Hello, salamat sa pagbasa ng kabanata na ito! Please vote Gem and also follow me in the profile here. And add my other books in your library. Thank you! Salamat sa mga nagbigay ng Gem and also gifts. Grabe ang saya ko.
3rd Person's Point of View* Kinakabahan ngayon si Jane sa kinauupuan niya dahil hawak nga nila ngayon ang milady niya. Kinuha niya ang dagger niya at mabilis siyang umupo sa kandungan ni Rafayel at tinapat iyon sa leeg nito. Bigla namang prumeno ang sasakyan ni Rafayel at inanalayan ni Rafayel ang katawan nito para hindi tumama sa manubela. Hindi naman iyon napansin ni Jane at nananatili pa din ang attention niya kay Rafayel. Kahit ayaw niyang gawin ay gagawin niya para sa milady niya. "Pakawalan niyo ang milady ko!" Tiningnan siya sa mga mata nito at wala pa ding reaksyon ang mukha ni Rafayel habang nakatingin kay Jane. "Kaya mo ba talaga akong patayin gamit ang dagger mo, Jane?" Tagos hanggang buto niya ang malamig na boses nito. "I can." Pinilit nito na mapalamig ang boses niya habang nakatingin sa mga mata ni Rafayel. Hindi niya alam parang nanghihina siya pag kaharap niya si Rafayel ngayon. Malaki na din ang pagbabago nito. Parang pumayat ito at parang namumutla di
3rd Person's Point of View* Sa lugar pa din kung kailan nag-uusap sina Mike at Rafayel. "Just tell me, Mike. Please..." "Bakit mo pa gusto malaman kung alam mo na na hindi na siya babalik katulad ng Asawa ko." "Dahil alam ko na kaya ko pa siyang kunin. I love her so much at kahit anong tago niya sa bagay na yun ay alam ko na mahal na din niya ako nun." "Nasakal siya sa position niya lalo na't siya ang tinitingnan ngayon ni Maximus." "Maximus? Yung dad ni Gerry?" "Yes." Inalala niya ang mukha ni Jane once kaharap niya si Maximus at nakikita nga niya na namumutla ito habang kaharap niya si Maximus. "Ayaw niyang bumaba ang tingin sa kanya ng amo niya lalo na sa milady niya. Gagawin niya ang lahat para kay Gerry." "So yun ang dahilan kung bakit di niya inaamin ang nararamdaman niya sa akin?" "Hmm... Okay na? You can go now." Dahan-dahan naman siyang tumango. Nagmamaneho siya at araw-araw niyang nilo-locate ang lugar ni Jane at di pa din niya nakikita nang biglang tumunog ang
Geraldine's Point of View* Nakatingin ako sa mga mata ng lalaking nasa harapan ko. He seems familyar pero di ko maalala kung saan ko siya nakita. Bumaba ang tingin ko sa labi niya at napalunok ako habang nakatingin doon. "You're my what?" Hinila niya ako papalapit sa kanya sa pamamagitan ng paghawak niya sa bewang ko at mas lalong pinalapit sa kanya. Napahawak naman ako sa dibdib niya habang nakatingin sa mga mata niya. "Husband." Hahalikan sana niya ako sa labi ko pero agad naman akong napaiwas kaya sa pisngi ko tumama ang labi niya na kinasimangot niya. "I'm sorry, hindi kita naaalala." Natigilan naman siya sa sinabi ko. "Wife, hindi ba talaga acting ang ginagawa mo? Hindi ko ba talaga ako naaalala?" "Bakit naman ako mag-a-acting? And mister please ang bilis masyado para mag-make a move ka sa akin." Nagulat naman siya sa mahinang pagtulak ko sa kanya. Napabuntong hininga si Mike at hinawakan niya ang kamay ko na kinatingin ko sa mga kamay namin. Hinila niya ako at paba
Geraldine's Point of View* Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa kanya ngayon. "Kung Asawa kita ay ano ang pangalan mo?" Tinulak ko ang noo niya palayo sa mukha ko at tiningnan ko siya. Nakita ko na nalungkot ang mukha niya habang nakatingin sa akin at dahan-dahan naman niya akong binitawan. "Mamaya ko na sasabihin ang pangalan ko. Yung ikaw mismo ang magsasabi sa akin. Sa unang kita natin ay ikaw mismo ang unang tumawag sa akin noon." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "What?" Nakita ko na umatras siya ng isang beses na kinakirot ng puso ko. Bakit ganito ang nangyayari sa puso ko ngayon? Hindi naman ganito ang nararamdaman ko diba sa taong ngayon ko lang nakita. "Manang." Napatingin naman ako sa isang matanda na lumabas at yumuko naman siya bago tumingin sa akin. Nakikita ko din ang emosyon na nasa mga mata niya ngayon. "Ikaw na ang bahala muna sa kanya dahil may pupuntahan muna ako. Pakainin mo muna siya baka gutom na ang asawa ko." "Yes, master." Ang
3rd Person's Point of View* Seryosong naglalakad si Mike papunta sa meeting room niya dahil may bisita na pumunta doon na makipagkita sa kanya. Kahit ayaw niyang pumunta ay kailangan niyang puntahan. Pinagbuksan siya ng pintuan at mabilis naman umatake sa kanya ang isang assassin pero mabilis siyang bumunot ng baril at tinapat sa noo ng assassin. "Stop that." Rinig sa boung kwarto ang boses ni Maximus na may kalamigan. Binaba naman ni Mike ang baril niya kasabay ng pagbaba sa dagger nung assassin. "Hindi ko alam na hindi mo pala kontrolado ang tauhan mo, dad-in-law." Napabuntong hininga si Maximus at napatingin kay Mike. "Diretsahang na akong magtatanong sayo. Nasa sayo ba ang anak ko?" Napasandal naman si Mike at napatingin kay Maximus. "Diretsahang tanong din, nung mga panahon na nagdadalamhati ako sa Asawa ko ay nasa sayo din ba ang Asawa ko nung mga oras na yun?" Natahimik naman siya ngayon dahil sa tanong ko. "Alam mo naman diba kung ano ang hirap ko nung mga panah
Geraldine's Point of View* Pinasyal ako ni Manang kahit saan sa bahay na ito at maski sa mini garden. "Mas malaki pa po ang garden ninyo sa mansion po. Dahil customize na pinagawa iyon ni Master para sa inyo." "Wow, hindi naman ako ganun ka-special para gawan ng garden." "Kayo po ang empress kaya special po kayo." Natigilan ako sa sinabi niya. "Empress? Teka lang Emperor ba sa bansa ang lalaking iyon?" Mahina naman siyang natawa at dahan-dahan na napailing-iling. "Hindi po. Si Mr. Muller po ang Mafia emperor ng Mafia empire sa boung mundo." Natigilan naman ako sa sinabi niya. Mafia Emperor? Hindi kagaya ko na isa lamang assassin? Teka lang ang huling kilala ko na mafia emperor noon ay hindi ang lalaking iyon kundi ang dad ni Mike noon. "Teka lang po, iba naman po diba ang nakaupo noon sa Mafia emperor? According sa naalala ko ay may katandaan na po ang umupo doon at kaibigan ko rin po ang anak niya." "Ahh, ang dating emperor? Matagal na siyang retiro." Natigilan naman ako
Geraldine's Point of View* Sumilip ako sa gilid habang hinihintay ko si Mike. Kanina pa siya wala at hindi ko alam kung matagal ba talaga siyang umuuwi o ayaw na niyang makipagkita sa akin? Napapout ako ngayon at bumalik na lang ako sa pag-upo sa sofa. "Milady, papauwi na po talaga yun dahil iuuwi ka na niya sa mansion ninyo." "Hindi naman halata na gusto niya akong makita. Mukhang ayaw na niyang makipagkita sa akin eh." "Milady, tawagan niyo na lang kaya?" Napatingin naman ako sa telepono na nasa gilid ko ngayon. "Sasagot kaya siya?" "Sure akong sasagutin niya ang bagay na yan." Napalunok ako sabay tango-tango at lalapit sana ako nang matigilan ako. "Manang, di ko po alam kung ano ang number niya." Napangiti naman siya at lumakad papunta sa pwesto ko at agad niyang dial ang telepono. Nag-ring naman ito ng tatlong beses at agad naman itong sinagot ang tawag. "Hello?" Napalunok ako at bumilis na naman ang tibok ng puso ko ngayon. "Kailan ka uuwi?" naging malamig ang bose
Geraldine's Point of View* Agad akong nagtago sa gilid ng pader para mas lalo ko siyang matitigan na siya si Mike na kababata ko noon. Naalala ko ang nangyari sa amin noon. "Marry me." Natigilan ako sa pagkain ng cake at napatingin ako sa kanya. "Huh?" "Gerry, marry me." "Baliw ka ba?" "Malapit na." Kunot noo akong napatingin sa kanya. Eh kung magpapakasal kami ay ibig sabihin mabubuntis ako pag mag-kiss kami? "Ayokong mabuntis pag mag-kiss tayo." Natigilan naman si Mike sa sinabi ko. At mahina naman siyang natawa. "Hindi naman nakakabuntis ang kiss, Gerry." "Yun ang sinabi ng dad ko kaya no, no, no. Bata pa ako para mabuntis." Hinalikan ni Mike ang labi ko na kinalaki ng mga mata ko at napatingin sa kanila. 'The kids are so cute,' ani ng mga tao sa pastry shop na kinakainan namin. "Mike!" "Hindi ka nabuntis diba?" Napatingin ako sa tiyan ko at wala nga. Pero ang first kiss ko ay wala na din! Napayuko ako at lihim na napaiyak. "Gerry?" Tiningnan niya ako. "Eh? Bak