Ang ekspresyon ni Old Master Shaw ay napuno ng hindi maipintang itsura na parang gusto nitong pumatay.Nakikita niya ito. Kahit papaano, ang itsura ng bata ay sobrang kapareho ng kanya. Siya ay kamukha niya talaga nung bata pa siya. Sa kabutihang palad, wala pang nakakakita sa kanya nung bata pa siya sa kasalukuyan. Kung hindi, agad nilang malalaman ang katotohanan: na ang munting batang ito ay anak niya.Ang sama ng loob na nakasulat sa mukha niya ay halata.Nakikita rin ito ng guro. Hinila niya nang malakas si Gloria. Kung wala lang si Old Master Shaw, gusto niya na sanang sampalin ang bata dahil sinuway siya nito at ipinahamak pa siya.Nung oras na yun, napagdesisyunan na ni Old Master Shaw na, kapag naglakas loob ang munting batang ito na tawagin siyang tatay, agad niya silang ipapadala ng nanay niya sa malayo at liblib na lugar para hindi na sila makabalik sa South City kahit kailan.Pero, kahit na binitawan na ng guro si Gloria, hindi siya tinawag na tatay ni Gloria. Tumingi
Kung hindi, ipapadala niya sila pareho sa pinakamalayong probinsya.Paano naman niya ito hahayaang mangyari?Si Goldie ay nabahala. Sa malayong bayan sa probinsya, hindi lang edukasyon ng anak niya ang magkakaroon ng sagabal, ang sakit niya ay hindi rin magagamot.Agad naman niyang ipinangako kay Old Master Shaw na, simula bukas, ipapasok niya na si Gloria sa ibang eskwelahan.At ganun na lang, nung si munting Gloria ay puno ng pag-asa na makikita niya muli ang tatay niya sa malapit na hinaharap, siya nilipat naman sa ibang eskwelahan.Pagkaraan ng mahabang panahon, hindi niya na nakita ang tatay niya.Nakita niya na marami sa tatay ng mga kaklase niya ay pumupunta para sunduin sila paminsan minsan, naglalakad sa paligid at sumasakay sa balikat ng mga tatay nila.Pero hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na gawin ito kahit kailan.Siya ay sobrang naiinggit sa kanila.Pero hanggang doon lang ang hangganan ng emosyon niya. Kahit na naiinggit siya sa kanila, hindi siya nagreklamo.
Si Gloria ay pumayag na dumalo sa kaarawan ng bago niyang kaklase dahil para bang ang pangalan nito, na Jennie Gibson, ay pamilyar sa kanya...... Na para bang narinig niya na ito kung saan dati. Pero ang labindalawang taong gulang na bata ay hindi maalala nang eksakto kung saan niya ito nakita dati. Nakaramdam lang siya ng pagpapalagayang-loob sa babaeng yun.Nung oras na nakauwi siya ng bahay, sinabi niya pa sa nanay niya, "Ma, may isa akong kaklase na inimbitahan ako sa kaarawan niya. Mommy, gusto ko pong maghanda ng regalo para sa kanya."Si Goldie ay natuwa rin nang marinig niya ito. Wala na siya masyadong oras na natitira. Kaya niya nalang mabuhay hanggang sa maglabinlawa ang anak niya dahil sa sari-sari niyang gamot na nagkakahalaga ng higit sa sampung libong dolyar kada buwan, pinapanatili nito ang maayos na tibok ng puso niya. Binibilang niya ang kanyang mga araw habang lumilipas ang mga ito. Umaasa siya na mabuhay pa para makita ang anak niyang magtapos ng high school.An
Dahil hindi siya nagtanim ng sama ng loob sa puso niya, katulad naman, hindi rin siya nagkaroon ng mababang tingin sa sarili niya.Yun ang dahilan kung bakit kaya niyang sabihin nang tapat kay Jennie na wala siyang tatay. Si Jennie ay napaka maunawain naman sa sitwasyon ng kaibigan niya. Nung oras na yun, ang dalawang babae ay naging sobrang lapit na halos pwede na silang magsuot ng parehong pares ng pantalon!Mapagbigay na sinabi ni Jennie, "Okay lang yan, Gloria. Kahit na wala kang tatay na magmamahal sayo, sobra akong mahal ng tatay ko. Hindi lang ang tatay ko ang nagmamahal sa akin, ang tito at tita ko ay mahal na mahal din ako. Nagkataon naman, wala silang anak. Mamaya, kakausapin ko ang tito ko at sasabihin ko na kunin ka niya bilang inaanak. Siya ay sobrang bait na tao."At doon, lumiko na sila sa isang kanto. Nung oras na yun, nakita ni Gloria ang malawak na Shaw residence.Ang Shaw residence! Ang pagkakataon nga naman!Ang puso ni Gloria ay para bang nahulog sa ibabang pa
Daddy...” Matapang na tawag ni Gloria. Pero bago pa man din makasagot si Old Master Shaw, biglang sumigaw si Mrs. Shaw sa gulat, “Ikaw! Malandi kang babae ka! Ikaw pala! Hindi ko inakala.”was stunned into silence. “…”Hindi nakasagot si Gloria. Sa sobrang gulat niya, gustuhin niya man sanang magtago, hindi na siya nakaalis dahil halos hindi niya maihakbang ang kanyang mga paa. Halos bumaon ang matulis na daliri ni Mrs. Shaw sa noo niya. “Ikaw malanding babae ka! Pa…paano ka nakapunta dito?! Ah! Dahil sa gold digger mong nanay no? Sobrang inosente ng Jennie namin kaya nauto niyo siyang papasukin kayo!” Nanlisik ang mga mata ni Old Master Shaw kay Gloria, “Bastos ka! Paano ka nakapunta dito? Sino! Sinong nagpapasok sayo?!” “Dady, ako ‘to! Si Gloria… Anak mo. Diba palagi mo pa nga akong binabati na ang galing kong mag piano?” Humagulgol na sagot ni Gloria. Sobrang namiss niya ang Daddy niya. “Daddy…”“Umalis ka dito!” Napaupo si Gloria sa sipa ng isang lalaki na nasa fif
Muntik ng matanggal ang ngipin sa harap.Hindi niya rin alam kung paano siya nakauwi noong gabing yun, pero malinaw sakanya na galit siya sa nanay niya. Galit na galit. “Anak, may problema ba? Anong nangyari?” Sobrang nalungkot si Goldie nang makita ang nangyari sa anak.“Saan mo nakuha yang mga sugat mo? Nadapa ka ba? O may bumugbog sayo? Sabihin mo sa akin! Sinong gumawa niyan sayo?! Hindi ko ‘to pwedeng palampasin!”“Yung lalaki mo! Yung taong tinatawag kong tatay! Siya ang gumawa nito!” Galit na galit na sagot ni Gloria. Hindi makapaniwala si Goldie… Pagkalipas ng ilang minuto, bigla siyang umubo ng dugo at nahimatay. “Mommy! Mommy! Anong nangyari? Mommy? Sorry, Mommy! Sorry! Sorry kung ginalit kita! Mommy… gumising ka…”Kahit anong sigaw ng batang Gloria, walang nakakarinig sakanya. Niyakap niya ng mahigpit ang mommy niya at sigaw siya ng sigaw habang umiiyak. “Tulungan niyo kami! Tulungan niyo ang mommy ko…”Noong panahong yun, wala pa namang mga cell phone. Iyak si
Tumayo si Gloria sa harap ng bukana ng residente ng Shaw Family. Dalawang butler ang tumayo sa pinto na parang masusunuring gwardiya, pareho silang nakatitig sa fifteen hanggang sixteen-year-old na babae sa harapan nila. "Sino ang tinitingnan mo riyan!""Kailangan kong makuta si Mrs. Shaw." Kinagat ni Gloria ang labi niya at nagsalita sa pamamahiya. Kung hindi dahil sa kanya, hindi siya pupunta at magmamakaawa sa Shaw Family para sa tulong, pero mamamatay na ang mommy niya, kaya wala siyang magawa. "Hindi mo lang makikita si Mrs. Shaw sa kapritso mo! Umalis ka na!" Hindi rin man nag-abala ang mga butler na balingan pa ulit si Gloria. Kahit gusto niyang manghimasok, hindi pwede. Pero kapag umuwi kaya siya, haharapin pa rin niya na may parehong itsura ng desperasyon sa mga mata ng kanyang mommy ulit?Ang sixteen-year-old na si Gloria ay walang magawa kundi umupo sa bukana at maghintay. Akala niya hangga't maghintay siya hanggang lumubog ang araw, baka may isang lalaki na kahit pap
Natatakot siya na baka dugo iyon. Kailangan pa niyang alagaan ang mommy niya. Kailangan niyang mabuhay. Kapag namatay siya, ano nang mangyayari sa mommy niya?Ang fifteen hanggang sixteen-year-old na bata ay sapilitang nilunok ang puno ng dugo pabalik sa kanyang lalamunan. Kinagat niya ang kanyang labi at nanghihinang sabi, "Ang mommy ko...ang mommy ko ay mamamatay na. Bago siya mamatay, gusto niyang makita si... Mrs. Shaw. Sabi ng mommy ko... tungkol ito sa anak mo na namatay noong sanggol pa lang ito. Gusto niyang makita ka."Napatigil si Mrs. Shaw nang marinig niya ang mga sinabi ni Gloria. "Anong...anong sinabi mo?""Gusto kang makita ng mommy ko." Doon, tumakbo palayo si Gloria. Kung hindi, magsisimula siyang umubo ng dugo. Hindi niya gustong umubo ng dugo sa harap ng mga Shaw. Takot soya na baka pagtawanan siya at gawing bentahe pa iyon sa kahinaan niya. Sa gabing iyon, hindi siya umuwi dahil hindi niya gustong makita ng mommy niya ang ganoong estado, nabugbog ng ganito.