“Marahil ay mamalagi ako rito nang ilang mga araw sa susunod. Siguro nama’y papayagan akong bumisi-bisita rito kahit kailan ko gusto?” Biglang turo ni Elder Lyons sa kanyang harap gamit ang kanyang tungkod. “Teka, bakit may tubig na dumadaloy?”Bumagsak ang mukha ni Wesley. Napasigaw sa gulat si Sonya.“Parang binabaha ata ang bahay.”Napansin din ito ni Wesley. Itinuon naman nito ang kanyang paningin kay Catherine. Naninigas ang kanyang itsura. “Bakit may tubig sa buong lugar?”Nauutal si Builder John. “Hindi… hindi ho namin alam. Naiwan hong nakabukas ang gripo magdamag…”Tinakpan ni Sonya ang kanyang bibig at sumingap. “Anong hindi niyo alam? Ibinigay sa inyo ang responsibilidad sa pagsasaayos nitong bahay ngunit ngayo’y sinusubukan niyong mamintang ng iba? Diyos ko po, maisasalba niyo pa ba itong bahay? Sana’y hindi tumagos ang tubig sa pader.”Idinabog naman ni Elder Lyons ang kanyang tungkod. “Anong pipitsugin na kumpanya naman ang iyong kinuha? Bilisan mo at tawagan ninyo
Hindi isang hangal si Wesley. Kagabi, biglang bumalik sa tahanan ng mga Lyons si Sonya. Pagkatapos nito, tila’y bigla na lamang nagyaya si Elder Lyons na pumunta sa kanyang villa upang makita ang pagsasaayos nito.“Miss Jones, partido ko ang may pananagutan rito at wala kayong kinalaman sa nangyari, kaya’t pwede muna kayong umuwi. Sa sandaling masuri muli ang villa, babalikan ko kayo kung gugustuhin ko pang ituloy ang pagsasaayos.” Taimtim na ipinaliwanag ni Wesley.“Masusunod. Naniniwala ako sa iyo, President Lyons. Kasabay nito, malaki rin ang simpatya ko para sayo.” Tumungo si Catherine at umalis kasama si John.Sa loob ng villa, natataranta pa rin si Elder Lyons hanggang sa nilapitan ito ni Wesley at sinabing, “Dad, ipahatid ko na kayo pauwi.”Nang makapasok na ito sa sasakyan, tumalikod ito at sinabi kay Sonya, “Sis, pakisabi kay Ethan na pumunta sa aking opisina.”Natigilan si Sonya. Gaano bang katalino itong nakababata niyang kapatid? Alam na niya agad ang lahat...Makalip
Maya-maya’y tumawag ang ama ni Ethan na galit.“Wala ka talagang kwentang anak, ano nanaman ang ginawa mo? Na pati ang uncle mo’y napuno na at inatras ng Golden Corporation ang kanilang mga pondo. Bumalik ka nga dito ngayon din!”…Kinaumagahan, nakatanggap ng tawag si Catherine mula kay Wesley.“Pwede ka ba mamaya para makasama sa tanghalian? Gusto kita kausapin tungkol sa villa.”“Sige.”“Susunduin kita gamit ang sasakyan ko,” Mahinang sinabi ni Wesley, “Baka hindi mo kasi alam ang daan papunta sa restawran.”Pumayag lamang si Catherine sa kaayusang ito.Tanghali impunto nang lumabas sa ibaba ang sasakyan ni Wesley.Pumasok si Catherine at binigyan ito ni Wesley ng isang baso ng milk tea. “Pasensya na’t napagkamalan ka pa kahapon.”Hindi gaanong kamahal ang milk tea, kung kaya nama’y hindi na nagdalawang-isip pa si Catherine na tanggapin ito.“Pagkatapos ng hamakin nang patago ng isang kamag-anak, palagay ko’y hindi rin mabuti ang iyong kalagayan ngayon, President Lyons.”
Ahhhhhhhh pinagtitripan ba siya ng langit?Gusto siya ng tiyuhin ni Ethan, ngunit pinakasalan niya ang maling tao!Punong puno pa siya ng sugat. Paano siya magkakaroon ng lakas na humantong papunta sa panibagong relasyon?“Pa… Pasensya na, Mr. Lyons. Ka… Kaibigan lamang ho ang tingin ko sa inyo.”“Mabuti na lamang kung gayon.” Pinanghinaan ng loob si Wesley, ngunit patuloy pa rin ang pagngiti nito. “Huwag kang mag-alala. Inilahad ko lamang ang aking damdamin hindi upang ibalik mo ito, kundi upang maunawaan mo ang nararamdaman ko upang maligawan kita.”Naramdaman ni Catherine na nagpintig ang ulo niya. “Ngunit wala akong intensyon na makipagrelasyon sa ngayon. Gusto ko muna ituon ang atensyon ko sa aking trabaho.”“Mahihintay kita. Sige, maupo muna tayo upang makapag-order.” Maginoong hiinila ni Wesley ang isang upuan para sa kanya.Walang nagawa si Catherine kung hindi iyuko ang kanyang ulo at ibigay ang kanyang order....Sa kanto sa labas ng bintana ng restaurant, may isang
Hindi maitatanggi na gwapo siya, ngunit kung magalit… Huwag na, nakakawala lang ng gana.Subalit, bakit siya naririto? Nagkaroon bigla si Catherine ng hudyat upang kunin ang kanyang mga dalahin at lumisan na sa lugar na iyon.“Mr. Hill, Young Master Harrison.” Tumayo si Wesley sa at kinamayan ang dalawa.Subalit nang abutin niya ang kamay ni Shaun, tinignan lamang siya nito ng kanyang mga mahahabang pilikmata.Lumipas ang ilang mga sandali at nakaramdam na ng kahihiyan si Wesley. Nang inakala niyang hindi na ibabalik ni Shaun ang pagbati nito, iniabot ni Shaun ang kanyang kamay. “Pasensya na. Wala ako sa mood ngayong araw.”Ilang beses na rin nitong nakausap si Shaun Hill noon, lalo na noong binalak niyang kuhanin si Shaun upang asikasuhin ang isang kaso tungkol sa negosyo para sa kanya. Maayos sa simula ang naging usapan, ngunit ‘di kinalauna’y ipinaalam sa kanya ng tanggapan nito na may iba siyang inaasikaso.Sa totoo lang, medyo dismayado siya kay Shaun Hill.Subalit kilala s
Makakahindi ba siya? Hindi naging madali para sa kanya ang makakuha ng reservation dito.Catherine. “...”Makakatanggi ba siya? Masyado ngang mahirap harapin ang malademonyong mukha ni Shaun.“Kayong dalawa… Parang hindi kayo masyadong natutuwa sa ideya. May naistorbo ba kami?” Tumingin sa kanila si Shaun, ang boses nito ay malalim at nanghihikayat.“Ah, hindi. Tara, maupo kayo.” Nagtanong si Wesley sa isang tauhan doon upang sila’y abutan ng menu.Ngayong may apat ng tao sa lamesa, sumikip lalo ang lugar dahil naroon pa rin ang bouquet ng mga bulaklak sa lamesa.Aabutin sana ito ni Catherine upang ilagay ang mga rosas sa kanyang tabi, ngunit mas mabilis si Shaun kaysa sa kanya at iniabot nito ang mga bulaklak sa isa sa mga tauhan. “Pakialis ito. Hindi ako hiyang sa polen.”Nagtaka si Catherine kung tama ba ang kanyang narinig. Hindi ito nakakita ng anumang reaksyon sa tuwing nag-uuwi siya ng mga bulaklak upang ilagay sa mga paso. Marahil ay sinasadya na itong gawin.“Hindi k
Pinisil ni Shaun ang sigarilyo sa pagitan ng daliri niya at humigop ng malalim. Kumalat sa lugar ang usok nang ibuga niya ito.Nilagay niya sa basurahan sa tabi niya ang upos na sigarilyo at naglakad papunta sa kanya nang may malalaking hakbang.“Sumama ka sa akin.”Hinila niya ito papunta sa kabilang gilid ng restaurant.Dinala niya si Catherine sa likod ng hallway ng mga cabinet ng mga wine.Ang ilaw sa loob ay medyo madilim at ang mukha ng lalaki ay nagpakita ng hindi maramdamang panganib nang tumingala ang babae para tignan siya.“Anong ginagawa mo?” Tinulak ni Catherine ang dibdib niya pero hindi man lang ito gumalaw.“Sa tingin mo ba papayag ako sa pinagsasasabi mo?” Hinatak ni Shaun ang kamay niya, madilim ang mukha nito. “Masaya ka ba kasama si Wesley Lyons? Nakalimutan mo bang kasal ka? Walang duda, kaya pala pinipilit mong mag divorce tayo. Nakakita ka na ng panibagong target, ‘di ba?”“Shaun Hill, mag-ingat ka sa sinasabi mo.” Nanginig sa galit dahil sa kahihiyan si
Mabilis na binaba ni Catherine ang tawag. Nang magtama ang mata nila ni Shaun, naramdaman niya namula ang buong katawan niya tulad ng kamatis.Napansin din ito ni Shaun at hindi mapaliwanag na saya ang naramdaman niya ng ilang sandali. Ang kanyang kaakit-akit na labi ay kumurba. “Masakit ang tiyan?”Sinamaan siya ng tingin ni Catherine, mas lalo siyang nahiya. “Hindi mo na ako ma-iistorbo. Sa kahit anong mangyari, kung ayaw mong madehado dahil sa akin, masusugest kong idivorce mo na ako kaagad.”“Tinatakot mo ba ‘ko?” Hinawakan siya ulit ni Shaun, sa kanyang malamig na tono. “Catherine Jones, kung madedehado mo ako, Pagbabayarin kita ng masakit na halaga.”Hindi man lang natakot si Catherine.“Alam kong abogado ka at mayroong daan-daang paraan para masira ang reputasyon ko pero wala nang silbi ‘yan sa akin. Ang reputasyon ko ay matagal nang sira at itinakda rin sa batas na bawal magtaksil sa kasal ay ilegal. ‘Di ba?“Wala naman tayong property na binili pagkatapos ng kasal kaya n