Share

Chapter 3

last update Last Updated: 2021-05-06 15:17:37

Friend

“Sa'n ka nanggaling?” tanong ni Driana sa kapatid habang magka-krus ang mga braso. She scanned Heather from head to toe. “Is that a man's polo? What the hell happened to you?” Her face is contorted with disgust.

Sa isiping iba ang laman ng isip niya, kaagad na ipinaliwanag ni Heather ang sarili, “Natapunan ako ng iced coffee, pinahiram muna no’ng nakasagi sa ‘kin ang polo niya.”

“Oh tapos? ‘Yun lang? ‘Di mo man lang pinagbayad or something?”

“Hindi,” sagot niya.

“Bakit hindi?!” napaatras si Heather nang tumaas ang boses niya.

“Because it's not a big deal?” patanong niyang saad.

“Not a big deal? Napahiya ka sa harap ng maraming tao tapos, not a big deal?” singhal ng kapatid sa kaniya. Nagsalubong naman ang kilay ni Heather. Gulong-gulo kung anong kinagagalit ng kapatid. She honestly don't know where their conversation is going.

“Hindi naman sinasadya nu’ng tao—”

“Kahit na,” putol ni Driana sa sasabihin niya. “You're a Dela Cerna. Kahit anak ka sa labas, nananalaytay pa rin sa dugo mo ang pagiging Dela Cerna. And you know how a Dela Cerna should act. Not just prim and proper but also, fierce. Walang mahina na Dela Cerna. Ayusin mo 'yang sarili mo para naman mabawasan ang kahihiyang dulot mo.” Salubong ang kilay nito na nilagpasan si Heather.

She feels bad. Whether she likes it or not, Heather is her sister and she hates when people laughs at her family.

Sinundan siya ng tingin ni Heather. Anong problema no'n? Simpleng bagay lang ang hilig niyang palakihin, sa isip-isip ng dalaga.

Dumiretso si Heather ng kwarto at nagpasiyang maligo. She feel so sticky so she really needs a bath. Amoy kape na rin ang balat niya.

Inilagay niya sa hanger ang polo na ibinigay ng lalaki. She tsked. Hindi niya pala naitanong ang pangalan nito. Paano niya ito mahahanap ngayon?

Kumuha siya ng mga gamit at sabon pang-laba. Mabuti naman at hindi na nagtanong si Yaya Belen nang makita siya nitong may bitbit na palanggana.

Heather immediately washed the polo. Marunong siyang gumamit ng washing machine and it's more convenient pero mas maganda pa rin para sa kaniya kung hand washed.

Nang matapos itong labhan, ibinalik niya ito sa hanger at pinatuyo sa balcony ng kaniyang kwarto. Then, Heather spent the next hours watching a movie.

“Heather, hindi ka ba kakain?” tanong ni Yaya Belen nang makapasok siya ng kwarto para maglinis.

“Hindi po muna, Yaya. Magle-late lunch po kami ni Aidan mamaya. Magkikita po kami,” sagot ni Heather habang nakatingin sa TV at nakasandal sa headboard ng kama.

“Late lunch? Anong oras naman? Baka malipasan ka ng gutom niyan,” nag-aalalang wika ng ginang.

“Alas-dos po, Yaya,” she answered.

Naka-pamaywang na hinarap siya ni Yaya Belen. “Ano? Late na 'yun ah?”

“Yaya, kaya nga po late lunch kasi late na,” natatawang wika ni Heather saka tumingin sa relo. “Shocks, ala-una na pala!” Nagmamadali siyang tumakbo patungong closet para magbihis.

Heather wore a blue dotted dress this time. Above the knee ang haba niya na pinaresan niya ng puting sneakers. She tied half of her hair and let the rest down. Inayos rin niya ang side bangs at naglagay ng kaunting make-up.

“Yaya, I have to go na po. One-thirty na pala.” Kinuha ni Heather ang sling bag at susi ng kotse saka nagtungo ng garahe.

“Let me guess, pupuntahan mo ang boyfriend mong walang kwenta.” She tsked. “How about you find a job? That's much better, right? Instead of flirting with your boyfriend who clearly doesn't have time for you.” Hindi na lang siya pinansin ni Heather at nagtungo na sa kotse niya. While Driana shook her head. Iniisip niyang masyadong bulag si Heather sa pagmamahal niya kay Aidan, na halos araw-araw siya na lang ang bukambibig nito.

Kaagad naman siyang nakarating dahil ‘di na masyadong traffic.

Tinext niya kay Aidan ang café na napili. It's the café where they first met. Noon pa man, madalas na nila iyong puntahan dahil napaka-memorable ng lugar na ‘yon. Tsaka, may favorite spot sila roon. Iyong puwesto kung saan hindi sila masyadong kita ng mga tao.

Bumagsak ang balikat ni Heather nang makitang may couple na naka-upo na roon. At halatang kaka-upo lang din nila. Kung hihintayin pa sila ni Heather, baka dumating na si Aidan no’n at sila ang walang maupuan.

Wala siyang choice kundi maupo sa isang upuan na malapit sa glass window. Iyon lang kasi ang bakante. Punuan ang café.

Nang makaupo si Heather, she texted Aidan, ‘Nandito na ako. What time ka makakarating?’

Inilapag niya ang cellphone sa mesa at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. It took Aidan 12 minutes before he replied. Yes, she has been counting.

‘Still at the fan meet. Mukhang matatagalan kami rito. Ang daming fans na dumating.’

Nakaramdam si Heather ng kahungkagan sa reply ng kasintahan. The same time her stomach growled. She looked at the time. It's already 2:39. Way past lunch time.

She sighed and decided to order a sandwich and a fruit shake. Ito na lang muna ang kakainin niya para may space pa ang tiyan niya sa kakainin nila ni Aidan mamaya pagdating nito.

Heather looked around while eating. The customers were mostly couples. Nagsusubuan, nagtatawanan, nagkukwentuhan. Parang siya lang yata ang mag-isa.

Napatingala si Heather sa TV monitor ng café nang ipakita roon ang isang footage ng nangyayari sa fan meeting ng CaiDan.

Totoo nga ang sabi ni Aidan. Ang daming tao. Dinumog ang fan meeting nila. Cali and Aidan are in front of the stage. Magkahawak-kamay habang kumakaway sa fans.

“Those two really look good together. At parehong single. Kung ia-announce nila sa lahat na may relasyon sila, paniguradong lalo silang sisikat,” kumento ng isang babae sa likuran ni Heather.

“Aw, look at them. They look like they're made for each other,” sabi naman noong isang nasa harapan niya na kinakausap ang babaeng kaharap nito. “Hiling ko talaga na sana magkatuluyan sila. I've seen some clips of them off-cam and walang-wala iyon sa closeness at sweetness nila sa mga movies.”

“Baka naman totoong may relasyon sila kaya gano’n?” sabi naman ng kausap niya.

“I don't know. Pero sana tama ka.” Impit na tumili ang babae.

Heather’s eyes settled on Cali and Aidan’s intertwined hands. They're right. They look perfect together. Sino nga ba siya para guluhin iyon? She may be a Dela Cerna but that doesn't make her worthy of Aidan. Ate Driana is right. She can't even find herself a job. Isa siyang kahihiyan ‘di lang sa pamilya kundi pati na rin kay Aidan.

Must be the reason why he never told everyone the truth. Kahit sana aminin niya man lang na may non-showbiz girlfriend siya, ‘di niya magawa. Siguro dahil ‘di ako sapat para sa kaniya. ‘Di kami bagay. Ani Heather sa sarili.

‘Di niya namalayang umiiyak na pala siya. Kung hindi lang siya napakusot ng mata, ‘di niya mapapansing basa na pala ng pisngi niya ng luha. Dali-dali iyong pinunasan ni Heather at itinuon ang atensyon sa pagkain. Pinilit niya iyong ubusin kahit nawalan na siyang gana.

Sa tingin ni Heather, kahit kailan hindi siya masasanay sa mga kumento ng mga tao. Lagi't lagi siyang masasaktan. But no one will know that she’s hurting. They don't even know she exists. Nilinaw ni Aidan sa lahat na wala siyang girlfriend. So kung magpapakilala man siya, kahihiyan at eskandalo lang ang aabutin niya.

There really are times that she’s being like this. Just plain sad with everything. Naiintindihan man niya ang sitwasyon nila, pero hindi ibig sabihin no’n na hindi siya nahihirapan. It hurts her every time people would give sweet comments to Cali and Aidan. Sasabihin ng ibang tao sa mga kagaya niya na dapat masanay na siya pero hindi. Dahil napakahirap no’n gawin.

Tumunog ang cellphone ni Heather. Mabilis niya iyong sinagot nang makitang si Aidan ang tumatawag.

“Aidan—“

“Bakit diyan ka nakapuwesto?”

Napalingon-lingon si Heather sa paligid at nakita niya si Aidan na nakasandal sa railing ng Mall. Nakatalikod ito pero alam na alam ni Heather ang likod niya. He's wearing a gray hoodie.

“May nakaupo na kasi sa usual spot natin. Alangan namang paalisin ko.”

“Heather, I just got off from a fan meet. My face is everywhere. Baka may makakilala sa’kin,” mariin niyang sabi. Kinagat ni Heather ang labi.

“N-Naka-hoodie ka naman ‘di ba?”

“I don't wanna risk it. Next time na lang tayo magkita.” Napatayo siya sa sinabi ni Aidan.

“Hindi. Pupuntahan kita—“

“Heather, please don't. Baka may makahalata sa ‘kin.”

Humarap si Heather sa glass window kung saan nakatalikod si Aidan. Namuo ang luha sa gilid ng mata niya.

“K-Kailan kita makikita ulit?” nabasag ang boses niya. She heard his deep sigh.

“Ganito na lang, kakausapin ko si Miss K na bigyan ka ng ticket para sa TV guesting namin ni Cali next week.”

“But I want to see you now. Gusto kitang makasama, Aidan. Makayakap,” bulong ni Heather habang pinagmamasdan ang likod ng lalaking mahal niya. Nanginginig ang mga labi niya. Gusto niyang takbuhin ang distansiya nilang dalawa. Kayang-kaya niya iyong gawin pero hindi puwede dahil malaki ang tiyansang may makakilala kay Aidan at masisira ang imaheng iniingat-ingatan nito. Daig niya pa ang kabit na nagtatago sa asawa.

“Heather, we can't meet. Ang daming tao sa café, oh. May makakakilala sa ‘kin panigurado.”

“Eh ‘di sa ibang lugar,” pagpupumilit niya.

“I only have fifteen minutes. Pinapatawag kami ng President ng entertainment.”

“That's enough for me.” It's not enough for me, damn it! She hissed on her mind. Minahal niya si Aidan dahil isa sa mga katangian nito ang lagi siyang binibigyan ng oras. She was one of his priorities. Hindi siya sanay na hindi napagbibigyan ni Aidan. Dati-rati, humahanap ito ng paraan so that they could spend time together. Bakit pakiramdam niya, hindi na ngayon?

“Fine. Doon na lang tayo magkita sa basement parking,” aniya saka ibinaba ang tawag. Heather quickly gathered her things saka dali-daling lumabas ng café.

Nakita niyang lumiko si Aidan para sumakay ng elevator. Ganoon din ang ginawa niya pero sa kabilang elevator siya sumakay.

Sobrang bilis ng tibok ng puso niya nerbyos at pagkahingal sa ginawang pagtakbo. Bakit pakiramdam ni Heather sa pagkakataong iyon ay kasalanan ang makipag-relasyon kay Aidan? Na isa siyang pagkakamali ng kasintahan. Siya ang girlfriend pero siya ang nagtatago.

Sinundan niya si Aidan hanggang sa tumigil ito sa madilim na parte ng parking. Sinugod niya ito ng yakap. Aidan was stunned when Heather did that pero kaagad niya naman iyong tinugon. Unti-unting nagsi-patakan ang mga luha ni Heather.

“Hey, what's wrong?” he asked her while softly rubbing her back. Umiling si Heather.

“I just miss you,” naiiyak na sabi ni Heather.

“Sorry kung madalas akong wala sa tabi mo,” bulong ni Aidan saka niyakap si Heather ng mahigpit. “Alam ko ang paghihirap mo sa kamay ng Mommy at Ate mo pero wala ako para damayan ka,” bakas ang lungkot sa tono niya. “Tapos tinataboy pa kita ngayon.”

Gustong kastiguhin ni Heather ang sarili dahil sa pagdududang naramdaman niya kanina. She was wrong. She was very wrong. Bakit niya ba inisip ‘yon? Apat na taon na sila ni Aidan. Dapat ay nagtitiwala siya rito.

“I understand.” Kumalas siya sa yakap at hinawakan ang magkabilang pisngi ng kasintahan. “I am not asking for all of your time. Gusto ko lang na magkaroon ka ng oras para sa ‘kin. Kahit twice or thrice a week lang. Gaya ng dati, noong hindi pa kayo loveteam ni Cali. She's just part of your work. Panigurado namang makapaghihintay siya. Ako, girlfriend mo ako and I need you. Especially now that my bratty Ate is back.” Driana lived in her own condo during her college years. Ngayong isang taon na lang at gagraduate na ito, nagpasya itong bumalik na ulit sa bahay nila.

“I understand that you are afraid of your sister and what she can do because of what happened before. Naiintindihan ko rin na kailangan mo ng masasandalan ngayon. Which is why I've been telling you to find yourself a friend.” Pinunasan niya ang basang pisngi ni Heather. “May mga oras na wala ako sa tabi mo dahil sa trabaho ko. Gaya na lang ngayon. And if I'm not here, at least, kapag may kaibigan ka, may iba ka pang malalapitan, masasabihan ng mga nararamdaman mo. You can't be alone forever," wika ni Aidan habang pinakatitigan siya ng maigi. It’s like he wants her to fully understand what he's saying. He doesn't want her to depend on him. But Heather is quite hard-headed when it comes to that matter.

“I'm not alone. I have you,” she said in a low voice.

“Pero iba pa rin 'pag may kaibigan, hindi ba?” malumanay niyang wika.

Heather sighed and slowly nodded. “I'll try.”

“That's more than enough for me,” he said and smiled sweetly. Their talk was disturbed by the loud ringtone of his phone. At dahil madilim, madaling nakita ni Heather ang pangalang nakasulat sa screen. Her mood turned sour.

Cali calling...

“I have to go,” anunsyo niya at umambang aalis pero hinablot ni Heather ang braso niya.

“Pwede bang five minutes pa? Makapaghihintay naman siguro si Calista hindi ba?”

“Heather, kaya ako tinatawagan ni Cali ay dahil hinahanap na ako ni Miss K.” Si Miss K ay ang manager nila. “I asked her to look out for me. Tumakas lang ako. Please don't be so hard on her. She's my friend too,” paliwanag ni Aidan.

With the thought na tumakas ito para lang makita siya, binitawan siya ni Heather.

“Okay, take care.”

Aidan hugged her one last time and kissed her forehead. “Ikaw rin,” he whispered and gave her a peck on the lips. “Sasabihin ko kay Miss K na dalawang ticket ang ibigay sa ‘yo. Isama mo ang kaibigan mo. I'll call you later,” pahabol niya pa. Tipid lang na ngumiti si Heather while waving her hand. Nang ‘di niya na ito matanaw ay saka lang siya umalis sa pinagtataguan nila.

Related chapters

  • Picturesque Mistake   Chapter 4

    Job Habang tumatagal, palala ng palala ang sitwasyon. Palala rin ng palala ang pagtatago nila ni Aidan to the point na hindi na sila nakakapagkita sa isang linggo. And in that one week, nagtanong-tanong si Heather ng mga trabaho na pwedeng pasukan. Naghanap din siya sa internet, sakaling suwertehin. “Anong ginagawa mo?” Driana's voice enveloped her ears. Nag-angat ng tingin si Heather sa kaniya. As usual, naka-cross arms na naman si Driana habang magkasalubong ang kilay. “Naghahanap ako ng job vacancies sa internet,” sagot niya. Mas lalong nag-dikit ang kilay ng kapatid saka may ihinagis na folder sa kaniya. “A-Ano 'to?” tanong ni Heather habang binubuksan ang folder. Limelight Publishing Company “Huh?” naguguluhan siyang tumingin ulit sa Ate Driana niya. “Ano 'to, Ate?” She rolled her eyes. “Ni-refer kita sa kaibigan kong n

    Last Updated : 2021-05-06
  • Picturesque Mistake   Chapter 5

    Come “Okay na ba ‘yang in-order mo? Pwede ka pang magdagdag. Don't worry, it's all on me,” sabi ni Primo nang mapansing kaunti lang ang pagkaing inorder ni Heather. “Nah. It's okay. ‘Di naman ako masyadong malakas kumain,” she answered as I looked around. They’re in a karinderya right now. Medyo magulo at matao but it's cool. Umaalingasaw ang bango ng iba't ibang pagkaing niluluto. Hindi first time ni Heather kumain dito pero napakatagal na rin mula nang huling siyang nakapunta. “Kaya pala ganiyan ang katawan mo.” Heather glanced at him. “Bakit? Ano'ng meron sa katawan ko?” “You're too...skinny,” he said while looking at her from head to toe. Both of her brows raised. “In my vocabulary, it's called sexy.” “Pwede ka pa rin namang maging sexy kahit ‘di ka payat. Depende ‘yan sa tumitingin. Ate!” Nagsalub

    Last Updated : 2021-07-25
  • Picturesque Mistake   Chapter 6

    Special Friend “Woah. So this is Whiz Entertainment,” manghang bulong ni Primo habang dinudungaw ang napakalaking building sa harapan nilang dalawa. “Actually, that's just the entrance building. Sa likod ng building na 'yan ay may ilan pang gusaling nakatayo. Like a compound,” kuwento ni Heather habang pinagmamasdan ang ekspresyon niya. He looks like a kid who went to an amusement park for the first time. She finds it amusing. “Eh, anong mayro’n sa building na 'yan?” kuryoso niyang tanong habang tinuturo ang entrance building ng Whiz. “Hmm, as far as I know, diyan idinaraos ang mga press conference, signing of contracts, interviews, and many more. Tsaka sa pinakatuktok, nandoon ang opisina ng mga talent scouts and managers,” tugon ni Heather sa kaibigan. Tumangu-tango si Primo at nagtanggal ng seatbelt. Ganoon din ang ginawa ni Heather. Umamba siyang bubuksan ang

    Last Updated : 2021-10-20
  • Picturesque Mistake   Chapter 7

    Tagaytay“So, special friend, huh?” Kapapasok pa lang ni Heather ng bahay nang harangin siya ng kapatid at nanunuyang nagtanong. “I don't have time to argue with you, Ate,” pagod niyang wika saka nagtungo sa kuwarto.Hinagis niya ang bag sa kama saka pabagsak na nahiga roon. Kumuha siya ng isang unan at itinakip sa mukha niya. Doon niya isinigaw ang lahat ng sakit at galit na nararamdaman.It hurts. It hurts so damn much. Pero magkagayon man, hindi sumagi sa isipan niya ang hiwalayan ang kasintahan. Masyado niya itong mahal to the point na kaya niyang tiisin ang lahat ng sakit.“Kung makaiyak ka riyan, akala mo naman katapusan na ng mundo. Relax, special friend pa lang naman si Cali eh,” nanunuyang sabi ni Driana na nakapasok ng kwarto ni Heather nang 'di namamalayan ng huli.“Ate, puwede ba? I told you, wala a

    Last Updated : 2021-11-02
  • Picturesque Mistake   Chapter 8

    Orient“Hi! Ikaw si Heather?” a short-haired girl greeted her pagkapasok na pagkapasok niya ng Limelight. “I'm Giselle, 'yung dating sekretarya ni Miss Lemin,” pakilala niya sabay lahad ng kamay.Tinanggap niya iyon bago siya nginitian ng matamis. “Nice to meet you.”“Likewise.” Giselle shrugged. “Anyways, I'll give you a tour around the company habang pinapaliwanag ko kung ano mismo 'yung gagawin mo,” aniya habang naglalakad sila. “Dito tayo,” turo niya sa elevator at sabay kaming sumakay doon.Inabot sila ng ilang oras sa paglilibot. Limelight Publishing Company is indeed substantial. Bawat floors ay iba't ibang department. Everything and everyone is well-organized. Napaka-propesyunal ng lahat.“This floor is for the Entertainment and Business Magazine. Hinati sa dalawa ang floor kasi malawak naman. A

    Last Updated : 2021-11-03
  • Picturesque Mistake   Chapter 9

    Lies"So, what's his name?" pukaw niya sa atensiyon ni Heather nang mapansing parang natulala ito."Ahm, his name is. . .M-Marcus." No one knows Aidan's second name right? Maliban sa malalapit niyang kakilala, wala na."Marcus?" Tumaas ang kilay bi Primo na para bang nag-aantay ng karugtong."Marcus. . .Rodriguez." I am seriously going to hell for lying!"Marcus Rodriguez. . .nice name. I bet he's nice too," kumento niya."He is nice." To everyone actually. Minsan sumosobra pa nga."If he's nice, dapat siya ang naghahatid sa 'yo,” he pointed out."I told you, he's busy with work," ulit ni Heather sa palagi niyang sinasabi sa kaibigan."Kahit na." He tsked. "Kung ako ang boyfriend mo, hahanap ako ng oras para maihatid kita. I don't care if it ruins my schedule, what matters is your security.

    Last Updated : 2021-11-04
  • Picturesque Mistake   Chapter 10

    DateNagising si Heather sa sunod-sunod na katok mula sa pintuan ng kaniyang kwarto. “Sandali lang!” she yelled. Umupo siya sa gilid ng kama at sinuklay ang magulong buhok bago nagtungo sa pintuan.“Yaya, ano pong problema?” tanong ni Heather sa kasambahay habang naghihikab.“May bisita po kayo, Ma'am,” nangingiti nitong sabi.This early? “Huh? Sino naman?” Heather almost groaned because she’s still sleepy.“Si Sir Aidan po, Ma'am,” kinikilig na sagot ng kasambahay.Pakiramdam ni Heather ay biglang nawala ang lahat ng antok at katamaran niya nang marinig ang sinabi nito. “S-Seryoso ka ba, Yaya?” hindi makapaniwalang tanong ni Heather.Mabilis siyang tumango. “Opo! Nasa sala po siya, naghihintay sa inyo.”Mahina siyang napamura sa

    Last Updated : 2021-11-05
  • Picturesque Mistake   Chapter 11

    Fake it“W-Why are you telling me this?” nauutal na tanong ni Heather. Hindi kaya, alam na ni Primo na siya iyong nasa picture? Kahit kinakabahan, sinalubong niya ang tingin nito. He looked innocent.Primo swiped again and Heather saw the next picture. This time, she was waving the tickets on Aidan who's leaning on the cinema's wall. Suot niya pa rin ang bucket hat pero halata ang pagngiti niya.He swiped again and another picture came out. Iyon iyong sa sinehan. Nakasandal si Heather sa balikat ni Aidan. Ang sumunod naman ay no'ng tumalikod siya at nakahawak sa upuan. The last picture is when Aidan wrapped his arms around Heather and made her lean on him. Nalaglag ang panga niya sa nakita.“Hinila kita rito para walang makarinig sa atin. Mahigpit na ipinagbabawal sa Limelight nap ag-usuapan ang balitang nilalabas nila during office hours. Nadidistract ang mga empleyado.” Ibin

    Last Updated : 2021-11-06

Latest chapter

  • Picturesque Mistake   Chapter 35

    Heather doesn’t know where to go. Pagkatapos niyang ihatid si Natty sa orihinal nitong pupuntahan, nagmaneho na siya nang walang destinasyon.Natty invited her to spend the night at her Aunt’s house but she refused. Ang pagbalita sa kaniya ni Natty ay malaking tulong na. She did not want to take advantage of Natty’s kindness. At isa pa, baka may makakilala sa kaniya — since laganap na panigurado ang mukha niya sa social media, at mai-post pa siya. Malalaman kung nasaan siya at baka madamay sa gulo ang pamilya ni Natty.Paparazzis tend to cause commotion and not everybody likes that.She stopped on the side of the road — may damuhan sa kaniyang gilid. She looked at it and it calmed her. Seeing the grass being blown by the wind w

  • Picturesque Mistake   Chapter 34

    “Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ni Primo habang magkasalubong ang kilay na pinagmamasdan ang babaeng kaharap.Margot’s smile wasn’t fazed by his tone. “I’m here to visit you, duh.” Margot rolled her eyes and pushed Primo so she could enter his house.She stopped walking near the sofa and faced Primo who was stunned at how comfortable she was acting — like it’s her own house.“I brought your favorite.” Tinaas niya ang paper bag na bitbit. “Hindi ka na pumapasok ng opisina. Did something happen?” she asked while roaming around.Umiling si Primo saka kinuha ang paper bag na inaabot ni Margot sa kaniya.

  • Picturesque Mistake   Chapter 33

    “A-Ate?” Heather was beyond shock when she saw her sister in the flesh. Kinusot niya pa ang mga mata ng ilang beses para makatiyak na hindi siya namamalikmata.And she’s not! Her sister is really here. In front of her! Hindi siya namamalikmata!“Anong ginagawa mo rito?” She was more nervous than surprised. Sigurado si Heather na hindi narito ang Ate niya para kamustahin siya. It must be very important for her to actually visit her.“Margot Serrano. Sino siya?” diretsahang tanong ni Driana na nagpalaki sa mga mata ni Heather.“H-How did you know her?”Heather ’s ashen face gave Driana a hint that the woman might be telling the truth. With her poker face on, she continued talking without a filter.“Margot Serrano told me that you’re flirting with her boyfriend and th

  • Picturesque Mistake   Chapter 32

    BrokenMalalim na ang gabi. Lahat ng tao ay nakatulog na. But there are two people who couldn’t sleep.One’s lying on the bed, crying. While the other one is sitting in front of a laptop.Pakiramdam ni Heather ay parang pinira-piraso ang puso niya sa sobrang sakit na nararamdaman. At sa mas lalong pagtagal ng nararamdaman niyang ito, mas lalo niyang naiintindihan ang dahilan.She has fallen for Primo. That time when he tried to kiss her, Heather had already developed feelings for him. And she was stupid enough to think that it could be stopped. That she could prevent herself from falling even more.Because she fell already. She

  • Picturesque Mistake   Chapter 31

    TarnishIlang araw ang lumipas at patuloy na nagkulong si Primo sa bahay niya. Empty bottles of beer were scattered from the dining table to the floor. Nakayupyop si Primo sa lamesa, his arms were his head’s pillow.Hindi pa rin maalis sa isipan niya ang nangyari hindi lang sa bahay ni Heather kundi pati na rin ang tawag na natanggap niya pagkatapos noon.“Hello?” walang buhay na sagot ni Primo sa tawag ng kaibigan.“Primo…I know you’re not in a good place right now and it will be insensitive of me to ask you this but, I really need it. Sa tingin ko, nabigyan naman na kita ng sapat na oras para gawin iyong pinapagawa ko sa ’yo,” wika ni Raniel sa kab

  • Picturesque Mistake   Chapter 30

    Let go“Makinig ka sa ‘king mabuti kasi hindi ko na ulit uulitin pa ‘to,” sabi ni Heather nang makapasok na sa loob ng bahay. Humawak siya sa gate at hilam ang luhang tinitigan ng seryoso si Primo na nagmamakaawang nakatingin sa kaniya. Nilunok ni Heather ang awa at lungkot na nararamdaman bago matapang na sinalubong ang mga tingin nito.“I want you to never approach me again. Not to even utter a single word to me. Kahit pagtatama lang ng mga mata natin, ayaw ko na. From now on, let us live our lives without each other being part of it. Magkalimutan na tayo.”Marahas na umiling si Primo. He advanced closer to her, making her step back. Ito naman ang humawak sa gate. “You can’t do that.”

  • Picturesque Mistake   Chapter 29

    Let me “I can’t bear you being broken like this, Primo. Ni hindi na nga kita makausap ng matino. I hate that girl for hurting you and not giving a shit,” mariing bulong ni Margot kay Primo. Primo did not answer. Sa halip ay humigpit ang hawak niya sa mga braso ng dalaga. Just when he heard the door opened and closed is when he let go of Margot’s arms. “Ouch!” d***g nito nang pabagsak niyang bitiwan ang mga braso nito. He pointed Margot. “I am warning you, Margot. Stop messing with Heather!” he growled. “Why are you being like that? One second you were so calm and gentle tapos ngayon biglang…” She stilled. “You did that so she’d leave?” Tinuro niya ang sarili. “You used me?” she exaggeratedly asked. Primo sneered at her. “Stop being so overdramatic, Margot.” “How can I not be dramatic? You just used me—well at least, that gir

  • Picturesque Mistake   Chapter 28

    Move onHeather’s lips twitched like she was about to say something pero itinikom niya iyon. Dumiin ang pagkakakuyom ng kamao niya sa sobrang pagkabigla.Sa totoo lang, gusto niyang sumigaw sa sobrang pagkagulat. But she’s controlling herself because she knew it would make the air more awkward than it already is. Sa halip, hinarap niya si Primo.“P-Primo—““I don’t want to talk about it,” Primo dismissed the topic even before it has started.At kung magpapatuloy man ang usapan, ano ang sasabihin niya? Ayaw niyang magsinungaling kay Heather. Oo nga’t tinago niya rito ang tunay na nararamdaman pero sakaling malaman man nito, hindi niya itatanggi. So what will he say? That he loves her and that he actually wishes for her and her boyfriend to break up para maagaw niya ito rito? That would end their friendship for good.&nbs

  • Picturesque Mistake   Chapter 27

    Story“That night…was also the night I met your father, Heather.”Napatitig si Heather sa ina matapos marinig iyon. She was smiling. But not a smile of happiness. It was a smile of sadness.“Siya ang nag-table sa ‘kin noong gabing ‘yon. He said he was broken. He said that his wife was cheating on him. Well, iyon ang tingin niya. Kaya siya naroon. At gusto niya akong gamitin para gumanti.” Umiling ang Mama niya. “Basically, we used each other. He’s a doctor. He’s rich. Kailangan ko ang pera niya at siya, gusto niyang gumanti sa asawa niya. Alam kong napakamali ng ginawa ko. Pero hindi ko naman siya matanggihan lalo na nang nagbigay siya ng malaking halaga. Nagpasilaw ako sa pera. Ulit. Pero ngayon, may sapat na dahilan na ako para magpasilaw sa pera. Iyon ay para sa bahay na pinaghirapang ipundar ng magulang ko noong mga panahong naglayas ako. I know that that h

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status