Caline’s POVSimula nang maging active na ang kapangyarihan ko, nag-iba na ang takbo ng buhay ko. Araw-araw, may bagong pagsubok. Tinuturuan ako ni Papa Corvus na kontrolin ang kapangyarihan kong apoy na tila walang katapusan ang lakas. Pero ngayong araw, hindi ko inaasahang matutuklasan ko na naman ang isa pang aspeto ng kapangyarihan kong ito—isang bagay na hindi ko pa naiintindihan, ngunit halatang gusto ni Papa na pagtuunan ko ng pansin.Pagod na ako mula sa nakaraang training session. Ang dami kong iniisip—mga tanong na hindi ko masagot. Bakit ako? Bakit ganito ang kapangyarihan ko? Anong mangyayari kung hindi ko ito makontrol? Ang daming tanong na paulit-ulit sa isip ko habang naglalakad ako papunta sa hardin.Ang hardin namin ay parang kanlungan ko. Dito ako pumupunta kapag gusto kong magpahinga o mag-isip. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi ko inakala na magiging saksi ito sa isa na namang kakaibang bahagi ng kapangyarihan ko.Habang nakatayo ako sa gitna ng mga bulaklak, bigla
Caline’s POVSa wakas, pahinga day, bonding day, I mean, date pala namin ni Akeno. Oo, sa wakas ay nagbigay na rin ng pahinga day si papa. Suggest din kasi ni mama na dapat ay hayaan naman daw kami ni Akeno na makapag-date sa labas, deserve ko raw ito kasi ginagalingan ko naman palagi ang pagte-training kaya pumayag naman si papa. The best mama talaga si mama Alina. Support lang din talaga sila sa relasyon namin ni Akeno. Nakikita rin kasi nila na seryoso at mahal ako ni Akeno.Naglalakad kami sa parke ngayong gabi, hawak ko ang baso ng milktea habang si Akeno naman ay nag-e-enjoy sa kinakain niyang isaw.“Simple dates are the best, don’t you think?” tanong niya sa akin habang ngumunguya. Nasasanay na siyang mag-english. Sinasanay na raw niya para raw kapag pinakilala ko na siya biglang boyfriend ko sa mga kaibigan ko, kaya na raw niyang makasagot ng english din. Natatawa ako pero seryoso siya roon.Tumango na lang ako, ngumingiti. Alam kong ito ang tipo ng date na gusto niya—malayo s
Akeno’s POVKahit girlfriend ko na si Caline, hindi ko pa rin tinigil ang pagiging hardinero ko rito sa mansiyon nila. Hindi ko na lang tinatanggap ang pasahod nila kasi dito naman na ako nakatira sa kanila. Ang saya nga kasi parang anak na rin ang turing sa akin nila Tito Corvus at Tita Alina. Anak na rin ang minsan na tawag nila sa akin. Tanggap agad nila ako, parang puwede na nga agad magpakasal, e.Ang hardin ang naging paborito kong lugar para magpahinga tuwing gabi. Tahimik at payapa, perpekto para sa mga oras na gusto kong mag-isip o makipag-usap sa isang kakaibang kaibigan—si Cass. Si Cass, ang kaluluwang ligaw na hanggang ngayon ay kami lang ni Caline ang nakakakita. Mula noong una ko siyang makita, lagi kong pinagtataka kung bakit siya nandito at kung anong layunin niya. Ngunit sa kabila ng lahat, naging magaan ang loob ko sa kaniya. Kahit na isang espiritu siya, para na siyang isang tunay na kaibigan.“Cass,” bungad ko habang nakaupo sa isang bato sa gitna ng hardin. “Bakit
Caline’s POVNgayong araw, naging busy kami ni Akeno sa paghahanap sa mga ospital. Sa kabila ng init ng araw at bigat ng aming layunin, hindi ko magawang magreklamo. Kasama ko si Akeno, at magkahawak-kamay naming hinahanap ang katawan ni Cass.“Caline, are you sure about this?” tanong ni Akeno habang nakatingin sa mapa ng lungsod na hawak niya. “We’ve been to three hospitals already, and we still don’t have any clue.”“May mga pagkakataon na kailangang magsimula sa wala,” sagot ko. “We owe it to Cass. If there’s even the slightest chance that we’ll find her body, we have to try.”Masama kasi ang pakiramdam ni Akeno pala, kung alam ko lang, hindi ko na siya sinama. Kasi naman, siya rin ang ayaw pumayag na hindi siya sasama, sabi ko kanina, ako na lang ang lalakad, siya lang ang mapilit na sumama talaga.Napabuntong-hininga si Akeno. Alam kong pagod na talaga siya, pero hindi siya kailanman nagsabi na tumigil na kami.Ang unang ospital na pinuntahan namin ay tahimik na halos wala kang m
Caline’s POVTahimik na ang buong mansiyon. Tanging ang malamig na hangin mula sa bintana ang nagbigay ng kaunting tunog sa paligid. Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakahiga sa kama, hinihintay ang mahinang katok sa pintuan ng kuwarto ko.Tok. Tok.Napangiti ako nang marinig kong nariyan na siya. Agad kong binuksan ang pinto, at nandoon na nga siya—si Akeno, hawak ang maliit na bouquet ng mga wildflowers na kinuha niya kanina habang naglalakad kami sa hardin.“For you,” sabi niya, na may ngiti sa mga labi. Parang baliw, may paganito pa siya kahit gabi na.“Anong oras na pero may pa-flowers ka pa rin,” sabi ko habang tinanggap naman iyon. Ayoko namang maging Killjoy sa kaniya.“Para may maipaalala sa’yo na kahit gaano pa tayo ka-busy, mahalaga ka sa akin.”Hindi ko mapigilan ang init na gumapang sa mukha ko. Kahit ilang beses na niyang sinasabing mahal niya ako, parang laging bago ang pakiramdam sa tuwing naririnig ko iyon mula sa kaniya.Inakay ko siya papasok sa kuwarto at mainga
Caline’s POVTahimik ang gabi nang tawagin namin sina Papa Corvus at Mama Alina sa living room. Nasa sala kaming apat, kasama si Akeno. Naroon din si Cass, nakaupo sa gilid ko, bagama’t kami lang ni Akeno ang nakakakita sa kaniya. Ang kaba sa dibdib ko’y parang drum na tumitibok habang iniisip kung paano namin ipapaliwanag ang lahat ng ito sa mga magulang ko.“Anak, bakit parang seryoso ang usapan niyo” tanong ni Mama Alina habang pinupunasan ang basang kamay sa kaniyang apron.Tumingin ako kay Akeno. Tumango siya sa akin bilang senyas na simulan ko na. “Mama, Papa, may kailangan kayong malaman.”Napakunot ang noo ni Papa Corvus. “Ano iyon, Caline?”“I... We’ve been living with a lost soul.”Tahimik agad sila. Parang tumigil ang oras sa narinig nila. Parehong napatingin sina Mama at Papa sa akin, halatang hindi sigurado kung tama ang narinig nila.“What do you mean, Caline?” tanong ni Mama, bakas ang alinlangan sa boses niya.Sumingit si Akeno. “It’s true. There’s a wandering soul wh
Caline’s POVHindi ko mapigilan ang bilis na tibok ng puso ko habang papunta kami ni Papa Corvus sa opisina ng direktor ng ospital na kung saan ay naroon ang katawan ni Cass. Magkahawak kami ng kamay ni Mama Alina, na parang hinahanap sa isa’t isa ang lakas sa kung anuman ang malalaman namin. Si Akeno naman ay nasa likuran namin, tahimik ngunit alerto. Hindi ko maalis sa isip ko ang lalaking nakita ko sa kuwarto ni Cass. Sino siya? At bakit parang may ibang presensyang bumabalot sa kanya?“Caline, are you sure about what you saw?” tanong pa ulit ni Papa, tumingin siya sa akin habang hawak ang braso ni Mama.“Yes, Papa. His eyes… they weren’t normal,” sagot ko habang pinipilit na huwag ipakita ang kaba sa boses ko.Pagdating namin sa opisina ng direktor, sinalubong kami ng isang babaeng sekretarya. “Good morning po. Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo” tanong niya nang nakangiti.Agad na sumagot si Papa. “Kailangan namin makausap ang direktor ng ospital. May mahalaga kaming kailangang
Caline’s POVAng init ng gabi ay tila sumasalamin sa init ng tensyon na bumabalot sa amin. Hindi ko maialis ang kaba sa dibdib ko habang tinitingnan si Papa Corvus, na abala sa paggawa ng plano para madala si Thomas sa likod ng ospital. Alam naming hindi na si Thomas ang nasa katawan niya. Ang demonyong si Vorthak ang nagmamanipula sa pinsan ng Mama ko.Ngayon na kami nagplanong labanan siya habang ang mga demonyong nakawala sa impyerno ay tahimik at hindi pa nagpaparamdam.“Caline, this has to be precise,” sabi ni Papa, ang malamig niyang boses ay halatang puno ng pag-aalala. “Vorthak is unlike any demon you’ve faced before. He’s cunning and extremely powerful.”Tumango ako, pinipilit maging kalmado kahit na parang umaalon ang kaba sa loob ko. “I understand, Papa. Whatever it takes, we’ll end this tonight.”Habang nasa ospital, sinimulan namin ang plano. Ginamit ni Papa ang koneksyon niya sa mga staff ng ospital upang magpasimuno ng isang “emergency evacuation drill.” Habang nagkakag
Caline’s POVTahimik ang gabi. Katabi ko si Akeno, mahimbing na natutulog kasi pagod sa trabaho dahil overtime siya, actually ay kakauwi lang niya. Talagang binibigay niya ang best niya para mapabuti at mapalago ang negosyong binigay sa kaniya ni papa. At nakikita ko naman na maganda ang nagiging takbo ng lahat dahil magaling talaga ang asawa ko.Nakahilig ang ulo niya sa balikat ko, tila kampanteng-kampante sa mundo. Napangiti ako habang pinagmamasdan siya. Ang lalaking ito, na minahal ko ng buong puso, ay naging katuwang ko sa lahat ng bagay—ngayon, magiging ama na siya.Pero ang ngiti ko ay napalitan ng kirot. Isang matinding sakit sa tiyan ang biglang dumaluyong sa akin. Nagising ako ng tuluyan, at sa ilang segundo pa, naramdaman kong may mainit na likidong umagos mula sa akin. Pumutok na ang panubigan ko.“Akeno, gumising ka!”Ginising ko si Akeno, na sa simula ay parang nag-aalangan pa kung gigising ba siya o hindi.“Hmm? Ano iyon, Honey?” tanong niya habang nakapikit pa rin ang
Akeno’s POVPagkatapos ng isang linggong honeymoon sa South Korea, heto, balik trabaho na ulit ako. Pero, nakaka-miss ding bumalik sa trabaho, nakaka-miss batiin ng mga empleyado, lalo’t sanay na akong tinatawag na sir.Nasa gitna ako ng isang mahalagang meeting sa opisina. Maraming desisyon ang kailangang gawin, maraming proyekto ang inaasikaso. Ngunit isang mensahe mula sa aking telepono ang nagpahinto sa lahat.“Sir, may nangyari kay Ma’am Caline. Nahimatay po siya sa mansion.”Parang tumigil ang mundo ko pagkatapos kong mabasa ang message na iyon. Hindi ko na inintindi kung sino ang nag-text. Hindi ko na rin narinig ang sinasabi ng mga tao sa empleyado ko. Ang tanging nasa isip ko ay si Caline—ang asawa kong minamahal ko ng higit pa sa kahit ano ay may nangyaring masama ngayong araw.“Meeting adjourned,” malamig kong sabi bago tumayo. Walang tanong-tanong. Walang paliwanag. Mabilis kong kinuha ang susi ng sasakyan at nagmamadaling umalis ng building.Habang nagmamaneho, halos suma
Caline’s POVSa lahat ng sandaling pinangarap ko ang araw na ito, hindi ko inakalang magiging ganito siya kaganda. Gising pa lang ako kaninang madaling araw, nararamdaman ko na ang excitement dahil alam kong special ang araw na ito para sa aming dalawa ni Akeno.Ito ang araw na ikakasal ako kay Akeno, ang taong nagpatunay na ang pag-ibig ay walang hanggan. Pagbukas ko ng aking mga mata, naramdaman ko agad ang kiliti ng liwanag ng araw na dumaan sa kurtina ng kuwarto ko. Ang mga kasambahay ay abala na, ang glam team ay nasa labas na ng pinto at naghihintay sa akin. Maaga akong naligo dahil ayokong maghintayin ang mga mag-aayos sa akin.“Good morning, bride-to-be!” Masiglang bati ng makeup artist na si Elle pagpasok niya sa kuwarto. Sikat siyang makeup artista sa social media kaya siya ang kinuha ko. Isa pa, mga maaarte kong kaibigan ang nag-suggest sa kaniya kasi nga iba gumalaw ang kamay niya kapag nagpapaganda ng isang tao. At dahil kasal ko ‘to, aba, dapat lang na maging mas maganda
Akeno’s POVMatapos ang araw na iyon, ang kaarawan ko na puno ng mga sorpresa, saya, at pagmamahal, akala ko tapos na ang lahat, pero tila may hinanda pang kakaiba si Papa Corvus para sa akin.Gabi na at handa na akong matulog sana. Nakahiga na ako sa kama at iniisip ang lahat ng nangyari kanina. Ang saya sa mga ngiti nina Caline at ng kanyang pamilya, ang amoy ng masasarap na pagkain, at ang ingay ng tawanan ay naglalaro pa rin sa isipan ko. Nang biglang kumatok sa pinto si Papa Corvus.“Akeno, can I have a word with you?” tanong niya.Napatayo agad ako at mabilis na nag-ayos ng sarili. Hindi ko alam kung bakit, pero parang kinabahan ako. Ano kaya ang pag-uusapan namin?“Uh, yes po. Sige po, Papa,” sagot ko habang dahan-dahang binubuksan ang pinto.Tumayo siya sa may pintuan, nakita ko ang seryosong mukha niya. “Sa opisina ko tayo mag-usap.”Hindi ko maiwasang kabahan habang sinusundan siya. Sa isip ko, baka may ginawa akong hindi tama o baka may plano siyang paghiwalayin na kami ni
Akeno’s POVIsang taon na ang lumipas mula nang magbalik sa dati ang mundo. Sa wakas, ang pinto ng impyerno ay naisara na, at ang mga demonyong minsang naghasik ng lagim ay nawala na lahat. Naging sikat na parang superhero sina Caline, Caius at Papa Corvus sa buong Pilipinas kasi nasaksihan ng buong Pilipinas kung paano nila tinapos at inubos ang mga demonyo.Pero ang mga alaala ng digmaang iyon ay nananatili, hindi lang sa kaluluwa ng bawat tao, kundi pati na rin sa mga bakas ng pagkawasak sa ating paligid.Ang Manila na dating puno ng buhay at sigla, ay naging larawan ng kaguluhan noon. Maraming gusali ang nawasak, maraming negosyo ang nagsara, at maraming buhay ang naiba. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, dahan-dahan na ring umaangat ang lahat. Ang tao, kahit kailan, ay marunong bumangon.At ngayon, isang taon matapos ang lahat ng iyon, tila bumalik na rin ang normalidad. Pero kahit bumalik na ang lahat sa dati, hindi maikakaila na may mga pagbabago na sa akin at sa paligid ko.**P
Caline’s POVAng unang araw ng labanan namin ay masyadong nakakamangha dahil sa nakikita ko kung paano makipaglaban ang kakambal kong si Caius.Tumayo kami sa isang lugar na tila naging entablado ng digmaang ito—isang malawak na disyerto ng abo at nasirang mga gusali. Ang dilim ng paligid ay sinisindihan lamang ng nag-aapoy naming mga kapangyarihan.Ngunit ang atensyon ko ay hindi maialis kay Caius.Nakangiti si Caius, tila ba para sa kaniya, ang mga demonyong humaharap sa amin ay mga laruan lamang. Ang asul niyang apoy, maliwanag na maliwanag, ngunit nakakatakot kapag ginamit na.Kumalat mula sa kaniyang mga palad ang asul na apoy at bumuo ng isang bilog sa kaniyang paligid. Ang gara, ang ganda talaga ng apoy niya.Biglang lumipad sa hangin ang apoy, tila naging mga asul na mga ibong nagliliyab, bawat isa ay may matalas na pag-atake. Nang magsimula nang sumugod ang mga demonyo, isa-isa silang binanatan ng apoy na iyon. Sa bawat atake, natutunaw sila ng parang abo, ganoon kabagsik ang
Caline’s POVHindi ko mapigilang mapaluha habang nakatingin sa katawan ng kapatid kong si Caius, na ngayon ay nasa sala ng mansiyon namin. Ilang taon naming hinanap ang sagot sa pagkawala niya, at ngayon, heto kami, muli nang magkasama.“Caline, hawakan mo ang kamay niya,” marahang sabi ni Papa Corvus. Ramdam ko ang bigat ng emosyon sa boses niya.Tumango ako, inilapit ang nanginginig kong kamay sa malamig na kamay ni Caius. Ang mama naman namin ay nakaluhod sa gilid, patuloy na umiiyak habang hinihintay ang susunod na mangyayari.Si Tita White ang isa sa mga gumagabay sa amin kasi maalam siya sa mga ganitong eksena.Pero bago namin makuha ang katawan ni Caius, inasikaso muna ni papa ang lahat ng kailangan. Nagsimula ang lahat nang magdala si Papa ng papel mula sa ospital. Nang sa wakas ay maayos na ang lahat ng dokumento para makuha namin ang katawan ni Caius. Tumawag siya ng ambulansya para ihatid ito sa mansiyon, at buong araw naming inihanda ang sala bilang lugar ng pagsasama-sama
Caline’s POVHindi ko akalain na darating ang gabi kung kailan mabubuo ang lahat ng lakas ko—ang lahat ng pinagsama-samang tapang at takot—upang labanan ang isa sa pinakamalakas na kalaban ng pamilya namin. Si Vorthak. Ang demonyong sumira ng napakaraming buhay, ay saka pa ako manghihina ng ganito.Pero ngayon, habang nakatingala ako mula sa lupa, ramdam ang bigat ng bawat sugat sa katawan ko, alam kong hindi ito ang oras para sumuko. Hindi ko hahayaang matapos ang laban nang ganito.“Caline,” marahang sabi ni Papa Corvus habang inaalalayan niya akong bumangon mula sa pagkakabagsak. Ang mga mata niya ay puno ng pag-aalala, kahit na halata sa kanya ang pagod at hirap. “You’re not done yet. We’re not done yet.”Tumango ako, kahit pa nanginginig ang mga binti ko. Hinawakan ko ang baston kong halos basag na, kaya hinayaan kong mawala na ang kape nito. “We’ll finish this, Papa,” sabi ko habang ang boses ko ay pilit na tinatapangan.Si Vorthak, na nakatayo sa harap namin, ay tumawa ng malak
Caline’s POVAng init ng gabi ay tila sumasalamin sa init ng tensyon na bumabalot sa amin. Hindi ko maialis ang kaba sa dibdib ko habang tinitingnan si Papa Corvus, na abala sa paggawa ng plano para madala si Thomas sa likod ng ospital. Alam naming hindi na si Thomas ang nasa katawan niya. Ang demonyong si Vorthak ang nagmamanipula sa pinsan ng Mama ko.Ngayon na kami nagplanong labanan siya habang ang mga demonyong nakawala sa impyerno ay tahimik at hindi pa nagpaparamdam.“Caline, this has to be precise,” sabi ni Papa, ang malamig niyang boses ay halatang puno ng pag-aalala. “Vorthak is unlike any demon you’ve faced before. He’s cunning and extremely powerful.”Tumango ako, pinipilit maging kalmado kahit na parang umaalon ang kaba sa loob ko. “I understand, Papa. Whatever it takes, we’ll end this tonight.”Habang nasa ospital, sinimulan namin ang plano. Ginamit ni Papa ang koneksyon niya sa mga staff ng ospital upang magpasimuno ng isang “emergency evacuation drill.” Habang nagkakag