"Pambihira! Iisa na nga lang ang kalaban, natakasan pa kayo, mga ungas!" Hindi napigilang magalit ni Renato sa kaniyang mga tauhan. Pakiramdam niya'y nagkamali siya ng desisyong ipagkatiwala sa mga ito ang misyon kanina. Samantala'y agad naman humupa ang galit niya nang malaman pa niya ang isang balita. "Boss, nakita na po namin sina Madam Tamara at Yvo, at magkasama silang dalawa kanina," pagbigay impormasyon ni Billy. "Kung ganoon ay bakit sila magkasama at nasaan sila?" "Nasa silid po si Yvo at nagpapahinga habang si Madam Tamara naman ay nagawa nang ihatid pauwi ni Madam Karadine," tanging sagot ni Billy gayong pinakiusapan ito ni Renzo na 'wag mababanggit sa amo ang kalokohang ginawa nina Tamara at Yvo dahil siguradong malalagot nito si Yvo."Ano bang nangyari?" tanong niyang muli."Ah, kasi, boss, nakisali rin sila kanina sa ingkwentro at nag-iba sila ng daan pabalik kaya pareho po silang napagod," katwiran naman ni Fernando na mukhang pinapaburan ang pagtatakip sa katotohanan
MABILIS din siyang kumalas sa halik na 'yon nang mapag-isip-isip niyang mali iyon. Kaya naman bahagya siyang napahawak sa sariling labi nang hindi tumitingin sa binata. "Bakit? May problema ba?" Napatango siya at napapikit sandali. "Mali 'to, Yvo. Mali na naglilihim ako kay Ate Tamara. Ano pa ang ipinangako ko sa kaniya na handa akong magparaya para sa kaniya?" Napailing si Yvo at gamit ang palad ay sinubukan nitong hawakan ang kanang bahagi ng mukha niya."Sinasabi ko na nga ba at tama ang hinala kong nagparaya ka lang. Pero bakit? Bakit ganoon lang kadali sa'yo na ipamigay ako, Kara?" Napatitig siya sa mga mata nito. "Dahil kapatid ko siya at mahal ko siya. At aaminin kong nangangarap ako na magkasundo kaming dalawa. Kaya kahit masakit ay nagparaya ako para sa kapatid ko.." Hindi maiwasang mapailing ni Yvo sa mga sinabi niya. "E, paano naman tayo? Paano ang nararamdaman natin para sa isa't isa? Mababalewala na lang ba ang lahat ng 'yon? Kara, ikaw ang mahal ko. At kahit pagpilita
MABILIS na tumakbo ang mga araw, kung saan ay mas nagtitiis si Yvo sa tunay nitong nararamdaman at sa bawat araw na magkasama sila ni Tamara ay parang nililinlang niya lang ang kaniyang sarili dahil batid niyang si Karadine talaga ang mahal niya. Pero ano nga bang magagawa niya kung kinakailangan niya itong gawin alang-alang kay Karadine na nakiusap sa kaniyang gawin ang bagay na ito? Sa kasalukuyan ay patungo pa lang sana ng pabrika si Renato habang hinihintay na magbihis sina Karadine at Tamara. Simula kasi nang malaman niyang okay na ang dalawa ay madalas na itong magsabay sa pagbaba ng hagdan upang salubungin siya sa umaga. Sa katunayan ay si Karadine rin mismo ang nagsabi sa kaniya tungkol sa relasyon ngayon nina Yvo at Tamara at ito mismo ang nag-uudyok sa kaniya na 'wag nang tutulan pa ang relasyon ng dalawa lalo pa't batid ni Karadine na talagang mahal ni Tamara si Yvo at handa nito itong ipaglaban. Nang mga oras na iyon ay sakto namang nakatanggap siya ng tawag mula kay Renz
Hindi naging madali para kay Yvo na tanggapin ang hininging pabor sa kaniya ni Karadine-- na makipagrelasyon siya sa step sister nitong si Tamara at matutuhan itong mahalin. Para sa kaniya, iyon na ang isa sa pinakamabigat na desisyong kaniyang ginawa sa buong buhay niya.Malalim na ang gabi nang umuwi siya ng kanilang bahay. Doo'y nadatnan niyang mahimbing nang natutulog ang kaniyang amang si Dominador. Katatapos niya lang makausap si Aleng Nenita at wala naman daw naging problema sa pag-aalaga't pagbabantay nito sa kaniyang ama. Sa katunayan ay malaki na ang naging improvement nito simula nang nagpatuloy pa ito sa gamutan. Naibigay niya na rin ang pangdalawang linggong sweldo ni Aleng Nenita at dahil mabigat para sa kaniya ang mga pangyayari simula nang tanggapin niya ang pabor ni Karadine ay nagdesisyon siyang mag-day off na muna kinabukasan nang matutukan niya namang bantayan at alagaan ang kaniyang ama.Kaya naman kinabukasan ay laking pagtataka ng kaniyang ama nang malaman niton
Pagkabungad na pagkabungad nila sa ama ni Yvo ay parang hindi na nakagalaw pa sa kinatatayuan si Karadine. Sa pagtuntong niya pa lang sa bahay na iyon ay nakita niya na ang tunay na sitwasyon ng mag-ama at kung bakit nagawang pasukin ni Yvo ang ilegal na trabaho. Nakita niya na hirap nang makalakad ang ama ni Yvo dahil sa pagkakasakit nito. Nakita niya rin ang nagkalat na mga bagay sa bahay na hindi na napag-uukulan ng panahon ni Yvo dahil sa trabaho. Pakiramdam niya'y mabigat ang pasanin na dinadala ni Yvo mula sa pagtataguyod sa ama nitong nalumpo na nang dahil sa sakit. "Pa, si Karadine po, nobya ko." Nagulat siya sa pagpapakilala sa kaniya ni Yvo. Hindi niya maintindihan kung bakit nagsinungaling ito sa sariling ama gayong hindi naman talaga siya ang nobya nito kundi ang kapatid niyang si Tamara?Dahil dito ay mas lalong nanginig ang katawan niya. Nang magsalita ito ay doon lamang niya naramdamab na welcome na welcome pala siya sa bahay na iyon."Siya pala ang babaeng sinasabi mon
"So, gano'n na lang ba 'yon, papa? Hindi man lang ba kayo magagalit sa kaniya?" bulalas ni Tamara nang magawa nitong komprontahin ang ama sa sariling silid nito. "At nagpunta ka pa talaga rito para sabihin 'yan? Tamara, ama mo ako at hindi mo ako madidiktahan sa nararamdaman ko!" malakas na pagkaklaro ni Renato sa panganay na anak. Wala na siyang nagawa kundi ang mag-walk out na lang. Naisip niya na wala rin namang magandang patutunguhan kung makikipagdebate pa siya sa ama.Dahil dito ay mas nanaig ang inggit ni Tamara para kay Karadine. Bagama't pekeng kabutihan lamang ang ipinapakita niya rito, ngayong araw ay mukhang hindi niya kakayaning makipagplastikan dito gayong nararamdaman niyang may itinatago sa kaniya ang nakababatang kapatid. Nakalabas na siya ng silid ng ama nang makasalubong niya si Margaret. Katulad ng mga nakaraang linggo ay wala pa rin silang pansinan. Oo, hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob niya rito at kung p'wede lang ay hindi niya na muna ito makita-- ang
"Wala kang mapapala kung titingnan mo lang silang dalawa riyan, Ate Tamara," mapang-insultong wika ni Margaret nang mapansin nito ang masamâng tingin ng kapatid kina Yvo at Karadine. Sa tingin pa lang ay halatang nanggagalaiti na ito sa inis at selos. "Bakit pa ba siya nagpunta rito? Naka-bed rest siya, 'di ba?" pabuntong hiningang katanungan ni Tamara. "Well, hindi ko rin alam. Pero ang alam ko lang, kahit anong gawin mo ay halata namang inlove-babo pa rin si Yvo sa kaniya," mataray na sagot ni Margaret. Kaya naman bahagyang napakunot ang noo rito ni Tamara. "Alam mo, hindi na talaga kita maintindihan, kakampi ba talaga kita? Kasi parang mas boto ka pa sa kanilang dalawa, e." Agad na napangisi si Margaret at napailing. "Ako pa ba ang pagdududahan mo, ate? Sa totoo lang, malakas akong makaramdam ng tunay na nararamdaman ng isang tao. Kaya hindi mo p'wedeng sabihing kahit sa'yo na si Yvo ay sa'yo na talaga ang puso niya." Agad na namang napakunot ang noo ni Tamara habang nagpatuloy
MATAPOS mapagbayad ang tunay na may sala, kung saan ay mga tauhan pala ni Mr. Benitez ang talagang pumatay kay Philip Baltazar gayundin sa pamilya nito ay labis naman ang pagsisising nararamdaman ngayon ni Andrew dahil sa maling impresyon niya kay Renato Monteza at sa pinamumunuan nitong sindikato. Sa totoo lang ay ngayon lang siya naka-encounter ng ganitong grupo na maganda ang mithiin."Handa kong pagtrabahuhan ang mga kasalanan ko sa iyo at sa pamilya mo, Tito Renato-- mapatawad mo lang ako," nagsusumamong wika ni Andrew."Kung ganoon ay maghanda ka dahil ngayon na ang first day mo sa trabaho," saad ni Renato na hindi inaasahan ni Andrew. At dahil si Tamara ang nakatoka sa mga bagong trabahante ay sinamahan siya nito kahit may kaunting inis pa rin itong nararamdaman para sa kaniya. Ramdam niya ang malamig na pakikitungo nito sa kaniya at naiintindihan niya naman kung bakit, dahil nagawa niya lang namang paglaruan ang feelings nito. "Sorry talaga sa nagawa ko no'n sa'yo, Tamara."
HINDI PA rin natigil ang masamang tinginan nina Maria at Tanya sa isa't isa kahit na kanina pa sila inawat ng mga tao sa mansyon. Sadyang nagkalamat na nga ang pagkakaibigan ng dalawa bukod pa ang katotohanang naging magkaribal ito noon sa puso ni Renato. Sa kasalukuyan ay masayang kinakarga ni Yvo ang kanilang anak na si Yvanna. At dahil may taglay na rin itong kalikutan ay mabilis sumuko ang mga braso niya. Natatawa naman siyang pinagmamasdan ni Karadine. "Mukhang kailangan mo pang magsanay na mag-alaga ng bata," pabirong sabi nito. "Mukha nga," pagsang-ayon niya rito. At doo'y hinayaan niya ngang si Karadine na muna ang mag-alaga nito. Kapagkuwa'y agad siyang nilapitan ni Renzo na kanina pa siya pinagmamasdan at gustong lapitan. "Yvo, bro." Doo'y nagpakita sila nang pagka-miss sa isa't isa. "Salamat at tama ang kutob ko noong una na ikaw si Yvo," pasimpleng bulong nito sa kaniya. Bagay na nagpalaki mismo ng mga mata niya. "Naisip mo pala 'yon? Kahit na nag-ibang katauhan
"Bakit mo ginawa 'yon?" takang katanungan sa kaniya ni Karadine. Naiilang ma'y bumwelo na rin siya upang makaisip ng tamang dahilan. "Ah, pasensya na, madam. Masyado lang akong nadala sa mga sinabi mo. Patawarin mo sana ako kung umaasta agad ako na isang malapit mong kaibigan." Doo'y bahagya siyang nilingon nito. " Pero bakit? Naranasan mo na rin bang mangulila sa mahal mo sa buhay bukod sa iyong pamilya?" "Oo. At sa totoo lang ay ganiyan din ang nararamdaman ko ngayon," sinserong aniya na bahagyang nakapagpatahimik sa pagitan nila. Segundo ang lumipas at narinig niya ang mahinang pagtawa ni Karadine. "Nakakatuwa naman na may taong nakaka-relate sa nararamdaman ko, kung ganoon ay hindi pala ako nag-iisa." Hindi niya alam kung bakit nang magtamang muli ang kanilang mga mata ay bahagyang napakunot ang noo nito. Kaya naman kinabahan siya nang mas titigan pa siya nito. "Alam mo, iniisip ko tuloy na baka pinaglalaruan lang ako ng tadhana." Nanatiling nakakunot ang noo niya haba
DUMATING ANG araw na pinakahihintay ni Yvo, ang magkita silang muli ni Karadine. Iyon ay nang totohanin na talaga niya ang pagpapanggap bilang isang bagong hardinero ng pamilya Monteza. Suot niya ang isang baseball cap at pekeng balbas na binili lamang sa kaniya ni Margaret upang gamiting pagbabalat kayo. Sa isip niya ay kailangan niya ng kooperasyon upang hindi maging padalos-dalos ang kaniyang mga aksyon. "Ikaw pala ang bagong hardinero?" Nanginig ang kaniyang buong kalamnan habang gayundin naman ang pagbilis nang pagtibok ng kaniyang puso. Batid niya na sa mga sandaling iyon ay magkakaharap na silang muli ng kasintahan. "Ah, o-opo." Bahagya siyang napalingon dito habang pinag-aaralan naman ni Karadine ang kabuuan ng mukha niya. Nang sandaling iyon ay hindi maintindihan ni Karadine kung bakit bigla na lang nakaramdam ng bahagyang kasiyahan ang puso niya. "Nakapagtataka," aniya sa isipan. "Anong pangalan mo? Ahm, pasensya ka na, hah? Kailangan ko lang kasing kilalanin ang
Pinakiramdaman nga ni Andrew ang pagdating ni Tamara, kung saan ay dis oras na rin ng gabi. Sa puntong iyon ay nakahanda na ang plano. Naghihintay lang siya ng go signal ni Margaret kung kailan siya dapat umaksyon. At sa kaniya rin naman manggagaling ang magiging go signal niya kay Florencio. Gamit ang bluetooth hearing device ay malinaw niyang naririnig doon ang boses ni Margaret na itong nagmo-monitor sa kaniya. Lingid sa kaalaman ni Tamara ay nakapaglagay ng safety device si Margaret sa bag nito kung saan ay mamo-monitor nito ang location ng isang tao. Kaya naman sa tulong ng safety device na iyon ay tagumpay na nasundan ni Margaret ang kapatid. "Alukin mo na siya ng makakain, at 'wag na 'wag mong kakalimutan ang ibinilin ko," boses ni Margaret mula sa kabilang linya. Doon nga'y nakita niyang abala si Tamara na kausapin at lambingin si Yvo. Kaya naman naisip niya na magandang tsempo iyon para isagawa ang unang plano. Kung saan ay kinakaikangan niyang lagyan ng sleeping p
NGAYONG alam na ni Margaret ang pinakalilihim ni Tamara ay nagkaroon siya ng dahilan para gawing pain ito sa pagbabalik loob nito sa kaniya. "Hanggang kailan mo balak ilihim sa pamilya natin ang pinakamalalim mong sikreto, Ate Tamara?" Tila nagulantang naman si Tamara sa ibinungad niya matapos itong matigilan sa ginagawa. Naabutan niya kasi itong nag-iimpake ng ilang damit. Pero sa lahat na yata nang nakilala niya ay si Tamara na ang pinakamagaling pagtakpan ang sikreto at indenial palagi kahit bistado na. "Hindi ko alam ang sinasabi mo," kaswal na wika nito. Bahagya siyang natawa. "So, ide-deny mo pa talaga sa akin na ikaw ang dahilan kung bakit inakala naming lahat na patay na si Yvo?" Biglang nataranta si Tamara sa sinabi niya at sinigurado nito na walang kahit sino ang p'wedeng makarinig sa pag-uusap nila. "Paano mo--" "Sinabi sa akin ni Andrew. At oo, inamin niya sa akin na magkasabwat nga kayo. Ngayon alam ko na kung bakit madalas kang umaalis dahil lahat pala ng iy
MALAKAS na pagsuntok sa pader ang pinakawalan ni Renato matapos aminin mismo sa kaniya ng anak na si Tamara ang tungkol sa malaking perang kinamkam nito mula sa pabrika. Sa katunayan ay hindi pa nito iyon malalaman kung hindi dahil kay Margaret. "Umamin ka nga sa akin, saan mo dinala ang pera, hah?" may tonong galit ngunit kalmado nang pagkakasabi ni Renato. Wari ay hindi makasagot agad si Tamara. Pinapakiramdaman pa kasi nito kung tama ba na sabihin nito sa ama ang tunay na dahilan kung bakit bigla na lamang itong nagkainteres na angkinin ang perang pinagharapan niya ng mahigit isang dekada. "P-papa--" "Bigyan mo ako ng sapat na dahilan, Tamara!" At tila bumaliktad ang mundo niya sa isinagot ng anak, "D-dahil kay Yvo! Oo, naging desperada ako, papa. Ginawa ko ang lahat para lang mabuhay siya!" Nanlaki ang mga mata niya sa ipinagtapat nito. Hindi niya akalaing magagawa siyang traydurin ulit ng sariling anak, alang-alang sa pag-ibig. Walang pinagkaiba sa ginawang pagtraydor sa
NANG mabalitaan ng pamilya Monteza na nahuli na ng mga pulis ang kanilang padre de pamilya ay sabik na dinalaw ni Florida at ng magkakapatid ang kanilang ama sa kulungan. "Papa, kay tagal ka naming hinanap. Mabuti at okay ka lang," wika ni Karadine. Bagay na sinang-ayunan naman ni Isabel. Sumunod na napatango si Margaret. Habang nanatiling walang kibo naman si Tamara. "Sana ay matagal ka nang sumuko para hindi na nadagdagan pa ang sentensya ng iyong pagkakakulong," wika ng asawa nito na si Florida. "Ayos lang, Florida, alam ko naman na rito na ako mamamatay sa kulungan. Kaya pakisabi na lang sa mga apo ko na paumanhin dahil nagkaroon sila ng demonyong lolo." "Papa? 'Wag mo ngang sabihin 'yan!" may tonong panenermong wika ni Tamara, na ngayon lang nagkaroon nang lakas ng loob na magsalita. Doon naman nagawang sentruhin ng tingin ni Margaret ang kaniyang kapatid. Kapagkuwa'y mabilis niya itong nilapitan upang hilahin sa kung saan at para makausap ng masinsinan. "Sabihin mo n
"Napakaganda niya, Karadine! Manang-manang sa'yo!" masayang wika ni Rosanna para sa best friend niya habang karga-karga nito ang bata. Katulad ni Isabel ay nag-volunteer din ito na magbantay kay Karadine sa hospital. Bagama't nanghihina pa mula sa panganganak ay tipid na napangiti si Karadine. "Maaari ko bang mayakap muli si Baby Yvanna?" "Yvanna ang ipapangalan mo sa kaniya?" tanong ni Rosanna. "Oo, Rosanna. Kahit sa pangalan man lang ay masabi kong buhay na buhay pa rin si Yvo mula sa katauhan ng anak namin." "Oo nga, 'no? Parang girl version din siya ni Yvo, ang tangos ng ilong kahit baby pa lang, e!" Hindi napigilang mapangiti ni Karadine. "Kung nabubuhay lang sana si Yvo, masayang-masaya siguro siya na makita ang anak niya.." "Hay, Karadine, 'wag mo na munang i-focus ang sarili mo sa kalungkutan. Ang importante ngayon ay kasama mo si Baby Yvanna, bilang isang magandang alaalang iniwan sa'yo ni Yvo." "Ewan ko ba, Rosanna. Parang pakiramdam ko kasi ay nandito pa rin si
SA KABILA nang mga pangit na nangyari sa kanilang pamilya ay unti-unti namang nasolusyunan nina Tamara at Andrew ang kanilang problema sa mga dating empleyado ng pabrika. Kaya naman naibigay na nila ang huling sahod ng mga ito. Ito ay dahil walang pag-aalinlangang ibinalik sa kaniya ni Andrew ang pinaghatian nilang pera at sa halip ay naisip nito na mag-ipon na lang ayon sa kaniyang pinagpaguran. Sa ngayon ay nagtatrabaho si Andrew bilang security guard sa isang subdivision kung saan ay malaking tulong naman ang kinikita nito upang makapagbigay sustento sa kanilang anak ni Margaret na si Baby Marvin. Sa kasalukuyan ay unti-unti rin ibinabalik ni Tamara ang mga perang nakuha niya mula sa pabrika. Naisip niya kasing itayo ng negosyo ang natira sa kaniyang pera upang lumago iyon at may pagkuhaan kung kinakailangan ng gastusin para kay Yvo. Masaya siyang magkaroon ng sariling water station na malaki ang naitulong sa kaniya. Isa na yata sa tamang desisyon na nagawa niya sa buhay."Sa wakas