May sakit daw si Lola at ayaw niyang magpa check up sa doktor hanggat hindi niya nakikita si Aino.” Kalmadong paliwanag ni Sebastian. Sa totoo lang, ayaw niya talagang bumisita sa mansyon, lalo na at hindi naman talaga siya tumira dun.Hindi sila ganun ka close ng Lola niya, kasi hindi niya rin naman ito nakasama noong lumalaki siya, pero kumpara sa Lolo, Daddy, at step mother niya, di hamak na mas nakakausap niya ito ng maayos kaya ngayong may sakit ito at ang gusto lang naman ay ang makita si Aino, sobra naman ata kung tatanggi siya, diba? Kaya tinawagan niya kaagad si Sabrina. Hindi niya naman inasahan na biglang iiyak si Sabrina, “Ano? May sakit si Lola? Malala na ba ang kundisyon niya? Kasalanan natin ‘to eh! Masyado tayong nabusy kaya hindi na natin siya nadalaw. Sinisisi ni Sabrina ang sarili niya sa nangyari. “Nan…nandito pa kami sa mall. Nasaan ka? Sunduin mo na kami.”Nang marinig ni Sebastian ang iyak ni Sabrina, bigla rin siyang naging emosyunal. Habang mas nakikilala
"Ikaw tuso ka!" Nakita maigi ni Sabrina ang totoong Ruth. Tulad ng inaasahan sa pagiging tuso. Ang munting palaaway na nanggaling sa palengke ay karapatdapat sa pangalang yun."Nandito rin ako! Ako ay isang paputok!" sabi ni Yvonne.Si Sabrina ay napuno. Mali talaga ang mga kinakasama ni Sabrina. Kailanman ay hindi siya nagkaroon ng mga kaibigan sa buhay niya. Sa wakas, may dalawang babae na gustong maging malapit sa kanya at magkaroon ng koneksyon sa kanya, kaya siya ay pumayag nang may sobrang pagkatuwa. Naging matalik niya pa ngang kaibigan ang dalawang babaeng ito. Pero sinong mag-aakala na siya pala ay nakaakit ng dalawang padalus-dalos na ganid!Si Sabrina, na walang magawa, ay napatango nalang nang mahina. "Sige! Sige! Kayong dalawang tuso at mga paputok!"Sila Yvonne at Ruth ay napatawa nang malakas na ang mga katawan nila ay yumuyugyog nang pabalik-balik. Binuhat ni Aino si Ruth sa braso niya. "Aino, Aino, natalo ko na rin sa wakas ang mommy mo, mm-hmm!""Kayo pong tatlo
Ang babae ay tumalikod at tumingin nang malamig kay Sabrina. "Ang pagkakataon nga naman. Masaya akong nagkita tayo ulit."Si Sabrina ay natulala."Hoy! Bakit mo pinupunasan ang sapatos ng asawa ko. Sinong nagsabi sayo na punasan ang sapatos niya? Pwede ka nang tumayo. Tumayo ka na!"Ngumisi muli ang babae. "Ang isang marangal na asawang tulad mo, hindi ba sobrang nakakahiya at nasa ilalim na ng estado ko ang pagtuwad ko dito at pagpunas ng sapatos ng iba? Sa tingin ko hindi. Narumihan ng anak ko ang sapatos ng lalaking ito, kaya mahalaga para sa akin na linisin ito para sa kanya."Bago pa makasagot si Sabrina, sinabi ni Sebastian, "Pero sa tingin ko hindi na yan mahalaga!"Tumingala ang babae at tumingin kay Sebastian sa gulat niya. Ang tono ni Sebastian ay mas malamig pa. "Pwede ka nang umalis ngayon!"Ang babae ay tumungo. "Pasensya na, yung anak ko kasi..."Ngumisi si Sebastian. "Babae! Masyadong madulas ang kilos mo! Pakiusap lumayo ka sa akin, pwede ba? Hindi na importante
"Miss Quinton, anong gusto mong sabihin?" tanong ni Sabrina.Ngumiti si Frost. "Oh, oh, pasensya na. Dapat pala ang tinawag ko sayo ay...Miss Lynn.""Ang apelyido ko ay hindi rin Lynn," sabi ni Sabrina.Tinaas ni Frost ang kanyang mga kilay. "Oh?""Ang apelyido ko ay Scott, Sabrina Scott.""Oh, oh, oh, Sabrina Scott. Miss Scott..."Pinutol ni Sabrina ang sinasabi niya. "Pwede ko bang malaman kung sino ka sa Ford family?"Si Frost ay sumagot nang walang pag-aalinlangan. "Isang kasambahay. Sa loob ng bahay ng mga Ford, matagal na akong isang kasamba--"Tinaas ni Sabrina ang kamay niya at sinampal si Frost sa mukha.Si Frost ay bumagsak patalikod sa gulat niya. "Ikaw-may tapang ka na ngayon! Sa tingin mo ba pwede mo na akong sampalin ngayon na ikaw ang apo Old Master Shaw? Dapat alam mo na nung si Selene ay ang apo ni Old Master Shaw dati, nagkaroon ako ng away sa kanya dati at hindi pa rin namin alam kung sino ang nanalo!"Kalmadong sinabi ni Sabrina, "Ikaw ay isang katulong sa
Si Sabrina ay lumingon at nakita ang isang babae na puno ng alahas na nakadamit nang elegante at maayos. Ang babaeng yun ay ang madrasta ni Sebastian, si Rose.Nagsalita si Rose. "Sebastian! Bihira akong makialam sayo. Pakiramdam ko na ang pagiging madrasta na ginawa ang ginawa ko, maituturing na nabigyan na kita ng sapat na respeto."Si Sebastian ay hindi sumagot. Ang asawa at anak niya ay kanina pa nakikipagtalo kay Frost sa pinto, pero si Sebastian ay hindi nagsalita. Ito ay dahil ang asawa at anak niya ay hindi naman talo. Si Frost ang nakatanggap ng dalawang sampal. Sa oras na ito, ang totoong amo ay dumating na sa wakas. Tumingin si Sebastian kay Rose. Sa nakaraan, siya ang asawa ng tatay niya. Si Sebastian ang pumatay sa mga nakatatanda niyang kapatid na lalaki. Pero, matapos ang pagpunta niya sa Star Island, naintindihan ni Sebastian na wala na talagang paraan para maresolba ang sama ng loob sa pagitan nila ni Rose.Kung ang oras ay maibabalik sa nakalipas na dalawampung tao
"Mahusay! Napakagaling!" ngumisi si Sebastian. Huminto siya nang sandali bago niya sinabi, "Kung hindi mo maatim na ang asawa mo ay may ibang babae sa labas, bakit ka pumayag na hayaan ang asawa mo na magkaroon ng ibang babae sa Star Island?"Si Rose ay sobrang nagulat na bigla niyang tinaas ang ulo niya. "Sebastian, nalaman...nalaman mo na ang tungkol sa lahat? Ito ba ang sikreto na ibinalik mo galing Star Island?"Si Sebastian ay ngumisi. "Mas higit pa ito doon!"Si Rose ay mukhang nabahala. "Paano mo nalaman na ang nanay mo ang babaeng personal kong hinanap para paglaruan ng tatay mo? Pumanaw na ang nanay mo, kaya paano mo nalaman?"Tinanong ni Sebastian, "Sa tingin mo ba may mga sikreto sa mundong ito na hindi mabubunyag kailanman?"Si Rose ay natulala."Nung nakahanap ka ng babae para sa asawa mo dati, naisip mo ba ang nararamdaman ng babaeng yun? Nung buntis ang babaeng yun sa anak ng asawa mo, kayong dalawa ay nagsama para sabihin sa kanya na siya ay nakasira ng pamilya, a
Si Sebastian ay kalmadong tumingin sa tatay niya. Ang tatay niya lalong nagkaroon ng ugali kamakailan. Sa nakaraan, ang tatay niya ay maingat kapag nakikipag-usap sa kanya. Simula nung siya ay ginulo ng hindi kilalang lalaki nang ilang beses, ang tatay niya ay naging arogante na. Pakiramdam niya ay nakakuha siya ng dumi kay Sabrina."Si Frost ay pamangkin ng madrasta mo! Siya ay isang kamag-anak! Ikaw, ang asawa at anak mo ay wala dito sa lumang bahay, kaya ang lahat ng apat na matatanda ay inaalagaan ni Frost. Masyado kang malupit para lang sipain siya ng ganyan!" Si Sean ay tumuwad para tulungang itayo si Frost.Si Sebastian ay kalmadong tumingin sa tatay niya. "Nandito ako para bisitahin si Lola ngayon. Pumunta lang ako dahil sinabi mo sa akin na hindi siya pupunta sa doktor kapag hindi niya nakita si Aino.""Ang lola mo ay may sakit dahil miss na miss niya na si Aino.""Kung alam mo naman pala yan, bakit hinaharangan mo pa rin kami dito sa pinto?" tanong ni Sebastian.Si Frost
Tumigil muna siya sandali bago sinabi ni Sean, "Tatanungin ko si Old Master Shaw."Matapos na sabihin yun, agad na nilabas ni Sean ang phone niya at tinawagan si Old Master Shaw. Sa kabilang dulo ng linya, si Old Master Shaw ay mabilis na sinagot ang tawag. Ang tono niya ay tumanda na. "Sean..."Ang tono ni Sean ay hindi talaga kaaya-aya. "Uncle Shaw, nilantad mo...ang sikreto natin?"Sa kabilang dulo ng linya, ang tono ni Old Master Shaw ay pagod na pagod. "Sean! Sa mundong ito, ang lahat ng bagay ay ginawa kasama ang langit bilang saksi. Kahit na hindi ko sabihin ang tungkol sa nangyari sa buong buhay ko, hindi ito mananatiling nakatago dahil marami pa ring mga tao ang nabubuhay sa Star Island."Tanong ni Sean, "Anong ibig niyong sabihin?"Nagpatuloy si Old Master Shaw, "Hindi lang may mga nakatira sa Star Island, pero nandiyan pa rin ang Payne family. Ang ganitong klaseng sikreto ay hindi kailanman maitatago, Sean."Tanong ni Sean, "Old Master Shaw...ano pang ibang sikreto ang