Nang sinabi iyon, biglang bumugso ang mga luha ni Selene. "Lolo, narinig ko rin po na maaring kapatid ko sa labas si Sabrina."Hindi po maganda ang kilos niya sa tuwing nasasali siya sa mga lalaki noong nasa kolehiyo siya, at muntik pa siyang makapatay dahil dito. Pagkatapos niyang makalabas sa presinto, nakikita mo pa rin po kung ilang mga tao ang nasira niya hanggang ngayon. "Lolo, ang mga taong gaya niya ay kaya nang mamuhay ng mapayapa, pero paano naman po ako?"Nakaramdam ng awa ang matandang Master Shaw. "Selene... Apo ko."Sa tuwing mas lalong umiiyak si Selene, mas lalo siyang nalulungkot. "Pakiramdam ko ay tulad lang ako ng aking ina, pinanganak kami para mabuhay ng maikli."Namatay ang aking ina noong nasa edad niya ako. Kung wala tayong mahanap na kapareha... magiging ganoon din ako..."Miserable siyang ngumiti, tapos ay pinagpatuloy niya, "Mas maayos din ang paraang ito. Pwede akong sumunod at samahan ang mama ko sa ganitong paraan. Nahirapan ang mama ko noong pinang
Si Sabrina at Sebastian na pupunta na sana sa trabaho ay nagkatinginan sa isa't-isa.Pagkatapos ng ilang saglit, sinabi ni Sabrina, "Tawagan mo si Marcus, at tanungin mo kung anong uring sakit mayroon ang matandang Master Shaw?"Kahit na sobrang kinamumuhian ni Sabrina ang matandang Master Shaw, alam niya rin kung gaano siya ka-importante kay Sebastian. Nang nasa harapan na siya ni Sebastian, napuksa ni Sabrina ang lahat ng sama ng loob sa kanyang puso na naramdaman niya sa matandang Master Shaw. Tumango si Sebastian. Kinuha niya ang kanyang telepono at tinawagan si Marcus. Sa kabilang banda, mabilis na sinagot ni Marcus ang tawag. "Pasensya ka na, Sebastian. Naging abala ako noong nakaraang araw. Hindi rin ako makapunta sa airport para sunduin ka noong nakabalik ka mula sa Star Island."Sa katotohanan, hindi talaga abala si Marcus noong oras na iyon. May pina-plano siya laban sa matandang Master Shaw sa mga araw na iyon. Pagdating sa usapin ng Star Island, matatag na nanini
Walang nakakaalam kung anong nangyayari. Pero, mabilis pa ring hinawakan nina Sabrina at Sebastian ang mga kamay ni Aino at dinala siya sa baba. Nang nakababa na sila at nakita si Kingston, sinabihan ng mag-asawa si Kingston na ihatid si Aino sa kindergarten. Pagkatapos 'non, personal na nagmaneho si Sebastian sa ospitak kasama si Sabrina. Ilang sandali, nakakaramdam pa rin ng pagsisisi si Sabrina sa kanyang puso. Iniisip niya sa kanyang puso, kung mamamatay ba ng ganoon ang matandang Master Shaw, siguradong bubuti ang pakiramdam niya, pero paano naman ang kanyang ina?Maaring buhay pa rin ang kanyang ina. Hindi pa rin kayang sabihin ng kanyang ina kahit na isang salita tungkol sa tunay niyang ama, kaya magiging patas kaya ito para sa kanya?Hindi alam ni Sabrina. Sa pagkakataong iyon, hindi maikumpara ang halu-halong emosyon ni Sabrina. 'Ma!'Ma, bakit hindi ka pa rin po nagpapakita sa harapan ko?'Ma, bakit ka po ba talaga nagtatago sa akin?'Ma, ikaw po ba 'yan?'Ang
"Niloloko mo ba ako?" akala ni Sabrina ay niloloko siya ng mga tenga niya. Kung hindi man, paano niya nagawang makarinig ng isang nakakatuwang bagay?Galing pa talaga ito bibig ng matandang Master Shaw. Sobrang nandidiring tumingin ang matandang Master Shaw kay Sabrina. "Kapatid mo si Selene! Tunay mong kapatid. Alam ko na ang tungkol dito noon pa, pero ngayon ko lang din nalaman na talagang magkapatid kayo!"Ikaw ang mas nakakatanda. May dalawang agwat ng taong tanda ka kay Selene! Kalimutan na natin na hindi mo alam kung paano maging mabait sa kapatid mo simula pagkabata. Pagkatapos mong lumaki, kinukuha mo pa rin ang lahat nang kanya. Hindi ka kailanmang umakto bilang ate sa kanya!"Sa sobrang galit ni Sabrina ay natawa siya. Sa sobrang galit niya ay halos mapanganga ang bibig niya at hindi makapagsalita, at hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Sa katotohanan, wala siyang sapat na oras para i-proseso ang napakalaking dami ng impormasyon. Kailangan ni Selene ng kidney t
Sa puntong ito, hindi kaya ni Jade na may mangyaring kung ano sa kanya. Kung may mangyayari man sa kanya, sino na ang magliligtas sa anak niya?Gayon pa man, ito ang bagay na dapat pagdesisyunan ng matandang Master Shaw sa ngalan ni Selene. Nang nakita niyang umaatras si Jade, umismid si Sabrina at tumingin ulit kay Lincoln. "Ikaw din, Lincoln Lynn. May putol ka nang daliri, kaya hinihiling mo pa bang maputol 'yang buong kamay mo?"Sabi ni Lincoln, "Ikaw..."Gayunpaman, sobrang tumutulo ang mga luha ni Sabrina sa pagkakataong ito. Dalawampu't pitong taon. Sa buong dalawampu't pitong taon!Ang makitang umiiyak si Sabrina nang walang tigil, si Marcus, na nasa likod niya, ay hindi mapigilang punahin siya, "Sabrina..."Sobrang mapanuyo ang boses niya. Kahit ang mga magulang niya, na iba sa bagay na ito, ay hindi rin mapigilan si Marcus sa pagkakataong ito. Sa oras na ito, masasabi ng kahit na sino. Ano bang tawag dito?May nagkasakit at kailangan ng kidney transplant, kay
Napatigil si Lincoln sa tanong. Mas lalo pang nagtipon ang mga luha ni Sabrina sa kanyang mga mata. Naluluha siyang tumingin kay Lincoln. "Tito Lynn, simula noong pumunta ako sa pamilya Lynn noong labindalawang taong gulang ako, kinupkop mo ako. Tito Lynn, ilang beses mo pong sinabi sa akin na pinalaki mo ako sa loob ng walong taon! Sa loob ng walong taong iyon, malaki ang utang na loob ko sa gastusin ng pagpapalaki sa akin at sa mga pangunahing pangangailangan!"Sinabi ni Lincoln nang may sama ng loob, "Hindi ba ito ang kaso?"Umiiyak at tumatawa si Sabrina sa parehong oras. "Kung ako po talaga ang anak niyo, at pinalaki mo lang ako sa loob ng walong taon, kung ganoon ay hindi mo ba naisip na ikaw ang may utang sa akin?"Hindi nakapagsalita si Lincoln."Anak mo po ako! Kung ganoon ay anong ginagawa mo bago ako mag-labing dalawang taon? Sa oras na kailangan ko ng ama bago ako mag-dose, nasaan ka?"Hindi pa rin nakaimik si Lincoln. "Oh, tama! Kahit na pagkatapos kong maglabin
May oras na direktang tinatanong ni Lincoln si Sabrina, "Dahil ikaw na rin ang nangangalaga ng bahay, anak na kita. Payag ka ba na tawagin akong Papa?"Sa oras na iyon, kahit si Sabrina, na siyang labingdalawang gulang at sobrang natatakot sa kanya, ay pinuksa ang kanyang takot at tumingin sa kanya. "May sarili na po akong ama. Ang apelyido ng aking ama ay Scott, at kakamatay niya lang!"Sa oras na iyon, galit na galit si Lincoln kaya tinaas niya ang kanyang kamay at malakas na sinampal ang mukha ni Sabrina. Ang mga ngipin ni Sabrina sa dulo ay halos matanggal. Kaya, kahit na natatanggal ang ngipin ni Sabrina, wala man lang ang nag-abalang ipatingin ang ngipin ng isang labindalawang taong gulang na bata. Maga ang kalahating mukha niya ng ilang araw hanggang sa nahulog na nang tuluyan ang ngipin niya. Hanggang ngayon, wala pa rin ang ngipin ni Sabrina sa kaliwang bahagi ng kanyang ngipin kung nasaan talaga iyon. Kinamuhian lang siya ni Lincoln sa hindi pagtawag niya ng Papa sa
Hindi nakapagsalita si Lincoln. Bumuhos ang mga luha sa mukha ni Sabrina. Kung alam niya lang noon pa na ama niya si Lincoln. Gusto niya ring tanungin si Lincoln harap-harapan kung bakit sobrang sama nito sa kanya?Gayunpaman, habang lumilipas ang oras, mas tumatagal ang panahon, ay mas lalo lang siyang nadidismaya, kaya ayaw na niyang magtanong pa.Kalaunan, namatay ang ina niya sa hindi likas na sandi, at hindi pa rin alam ang kalagayan niya. Napilitan din si Sabrina na tanggapin ang mga sisi at pumunta sa presinto. Sa karagdagan, kailangan niyang magtago kahit saan kalaunan at hinahanap siya ni Lincoln ng mahabang anim na taon. Ang lahat ng iyon ang nagpadismaya at nagpasama ng loob ni Selene. Malalim ang galit nito. Hindi na siya umaasa na tatanggapin siya ni Lincoln sa talambuhay na ito. Kung gagawin niya man, hindi na rin siya kikilalanin ni Sabrina.Gayunpaman, hindi na iniisip ni Sabrina ito kahit na anong mangyari, na sa isang taon na nag-dalawampu't pitong taon