Share

Kabanata 8

Author: the1999cut
last update Last Updated: 2020-08-18 22:44:22

Kahit Ano.

***

Tinititigan ko yung bagong litrato ko sa kwarto na nakasabit sa pader... hayyss napakagwapong nilalang nga naman.

Actually isa itong throwback picture sa graduation ball ng isang university nakunan ang litrato. Wala kasi akong magawa non kaya napagtripan kong manggulo. Masquerade yung theme tapos ninakaw ko lang yung maskara sa kung sino mang hampaslupang iyon pero yung suot ko hindi nakaw yan ha! graduation ball din namin non kaso boring sa school namin atsaka mas masaya maghasik ng lagim sa lugar na hindi ka pamilyar, hindi ba? Nakakathrill.

May pulang mantsa sa suot kong damit sa litrato. Hindi yan style kasi dugo yon! oo may pinatay lang naman ako doon, Isang walang kwentang nilalang na humaharang sa dinadaanan ko.

kaya nung dumalo na ako sa sarili naming grad ball wala naman nagtaka sa pulang mantsa sa suot ko dahil mas binigyan nila ng atensyon ang aking napakagwapong pagmumukha. hayss.

akala nila style lang~ peste kasi yung lalaking yon tumumba pa saakin tapos sumuka ng dugo! gago yon dugyot puta.

anyway, 3 weeks ago na ang nakakalipas pagkatapos nung unang dalaw ni Essay sa bahay at naaalala ko pa yung mga pangyayari na para bang kahapon lang naganap

***

1:07 na dumating si Essay sa bahay... isa ding filipino ampotek

Yung limang kupal ay nakaupo ng matiwasay sa sofa akala mo kung sino tong mga ito eh sarap na sarap sa upo akala mo may ari ng bahay.

"Si Essay nga pala" pagpapakilala ko sakanya, sakanila.

"Hello po" nakangiting bati niya sa limang gusgusin

"Si Machete pinsan ko tapos

si Mary... yung panget niyang girlfriend"

"Excuse me Calci boi? anong sabi mo?" reklamo ni Mary pero wala akong pakealam sakanya

"Si Heneral... tito ko ata?"

"Ata?" pagtataka ni essay

"Sige na nga tito ko na nga.. si Pepe at supremo mga tito ko din"

"Magkakapatid po kayo?" tanong ni Essay habang tinuturo yung tatlo

"Oo magkakapatid nga kami" sagot ni pepe

"Si Machete po ba anak niyo?" tanong ulit ni essay kay pepe

"Pagpaumanhin mo na pero wala akong anak pumanaw siya nung hindi pa ito ipinapanganak

tapos

si Josephine hindi na nagpakita

saakin..."

"Ayy sorry po hindi ko po sinasadya..."

"Naiintindihan ko naman binibini"

"Anak ni Heneral si machete magkasing amoy kasi sila" sabi naman ni Supremo

"May anak ako?" pagtataka ni Heneral

"Oo uncle MERON KANG ANAK!

si Machete ang anak niyo hindi ba?" tinataasan ko na ng kilay si heneral para naman ma gets niya na umoo na lang

"Akalain mo nga naman! anak ko nga

siya! HAHAHAHA! Anak ko siya!"

"Ahhhh" tanging nasabi lang ni Essay na feeling ko na wiweirduhan na

"Nagugutom ka na ba? gusto mo bang kumain?" tanong ni Mary

"Ahh sige po"

"Osya boys! sa

hapagkainan!" sigaw ni Mary at naglakad na para bang isang militar na nagmamarcha at ang nakakahiya pa doon ginaya pa siya nung apat na mga gung-gong

Napahampas na lamang ako sa noo ko sa mga nakita ko

"Kaya pala puro si rizal ang banat mo kanina... mukhang lumaki ka

sa pamilyang makabayan"

"Parang ganon na nga?"

"Feeling ko tuloy ang talino mo" pagkatapos niyang sabihin yon naglakad na siya patungo sa kusina

Pagdating namin sa hapagkainan ang heneral umupo sa head sit ganong din si supremo kaya magkatabi kami ni essay na pinagigitnaan namin ni pepe

"Niluto ko yan~" tinuro ni Mary sa nakahain na tinola

"Mukhang masarap po" sabi ni essay

"Sa sobrang sarap hindi mo makakain" sabi ko kay essay

"Ano ka ba calci boi! tignan mo nga sila ohh~ masarap ba heneral?"

"Napaka sarap Maria!" sagot ni heneral na naka thumbs up pa

"Nasaan yung pinaluto kong hotdog at itlog?" tanong ko kay Mary

"Kinain na ni baby ko~ nagugutom na kasi siya

kanina pa... ikaw kaya maligo pagkagising mo tapos sampung beses pa!" pagkakasabi niya non niyakap niya si machete sa harap namin.. kadiri puta kitang hindi pa kami nagyayakapan ni essay tapos ang lakas ng loob nitong mang inggit!

"Sampung beses siya naliligo?" tanong ni Essay

"Kanina sampung beses siya

pinapaligo ni calci boi~"

"Bakit?" nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatingin saakin si essay

"Because he cares about everyone's...health?" sagot ni Machete

"Alam mo kasi yan si calcifer napaka buting tao niyan! lagi niyang

inuuna ang kapakanan ng iba kesa sa sarili niyang

kapakanan! mas uunahin niya ang bayan kesa sa sarili niya! Mabuhay ang bayan!" sabi ni supremo at yung mga huling sinasabi niya medyo nadadala na siya kaya napapasigaw na siya ng malakas

"Mabuhay pilipinas!" tugon na sigaw ni Heneral

"MABUHAY!!" sabay na sigaw nila Supremo, Heneral at Mary

Hayyss parang maling kaluluwa hiningan ko ng tulong ah

"Tama tama! hindi ka na makakakita ng isang tulad ng calcifer namin" biglang sabi ni Heneral habang hinahampas hampas yung balikat ko

Kapag ako nainis hahampasin ko na tong kupal na ito

"Ahhh ganon po ba?" sabi ni essay at this time tinikman na niya yung luto ni Mary

Hmm? bakit

ganito lasa? ang alat...

Narinig kong sinabi niya sa isip niya. Mukhang tama nga si Mary... kasi naman sarap na sarap yung mga ito aakalain nga niyang panlasa niya ang may problema

"Mukhang close niyo po si calcifer... kayo po ba nagpalaki sakanya nung pumanaw yung magulang niya?" tanong ni Essay para hindi mahalatang hindi niya gusto yung luto pero mapapansin din kasi kanina pa siya inom ng inom

"Hahaha! Ang totoo niyan hindi kami ang nagpalaki kay calcifer!" sabi ni Supremo

"Hindi kayo?"

"Ang totoo kasi non hindi niya na kailangan pang alagaan...naaalala ko pa nung munting

sanggol pa lang siya pinabayaan na namin yan!" tanginang supremo to

"Tama tama! tapos sinabi niyo pa nga sakanya non

hahayaan

ka na namin para matuto kang maging independent!" sabi ni Mary habang tumatawa

"Ginawa namin

iyon

noong

pinagdidiwang ang independence day" dagdag pa ni pepe

"Napaka independent na sanggol niyan ni calcifer" Sabi ni Heneral habang pumapalakpak ng mabagal

"Hahahaha totoo?"

"Huwag kang makikinig sa

mga yan binibiro

ka lang niyan" sabi ko kay essay

"Alam ko" sabi naman niya habang nakangiti

haayyy mga ngiting iyan

"Totoo iyon~ napaka independent ng binatang iyan dahil wala siyang ina kung kani kaninong dibdib ang inaatake niya noon sanggol pa lang siya" sabi ni Heneral

ABA GAGO TALAGA ITONG HINAYUPAK NA ITO

"Buti na lang napaka cute na sanggol niyan ni calcifer kaya hindi natatanggihan kahit yung ibang inaatake niya eh wala pang gatas" dagdag pa ni Supremo sa kwento

Tangina niyong lahat subukan niyo pang magsalita ng malalaswa

ipapakain ko kayo sa

mga gutom na demonyo!

sabi ko sakanila gamit ang mind communication skill ko

"Si calcifer napakabuting tao niyan" sabi ni Mary sa seryosong tono

"Tignan mo ang binatang iyan...napakatahimik~" sabi ni Heneral

"Bukod sa

napakagandang lalaki ay napakalinis din ng budhi!" dagdag ni Supremo

"Hindi iyan nagmumura" sabi ni Machete

Nasamid ako sa sinabi ni Machete.. taragis na zombie to! minsan na nga lang magtagalog napakahusay pa ng mga sinasabi

"Talaga? wow bihira lang yon sa panahon ngayon"

"Lalo siyang naging mabuti simula nung binabible study mo siya" sabi ni pepe

"Tama! naaalala ko pa nga yung kakauwi lang niya galing sa bible study niyo... tinulungan niya ako maglinis ng bahay!" sabi ni Mary

"Napakabuti ng iyong impluwensiya

sa aming binata" sabi naman ni Heneral

Kapag siya nagyaya magbible study mayayari kayo saakin

warning ko sakanila gamit lamang ang isip ko

"Gusto ko nga din po sanang isama kayo sa bible study namin dalawa mamaya" alok ni essay sa lima

"Nako... tignan mo nga naman ang oras madami pa kaming gagawin" palusot ni Mary na pinag sang ayunan ng iba

"Ganon po ba? sige kami na lang po ni calcifer"

Taragis na buhay ito

pagkatapos namin hindi kumain napagdesisyunan namin sa kwarto ko mag bible study

"Mga kabataan tandaan bible study lang ah! Hahaha!" paalala ni Supremo

pagkadating namin sa kwarto agad siyang umupo sa kama

Ewan ko ba sa babaeng ito wala ba siyang takot sa lalaki? Nung una nagpapasok sa kwarto niya sunod naman pumasok sa kwarto ng isang lalaki na sila lang dalawa... buti talaga hindi pa kumakawala yung inner lust power ko

"Handa ka na ba?" tanong niya

"Ano game show lang?" hindi na ako mabibiktima ng mga ganyang banat niya! paasa siya!

"Hahahaha magbible study!"

Sinong gaganahan doon sa totoo lang?

"Pwede bang iba na lang?"

"Tulad ng?"

"hmmmp~" pag iinarte ko sakanya tulad ng isang bata kasi hindi ko namamalayan naka pout na pala ako

"Alam mo ba na mas maganda sa

isang relasyon kapag nasa center nito si God"

"Huwag kang maniniwala sa ganon... nakita mo na bang nasa gitna nila ang Diyos?"

"Ano ka ba Cal!" sabi niya sabay hampas sa braso ko

"Syempre not in a literal way~ kasi hindi naman natin nakikita ang Diyos!"

Hindi nga pero lagi niya tayong nakikita! hindi ata uso sakanya privacy! isama mo pa yung alalay niyang tito ko na panay tawag saakin ng calcifer~

"Oo na oo na panalo ka na....sa puso ko" casual kong pagkakasabi

Huuuh? saan nanaman nang galing iyon? Ano yon?? Napaka kadiring salita!

"Baliw!" sabi ni Essay na nakangiti

Tsss usto rin

"Sayo" nakangiti pa rin siya

"Huwag ka ngang ngumiti!"

sabi ko sakanya

"Bakit naman? masama ba?"

"Oo! napakasama!"

"Huuh?"

"Napakasama kasi baka halikan kita jan" seryoso kong sabi sakanya habang seryosong nakatitig sakanya

Syempre hindi ko yan kokontrahin! Aba! Sa lahat ng paghihirap saakin ng ilang linggo kailangan ko din ata ng gantimpala!

"Siraulo ka" sabi niya at sabay bukas sa bitbit niyang bag na syempre alam na natin ang laman

"Dinalhan na din kita ng sarili mong bible para naman basahin mo" sabay abot niya saakin ng bible

Tangina susunugin ko ito mamaya

"Nilagyan ko yan ng note sa loob basahin mo" nakangiti niyang sabi saakin

pagkabuklat ko ng bible sa talaan ng nilalaman... may sticky note na may nakasulat na

God bless you, My Calcifer ❤

love,
Essay

Ngumiti na lang ako sakanya pero deep inside ganito talaga yon

God bless you? Gago susunugin ko ito mamaya!

"Simulan na natin?"

"Wait lang" tumayo ako sa pagkakaupo at tinungo ang pinto.. pagkabukas ko non nakita kong mga nagmamadaling bumaba yung lima

"Okay na ba?" tanong niya

"Okay na" 

Fast forward kasi alam mo na hindi ko naman talaga dinadamdan yung nga bible lesson na iyon tapos isang kabanata ang tinapos namin sa pakening shit na brochure na iyon..

Nilibot niya ang kwarto ko

"Napakalaki ng bahay niyo" sabi niya

"Dito ka na lang tumira ako bahala sayo"

"Baliw hahahaha"

Ayaw niya pa? Choosy pa? Mansyon na nga ito ayaw pa din? Gwapo na kasama ayaw pa din?

"Ohh! ang gwapo mo naman dito..." sabi niya habang may hawak hawak ng parang litrato

"Huuh?" pagtataka ko kasi camera shy ako

"Eto oh!" lumapit siya saakin at pinakita yung hawak hawak niyang litrato

"Gwapo mo jan ah! pero bakit parang sinaunang kuha? anong filter gamit mo jan? sepia?" tanong niya

"Filter?"

"Oo... yung effects na ganyan"

"Malay ko atsaka anong gwapo? Ayan? gwapo yan? sabagay ang daming nabiktima ng mukhang yan"

"Pinagsasabi mo... hindi ba ikaw yan?"

"Ayan ang litrato ng papa ko"

"Hindi nga? woooow magkamukha kayo! pero..."

"pero ano?"

"Mas gwapo siya

dito

sa

litrato na ito hahaha"

"Patay na siya! Namatay sila ng mama ko sa ulcer!" kinuha ko sakanya yung picture ng bwisit kong ama

***

kinuha ko yung litratong iyon at nilagay sa ilalim ng kama at ayon din ang dahilan kung bakit nagpalagay na ako ng litrato ko sa kwarto at para na rin malimutan na ni essay yung mukha ng papa ko at nasabi ko na din ba na madalas na akong nagsesend sakanya ng pictures ko?

sending photo...

sent

ayan! pesteng babaeng iyon! ilang beses niya ng sinasabi saakin na hindi niya malimutan yung mukha ng papa ko! pambihira!

At isa din pala tinuruan ako ni Mary at Machete paano gamitin ang Facebook at Messenger kaya ipinagmamalaki ko na may silbi na yung wifi dito saamin hindi na pang binge watch sa netflix lang

Improving akong demonyo. Last time isa lang akong depressed na demonyong gusto ng mamatay, ngayon isa na akong modernized depressed na demonyong gustong gusto ng mamatay!

Binagsak ko ang sarili ko sa kama at dinial ang number ni Essay. Sa ngayon nasasanay na ako sakanya minsan kinakabahan na din ako kasi unti unti baka masanay ako sa bible study... YARE.

Pagkatapos ng pang limang ring sinagot niya na ang tawag

"Cal?" bati niya

"Hindi ako makatulog" inayos ko ang pagkakahiga ko sa kama at ngayon nakatitig na ako sa kisame

"Kakantahan sana kita kaso hindi naman maganda boses ko hahaha" sabi niya

"Di bale na ako na lang kakanta para sayo... ano ba gusto mo?"

Unti unti na din akong nasasanay sa ganitong mga words na lumalabas sa bibig ko

"Hmmm~"

"Baka papa ko gusto mo ha? patay na siya!"

"Baliw! hahahaha"

"Nagugutom ka ba?" tanong ko sakanya

"Bakit mo naman natanong yan"

"Wala lang ibibigay ko sayo kung anong gusto mo"

"Mahal yung gusto ko eh"

"Ha! handa akong

ibenta tong bahay na ito mabili ko lang yung gusto mo"

"Hahahaha hindi kaya kahit ibenta mo pa yang bahay niyo... mas mahal yon"

"Ano ba kasi yon? ano ba yung gusto mo?"

"....gusto kita" nagpantig yung dalawa kong tenga sa narinig ko

LUUUUHHHH PARANG TANGA TONG BABAENG TO PUTEK!

"Mas mahal nga yan"

"alam ko pero mas mahal kita" Casual niyang pagkakasabi

...pero mas mahal kita LUUUUHHHH GAGO!

Hindi ko namamalayan pinipigilan ko na pala yung sarili kong tumawa

Bobo kinikilig ka!

Yung puso kong tanga nagsasalita na! Yari na to... hindi na ito nakakabuti sa health ko! Masyadong mabilis yung tibok ng puso ko magkakaheart attack na ata ako!

"Hahaha Osya matutulog na ako.. Goodnight Cal"

"Night" pagkatapos ng tawag, nilayo ko muna yung cellphone ko saakin

"Tangina kailangan ko ng alisin itong sumpang ito" sabi ko sa sarili ko

***

TBC.

Related chapters

  • Para Sa Walang Magawa   Kabanata 9

    Kupido.***Dahil hindi naman natutulog ang demonyo sinikap kong hanapin ang dapat hanapin... syempre hindi iyon world peace noh! demonyo ko tapos ihahangad ko world peace? ano bobo lang?"Pambihira naman! andito

    Last Updated : 2020-08-19
  • Para Sa Walang Magawa   Kabanata 10

    Si Lilith***Lilith's POVNakatambay ako ngayon dito sa rooftop ledge ng isang ospital. Kitang kita ang siyudad na malapit ko ng mapasakamay"Anong balita?"tanong ko sa alaga kong itim na uwak na kakalapag lang saaking tabi

    Last Updated : 2020-08-22
  • Para Sa Walang Magawa   Kabanata 11

    Machete***20:03Kakauwi ko lang galing kela Essay doon ako kumain dahil ayokong mamatay sa luto ni Mary napaka pangit na dahilan iyon para mamatay and sad to say this pero hindi si Essay yung kinain ko hayssGusto niyo pa ba malaman yung ginawa namin kasi for sure alam ko na alam niyo na iyon...Naaalala ko nanaman na para bang nangyayari pa rin iyon saakin***19:04Nasaktuhan ko na wala yung tita niya sa bahay nila pagkapunta ko doon kaya kaming dalawa lang ang tao sa bahay nila"Anong gusto mo?" tanong niya saakin habang pinapakita ang Nissin Ramen na kulay yellow at kulay blue na binigay sa nakuha nilang relief"Ikaw" casual na sagot ko

    Last Updated : 2020-08-27
  • Para Sa Walang Magawa   Kabanata 12

    Lucifer***Katabi ko ngayon si Mary sa kama at pangungunahan ko na kayo, hindi nangyari ang iniisip niyo. Kahapon kasi walang paramdam si Essay.. hindi ko alam kung bakit pero nag antay ako sa tawag niya hanggang madaling araw pero wala! At ngayong alas singko na ng hapon wala pa rin siyang paramdam!"Tawagan mo na kaya siya calci boi~?" sabi ni mary na nakahiga sa may paanan ko"At para ano? Parati na lang ako ang nag aapproach sakanya! Sa tingin ko nga hindi naman niya ako mahal tutal pinilit ko lang naman siya

    Last Updated : 2020-09-01
  • Para Sa Walang Magawa   Kabanata 13

    Drama***Agad din lumisan dito sa bahay si lucifer at ang sakit pa rin ng pisngi ko tangina! nakikita ko pa nga lang yung sirang tiles nasasaktan na ako pero mas nasasaktan yung puso ko sa mga nalaman ko </3sad

    Last Updated : 2020-09-09
  • Para Sa Walang Magawa   Kabanata 14

    Sad Demon Hours***Andito ako ngayon, nakatayo sa tapat ng pintuan nila"Cal?"bungad niyang bati"Anong ginagawa mo

    Last Updated : 2020-09-09
  • Para Sa Walang Magawa   Kabanata 15

    Kapatid***Andito kami ngayon sa sementeryo, nakahiga sa litso. Kulang na lang pangalan na namin nakasulat sa lapida pero mas gugustuhin ko kung ganito nakasulat saakin..

    Last Updated : 2020-09-09
  • Para Sa Walang Magawa   Kabanata 16

    Tulong***"Hindi kotalagaakalain! Masyadoakongnagfocus

    Last Updated : 2020-09-09

Latest chapter

  • Para Sa Walang Magawa   Kabanata 23

    Missing Lilith *** Umagang Umaga ginising ako ni succubus upang mag training nanaman! Limang metro pa din ang distansya namin kasi kingina niya may trauma pa din ako sakanya! "Alam mo ba kung paano magteleport papuntang hawaii?" tanong ko sakanya "Hawaii? Ang layo naman non! Bumili ka ng lang ng ticket! Visa at passport!" "Kingina talagang kupido yon nababadtrip na ako!" "Bakit?" Nagmemeditate kaming dalawa dito sa isang abandunadong building. "Sinumpa kasi ako ng pana non peste." Nakapikit ako at naka indian sit, yung kamay ko naka cross at nakalapat sa aking balikat. "Mainlove?" "Oo tangina nga eh!" "Hahahaha tapos? kanino ka nainlove?" "Sa

  • Para Sa Walang Magawa   Kabanata 22

    Ang Plano***Naka upo kami ngayon ni succubus at nakasandal sa pader mga isang metro ang layo pagkatapos ng make out session namin kanina.Pota ako lang ata ang demonyong naiilang pagkatapos ng isang make out. Tangina."Bakit ba ang layo mo? Come here! Paninindigan ko naman yung ginawa ko kanina!" sabi niya saakin"Shut up! Kiss stealer! Bwisit ka! Jan ka lang wag kang lalapit sa akin!! Baka hindi ka pa nagtoothbrush eh!!""Parang hindi mo naman nagustuhan yung ginawa natin? Sabik na sabik ka nga! You even pulled me closer!"AHHHHHHH NAAALALA KO NANAMAN ANG PANGYAYARING IYON! OO GINUSTO KO YON POTANGINA SINO NAMAN HINDI MAGUGUSTUHAN YON?"Ahh basta! Anyway, tutulungan mo ba talaga ako?""Oo nga. Pagkatapos kitang turuan, pinagdududahan mo pa rin

  • Para Sa Walang Magawa   Kabanata 21

    FirstKiss***Pagkadilat ko sa mga mata ko bigla akong napabalikwas agad."AAAAAAHHHHHHHPOTAAA!" sigaw ko"Good morning to you too, love." sabi ni succubus saakinMukha niya kasi agad ang tumambad sa pagmulat ko sinong hindi aatakihin?"Anong love love ka jan, Calcifer pangalan ko!""Calcifer's so long...I prefer, love.""Paladesisyon ka ha? bakit ka pala nandito?""Baka namiss mo ako..." sabi niya habang nakangusoNagpapacute ampotek."Hindi ka cute!" sabi ko sakanya"Alam ko, kasi cute na cute ako

  • Para Sa Walang Magawa   Kabanata 20

    Succubus***"Pwede ba?" pagkairita kong sambit sa babaeng naka cling sa braso ko"Hindi mo ba alam ang love at first sight?" sabi niya saakin"Hindi mo din ba alam ang naiirita ako at first sight?"Wala na bang mas lala pa sa buhay ko ngayon? Broken hearted na nga ako tapos naiirita pa! Bakit hindi na lang kasi ako patayin ng Diyos?"Alam mo baka kaya hindi ka pinapatay ng Diyos dahil may misyon ka pang dapat gawin?""Tangina! Huwag mo

  • Para Sa Walang Magawa   Kabanata 19

    Aso't Pusa***Andito ako sa sofa at nakadapo naman si orev sa maliit na mesa sa harapan ko"Inhale, Exhale,Inhale,Exhale

  • Para Sa Walang Magawa   Kabanata 18

    Master***Pinilit ako ni Mary na humingi ng tulong sa aking ama upang lumakas at ako ang piliin na tagapagmana sa Impyerno para na rin sa kapakanan ng mga ligaw na kaluluwa.Labag man sa aking dignidad na humingi ng tulong sa mapride na nilalang na sa kasamaang palad ay tinatawag kong

  • Para Sa Walang Magawa   Kabanata 17

    Sariel***"Hindi kosiyanahanapdoon... walasiya

  • Para Sa Walang Magawa   Kabanata 16

    Tulong***"Hindi kotalagaakalain! Masyadoakongnagfocus

  • Para Sa Walang Magawa   Kabanata 15

    Kapatid***Andito kami ngayon sa sementeryo, nakahiga sa litso. Kulang na lang pangalan na namin nakasulat sa lapida pero mas gugustuhin ko kung ganito nakasulat saakin..

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status