Share

Chapter 29

Someone's POV

Sinadyang gumising ni Renrem ng maaga para paghandaan ang araw na ito Pinagluto niya si Mika ng agahan at dinala iyon sa kaniya. Mahimbing na natutulog si Mika ng halikan siya ni Renrem sa kaniyang labi dahilan para magising ito.

"Happy anniversary hon," bati ng binata sa kaniya.

Ngumiti ito bago sumagot.

"Happy anniversary!" sabay upo sa kama.

Tumayo si Renrem at kinuha ang tray ng mga pagkain.

"Pinagluto kita ng breakfast hon," saad ni Renrem at tyaka sila sabay na kumain ni Mika.

Matapos kumain ng dalawa ay si Mika na ang nagpresenta na maghugas ng mga iyon. Napagdesisyunan naman ni Renrem na maligo na at magbihis para maasikaso na niya ang sasakyan na gagamitin nila.

Sobrang saya at tuwa ang nadarama ni Mika ng mga oras na yun at hindi maiwasang mapangiti. Ngayon nalang ulit siya pinaghanda ni Renrem ng ganun ulit.

Matapos mag ayos ng dalawa ay napagpasyahan na nila na umalis na para hindi tanghaliin.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status