Nang tumingkayad siya, nakita niya ang mga security na tinatawag si Sebastian. Bumaba si Sebastian gamit ang elevator. Ang bata na suot ang isang floral pajamas ay nagmadaling bumaba gamit ang hagdanan sa oras nang sumara ang pinto. Si Aunt Lewis at Sabrina, na nasa likod niya, ay sinabi sa parehong oras, "Aino, anong ginagawa mo, Aino?"Nakababa na si Aino. Si Aunt Lewis, na matanda na, ay hindi makahabol. Nawala na ang lagnat ni Sabrina, pero nanghina ang katawan niya pagkatapos ng buong araw na lagnat kahapon. Hindi na siya makabawi pagkatapos lamang ng dalawang hakbang. Gayunpaman, nakababa rin siya. Nandoon din sina Yvonne at Ruth, na nakaupo sa sala. Sinundan nila ang mga ito sa ibaba, isa sunod ang isa pa. Ang bata na si Aino ay may maliksing bisig kaya sobrang bilis niya kapag tumatakbo siya. Tumatakbo siya sa harapan, at marami sa likod niya ang hindi siya kayang habulin. Pagkatapos ng ilang minuto, tumakbo si Aino sa gate ng lugar at nakita ang dosenang
Walang nasabi ang mga reporter.Ang mga reporter at mga nanonood sa labas ay natigilan lahat dahil sa mga salita ng munting bata.Ang munting bata ay may magulong buhok, dalawang itim na mata, maliit na bilugang mukha, at katabaan na hindi karaniwan sa isang anim na taong gulang na bata. Nakasuot siya ng bulaklaking pantulog at isang pares ng kunehong tsinelas na kulay rosas.Ang itsura niya ay sobrang nakakatuwa talaga.Siya ay cute at masunurin, at talagang napalambot nito ang puso ng mga tao.Ang munting bata ay tumingin nang inosente at seryoso sa mga reporter.Nang makita na hindi sila nagsalita, patuloy na sinabi ni Aino, "May lagnat ang mommy ko buong araw. Magigising ang mommy ko sa pag-iingay niyo dito sa gate. Ako ang anak ng mommy ko. May utang siyang bato sa inyo. Kaya kong magbayad para sa kanya."Walang nasabi ang mga reporter.Nung oras na yun, may isang tao sa grupo na yun ang hindi nakapagpigil at nagsalita ito."Ito ang unang beses na nakakita ako ng ganitong
Ang pulubi ay bahagyang umiwas ng tingin, tapos tumango ito. "Oo."Ang babae ay meron ding kaunting naaawang ekspresyon sa mukha niya. "Nakakaawa talaga para sa isang babae na maging pulubi at pagala gala sa labas. Napakaraming bagay sa mundo na hindi patas sa mga babae." Matapos tumigil sandali, sinabi niya, "Ang babaeng ito ay medyo masaya nung una. Narinig ko na pinakasalan niya ang pinakamayamang lalaki sa South City. Ito ang pinakamamahaling tirahan sa South City. Ang pamilya ng tatlo ay sobrang saya, pero nagkataon naman na kinaharap nila ang insidenteng ito."Tinanong muli ng pulubing babae, "Anong nangyari?""Narinig ko na ang kapatid niya sa labas ay may uremia at kailangan nito ng kidney transplant. Gusto nila ang mga bato niya, pero hindi siya pumayag, at kahit ang media ay pumunta para hanapin siya. Sinabi nila na wala siyang konsensya at tamad lang na nanonood habang namamatay ang isa."Tinanong naman muli ng pulubing babae, "Ito bang babaeng ito na pinipilit na ib
Sinundan ni Sabrina si Aino sa labas. Nagpasuray-suray siya sa harap ni Sebastian pero siya ay niyakap nito. Lumapit si Sebastian sa tenga niya at sinabi, "Sabrina, makinig ka. Tumalikod ka at bumalik ka agad. Wag mong hayaang makita ka ng mga reporter, at wag kang lalabas nang ilang araw. Ako na ang bahala sa problema ng mga reporter at pati na rin ang komento sa internet sa lalong madaling panahon." Pero, si Sabrina ay nakatingin sa anak niya nang may nanlalaking mata. Ang anim na taong gulang niyang anak! Ang inosente pero walang magawang tingin na yun. Ang sutil pero nakakaawang tingin. Ang malalaking bilugang matang yun ay puno ng luha, pero pinilit niya ang sarili niya na pigilan ito at wag hayaang tumulo ang mga luha. Siya ay nakaharap sa ilang dosenang mga reporter nang mag-isa. Siya ay bata pa. Siya ay anim na taong gulang pa lang! Gaano kalupit ang Diyos kay Aino? Narinig ni Sabrina si Aino na sinabi sa reporter, "Ang mga batong utang sa inyo ng nanay ko
"Anak, anak ko, Hindi... Hindi ako maglalakas-loob na makipagkita sayo.""Paano kita kikitain kung hindi presentable ang itsura ko?""Gusto lang kita makita galing sa malayo. Ayokong guluhin ang buhay mo. Anak ko..."Sa sandaling ito, hindi ito naririnig ni Sabrina.Tinakpan niya lang si Aino nang mahigpit sa mga braso niya.Sa oras na ito, sila Yvonne at Ruth ay dumating din. Silang dalawa ay pumunta sa magkabilang gilid at pinrotektahan si Sabrina na nasa gitna. Si Yvonne ay tumingin nang masama at nanlaki ang mga mata sa grupo ng mga reporter. "Tao ba talaga kayo?"Diretsahang sinabi ni Ruth, "Kapag may taong gusto ang bato niyo, papayag ba kayo? Isipin niyo muna ang lahat na parang nangyayari din ito sa inyo bago niyo gawin 'to!"Isa sa mga reporter ang ngumisi, "Ikaw si Miss Ruth Mann, di ba?"Tumawa si Ruth. "May isang tao palang alam ang pangalan ko!""Ang isa pang tao ay si Miss Yvonne Yates, tama ba?"Tinaas ni Yvonne ang ulo niya at tumingin sa reporter, "Anong gust
Sabi ni Sebastian, "Inutusan mo ba lahat ng mga reporter na 'yon?"Sa kabilang linya, matapat na inamin agad ito ni Old Master Shaw, "Tama ka, Sebastian. Takot sila sa'yo, pero depende pa rin ito kung sino ang nasa likod nila. Ako ang sumu-suporta sa kanila ngayon. Isipin mo 'to, simula 'nong bumalik ka mula sa Star Island, sino ang hindi nakakaalam sa South City na ako ang kasangga mo?""Tsaka, sino pa ang hindi nakakaalam na imposible para sa'yo, Sebastian, na ilapat ang mga kamay mo sa akin?""Kaya hangga't nasa likod nila ako, wala silang dapat katakutan.""Ang maulat ang makatas na balita tungkol sa direktor ng Ford Group at ang kanyang asawa, isa itong magandang oportunidad na minsan lang mangyari sa talambuhay nila. Ikaw at si Sabrina ay makatas na balita na mas may halaga pa kaysa sa mga artista sa pelikula!""Bukod pa 'ron, kapaki-pakinabang ang gantimpala na binigay ko sa kanila.""Tulad nga ng kasabihan, nagsasalita ang pera!"Kalmado pa rin si Sebastian nang marinig
Hindi nakapagsalita si Old Master Shaw. Tanong ni Marcus sa malamig at mahigpit na boses, "Lolo! Ang pagpatay ng kung sino ay isang tango lang para sa'yo! Bakit po ba ayaw niyong tumigil? May kinuha ba si Sabrina sa'yo?"Sabi ni Old Master Shaw, "Sumpil ka, nalinlang ka na niya! Simula ng araw na nilinlang ka niya at gumawa ng walang katapusang bagyo sa South City, kinamumuhian ko na siya at nandidiri ako sa kanya! Malandi siya, bakit hindi ko siya kakamuhian?"Umismid si Marcus, "Malandi, malandi, malandi! Pinanganak rin siya at pinalaki ng mga magulang niya. Sino ka para tawagin siyang malandi?!"Hindi nakapagsalita si Old Master Shaw. "Tsaka, lagi mong sinasabi na nilinlang niya ang apo mo, ako na apo mo. Pwede ko po bang tanungin, bobo ba ako o walang muwang?""Sobrang dali lang ba ako maloko para linlangin niya ako?""Kahit na nilinlang niya ako, tanungin na po kita, anong makukuha niya sa akin? Sabihin mo nga po sa akin.""Sinabi mo na ginayuma niya si Sebastian at inag
Malungkot na bumuntonghininga si Old Master Shaw, "Sino ang gusto mong i-sakripisyo kung ganoon? Siya lang ang halos kasing edad ni Selene at ang nag-iisang kapatid ni Selene. Tsaka, hindi naging maawain ang mga magulang ni Selene, kaya bakit kailangan kong maging maawain?""Kung kakaawaan ko si Sabrina, maliligtas ba ang buhay ni Selene?""Magnanakaw, magnanakaw ka!" galit na sigaw ni Marcus. Pagkatapos niyang sumigaw, agad niyang binaba ang tawag. Sa kabilang banda, galit na galit si Old Master Shaw na halos gusto niyang batuhin ang telepono niya!"Talagang nagre-rebelde na siya sa akin at wala nang respeto sa nakakatanda!" pagalit na utas ni Old Master Shaw. Si Selene, na nakahiga sa hospital bed, ay nagpanggap na naiintindihan niya at inalu si Old Master Shaw, "Lolo, siguradong kasama ni Sabrina ang pinsan ko, hindi ba?"Pagkatapos magtanong, miserable siyang ngumiti, "Hindi ko po alam kung bakit, pero hangga't kasama ni Sabrina ang mga lalaki sa South City, agad silang nal