Hello, salamat sa pagbasa ng kabanata na ito! Please vote Gem and also follow me in the profile here. And add my other books in your library. Thank you! Salamat sa mga nagbigay ng Gem and also gifts. Grabe ang saya ko.
3rd Person's Point of View* Matagal nang alam ni Mike ang totoong pagkatao ng Asawa niya pero nananatili pa din siyang tahimik sa sitwasyon dahil sa simula pa lang ay Asawa na niya ito. Dahit tiningnan niya kung ano ang tunay na katauhan nito. Hindi kasi nito tinanggap ang offer nito nung kasal nila na pera o isa sa mga sasakyan na mas lalo niyang kinataka. At mas lalo siyang naging interesado sa Asawa niya. At inaalam din niya kung may kinalaman ba ang biglang pagkasal nito kay Gerry o nasa plano na talaga nito na pakasalan siya nung panahong iyon. Tiningnan niya ang information ni Agent Astraea at nakita niya ang totoong mukha ng napakasalan niya. "Hmm... Interesting, my wife." Isang buwan niyang inaral ang katauhan ng agent na si Astraea at nalaman niya ang mga bagay tungkol sa kanya. Lalo na ang CCTV na nakuha niya nung kasal nila. Nakita doon sa footage na lumabas na si Gerry sa isang reception kung nasaan ginawa ang kasal nila ng Senator at napahinto ito nang napasilip
Geraldine's Point of View* Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga taga-american investigation agent team. Sila ang mga hahatol sa akin sa America at mukhang papauwiin nila ako doon. Wala akong choice kundi ang sumama sa kanila. Flashback... Nasa interrogation room ako nun at narinig ko na bumukas ang pintuan. Alam ko sa lakad pa lang nito na si chief na ang taong yun. "Astraea, natutulog ka ba?" "Hmm." Naramdaman ko na napakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Kahit nakapikit ako ay nakikita ko pa din ang reaksyon ko. "Astraea." "Bakit, chief, papaalisin mo na ba ako like ipapadala mo ko sa ibang bansa ngayon? May plane ticket na ba ako?" Napamulat ako at napatingin ako sa kanya. Alam ko na yun ang gagawin niya dahil tapos na ang mission ko. "Just kidding." Bawi ko na lang sa sinabi ko baka makahalata siya. "Anong gagawin ko ngayon? Pwede na akong umalis diba? Lilipad na ako kahit saan dahil tapos na ang mission na inatas ni Chief." Natigilan naman siya
3rd Person's Point of View* Nakarating ang grupo nila Ethan kasama ang general nila sa opisina nila at natigilan sila nang makita na wala na si Geraldine doon sa interrogation room. "Nandidito lang kanina si Astraea!" "Saan siya dinala ni Chief?" Napakamao ang ama ni Gerry habang nakatingin sa upuan na natumba ngayon sa sahig. "Someone are here." Napatingin naman sila sa general. "Anong ibig mong sabihin, sir?" "Kinuha na si Gerry ng mga investigator agents." Nanlalaki ang mga mata nila sa sinabi nito. Pinatayo naman ni Skyler ang upuan nang may nakita siyang umiilaw na maliit sa ilalim ng lamesa. "Teka lang." Kinuha naman nila iyon at isa iyong voice recorder. At pinindot nila iyon at agad nilang narinig ang boses ni Gerry. 'Mukhang ito na ang huling kausap ko sa inyo at kukunin na ako ng mga investigation agents na pinadala ni Chief. Hmm... Matagal ko nang sinususpetyahan si chief pero nakikisabay lang ako sa trip niya." Napakunot naman ang noo nila. 'At ngayon lumab
Geraldine's Point of View* Sa malamig na gabing iyon at lalo na sa madilim na lugar kung nasaan kami ngayon ay nararamdaman ko ang mga titig na nakatingin sa amin. Teka kung tama ang hinala ko mukhang mga assassins ito. Mga kasamahan ba ito ng master ni Jane? Hindi ko alam kung kalaban ba ito o kakampi. Nararamdaman ko sila pero hindi ko pa din sila nakikita at ganun na din ang mga taong nandidito ngayon. Kahit nasa dilim sila ay nakikita ko pa din ang mga galaw nila dahil sa daloy ng hangin sa paligid ko. Nakatingin ako sa babaeng wala ng kamay at ulo na bumagsak na sa harapan ko ngayon na mag-i-inject sa sana sa akin na hindi natuloy. "Aaaah!" sigaw ng mga agents. Napabuntong hininga na lang ako habang nakatingin doon. Ngeee parang first time? Nakikita ko na parang masusuka pa ang ibang mga sundalo dahil sa nakikita ngayon. Agad ding naging alerto ang lahat ng nandidito ngayon lalo na itong mga juniors ko. At ako naman ay umupo na lang ako sa sahig na parang nanonood ng mo
3rd Person's Point of View* Isang malakas na pagsabog ang narinig sa boung lugar at natigilan naman sina Maxwell dahil sa nangyayari ngayon at ganun din ang kasama nito na si Rafayel. Bumilis ang tibok ng puso ni Mike at nagmamadaling pinuntahan ang lugar na iyon at napatingin naman siya sa bangin nang makita ang isang van na nag-aapoy sa ilalim ng bangin. Napatingin naman siya sa unahan at nakikita niya ang mga assassins na nagmamdaling bumaba doon. At doon niya na-realize ang nangyayari at kasabay noon ay ang pagdating ni Ethan doon kasama ang ibang kasamahan niya at ang general. Napahinto naman ito sa pwesto nila. Napahanda naman si Rafayel dahil nakita niya ang kalaban na nakaharap nila kanina na si General. "Bakit kayo nandidito?" "Kayo bakit kayo nandidito? Nasaan si Geraldine? Dito namin nakita ang locator ng sasakyang ginamit ng mga kumuha sa kanya at bigla na lang nawala kasabay ng pagsabog na narinig namin," ani ng General. Natigilan naman si Mike sa sinabi nito. "N
3rd Person's Point of View* Isang buwan ang nakaraan ay hindi tumitigil sa paghahanap si Mike sa Asawa niya dahil hindi pa din siya naniniwala na nasama ito sa sumabog na sasakyan na nahulog ito sa bangin. Isang buwang nakatingin si Mike sa malayo habang nakahawak pa din sa litrato ng Asawa niya. "Wife, nagbakasyon ka lang, right? Katulad nang ginawa mo noong matapos tayong magpakasal? Babalikan mo naman ako diba?" Nakatingin siya sa litrato nito na nakangiti habang nakaupo sa binti niya nung kasal nila. Kagaya ng inaasahan niya wala siyang maayos na kain at tulog simula nung nawala ang Asawa niya. Naalala niya nung araw na nasa funeral home sila at naka-cremate ngayon ang katawan kuno ng Asawa niya. Wala siyang emosyong nakatingin doon. Katabi niya ngayon ang general na minsan na muntik na silang magpatayan. "Muller, my daughter wouldn't want you to skip sleep and meals... I'm not worried about you, so don't assume." Nananatili lang kasi si Mike na nakaupo kaharap ang urn n
3rd Person's Point of View* May parang kuryente ngayon sa pagitan ng mga tingin nilang dalawa. "And who are you?" walang emosyong ani ni General sa kanya. Hindi kasi makikita nito ang totoong mukha ni kaharap niya dahil naka-mask ito ngayon habang nakatingin sa kanya. "Mukhang kailangan ninyong mag-usap sa iisang room na walang ibang makakita," ani ni Mike nung lumapit siya sa kanila. Tumango na lang sila at pumunta sila sa isang room at umupo sila doon at nandidito ang mga ama ni Geraldine, nandidito din si Mike at si Jane na nakasunod kanina kay Maximus. "She's my daughter." Napatingin ulit si General kay Maximus at tinanggal nito ang mask at doon nakita ni General na magkatulad sila ng mata ni Gerry at kahit sa kulay ng buhok nito ay parehas sila at pagkahawig din. "She's the Princess of assassins. Bakit mo kinidnap ang nag-iisang anak ko?" walang emosyon na ani nito kay General at natigilan sila sa malamig na awra nito. "Nakita namin si Geraldine sa kagubatan nung 5 taon p
3rd Person's Point of View* A few days later... Naglalakad ang mga doctor papunta sa kung nasaan ang room ni Geraldine dahil titingnan nila ulit kung ano na ang update sa kalusugan nito. "Nakikita niyo naman nagiging okay na ang pakiramdam ni Miss Geraldine pero ang pinagtataka ko ay hindi pa din siya nagigising sa nangyayari ngayon." "Ibig bang sabihin nun ay hindi pa siya handa bumalik sa totoong mundo?" Nagtaas-baba naman ang mga balikat mga doctor ni Gerry. Isang buwan na simula nang dalhin si Gerry dito sa hospital. "Alam niyo naman na nung hinuli na siya ng mga agents at isinuko na niya ang sarili niya at ang ibig sabihin nun ay ayaw na talaga niyang mabuhay." Napa-agree naman sila sa sinabi nito. Nakarating na sila sa kwarto ni Geraldine nang pagbukas nila ay natigilan sila nang makita ang higaan na wala ng taong nakahiga doon. Nagkatitigan naman sila tatlo. "Tama naman ang nakikita ko diba?" Dahan-dahan namang napatango ang dalawang doctor. Doon na nila na-realiz