”Okay,” Sumagot si Rodney.Nang kinuha niya ang kotse, inireklamo ni Mr. Lynch, “Maliban sa baliko na personalidad ni Rodney, ang iba sa pamilyang Snow ay mabait naman. Wala silang kayabangan tulad ng mga tipikal na malalaki at mayaman na pamilya.“Tama ka talaga, Dad.” Tumango si Freya sa pagsang-ayon.Subalit, naawa si Mrs. Lynch sa kanya. “Sa totoo lang, si Carson ay mabait. Bakit hindi ka na lang sa kanya na-engage?”… ‘Di kalaunan, nagmaneho na si Rodney.Madalang kinausap ni Rodney sina Mr. at Mrs. Lynch, ngunit habang nasa daan, umaarte si Freya na spoiled sa magulang niya.Malinaw na pinapahalagahan ng pamilyang Lynch si Freya kadalasan. Parang maganda ang atmospera ng pamilyang Lynch, hindi katulad ng maliliit na lokal na pamilya na sinusubukan siya paburan sa saglit na malaman nila na mula siya sa pamilyang Snow.Umalis lang sina Freya at Rodney pagkatapos makasakay ng eroplano nina Mr. at Mrs. Lynch.Diretsong sinabi ni Rodney. “Wala akong ibang pagpipilian ngunit
“Tigilan mo na nga ‘yang kalokohan mo.” Bahagyang naaabala na si Rodney dahil sa sinabi ni Freya.“Sinasabi ko lang ang totoo.” Pagkatapos magsalita ni Freya ay tumalikod ito at tumawag ng cab.“Ayaw mo bang ihatid na lang kita?” Biglang sabi ni Rodney.“Hindi na ako maglalakas-loob pa. Masyado kang marangal, baka mamaya’y kung saan-saan mo na lang ako ipatapon.” Agad na pumasok si Freya ng sasakyan matapos niyang sabihin ang mga salitang iyon.Natahimik si Rodney sa loob ng ilang sandali. Hindi umayon sa kanyang plano ang lahat.Naisip niyang guguluhin siya ni Freya, dahil sino ba naman ang tatanggi sa 10 percent ng mga share ng Snow Corporation?Sandali nga, nakalimutan ata niyang abisuhan ang babaeng uminom ng contraceptives.Makalipas ang limang minuto ay lumabas si Freya ng sasakyan, at ang una niyang nakita si Rodney na siyang nakatayo sa may community gate.“Ano naman ang gusto mo ngayon?” Umasim ang kalooban ni Freya sa sandaling nakita niya ang lalaki.“Inumin mo ‘to.
… Kinagabihan ay naganap ang business banquet.Nakatayo si Shaun sa may open-air balcony. Sa ilalim ng kalangitan, nasa kanyang kamay ay isang baso ng alak.Nakatingin sa mga bintana ang kanyang malalalim at nalulumbay na mga mata, nakatingin sa makinang at nakahihindik na pagtitipong nagaganap sa loob.Hindi sana siya pupunta kung hindi lamang niya matagal nang partner sa negosyo nang ilang taon ang host nito.Hindi siya interesado sa mga ganitong pagtitipon.Kung wala lamang nangyari sa kanila ni Catherine ay marahil sinamahan siya nito sa pagtitipon. Kapag kasama niya ito’y hindi ganitong nakayayamot ang mga pagtitipon.Marahil ay naparami siya ng ininom, ngunit napuno ng mga masasamang palaisipan ang utak ni Shaun.Gusto niya na muling makasama ang babae. Gusto niya itong yakapin nang mahigpit at halikan ang kamay nito.Nang biglang may lumabas na isang lalaki at babae. “Hubby, bakit mo nga pala naitanong sa akin ang contact number ng Nebula?”“Dahil kay Wesley Lyons ng
Sa ikalawang palapag na bintana ng villa ay sinubukang umakyat ng maliit at maliksing katawan ni Lucas. Lumingon ito sa ibaba. “Mommy, nasa gate nanaman po si Shaun.”Napapadalas sa mga nakalipas na gabi ang pagpapahinto ni Shaun ng kanyang sasakyan sa harapan ng family villa ng mga Yule, at kung minsa’y aalis lamang siya kapag umaalis na si Catherine upang pumasok.Nasanay na rito si Catherine.“Huwag mo siyang pansinin. Matulog ka na.”Ibinuhat ni Catherine si Lucas pababa ng upuan sabay baba ng mga shutter ng bintana sa takot na makikita ng mga matatalas na mga mata ni Shaun si Lucas.“Mommy, kung palagi po siyang nandito, ano na lang po ang mangyayari kapag nalaman niyang ikakasal na po kayo kay Uncle Wesley?” Nag-aalalang sinabi ni Lucas.“Hindi niya iyon malalaman. Kapag dumating na ang oras, ipadedeklara ko sa kumpanya na aalis ako ng ilang araw para sa isang business trip.” Hinaplos ni Catherine ang ulo ng kanyang anak. “Lucas, wala bang problema sa iyo kung… ikakasal na
“...Sige.” Sabi niya,Matapos paliguan ng nanny si Suzie noong gabing iyon ay niyakap niya ito hanggang sa makatulog ito.Bagama’t hindi siya nakakakuha ng matinong tulog nitong mga nakaraang araw, hindi rin naman siya makatulog kahit na humiga pa siya.Subalit hindi niya inaasahang haharap sa kanya si Suzie, patungo sa kanyang dibdib, dahil hindi rin ito makatulog. “Uncle…”Marahan niya itong tinignan. “Hm? Bakit?”Maasim ang pakiramdam ng puso ni Suzie. Alam niyang ito ang kanyang tunay na ama, kaya’t hindi niya masabing ikakasal na ang kanyang Mommy sa kanyang Uncle Wesley sa loob ng isang linggo.Mabait sa kanya ang kanyang Uncle Wesley, ngunit kaawa-awang tignan sa mga sandaling iyon ang kanyang walang kwentang ama. Kinamumuhian niya ito noon, ngunit lumambot ang kanyang puso nitong mga nakaraang araw. Napakabait niyang bata,“Uncle, sa susunod na linggo… ilalabas po ako ni Daddy ng ilang araw upang maglaro.” Sa huli’y hindi mapigilan ni Suzie na paalalahanan si Shaun.“Ma
Walang imik si Hadley at palihim na nag-isip mag-isa na alam ng maliit na Suzie kung paano durugin ang magulang niya.Kung malaman ni Ms. Jones ang taktikang ito, baka mabaliw siya.“Sige. Aalamin ko.”Wala nang magawa si Hadley kundi tawagin ang mga tao s Perth. Ngunit, nalaman niyang walang record si Catherine ng pananatili ni Catherine sa hotel.Meron bang private residence si Ms. Jones doon?Sumunod niya namang tinawagan ang airport at nalamang wala ring record ng flight si Ms. Jones patungong Perth. Namanhid ang ulo niya nang kaunti. Bakit pumunta si Ms. Jones ng Melbourne ngayon at sinabing paapunta siya ng Peth para sa business trip? May lihim ba siyang ginawa sa Melbourne, at ang rason niya ay itago ito sa Eldest Young Master?Isiping mabuti, malaki ang posibilidad.Nang iniisip niya, tumawag si Shaun. “Nakapag book ka na ba ng ticket?”“Hindi, wala… wala aakong nahanap na bakas ni Ms. Jones sa Perth. Baka mayroon siyang private residence doon.” Kaagad na pagdedesisyo
Hindi mapakali si Shaun sa hula niyang biglang ikakasal si Catherine sa ibang tao. Sabay nanikip ang dibdib nito dahil sa iniisip nito, sobrang sakit na hiniling na patay siya. Lumalabas na ang nararamdaman niya para sa babae ay mas malalim sa naisip niya.Mas gugustuhin niyang sirain ang lahat kaysa magpakasal ito sa iba.Habang iniintay na makapunta ito sa kanya, pilit niyang tinatawagan si Catherine, pero hindi ito matawagan.............Sa kabilang bansa, sa Hill Corporation, nang marinig ni Hadley na apurado si Shaun na makakuha ng private jet, nag dalawang isip niya ng matagal bago hindi mapakaling tinawagan si Catherine.“Hadley, anong problema?”Ngumiti ng mapait si Hadley nang marinig ang boses ni Catherine. “Ms. Jones, bakit ka pumuslit papunta sa Melbourne? Nagpanik siya at nagpa ayos ng private jet para pumunta sa’yo.”“Bam.”Freya, ang bridesmaid sa tabi ni Catherine, ay nagulat sa pagbagsak sa lapag ng high heels.“Hadley, ikakasal ako ngayon.” Mahinang sabi n
“Oh, naiintindihan kita. Kinailangan mo lang pukawin ang pinakamayamang lalaki sa bansa.” buntong hininga ni Freya. “ Hindi niyo na nga siya matanggal sa mga buhay niya at paraang siya lang ang may karapatang magkagusto sa’yo tapos hindi mo rin siya pwedeng hindi-an.”Malalim na pagkasuklam ang makikita sa mata ni Catherine habang nakikinig siya.Ayaw niya sa lalaking hindi alam pahalagahan ang iba tulad ni Shaun Hill.Kung makakabalik lang siya, hindi niya gugustuhing makilala si Shaun.............11:00 a.m.Ang kamag anak ng pamilyang Lyons ay isa-isang kinita ang bride.Nilagay ni Catherine ang high heels niya at tumayo, saka nakita si Sonya Luones, Ethan Lowe at Tracy Steele na sabay naglalakad.Habang iniisip. Ilang taon na simula ng nakita niya si Ethan. Noong taon na ‘yun, umalis siya ng Melbourne, kinailangan ni Ethan gawing nobya si Tracy para matulungan ang pamilyang Lowe, at hindi na sila naghiwalay pagkatapos noon.“Catherine, matagal-tagal na tayong hindi nagkit