad? Kahit na, iyon ang magiging kapalaran niya para sa buhay na ito at kailangan niyang harapin it
Sumulyap si Sebastian kay Sabrina at nanatiling kalmado ang ekspresyon niya. Pagkatapos ay lumingon siya upang pag-aralan ang bawat tao sa pinangyarihan at natagpuan ang iba't ibang mga expression sa bawat isa sa kanilang mga mukha. Si Sean at Rose ay tila lubos na tiwala, ipinakita ng mga mukha nina Jennie at Lori ang uri ng kaligayahan na sinusubukan nila ang lahat ng kanilang makakaya, pero hindi nila ito naitago. Nakanganga si Marcus sa narinig."Paano naging posible iyon? Paano malalapitan ng isang tulad ni Sabrina ang dalawang lalaki doon? Paano ito nangyari? Siya ay nanirahan kasama si Zayn sa loob ng anim na taon, trinato nila ang isa’t isa bilang magkapatid, nang hindi ito sinisira ni isang beses. Ngayon na ang buhay ni Sabrina ay sa wakas naayos na sa kapayapaan at kaligayahan, bakit siya lalabas doon na naghahanap ng ibang mga kalalakihan? May kahulugan ba ito?" Sumagot si Marcus na parang nagsasalita siya sa kanyang sarili, talagang pinag-uusisa niya ang akusasyon ni Sean.
Ang naiwan lang ay si dating Master Shaw. Sinasadya siyang tingnan ni Sabrina at natagpuan siyang nakaupo, walang ekspresyon. Hindi blangko ang kanyang ekspresyon, ang kanyang mga mata ay kalahati na sarado sa buong oras, siguro ay ayaw niyang makita ang galit na galit na sulyap mula sa kanyang sariling anak na babae."Sebastian, tingnan! Ito ang patunay, lahat ng ito! Ang iyong Tiya Jennie ay nasa kanyang telepono!" Sigaw ni Sean kay Sebastian. Tumingin si Sebastian at nakita ang kanyang ama na tinatapon ang telepono sa kanya."Hayaan mo akong sabihin sa iyo ang isang bagay, Sabrina. Pwedeng mali ang nakita ng lalaki mo sa footage sa Grand Sage International Hotel, pero wag mong isipin na dahil doon ay wala na kaming mailalabas na pruweba! Ang iyong Tiya Jennie ay nakuhaan ang bawat galaw niyo ng mga lalaking iyon!" galit siyang sumagot. Pagkatapos nito, tiningnan niya si Sebastian at nagpatuloy, "Tingnan mo! Tingnan mo ang video doon, hindi mo ba nakikita kung sino ang isa sa mga l
Hindi nasagot ng matandang Master Shaw ang tanong ni Sebastian, at patuloy na tumingin sa ibaba."Alam ko kung ano ang iniisip ng aking tiyuhin, mas mahusay kaysa sa iba," sabi ni Jennie. Kamakailan lamang, siya ang nag-aalaga kay matandang Master Shaw. Nakita ito ng kanyang sariling mga mata kung paano nagalit ang matandang Master Shaw noong araw na dumating si Gloria sa kanyang pintuan. Galit na galit siya kaya halos humabol siya sa sarili niyang paghinga. Kung hindi dahil sa kanya, ang matanda ay namatay na siguro dahil sa galit sa iligal na anak na hindi niya kinilala. Alam ni Jennie kung gaano kinasusuklaman ng matandang Master Shaw ang iligal na anak na babae mula noong siya ay tatlong taong gulang. Hindi man alam ni Marcus ang lahat ng mga detalye ng salungatan sa pagitan ng dalawa, ngunit alam niya ito sa likod ng lahat. Ang pag-alipusta ng matanda sa kanyang iligal na anak na babae ay malalim na nakaugat sa kanyang puso. Walang sinuman sa la mesang ito ang maaaring kumatawan
"Pagkatapos ng lahat, ang ina ni Ginang Ford ay inaabala si Lolo simula bata palang siya, at pinamamahalaang makuha ang apelido ng pamilya ng aking lolo. Kahit na ako at ang nanay ko ay walang karangalan na makuha ang apelido ng mga Shaw kahit na close kami sa aking lolo. Pero... isang babaeng ganyan, paano siya..." Huminto si Lori. Ang kanyang ekspresyon at mga salita ay nanatiling may pag-unawa at inosente, na parang nadamay lang siya rito. Nagkibit-balikat siya at tumingin kay matandang Master Shaw. "Sa palagay ko dapat nating hayaang magpasya ang aking lolo.""Granduncle?" tinawag niya ito at ang matandang Master Shaw ay nagtaas ng tingin at tumingin sa kanya. Agad siyang nagpatuloy, "Huwag kang matakot, Granduncle. Ako at si Mama ang mag-aalaga sa iyo ngayon, magiging mabuti ang kalagayan mo. Bukod dito, kahit na ang mga salungatan na naganap mga dekada na ang nakaraan ay kailangang malutas sa kalaunan. Bigyan natin ng pagkakataon ngayon sa pagtitipon ng pamilya ni Uncle Sean at