Share

Kabanata 7

Author: the1999cut
last update Last Updated: 2020-08-18 13:20:48

Dalaw.

***

12:37 ng Linggo

Kung hindi niyo man lang maitatanong kung anong ginawa ko kahapon pwes magdamag kaming magkausap ni Essay, pinaloadan ko pa nga siya ng one hundred pesos para 7days hayss nagagawa ng pesteng pagibig na ito!
Ang malala pa doon hindi pa rin ako nakaligtas sa pesteng bible study na iyon! Leche!

Pinagbakasyon ko muna si Aling Flor ng isang buwan. Pinauwi ko muna siya sa probinsya nila at bayad pa rin naman siya.. mahirap na at baka tanungin niya ko kung sino sila supremo, pepe at heneral ng kung ano ano tungkol sa buhay nila ayoko pa naman sa ugali niyang tanong ng tanong nakakarindi! Akala mo talking questionaire..

***

"Aling Flor kailan yung huli mong uwi sainyo?"

andito kami sa kusina, naghuhugas si Aling Flor ng pinagkainan namin at ako andito lang sa tabi inoobserbahan yung ginagawa niya

"Hmmm last year pa ata

iyon?"

"Magbakasyon

ka muna... mga

isang buwan"

"At bakit naman master calcifer? biglaan naman ata? alam ba yan ni master lucifer? wala naman siyang sinasabi? atsaka

bakit naman isang buwan? paano yung trabaho ko? paano yon kailangan pa naman namin ng pera...ibebenta niyo na ba itong bahay? sinabi ba ni master lucifer na magbakasyon ako? may kumakalat pa naman na veerus

ngayon"

"Alam mo aling flor ang dami mong tanong! ikaw na nga tong pinagbabakasyon

ayaw mo pa? dapat

pag gising ko wala ka na dito ah!"

pagkasabi ko non umakyat na ako sa kwarto ko

***

"Asaan si Machete?" tanong ko kay Mary na pinaasikaso ko ng pagkain namin hindi ko alam kung nakapag 
luto na ba siya sa buong buhay niya nung nabubuhay pa siya

"Naliligo ata?"

"Sabihin mo sampung beses siya maligo ayokong umaalingasaw yung bulok

niyang katawan"

"Alam mo grabe ka

calci boi sa baby ko~ hmmmp" sabi niya saakin habang naka nguso at nakapameywang

"Baby baby babygwasan kita jan eh hmmp!"

Tinignan ko yung wall clock

"Taragis naman talaga sabi ko pumunta dito ng tuwelb thirty, mag tutuwelb forty na!"

"Nako calci boi~ alam mo naman kasi... filipino time"

"Kahit anong lahi o bansa pa iyan ang late ay late! atsaka

tapos

ka na ba magluto?"

"Duuuuuuh~ oo naman calci boi!"

Lumapit ako sa kusina at kumuha ng kutsara para tikman yung niluto niyang tinola

"PWEEEE!!!! ANO ITO!?"

"Tinola" casual lang niyang sagot

"Tinola? Tikman mo nga yung sabaw! " reklamo ko sakanya

kinuha niya yung kutsara ko at tinikman ang sabaw ng tinola niyang kuno

"Hmmm anong masama dito?"

"Anong masama? Tubig alat ba nilagay mo jan!? akala ko pa  naman marunong ka magluto?"

"Marunong nga!"

"Ano nangyare dito?"

"Marunong ako magluto pero wala akong panlasa kaya hindi ko alam kung anong lasa... kung maalat ba o hindi?"

"Punyeta ipaubos ko kaya sayo yan!"

"Chillax calci boi~ wala din naman panglasa sila pepe, supremo at heneral! pati si baby ko wala din naman"

"Si Essay meron! atsaka wala akong pake sainyo!"

"Madaling solusyon lang yan calci boi~ tutal bukod sayo, siya lang naman ang may panlasa kaya magpretend

ka na lang na masarap yung luto ko para isipin niya yung panlasa niya yung may problema hehehe"

"Magluto ka na lang ng hotdog at itlog!"

"Oki doki calci boi~"

Napapahilamos na lang ako ng mukha kahit walang tubig dahil dito kay Mary... ewan ko ba kung ikinamatay ata niyan pagkawala ng utak eh

Napaupo na lang ako sa sofa, binuksan ang TV at unang bungad ay tungkol sa Covid-19

Teka... bawal mass gathering ah? paano yun magsisimba?

Tinungo ko ulit ang kusina at lumapit kay mary

"Bruha diba bawal yung simba simba ngayon?" tanong ko sakanya

"Oo bakit?"

"Sabi saakin ni essay magsisimba daw muna siya...hindi kaya nagsisinungaling na siya

saakinilang araw pa lang kami tapos nagsisinungaling na siya

saakin kaagad?"

Babaeng yon mapanlinlang! sigurado ako tinetake for granted niya lang ako! pagkatapos ko siya loadan ng isang daan kahapon at makinig sa nakakarinding bible study niya!?

"Alam mo para kang tanga calci boi bakit hindi mo siya tawagan?"

kinuha ko yung cellphone ko at dinial yung natatanging number niya

pagkatapos ng tatlong ring ay sinagot niya na rin ang tawag ko

"Cal?" bungad niya agad

Yung boses pa lang na iyon napaka inosente na...

"Hindi ba sabi mo saakin may simba ka

ngayon?"

"Oo meron nga"

"Paano? bawal yung simba simba ah?"

"Via Zoom"

"Zoom?"

"oo zoom"

tinignan ko si Mary at tinaasan ng isang kilay yung tipo na nagsasabi sakanya ng: Ano yung zoom?

"Ewan" kibit balikat niyang sagot saakin

"Ano yung zoom?" tanong ko kay essay

"Hahahaha~"

Yung mga tawa na yan ata nagpaganda ng araw ko pero mas gaganda ito kapag narinig ko yon sa personal

"Zoom ay isang app? parang video call ganon?"

"Video call?"

Tumingin ulit ako kay Mary, taas ang isang kilay na parang nagtatanong ng: Ano naman yung putragis na video call?

"Nakikita mo siya

habang katawagan mo" pabulong na sagot ni Mary

"Pwede yon?" mahinang tanong ko kay Mary

"Oo"

"Bakit hindi mo saakin sinabi na pwede naman pala yung ganon"

"Hindi mo tinanong"

"Cal?" tinignan ko na lang ng masama si Mary at binalik ang atensyon ko sa kausap ko

"Paano ka pala makakapunta dito?"

"May quarantine pass naman ako atsaka hindi naman ako magtatagal"

"Bakit?" malungkot kong pagkakasabi sakanya

Malungkot? bakit ako malulungkot? dapat masaya nga ako eh! ayoko nga siyang pumunta dito! Ayaw!

"Ayoko maabutan ng curfew" malungkot niyang bigkas

"Pesteng curfew napaka sagabal tsss"

Nakikita ko sa peripheral vision ko si Mary na nakangiti na parang tanga kaya lumipat ako sa sala pero nadaanan ko si Machete na palabas pa lang ng CR at nakatapis lang sa ibaba

"Isa pang ligo" sabi ko sakanya

"But--" tinignan ko lang siya ng masama at mabilis siyang bumalik sa loob ng cr at ako ay umupo na sa sofa at tinignan ang wall clock na nasa wall

12:48 na... talaga yung tatlong iyon!

"Paalis na ako" sabi ni essay

"Hintayin kita sa may pinto"

"Ha? huwag na noh"

"Bakit? sino magbubukas sayo ng pinto? may susi ka ba?" pamimilosopo ko

kung nasa tamang wisyo pa ako ngayon panigurado akong ganito sasabihin ko

"Hintayin kita sa may pinto"

"Ha? huwag na noh"

"Edi huwag"

tapos may pafollow up pa na banat ng

"Bahala ka

sa

buhay mo"

ganyan dapat yon kaso iba yung lumabas na follow up eh

"Paalis na ako" sabi ni essay

"Hintayin kita sa may pinto"

"Ha? huwag na noh"

"Bakit? sino magbubukas sayo ng pinto? may susi ka ba?" pamimilosopo ko sabay bawi ko din nga
"Joke lang hahahaha hihintayin kita sa pinto kasi gusto na kita makita agad gusto ko na makita yung maganda mong mukha"

PASMADONG BIBIG TO! HINDI KO NA ALAM KUNG KATAWAN KO BA TALAGA ITO PUTA

"Hahahaha siraulo ka

talaga cal"

"Huwag ka

nga tumawa...."

"Bakit naman?"

"Lalo akong

nahuhulog sayo"

AAAAAAAHHHHHHHHH!!!!!!! SINABI KO YON? ANG KORNI NON! TANGINA TALAGA!

"Wala ka na bang iba pang pick up line bukod jan?" halata sa tono niyang nakikisakay siya sa trip ko kaso hindi ko naman trip to! peste!

Pick up line? Anong taon na ba sa tingin neto? 2012 pa din?

"Syempre meron..." eto nanaman nililinlang nanaman ako ng pasmadong bunganga na ito

"Sige nga"

"Alam mo ba pinagkaiba namin ni Rizal?"

"Ano?"

"Si Rizal nasa Piso... ikaw nasa puso ko" seryosong pagkakasabi ko pero deep inside talaga ganito yon

AAAAAAHHHHH!!!!!!! YUCK YUCK YUCK YUCK BAD WORDS BAD WORDS BAD WORDS!!!!  PWEEEEEEEE!! AYOKO NA NG GANITO LOOOOORD! LOLO PARANG AWA MO NA AWAT NA!

Narinig ko din yung mahinang bungisngis ni essay

Luhhhh sheeeeet bakit ganito epekto saakin?

kilig kilig kilig kilig kilig kilig

"Meron pa meron pa" sabi ko

Aba at hindi ka pa talaga titigil hinayupak kang bunganga ka puta ka!

"Ano?"

"Alam mo ba pinagkaiba namin ni Rizal?"

"Siya nasa piso at ako nasa puso mo? part two?"

"hindi hindi"

"Okayy anong pinagkaiba niyo ni Rizal?"

"Si Rizal tinamaan

sa likod....ako tinamaan sayo" this time naka ngisi naman ako pero deep inside talaga

ANG KORNI NAMAN! MAS OKAY PA SANA KUNG YUNG BANAT GANITO NA LANG... MAY TATLONG JOKE AKO SAYO, ANO? JOKE JOKE JOKE! DAPAT AYUN NA LANG EH!

"Ikaw Cal ha! dahil jan pagdating ko magbabible study tayo agad"

AWIT NAMAN LORD! MAAWA KA NA SAAKIN! PATAYIN NIYO NA AKO NGAYON!! AWAT NA SA PAGPAPAHIRAP HUHUHUHUHU WALA NA AKONG DIGNIDAD NA MAIPAPAKITA SA TATAY KO PUNYEMAS!

***

12:57 na dumating sila Pepe, Supremo at Heneral na nasa katawan tao

"Ano yang suot niyo?" reklamo ko

"Damit kapatid!" masiglang sagot ni supremo

"Alam kong damit yan pero anong taon na? 2020 na tapos kayo nasa 1890's pa din!"

"Patawad kaibigan pero wala kaming panahon para maghanap ng maisusuot" sabi ni pepe

"Anong walang panahon? anong ginawa niyo kahapon? tapos

ngayon late pa kayo sa usapan! tapos tignan mo si heneral...ano yan? saan gera?"

"Punyeta kumpadre! hindi pa rin ba tapos ang gera?"

"Hindi pa at kahit kailan hindi! at magsisimula ang gera saatin kasi gegerahin ko kayong tatlo! haynakopalpak yung tinola tapos yung pananamit niyo para bang isasadula natin yung Noli me tangere o kaya yung El filibusterismo eh!"

"Bakit parang pamilyar iyon

saakin? hmmm?" pagtataka ni pepe

"Bro~ chill!" sabi ni Machete saakin

"Oo nga naman calci boi~ chillax lang!  kami bahala tignan mo ang ayos na ng lamesa handa na lahat

tapos

sa

pananamit pa ng tatlo panigurado ako iisipin non na isa kang family oriented type of guy"

"Paano naman naging family oriented yung ganyang

pananamit?"

"Kasi magmumukhang mahal mo yung bansa mo?" pagkasabi non ni mary matagal kaming nagtitigan at napaisip.... actually feeling ko walang sense yung sinabi niya

"Nevermind" sabi niya

"Osya tandaan niyo sinabi ko ah..."

"Magsinungaling ng naaangkop

sa pinag uusapan~" sabay sabay na sabi ng lima

"Good good good!"

***

TBC.

Related chapters

  • Para Sa Walang Magawa   Kabanata 8

    Kahit Ano.***Tinititigan ko yung bagong litrato ko sa kwarto na nakasabit sa pader... hayyss napakagwapong nilalang nga naman.Actually isa itong throwback picture sa graduation ball ng isang university nakunan ang litrato. Wala kasi akong magawa non kaya napagtripan kong manggulo. Masquerade yung theme ta

    Last Updated : 2020-08-18
  • Para Sa Walang Magawa   Kabanata 9

    Kupido.***Dahil hindi naman natutulog ang demonyo sinikap kong hanapin ang dapat hanapin... syempre hindi iyon world peace noh! demonyo ko tapos ihahangad ko world peace? ano bobo lang?"Pambihira naman! andito

    Last Updated : 2020-08-19
  • Para Sa Walang Magawa   Kabanata 10

    Si Lilith***Lilith's POVNakatambay ako ngayon dito sa rooftop ledge ng isang ospital. Kitang kita ang siyudad na malapit ko ng mapasakamay"Anong balita?"tanong ko sa alaga kong itim na uwak na kakalapag lang saaking tabi

    Last Updated : 2020-08-22
  • Para Sa Walang Magawa   Kabanata 11

    Machete***20:03Kakauwi ko lang galing kela Essay doon ako kumain dahil ayokong mamatay sa luto ni Mary napaka pangit na dahilan iyon para mamatay and sad to say this pero hindi si Essay yung kinain ko hayssGusto niyo pa ba malaman yung ginawa namin kasi for sure alam ko na alam niyo na iyon...Naaalala ko nanaman na para bang nangyayari pa rin iyon saakin***19:04Nasaktuhan ko na wala yung tita niya sa bahay nila pagkapunta ko doon kaya kaming dalawa lang ang tao sa bahay nila"Anong gusto mo?" tanong niya saakin habang pinapakita ang Nissin Ramen na kulay yellow at kulay blue na binigay sa nakuha nilang relief"Ikaw" casual na sagot ko

    Last Updated : 2020-08-27
  • Para Sa Walang Magawa   Kabanata 12

    Lucifer***Katabi ko ngayon si Mary sa kama at pangungunahan ko na kayo, hindi nangyari ang iniisip niyo. Kahapon kasi walang paramdam si Essay.. hindi ko alam kung bakit pero nag antay ako sa tawag niya hanggang madaling araw pero wala! At ngayong alas singko na ng hapon wala pa rin siyang paramdam!"Tawagan mo na kaya siya calci boi~?" sabi ni mary na nakahiga sa may paanan ko"At para ano? Parati na lang ako ang nag aapproach sakanya! Sa tingin ko nga hindi naman niya ako mahal tutal pinilit ko lang naman siya

    Last Updated : 2020-09-01
  • Para Sa Walang Magawa   Kabanata 13

    Drama***Agad din lumisan dito sa bahay si lucifer at ang sakit pa rin ng pisngi ko tangina! nakikita ko pa nga lang yung sirang tiles nasasaktan na ako pero mas nasasaktan yung puso ko sa mga nalaman ko </3sad

    Last Updated : 2020-09-09
  • Para Sa Walang Magawa   Kabanata 14

    Sad Demon Hours***Andito ako ngayon, nakatayo sa tapat ng pintuan nila"Cal?"bungad niyang bati"Anong ginagawa mo

    Last Updated : 2020-09-09
  • Para Sa Walang Magawa   Kabanata 15

    Kapatid***Andito kami ngayon sa sementeryo, nakahiga sa litso. Kulang na lang pangalan na namin nakasulat sa lapida pero mas gugustuhin ko kung ganito nakasulat saakin..

    Last Updated : 2020-09-09

Latest chapter

  • Para Sa Walang Magawa   Kabanata 23

    Missing Lilith *** Umagang Umaga ginising ako ni succubus upang mag training nanaman! Limang metro pa din ang distansya namin kasi kingina niya may trauma pa din ako sakanya! "Alam mo ba kung paano magteleport papuntang hawaii?" tanong ko sakanya "Hawaii? Ang layo naman non! Bumili ka ng lang ng ticket! Visa at passport!" "Kingina talagang kupido yon nababadtrip na ako!" "Bakit?" Nagmemeditate kaming dalawa dito sa isang abandunadong building. "Sinumpa kasi ako ng pana non peste." Nakapikit ako at naka indian sit, yung kamay ko naka cross at nakalapat sa aking balikat. "Mainlove?" "Oo tangina nga eh!" "Hahahaha tapos? kanino ka nainlove?" "Sa

  • Para Sa Walang Magawa   Kabanata 22

    Ang Plano***Naka upo kami ngayon ni succubus at nakasandal sa pader mga isang metro ang layo pagkatapos ng make out session namin kanina.Pota ako lang ata ang demonyong naiilang pagkatapos ng isang make out. Tangina."Bakit ba ang layo mo? Come here! Paninindigan ko naman yung ginawa ko kanina!" sabi niya saakin"Shut up! Kiss stealer! Bwisit ka! Jan ka lang wag kang lalapit sa akin!! Baka hindi ka pa nagtoothbrush eh!!""Parang hindi mo naman nagustuhan yung ginawa natin? Sabik na sabik ka nga! You even pulled me closer!"AHHHHHHH NAAALALA KO NANAMAN ANG PANGYAYARING IYON! OO GINUSTO KO YON POTANGINA SINO NAMAN HINDI MAGUGUSTUHAN YON?"Ahh basta! Anyway, tutulungan mo ba talaga ako?""Oo nga. Pagkatapos kitang turuan, pinagdududahan mo pa rin

  • Para Sa Walang Magawa   Kabanata 21

    FirstKiss***Pagkadilat ko sa mga mata ko bigla akong napabalikwas agad."AAAAAAHHHHHHHPOTAAA!" sigaw ko"Good morning to you too, love." sabi ni succubus saakinMukha niya kasi agad ang tumambad sa pagmulat ko sinong hindi aatakihin?"Anong love love ka jan, Calcifer pangalan ko!""Calcifer's so long...I prefer, love.""Paladesisyon ka ha? bakit ka pala nandito?""Baka namiss mo ako..." sabi niya habang nakangusoNagpapacute ampotek."Hindi ka cute!" sabi ko sakanya"Alam ko, kasi cute na cute ako

  • Para Sa Walang Magawa   Kabanata 20

    Succubus***"Pwede ba?" pagkairita kong sambit sa babaeng naka cling sa braso ko"Hindi mo ba alam ang love at first sight?" sabi niya saakin"Hindi mo din ba alam ang naiirita ako at first sight?"Wala na bang mas lala pa sa buhay ko ngayon? Broken hearted na nga ako tapos naiirita pa! Bakit hindi na lang kasi ako patayin ng Diyos?"Alam mo baka kaya hindi ka pinapatay ng Diyos dahil may misyon ka pang dapat gawin?""Tangina! Huwag mo

  • Para Sa Walang Magawa   Kabanata 19

    Aso't Pusa***Andito ako sa sofa at nakadapo naman si orev sa maliit na mesa sa harapan ko"Inhale, Exhale,Inhale,Exhale

  • Para Sa Walang Magawa   Kabanata 18

    Master***Pinilit ako ni Mary na humingi ng tulong sa aking ama upang lumakas at ako ang piliin na tagapagmana sa Impyerno para na rin sa kapakanan ng mga ligaw na kaluluwa.Labag man sa aking dignidad na humingi ng tulong sa mapride na nilalang na sa kasamaang palad ay tinatawag kong

  • Para Sa Walang Magawa   Kabanata 17

    Sariel***"Hindi kosiyanahanapdoon... walasiya

  • Para Sa Walang Magawa   Kabanata 16

    Tulong***"Hindi kotalagaakalain! Masyadoakongnagfocus

  • Para Sa Walang Magawa   Kabanata 15

    Kapatid***Andito kami ngayon sa sementeryo, nakahiga sa litso. Kulang na lang pangalan na namin nakasulat sa lapida pero mas gugustuhin ko kung ganito nakasulat saakin..

DMCA.com Protection Status